Thank you po sa support!
“Dalian niyo at wag kayong babag-bagal! Bayad ang serbisyo niyo kaya gawin niyo ng maayos at mabilis ang trabaho niyo!” Nagmamadaling sumunod sa utos ni Gervin ang inupahan nitong kalalakihan sa takot rito.Tinaon ni Gervin na wala ang mag amang Marjo at Johnson para magawa ang plano niya. Karamihan sa mga tauhan ni Marjo ay wala nang malay ngayon dahil sa inilagay niyang gamot sa pagkain na niluto ng chef kanina, magigising ang mga ito pagkalipas ng tatlong oras, kaya kailangan niyang magawa ang plano bago pa magising ang mga ito. Palalabasin lang niya na tumakas si Apol nang sa gano’n ay hindi rin siya malagay sa alanganin.Napangisi si Gervin. Masyadong tiwala si Marjo sa kanya. Mukhang kinakalawang na ang utak nito ngayong tumatanda na kaya naging tanġa na ito.“Sir Gervin, wala si ma’am Apol sa kwarto niya!” Imporma ng tauhan niya.“Umalis ka nga di’yan!” Tinulak ni Gervin ang tauhan niya para pumasok sa kwarto ni Apol. “Púta, hanapin niyo!” Singhal niya sa mga ito. Tumawag lang k
Walang pag aatubiling isinaksak ni Xerxes ang patalim sa katawan ni Roi, ang nag iisa at natitira na lamang na miyembro ng pamilyang Choi. Kutsilyo ang pinili niya na gamitin para mas madama nito ang sakit bago ito mamatay.“Achkkk!” Huling unġol ni Roi sa matinding sakit nang mas ibaon pa ni Xerxes ang kutsilyo sa tagiliran nito. Alam ni Xerxes ang tunay na plano ni Roi— Iyon ay gawing parausan si Apol kasama ng mga kapatid nito sa oras na maikasal na ito sa asawa niya. Ito ang gawain ng mga magkakapatid na Choi. Ginagawang sex slave ang sarili nilang mga asawa ng kanilang angkan.“Mr. X,“ Lumapit si Lomer sa amo at yumukod. “Naubos na natin ang lahat ng tauhan at miyembro ng pamilya nila. Nalipol na namin ang lahat ng bangkay sa paligid. Ito na ang huling base na mayro’n ang mga Choi. Babalik na ba tayo sa Pilipinas?”Tinulak ni Xerxes ang katawan ni Roi na wala nang buhay sa ibabaw ng mga tauhan nito na isa na ring malamig na bangkay. Pinilig ni Xerxes ang ulo. He looked like a m
[Apol]Bago pa makarating ang mga tauhan ni Gervin ay itinali niya ang kamay at paa nito, maging ang bibig nito ay binusalan niya. Saka niya hinila ang katawan nito sa banyo. Hindi naman kasing laki ng hubby niya ang katawan nito, kaya hindi siya nahirapan na hilahin ito. Ang akala ng mga tauhan ni Gervin ay nauna na ito kaya agad na umalis ang mga ito nang hindi man lang tiningnan ang banyo.“Hmmp! Hmmp!” Nilagay niya ang isang palad sa tenga. “Ha? Ano? Hindi kasi kita maintindihan.” Mahina siyang natawa. “Ay oo nga pala may busal ka, hehe.” Ibalis niya ang kapunit ng damit ni Daniella na nilagay niya sa bibig nito.“Apol, listen to me, wag mo itong gawin. Hindi ka masamang tao kagaya ng asawa mo—““Shhh, hindi kita tinatanong kaya wag kang magsasalita.” Tinapat niya ang baril sa bunganga nito. “Sige ka, baka sumabog ang dila mo kasama ang utak mo dito sa banyo. Ikaw rin, hindi lang kamay ang mawawala sa’yo.” Pananakot niya.Kung makapagsalita ito na masamang tao ang asawa niya ay ak
Nanginginig si Apol iyon ang totoo. Nagsisinungaling siya iyon ang totoo. Pinapaniwala niya ang sarili niya na tama ang ginawa niya, na nararapat lang na manakit nang taong may atraso sa’yo. Pero hindi ba mali ito? Saglit niyang nilingon si Gervin, mukhang wala na itong buhay. Kung patay na nga ito, ibig sabihin at nakapatay na siya ng tao… Pumatay siya nang tao! Wala na siyang pinagkaiba rito. Nawala ang ngiti sa labi niya nang maramdaman ang pagyakap sa kanya ni Xerxes. “Stop pretending that you didn’t feel guilty, wife. Maybe you’re smiling but I can see it in your eyes that you are scared and remorseful.” Nanigas ang katawan niya. “B-Bakit nga ako makokonsensya, m-masamang tao din naman siya, inatay niya ang mga kaibigan ko kaya dapat ko siyang patayín, buhay niya ang kabayaran sa buhay na ninakaw niya.” Garalgal ang tinig na tanggi niya. Natigilan siya. Bakit nga pala nakalimutan niya na mas masamang tao ang lalaking nakayakap sa kanya… na isang Mafia boss ang asawa ni
Nag aalalang lumapit si aling Erwina kay Apol ng makita ito. “Bakit narito ka? Dapat ay nasa ligtas na lugar ka na ngayon! Masyado nang magulo ang lugar at nagpapatayán na ang lahat! Sumama ka sa akin dadalhin kita sa’yong ina— ma’am Apol!” Tawag nito sa kanya ng tumakbo siya.Kailangan niyang makita ang asawa niya— Nanlaki ang mata niya ng makita si Johnson, nagpapalinga-linga ito sa paligid habang may hawak itong baril. Hindi kaya hinahanap nito ang asawa niya para saktan muli?Naalala niya kung paano nito barilin ang asawa niya. Naalala niya kung paano bumagsak ang duguang katawan ng asawa niya na parang wala nang buhay sa mismong harapan niya. Hindi siya mamatay tao, iyon ang gusto niyang iukit sa utak niya, hindi na siya mananakit… pero sa sobrang galit niya ngayon ay naninikip ang dibdib niya.“Ate Apol—“ Natigil sa pagsasalita si Johnson ng makita si Apol na may hawak ng baril at nakatutok sa kanya.“S-sabi ko naman sa’yo diba, wag mo akong tatawagin na ate dahil hindi kita kap
[Apol]Dahil lubhang delikado ay dinala siya ni Johnson sa isang storage room. “Ligtas ka dito, ate Apol. Sigurado ako na hindi magpupunta ang mga tauhan dito ni dad.” “Teka, Johnson, hindi ako pwedeng manatili dito. Gusto kong makausap ang asawa ko, gusto ko siyang makita.” Hindi niya mapigilan ang maluha ng maalala ang nasabi niya. “G-Gusto kong humingi ng tawad sa kanya… k-kasi baka mamaya ay damdamin niya ang sinabi ko tapos mabaril siya dahil kakaisip do’n… ayoko pang ma-biyuda! Mahal na mahal ko siya, t-tanggap ko na kahit na gaano pa siya kasama…” Nang dumilat siya ay nakita niyang nakangiwi ang kapatid niya. “Ang nginingiwi-ngiwi mo di’yan? Gusto mo barilin kita?” Pumalatak ito. “Alam mo, pareho na kayong mag asawa na nakakatakot! Saka imposibleng mamatay ang asawa mo, kanang kamay kaya ni Lucifer— Joke lang hehe, ikaw naman binibiro lang kita!” Namumutlang bawi nito ng kasahan niya ito ng baril.“Sige na samahan mo na akong hanapin ang asawa ko.” Napakamot ito sa ulo. “Kap
[Apol]Napaawang ang labi niya nang makarating sila sa kwarto ng kanilang ama. Narito pala ang elevator papunta sa underground facility nito.“Wait,” pigil ni Johnson sa kanya ng akmang sasakay na siya. “Sa secret passage tayo dadaan.” Napanguso siya. “Ha, bakit naman? Mas madali kung sasakay na tayo ngayon dito.” Aniya habang manghang nakatingin sa elevator. Kung titingnan ay para lang kasi itong closet, pero hindi pala ito isang simpleng closet lang.Napailing-iling siya. Ngayon naniniwala na siya na hindi pala basta-bastang tao lamang ang kanilang ama. Napakayaman din pala nito.“Sa secret passage tayo dadaan para sigurado na ligtas. Baka sa ibaba ay may mga tauhan si dad na nakaabang sa mga trespasser at paulanan tayo ng bala. Gusto mo bang magkalasug-lasug ang katawan natin?”Mabilis na uling siya. “H-hehe, syempre ayoko, no.” Hindi siya pwedeng mamatay. Mag aanak pa sila ng marami ng hubby niya.Sa maid quarters pala ang secret passage papunta sa underground. Emergency exit pala
[Apol]Napailing-iling siya habang nakatingin kay Bogard na parang batang umaatungal ng iyak habang nakaupo. Hindi na nito magawang tumayo, hindi na rin nito kayang humawak pa ng baril dahil sugatan ang dalawa nitong kamay. Hindi pa sila nakakalayo sa kinaroroonan ni Bogard ng makarinig sila ng pamilyar na boses.“Ano ang pakiramdam na unti-unti nang nawawala ang mga bagay na pinaghirapan mong nakawin sa iba, Marjo? Nakaramdam ka na ba nang takot dahil malapit ka nang bumagsak at pulutin sa kangkungan?” Boses iyon ng kanyang ina.“Tumahimik ka, Erza! Kung may babagsak man dito ay ang sinisiguro kong si Xerxes iyon at hindi ako!”Gano’n nalang ang panlalaki ng mata niya nang makita ang nanay niya kasama si Marjo, at sa harapan ng mga ito ay nakatayo ang asawa niya!‘Xerxes…” Piping bulong ng puso niya. Naalala niya ang sinabi niya rito. Hindi na niya mababawi ang sinabi niya pero ngayon ay sigurado na siya sa isang bagay.Handa siyang samahan ito habangbuhay.“Hands her to me, Marjo. M
Nanghihinayang na napailing nalang si Skye. Nakakapanghinayang naman kasi talaga kung magiging ‘baklush’ si Adius. Bukod sa ubod ito ng yaman, ubod din ito ng gwapo, tapos gifted pa sa laki ng batútá—tapos lalaki din ang hanap. Kawawa naman si Tita Alena. Umaasa na magkakaapo kay Adius. Naghintay pa siya ng bente minuto bago umakyat sa kwarto nila. Pagdating niya sa kwarto ay nakita niya si Adius na nakahiga na. Mukhang tulog na yata. Pagkatapos niyang maligo ay lumabas siya ng nakaroba. Sinilip niya pa ang binata para siguraduhin na tulog na nga ito. Nang matapos siya mag-blower ay saka siya pumasok sa walking closet. Napansin niya agad na may nagbago. Bukod sa napalitan ang kulay ng mga cabinet, kapansin-pansin din ang dim red, blue and green light na ilaw sa loob. Patay sindi pa ito kaya naman feeling niya nasa loob siya ng club. Akala niya ay maghahatid lang ng mga pinamili sila tita Alena, pero mukhang pinapalitan nito ang lahat ng mga designs at ilaw dito. Kumu
Nag-isang linya ang kilay ni Adius. “You grabbed my crotch first —“ “So, kasalanan ko pa?! Saan ka nakakita ng minamasahe na hindi hinahawakan at pinipisil-pisil?!” Napatingala si Skye sa sobrang inis, “imamasahe na nga ang batútà mo, nagagalit ka pa?! Tinanong kita at sinagot mo pa nga ako na ULO ang unahin ko! Gagawin ko na nga ang gusto mo, balak mo pa akong balian ng braso!” Pinakita niya ang braso na may pasa. “Nakita mo na ang ginawa mo?! Sinaktan mo na nga ang braso ko, nakitaan mo pa ako! Sumusobra ka na!!!!” “Wait…” tinaas ng binata ang kamay upang patigilin si Skye sa walang tigil na pagsasalita. “Do you even listen to me while we’re in the kitchen?” Taas-noong sinagot ito ng dalaga. “Oo! Binibiro nga lang kita eh… kaso sineryoso mo ang biro ko—“ “After that, did you heard what I said?” Natigilan si Skye. Sa pagkakatanda niya… may sinasabi pa ito sa kanya pero nagmamadali siyang umalis ng kusina. “Ang sabi ko, imasahe mo ang ulo at likod ko, hindi ko sinab
“Tingnan mo ito, ate. Sigurado ako na bagay na bagay kay Skye ang roba na ‘to!” Lumapit si Apol kay Alena dala ang isang kulay pulang roba. “Hmm… tama ka.” Kinuha ito ni Alena at sinipat, “hindi ba masyado naman yata itong maiksi?” “Akala ko ba gusto mong magka-apo agad?” Sabat ni Charlotte na abala sa pagpili naman ng mga nighties. “Paano ka magkaka-apo agad kung hindi mo bibilhan ng revealing clothes ang future manugang mo. Saka basta si Ate Apol ang nagrekomenda, siguradong walang palpak!” “Sabagay… tama ka.” Narito ngayon ang tatlong ginang sa isang Mall. Tinawagan ni Alena ang dalawa upang magpasama at magpatulong na bilhan ng mga bagong gamit si Skye. “Ate!!!” Nagmamadaling lumapit muli si Apol kay Alena bitbit ang isang manipis at maliit na tela. “Mas maganda kung ito nalang ang bibilhin natin para kay Skye… sigurado na maglalaway si Adius sa kanya kapag nakitanh suot ito!” Sabay-sabay na bumaba sa kani-kanilang sasakyan ang tatlong ginang. Nang makita sila ng mga s
Kilala niya si Adius, hindi ito marunong magbiro. Ayaw niyang isipin na totoo ang sinabi nito. Pero paano kung totoo nga? Pagkatapos maghugas ng pinakainan, hindi muna siya umakyat ng kwarto. Katulad nitong nakaraan, inubos niya ng oras sa panonood ng tv. Bahala ng magka-eyebag, wag lang makasama si Adius ng gising sa kwart nila. Humikab siya… inaantok na siya. Pero dahil masyado pang maaga, nanood muna siya ng mga drama sa cellphone niya. At mayamaya ay inisa-isa niyang tingnan ang mg pictures ng kuya Jhake niya sa cellphone niya. Sakto naman na nakita niya ang mga pictures nila ni Adius noong engagement party nilang dalawa. Hindi niya maiwasan na mapangiti ng makita ang ramdom pictures nilang lahat, kasama ang pamilya nito. Habang tumatagal, lalo niyang nakikilala ang mommy ni Adius at mga tita nito. Mabubuti silang tao. Hindi niya kasi alam kung mabuti bang tao ang mga lalaki sa pamilya ni Adius. Karamihan kasi sa kanila ay mukhang hindi alam ang saling NGITI. Mukhang m
Dinala ni Skye ang lahat ng wedding dress na magustuhan niya sa fitting room. Mabuti nalang at hindi ito katulad ng fitting room sa mall na masisikip. Ang fitting room sa store na ito ay halos kasing laki ng kwarto nila ni Adius. Dahil kailangan ingatan ang mga wedding dress ay may dalawang babae na nag-assist sa kanya bukod pa kay Aimee. “Look at this wedding dress, Skye. Sa palagay ko bagay ito sayo.” Umiling siya. “Ayoko nito, maiipit ang boobs ko. Gusto ko ‘yung lalabas ang kasexyhan ko.” Pinakita niya kay Aimee ang gusto niyang isukat. Isang v-neck wedding dress. Sa baba at haba ng neck line, sigurado na lilitaw ang dibdib niya. Katamtaman lang ang laki ng dibdib niya. Hindi malaki, hindi rin naman maliit. Kumbaga, may ibubuga din naman ito kahit paano. Pagkatapos isukat, parehong napaawang ang labi ni Aimee at ng dalawang babae. Kuminang ang mata niya ng makita ang sariling repleksyon sa salamin. “A-ang ganda ko! Wahhh! Ang sexy ko din dito!” Nagmamadaling hinil
“You disappeared last night. Why?” Napalunok siya ng laway. “A-ah, ano kasi… b-biglang tumawag ang kaibigan ko, ang sabi nila, hinahanap daw ako ng kuya ko. T-tama nga, yun nga!” Nauutal na dahilan niya habang hindi makatingin ng diretso dito. “W-wag kang mag alala, nagpaalam naman ako kila tita,” “Exactly, Skye. Nagpaalam ka sa kanila, pero sa akin ‘hindi.” Turan ni Adius na ikinangiwi ng dalaga. “After you eat, prepare yourself. May pupuntahan tayo.” “Ha? Akala ko ba walang pasok ngayon sa office? Teka, sandali naman!” Nakangusong sinundan ng tingin ni Skye ang binata. “Tingnan mo ‘to, parang hindi nilapa ang labi ko kagabi ah. Bumalik na naman sa pagiging masungit.” Dahil wala siyang ganang kumain ay nagligpit na siya at naghugas. Pagkatapos maghugas ay naligo siya at nagbihis. Mukhang kailangan talaga na kasama siya sa lakad ni Adius dahil hindi siya iniwan nito. “Saan ba tayo pupunta?” Imbes sagutin ang tanong ni Skye, kinuha ni Adius ang earbuds at sinagot ang tum
“Kuya!!!” Parang bata na tumakbo siya palapit sa kuya niya ng makita ito. “Kuya, namiss kita ng sobra!” “N-n-namiss din ni Jhake si ate!” Parang bata na sinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. Simula ng magtrabaho siya bilang secretary ni Adius ay dalawang beses nalang niya ito nadadalaw sa loob ng isang linggo. Hindi naman siya nag aalala masyado dahil may mga private nurse na inupahan ang binata para bantayan ang kapatid niya. Natransfer narin ito sa maganda at mas maayos na hospital kaya naman kampante siya na magagamot ito ng mas maayos. Kinuha niya ang maraming ubas na dala at mga bagong laruan. Masayang-masaya na yumakap ito sa kanya. “A-ang sabi ni Jhake s-salamat daw! T-the best talaga ang ate niya!” Ani nito sabay halik sa pisngi niya. Kinagat niya ang labi, sinubukan na hindi umiyak pero hindi niya nagawa. Kapag kaharap niya ito at kasama ay nagiging iyakin siya. Agad na binaling niya sa iba ang mukha para hindi nito makita ang luhaan niyang mukha. Sigurado kasi
“F-fiance mo si Miss Malason?” Nangatog si Jillian sa takot katulad ng kanyang ama. Nabigla si Skye ng lumuhod sa harapan nila ang mag ama. Wala na ang kanina na mapagmataas na awra ng dalawa, nasa mukha ng mga ito ang magkahalong pagkabigla, takot at pagmamakaawa. “H-humihingi kami ng tawad sa aming kapangahasan at kamangmangan. H-hindi namin alam na fiance mo pala siya!” “T-tama si daddy, Sir! Pa-patawarin mo sana kami!” Tumingala si Jillian at tumingin kay Skye ng nagmamakaawa. “Please, Miss Malason, pakiusap, patawarin mo kami!” Nang subukan na lumapit ni Jillian sa dalaga ay humarang si Adius sa kanya. “Don’t try to lay your dirty hand again on her skin. Baka mapatay kita!” Napasinghap si Skye ng tutukan ito ng baril ng binata sa ulo, maging ang mga bisitang naroon ay napasinghap sa gulat, maliban sa pamilya ng binata na hindi na nabigla sa ginawa nito. “A-adius…” kahit siya ay natakot, hindi man niya nakita ang mukha nito dahil nakatalikod ito at nakaharang sa kany
“Sigurado ka ba na peke ‘yan? May ebidensya ka?” Napaawang ang labi niya sa sinabi nito. “Ano? Pero humiram ka sa akin, sapat ng ebidensya ‘yon.” “Sa palagay mo maniniwala sila na humiram ako?” Mayabang na ngumisi ito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “Alam ko ang background mo kaya imposibleng makabili ka ng mamahaling kwintas na katulad no’n. Isang limited edition na APL necklace na nagkakahalaga ng 65 Million? Sabihin mo nga sa akin, saan mo napulot ‘yon? Ninakaw mo? O baka naman may sugar daddy kang nagregalo sayo?” Alam ni Skye na masama ang ugali ng babaeng ito. Pero hindi niya inasahan na ganito katindi. “Ibalik mo nalang ang kwintas para matapos na ang usapang ito,” 65 million? Nanuyo ang lalamunan niya sa takot. Ngayon palang ay natatakot na siya kapag nalaman ni Adius na nawawala ang kwintas. Ngumisi lamang ito. “Hindi mo ako masagot? Siguro nga ay ninakaw mo! Magpasalamat ka nalang dahil binenta ko bago ka pa mahuli ng ninakawan mo! Subukan mo pang habulin