All Chapters of MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]: Chapter 51 - Chapter 60

315 Chapters

51.

“Ma’am Erza, hanggang ngayon ay nagmamatigas parin siya at mas pinili na hindi kumain.“ Sumbong ng kasambahay na inutusan niya dalhan ng makakain ang anak niyang si Apol. Bumuntonghininga si Erza. Wala siyang magawa kundi ang mag utos nalang sa iba dahil hindi siya pwedeng lumabas ng sariling kwarto para puntahan si Apol. Si Gervin ang dahilan kung bakit nalaman ng asawa niya na buhay ang anak nilang si Apol. Nang malaman ni Marjo na si Apol ang anak nila at inilihim niya ang katotohanan na buhay pa ito ay sinaktan siya nito at ikinulong sa kwarto nila. “Aling Erwina, ang anak ko, ikaw na ang bahala na mag asikaso sa kanya. Ibigay mo lahat ng kailangan niya… Gusto ko man na puntahan siya ay hindi maaari dahil sigurado na ibabalik lang ako ng mga bantay.” Gusto man niya tulungan ang anak ay hindi niya iyon magagawa sa ngayon. “Huwag kang mag alala, ma’am Erza, ako na ang bahala sa anak mo. Mabuti pa ay magpahinga ka para maghilom ang mga pasa at sugat mo sa katawan.” May pag aalala
Read more

52.

“May araw ka rin sa aking aso ka!” Nanggalaiting banta ni Gervin. “Sa oras na magkaro’n ako ng pagkakataon ay ako mismo ang papatay sa’yo!”Sinundan ni Johnson ng tingin ang papalayong si Gervin. Isa ito sa misyon ng binata— Ang siguraduhin na ligtas ang kapatid niya. Samantalang nakikinig lang si Apol sa dalawang lalaki habang nakadikit ang tenga sa pinto habang nakapatong siya sa aparador na hinarang niya rito.Isang linggo na rin mula ng dalhin siya rito sa lugar na ‘to. Walang gabi siyang lumuluha. Naninikip ang dibdib niya sa sobrang sakit. Namatay ang mga kaibigan niya, naiwan pa niya na nag aagaw buhay ang asawa niya. Gabi-gabi siyang nananaginip na iniwan na raw siya ng asawa niya… nasa impiyerno na raw ito at tinatawag siya.Pinahid niya ang pawis at luha. Nakakaiyak dahil hindi niya alam kung ano na ba lagay ni Xerxes. Pero pinagpapawisan siya kapag napapanaginipan niya na nasa impiyerno ito.‘Nakapagtataka nga naman kung sa langit ito mapupunta.’ Tinapunan niya ng tingin a
Read more

53.

[Apol]Kanina pa nagsimulang kumain si Gervin. Napansin niya na panay ang tingin nito sa kanya. Kung dati ay baka matuwa pa siya, ngayon ay nasusuklam siya. Hindi siya masamang tao— Pero sa mga oras na ‘to ay wala siyang ibang gusto kundi ang patayin ito. Totoo pala talaga na nagbabago ang mga tao depende sa naranasan nila. Lumipas na ang isang oras subalit hindi niya nakita ang nanay niya. Hindi na nga siya nito hinarap at kinausap no’ng nagkita sila. Maging dito ba naman ay ayaw siya nitong harapin?Dumilim ang mukha niya ng makita ang lalaking hindi niya makakalimutan ang mukha. Sa sobrang galit niya ay binato niya ito ng baso, pero dahil may posas ang kamay niya at nahirapan siyang bumato ay tumama ang baso sa mukha ni Gervin.“Púta!” Daíng ni Gervin.Hindi niya ito pinansin dahil nakatuon lang ang atensyon niya sa lalaking kadarating lang. Ito ang bumaril sa asawa niya!“Walanghiya ka! Ikaw ang bumaril sa asawa ko! Papatayín kita!” Nagsimulang mangilid ang luha niya. Maghalong
Read more

54.

Hindi mapakali si Marjo habang naghihintay kay Mr. Choi dala ang magandang balita na sigurado siya na magugustuhan nito. “Boss, nari’yan na si Mr. Choi!” Imporma ni Bogard sa amo.Tumayo si Marjo para salubungin ang kasosyo. “Mr. Choi, nagkita rin tayo pagkatapos ng ilang buwan!” Ngumisi ang koreanong matanda. “Ikaw tawag, ibig sabihin may maganda balita ka sasabihin? Ano ‘yon?”Mas lalong lumaki ang ngisi sa labi ni Marjo. “Matutuloy na ang pagiging magbalae natin. Nakita ko na nag anak ko. Matutuloy na ang kasal na matagal na nating plano para sa anak natin! Hindi ba’t magandang balita!” Nagliwanag ang mukha ni Mr. Choi. “Maganda balita nga, Marjo! Lalo titibay mga negosyo natin at lalawak kapangyatihan natin!” Sumenyas ang matanda upang tumawag ng waiter. “Dalan mo kami malami alak dahil kami ngayon magceceleblate ng balae ko!” Bulol pa nitong utos.Tuwang-tuwa si Marjo dahil maisasakatuparan na niya ang matagal na niyang plano. Hindi na nito binanggit kay Mr. Choi ang tungkol sa
Read more

55.

Panay ang tulo ng luha ni Miss Carol habang nakatingin sa mga libingan ng mga katulad niyang tauhan ng pamilya Helger. Karamihan sa mga nasawi ay ang mga tauhan na hindi marunong gumamit ng armas, o baril. Katulad nila Karlo.“Tumahan ka na, Carol. Wala na tayong magagawa pa. Masyado akong naging kampante na hindi magta-traydor ang anak ni Gerry sa pamilya namin. Kung nakinig lamang sana ako kay Xerxes.” Wika ni Axel. Pinabulaanan na siya ng kanyang apo subalit hindi siya naniwala at nakinig. Akala niya ay pinagseselosan lamang ito ng kanyang apo.“N-Ngayon lamang nangyari ang bagay na ito pagkalipas ng labing pitong taon. Hindi ko man lang nailigtas ang mga kaibigan ni Mrs. Helger, tiyak ako na napakalungkot niya ngayon. Nag aalala ako kung maayos ba ang lagay niya ro’n… kamusta na kaya sila doon ni Xerxes?” Hindi mapigilan ni Axel ang mag alala kay Apol. Para sa kanya ay parang apo na rin niya ito. Nang una niya itong makilala ay nagustuhan agad niya ito. Nahulaan din niya na espes
Read more

56.

[Apol]Akala niya katulad ng mga napapanood niya sa mga korean nobela ay gwapo, matangkad at mukhang mabango ang anak ng kasosyo ng ama niya pero hindi pala.Sa sobrang pandak ng lalaki mukhang hanggang kilikili lang niya ito. Sobrang puti pero mukhang puro an-an ang balat. Sa sobrang liit ng mata hindi siya sigurado kung nakakakita pa ba ito. Parang maliit na butlig lang na tumubo ang ilong nito sa mukha, tapos ang labi nito ay napakapula pero napakaliit din na parang lollipop lang ang kasya.“Hi, my name is Roi ming ho— hey, ayot ka lan ba?” Nag aalalang tanong nito ng masamid siya.“Ah ayot lan ako.” Natuptop niya ang bibig. Pati siya nabubulol makipag usap sa lalaking ‘to. Nakakahawa pala maging bulol.Kasasabi lang niya kanina na kakain siya ng marami para hindi na kung ano-ano ang nakikita niya pero mukhang hindi siya makakakain ng maayos dahil katabi niya si Kulane. Sumisigid talaga sa kanyang ilong ang natural na amoy nito. Mukha lang itong mabantot dahil sa balat nito pero kun
Read more

57.

Sumama ang tingin ni Apol ng makita sina Johnson at Gervin. Ano pa ba ang ginagawa ng doktor na ‘to rito? Araw-araw nalang sira ang araw niya dahil sa mukha ng dalawang ‘to.“Magandang umaga, Apol!” Masiglang bati ni Roi, ang pangalan ng lalaking papakasalan niya, ang anak ni Mr. Choi. “Maganda ang giting ko dahil itaw ang una tong nakita.” Ngiting-ngiti na wika ni Roi habang nakatingin kay Apol.Lihim na napangiwi si Apol. Buti pa ito maganda ang gising, samantalang siya napakasama ng umaga niya dahil tatlong peşte ang nakita niya.Tumalim ang mata ni Gervin ng hinawakan pa ng lalaking koreano ang kamay ni Apol. Nang akmang hahalikan ni Roi ang kamay ni Apol ay nadulas si Kulane kaya tumama ang paa nito sa paa ni Roi dahilan para madulas din ito.Natuptop ni Apol ang labi at nag aalalang nilapitan ang lalaki. “Naku naman, Kulane. Nag iingat ka dapat!” Aniya habang inaalalayan si Roi na tumayo. “Ayos ka lang ba, Roi?” Kunwari ay nag aalalang tanong ni Apol. Kailangan niyang magpakita n
Read more

58.

Nanlaki ang mata ni Apol ng hilahin siya sa kamay ni Kulane. Nang maipasok siya nito sa kwarto niya ay isinandal siya nito sa likod ng pinto. Magpupumiglas na sana siya ng alisin nito ang shades dahilan para mapatulala siyang nakatitig sa isa nitong mata.Hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit tila hinihipnotismo siya ng kulay itim nitong mata habang ang mainit na katawan nito na nakadikit sa kanya ay pamilyar ang init, pang nakayakap na niya ito noon.‘Hindi siya ang asawa mo, Apol!’ Kastigo ng isip niya. “Kulane, mabuti pa ay bitawan mo na ako. Hindi ko alam kung bakit iba ang kinikilos mo. Wag mo sana kalilimutan na ako ang amo mo, h-hindi ka dapat tumitingin sa akin ng ganyan.” Nakaiwas na ang tingin na sabi niya. “Lumabas ka na muna, mabuti pa ay iwan mo muna ako na mag isa.” Nakahinga siya ng maluwag ng umalis na si Kulane. Ang tanġa mo, Apol! Bakit attracted ka sa mata at amoy ng ibang lalaki! Para ka na rin nagtaksil! Pangongonsensya niya sa isip niya.Hindi siya
Read more

59.

Tinaon ni Gervin na wala si Marjo at ang mga tauhan nito ng lapitan niya si Roi. "Mr. Choi, mukhang nag-eenjoy ka sa pagtira dito dahil kay Apol. Do really like her?" Tumingala si Roi kay Gervin. "Sino ka nga ulit? Ikaw ba ang isa sa anak ni Marjo?" Kunwari ay napakamot sa ulo si Gervin bago umiling. "Hindi ako ang anak niya kundi si Johnson. Isa lang ako sa tapat na mga tauhan niya. Maiba tayo, mukhang malakas ang tama mo kay Apol. Sabagay, masisisi, maski ang lider ng Black Diamond Mafia Organization ay nagkagusto sa kanya. Ikaw pa kaya?" Natigilan si Roi sa sinabi ni Gervin na ikinangisi nito ng lihim. "Sige, aalis na ako dahil may gagawin pa pala ako." Paalam ni Gervin. Sinadya nito na banggitin ang bagay na 'yon kay Roi para magtaka at magduda ito hanggang sa malaman nito na asawa na ni Xerxes si Apol. Kailangan na ito mismo ang umatras sa kasal para maisakatuparan ang kanyang plano. Nang makaalis si Gervin ay kinuha ni Roi ang cellphone at saka tinawagan ang ama. "Dad, naban
Read more

60.

[Apol]Kanina pa niya hinahanap si Kulane pero hindi niya ito makita. Napansin niya na madalas itong mawala. Saan kaya nagpupunta ang lalaking ‘yon? Mahigpit na bilin ng kanyang ama na bawal siyang lumabas nang walang bantay kaya naman kahit gusto niyang lumabas ay hindi maaari. Saka nagkalat ang mga bantay, baka mahuli siya kapag lumabas siya ngayon.Mabilis na naupo siya ng magising. Nakatulog siya sa kahihintay kay Kulane. Tumayo siya at pumasok ng bathroom, ihing-ihi na kasi siya. Gano’n nalang ang tili niya ng pagbukas ng banyo ay tumambad sa kanya si Kulane na nakahubâd.“Ano ba?! Hindi ka ba marunong maglock ng pinto? Saka bakit dito ka nakiki-banyo sa kwarto ko?!” Handa na sana siyang dakdakan pa ito ng bunganga niya ng mapatingin siya sa dibdib nito.May tattoo…Walang pilat? Teka, ang sabi nito sa kanya ay buong katawan nito ang may pilat? Pero sa nakikita niya ngayon ay wala. Nagsisinungaling ito? Nang tumalikod ito sa kanya ay nakita niya ang maputi nitong pwèt na wala rin
Read more
PREV
1
...
45678
...
32
DMCA.com Protection Status