🫶
Nanlaki ang mata ni Apol ng hilahin siya sa kamay ni Kulane. Nang maipasok siya nito sa kwarto niya ay isinandal siya nito sa likod ng pinto. Magpupumiglas na sana siya ng alisin nito ang shades dahilan para mapatulala siyang nakatitig sa isa nitong mata.Hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit tila hinihipnotismo siya ng kulay itim nitong mata habang ang mainit na katawan nito na nakadikit sa kanya ay pamilyar ang init, pang nakayakap na niya ito noon.‘Hindi siya ang asawa mo, Apol!’ Kastigo ng isip niya. “Kulane, mabuti pa ay bitawan mo na ako. Hindi ko alam kung bakit iba ang kinikilos mo. Wag mo sana kalilimutan na ako ang amo mo, h-hindi ka dapat tumitingin sa akin ng ganyan.” Nakaiwas na ang tingin na sabi niya. “Lumabas ka na muna, mabuti pa ay iwan mo muna ako na mag isa.” Nakahinga siya ng maluwag ng umalis na si Kulane. Ang tanġa mo, Apol! Bakit attracted ka sa mata at amoy ng ibang lalaki! Para ka na rin nagtaksil! Pangongonsensya niya sa isip niya.Hindi siya
Tinaon ni Gervin na wala si Marjo at ang mga tauhan nito ng lapitan niya si Roi. "Mr. Choi, mukhang nag-eenjoy ka sa pagtira dito dahil kay Apol. Do really like her?" Tumingala si Roi kay Gervin. "Sino ka nga ulit? Ikaw ba ang isa sa anak ni Marjo?" Kunwari ay napakamot sa ulo si Gervin bago umiling. "Hindi ako ang anak niya kundi si Johnson. Isa lang ako sa tapat na mga tauhan niya. Maiba tayo, mukhang malakas ang tama mo kay Apol. Sabagay, masisisi, maski ang lider ng Black Diamond Mafia Organization ay nagkagusto sa kanya. Ikaw pa kaya?" Natigilan si Roi sa sinabi ni Gervin na ikinangisi nito ng lihim. "Sige, aalis na ako dahil may gagawin pa pala ako." Paalam ni Gervin. Sinadya nito na banggitin ang bagay na 'yon kay Roi para magtaka at magduda ito hanggang sa malaman nito na asawa na ni Xerxes si Apol. Kailangan na ito mismo ang umatras sa kasal para maisakatuparan ang kanyang plano. Nang makaalis si Gervin ay kinuha ni Roi ang cellphone at saka tinawagan ang ama. "Dad, naban
[Apol]Kanina pa niya hinahanap si Kulane pero hindi niya ito makita. Napansin niya na madalas itong mawala. Saan kaya nagpupunta ang lalaking ‘yon? Mahigpit na bilin ng kanyang ama na bawal siyang lumabas nang walang bantay kaya naman kahit gusto niyang lumabas ay hindi maaari. Saka nagkalat ang mga bantay, baka mahuli siya kapag lumabas siya ngayon.Mabilis na naupo siya ng magising. Nakatulog siya sa kahihintay kay Kulane. Tumayo siya at pumasok ng bathroom, ihing-ihi na kasi siya. Gano’n nalang ang tili niya ng pagbukas ng banyo ay tumambad sa kanya si Kulane na nakahubâd.“Ano ba?! Hindi ka ba marunong maglock ng pinto? Saka bakit dito ka nakiki-banyo sa kwarto ko?!” Handa na sana siyang dakdakan pa ito ng bunganga niya ng mapatingin siya sa dibdib nito.May tattoo…Walang pilat? Teka, ang sabi nito sa kanya ay buong katawan nito ang may pilat? Pero sa nakikita niya ngayon ay wala. Nagsisinungaling ito? Nang tumalikod ito sa kanya ay nakita niya ang maputi nitong pwèt na wala rin
[Apol]Halos magbukas-sara ang ilong niya dahil sa inis ng iwan siya ng asawa niya. Oo, alam niyang si Xerxes si Kulane. Mula sa taas, pangangatawan, sa boses, sa mata, sigurado siyang ito ang asawa niya. Akala niya ay nababaliw na siya dahil nakikita niya rito ang asawa niya, pero ito pala talaga ang asawa niya. Naka-disguise man ay nakilala ito ng puso niya.Napatunayan niya iyon dahil sa tatto nito sa dibdib. Tumatawang niyakap niya ang kamay na humawak sa katawan nito kanina. “Akala ko talaga hubby nagkita na kayo ni San Pedro pero hindi pa pala. Sabi na eh, imposibleng mamatay ka ng gano’n-gano’n lang.” Pinahid niya ang luha na hindi niya namalayan na tumulo pala. Hindi ito luha ng kalungkutan, kundi luha ng kaligayahan. Walang pagsidlan ang tuwa sa puso niya dahil alam niyang buhay ito at kasama niya.Muli siyang napabusangot ng maalala na iniwan lang siya nito kanina. Hindi tumalab rito ang pang aakit niya!Iyon ang ikinasasama ng loob niya!Hindi ba siya nito namiss? Hindi
[Apol]Naningkit ang mata niya ng makita si Xerxes na may kausap itong babae. Sino ito? Mukhang hindi ito isa sa mga kasambahay dito sa mansion. Nakasuot ito ng maikling blue skirt at sleeveless white shirt. Lagpas tenga ang haba ng kulay pula nitong buhok. Maganda ito— Magandang ipakain sa mga pating.“Ma’am Apol!” Humahangos na tawag sa kanya ng babaeng bantay niya. “Ang bilin ng daddy mo bawal kang lumabas ng kwarto—“Natahimik ito ng makita na hindi maganda ang kanyang mood. Lumapit siya sa dalawa. “Hoy, Kulane. Aba, kaya pala hindi ka na bumalik dahil may babae ka palang kasama.” Tiningnan niya mula ulo hanggang paa ang babae. Hindi kagandahan. Pula ang buhok, mukhang manok na pula ang dating… flat ang dibdib, walang pwét, malaki ang mata, makapal ang nguso.Tinaasan siya ng kilay ng babae. “Excuse me ha, sino ka ba?” Humarap ito kay Kulane at nag-sign langguage, pagkatapos ay saka ito muling tumingin sa kanya. “Huwag mo nga kaming istorbohin ng nobyo ko—““Ano?!!!!” Nanlalaki a
Lihim na kumuyom ang kamao ni Xerxes ng makita kung paano pagtinginan ang asawa niya. Maikli lamang ang suot ni Apol kaya kita ang makinis nitong hita, sa tuwing hakbang nito ay sumasabay ang balakang nito sa bawat paggalaw.Nagliwanag ang mukha nito ng makita si Roi. “Roi, aalis na ba tayo?”Muntik nang mapamura si Xerxes sa narinig. Aalis? The fvck! Saan pupunta ang asawa niya? Nang dumating si Gervin ay hindi nakaligtas sa kanyang mata ang paghanga sa mata nito habang panakaw-nakaw na sumusulyap kay Apol.Mabilis ang bawat hakbang na umalis si Xerxes at nagpunta ng bathroom. He immediately send a message on his people outside the mansion.‘Sundan mo ang kotse kung saan nakasanay ang asawa ko at bantayan mo siya! Siguraduhin mo lang na hindi mapapahamak ang asawa kundi ay papatayin talaga kita!’ Utos niya. Damn! Hindi siya papayag na mai-date ng ibang lalaki ang asawa niya! Dahil kabisado na niya ang mga daan sa buong lugar at karamihan na sa mga tao rito ay tauhan niya ay nagawa ni
[Apol]Tatlong araw na ang nakalipas mula nang umalis ang mag amang Choi. Hindi na nagpakita pa si Xerxes. Walang kabuhay-buhay na naglalad siya kasama si Daniela pabalik sa kwarto niya. “Ma’am Apol, parang ang tamlay mo, hindi ka rin kumain ng maayos. Masama ba ang pakiramdam mo? Gusto mo ba gawan kita ng tea?” Nang tumango siya ay agad na umalis ito. Mukhang kampante na ito na hindi siya tatakas. Iniisip marahil nito na takot siya sa ama niya.Siya matakot sa matandang kokey na ‘yon? Mas matatakot pa siya sa multo nila Ester at Rima, eh.Ano kaya ang ginagawa ng asawa niya ngayon? Subukan lang talaga nitong haluan ng landian ang plano, malilintikan talaga ito sa kanya.Naningkit ang mata niya nang makita si Jem. Agad niya itong nilapitan at tinanong. “Si Kulane?” Tanong niya. Napansin niya na nagpapalinga-linga ito sa paligid. “Hinahanap ko rin siya. Tatlong araw na kasi siyang hindi nagpapakita sa akin.” Magalang na sagot nito bago umalis. Simula nang malaman nito na anak siya ni
“Dalian niyo at wag kayong babag-bagal! Bayad ang serbisyo niyo kaya gawin niyo ng maayos at mabilis ang trabaho niyo!” Nagmamadaling sumunod sa utos ni Gervin ang inupahan nitong kalalakihan sa takot rito.Tinaon ni Gervin na wala ang mag amang Marjo at Johnson para magawa ang plano niya. Karamihan sa mga tauhan ni Marjo ay wala nang malay ngayon dahil sa inilagay niyang gamot sa pagkain na niluto ng chef kanina, magigising ang mga ito pagkalipas ng tatlong oras, kaya kailangan niyang magawa ang plano bago pa magising ang mga ito. Palalabasin lang niya na tumakas si Apol nang sa gano’n ay hindi rin siya malagay sa alanganin.Napangisi si Gervin. Masyadong tiwala si Marjo sa kanya. Mukhang kinakalawang na ang utak nito ngayong tumatanda na kaya naging tanġa na ito.“Sir Gervin, wala si ma’am Apol sa kwarto niya!” Imporma ng tauhan niya.“Umalis ka nga di’yan!” Tinulak ni Gervin ang tauhan niya para pumasok sa kwarto ni Apol. “Púta, hanapin niyo!” Singhal niya sa mga ito. Tumawag lang k