Minsan talaga nakakagawa tayo ng bagay dala ng sakit, galit, at hirap na ating naranasan. May mga taong gustong hayaan nalang at ipagpa-sa-Diyos ang nangyari…. meron namang gustong GUMANTI. Hindi talaga pare-pareho ang tao, mayro’n tayong iba’t ibang pag uugali. Alin kayo sa mga ito? Mabait ka ba? Mapaghiganti? Hahaha, pasensya na kayo. Curious lang naman ang author niyo… Nabaliw na yata ako dahil kay Red kaya ang dami kong mema, charrr!!!!
Nanginginig si Apol iyon ang totoo. Nagsisinungaling siya iyon ang totoo. Pinapaniwala niya ang sarili niya na tama ang ginawa niya, na nararapat lang na manakit nang taong may atraso sa’yo. Pero hindi ba mali ito? Saglit niyang nilingon si Gervin, mukhang wala na itong buhay. Kung patay na nga ito, ibig sabihin at nakapatay na siya ng tao… Pumatay siya nang tao! Wala na siyang pinagkaiba rito. Nawala ang ngiti sa labi niya nang maramdaman ang pagyakap sa kanya ni Xerxes. “Stop pretending that you didn’t feel guilty, wife. Maybe you’re smiling but I can see it in your eyes that you are scared and remorseful.” Nanigas ang katawan niya. “B-Bakit nga ako makokonsensya, m-masamang tao din naman siya, inatay niya ang mga kaibigan ko kaya dapat ko siyang patayín, buhay niya ang kabayaran sa buhay na ninakaw niya.” Garalgal ang tinig na tanggi niya. Natigilan siya. Bakit nga pala nakalimutan niya na mas masamang tao ang lalaking nakayakap sa kanya… na isang Mafia boss ang asawa ni
Nag aalalang lumapit si aling Erwina kay Apol ng makita ito. “Bakit narito ka? Dapat ay nasa ligtas na lugar ka na ngayon! Masyado nang magulo ang lugar at nagpapatayán na ang lahat! Sumama ka sa akin dadalhin kita sa’yong ina— ma’am Apol!” Tawag nito sa kanya ng tumakbo siya.Kailangan niyang makita ang asawa niya— Nanlaki ang mata niya ng makita si Johnson, nagpapalinga-linga ito sa paligid habang may hawak itong baril. Hindi kaya hinahanap nito ang asawa niya para saktan muli?Naalala niya kung paano nito barilin ang asawa niya. Naalala niya kung paano bumagsak ang duguang katawan ng asawa niya na parang wala nang buhay sa mismong harapan niya. Hindi siya mamatay tao, iyon ang gusto niyang iukit sa utak niya, hindi na siya mananakit… pero sa sobrang galit niya ngayon ay naninikip ang dibdib niya.“Ate Apol—“ Natigil sa pagsasalita si Johnson ng makita si Apol na may hawak ng baril at nakatutok sa kanya.“S-sabi ko naman sa’yo diba, wag mo akong tatawagin na ate dahil hindi kita kap
[Apol]Dahil lubhang delikado ay dinala siya ni Johnson sa isang storage room. “Ligtas ka dito, ate Apol. Sigurado ako na hindi magpupunta ang mga tauhan dito ni dad.” “Teka, Johnson, hindi ako pwedeng manatili dito. Gusto kong makausap ang asawa ko, gusto ko siyang makita.” Hindi niya mapigilan ang maluha ng maalala ang nasabi niya. “G-Gusto kong humingi ng tawad sa kanya… k-kasi baka mamaya ay damdamin niya ang sinabi ko tapos mabaril siya dahil kakaisip do’n… ayoko pang ma-biyuda! Mahal na mahal ko siya, t-tanggap ko na kahit na gaano pa siya kasama…” Nang dumilat siya ay nakita niyang nakangiwi ang kapatid niya. “Ang nginingiwi-ngiwi mo di’yan? Gusto mo barilin kita?” Pumalatak ito. “Alam mo, pareho na kayong mag asawa na nakakatakot! Saka imposibleng mamatay ang asawa mo, kanang kamay kaya ni Lucifer— Joke lang hehe, ikaw naman binibiro lang kita!” Namumutlang bawi nito ng kasahan niya ito ng baril.“Sige na samahan mo na akong hanapin ang asawa ko.” Napakamot ito sa ulo. “Kap
[Apol]Napaawang ang labi niya nang makarating sila sa kwarto ng kanilang ama. Narito pala ang elevator papunta sa underground facility nito.“Wait,” pigil ni Johnson sa kanya ng akmang sasakay na siya. “Sa secret passage tayo dadaan.” Napanguso siya. “Ha, bakit naman? Mas madali kung sasakay na tayo ngayon dito.” Aniya habang manghang nakatingin sa elevator. Kung titingnan ay para lang kasi itong closet, pero hindi pala ito isang simpleng closet lang.Napailing-iling siya. Ngayon naniniwala na siya na hindi pala basta-bastang tao lamang ang kanilang ama. Napakayaman din pala nito.“Sa secret passage tayo dadaan para sigurado na ligtas. Baka sa ibaba ay may mga tauhan si dad na nakaabang sa mga trespasser at paulanan tayo ng bala. Gusto mo bang magkalasug-lasug ang katawan natin?”Mabilis na uling siya. “H-hehe, syempre ayoko, no.” Hindi siya pwedeng mamatay. Mag aanak pa sila ng marami ng hubby niya.Sa maid quarters pala ang secret passage papunta sa underground. Emergency exit pala
[Apol]Napailing-iling siya habang nakatingin kay Bogard na parang batang umaatungal ng iyak habang nakaupo. Hindi na nito magawang tumayo, hindi na rin nito kayang humawak pa ng baril dahil sugatan ang dalawa nitong kamay. Hindi pa sila nakakalayo sa kinaroroonan ni Bogard ng makarinig sila ng pamilyar na boses.“Ano ang pakiramdam na unti-unti nang nawawala ang mga bagay na pinaghirapan mong nakawin sa iba, Marjo? Nakaramdam ka na ba nang takot dahil malapit ka nang bumagsak at pulutin sa kangkungan?” Boses iyon ng kanyang ina.“Tumahimik ka, Erza! Kung may babagsak man dito ay ang sinisiguro kong si Xerxes iyon at hindi ako!”Gano’n nalang ang panlalaki ng mata niya nang makita ang nanay niya kasama si Marjo, at sa harapan ng mga ito ay nakatayo ang asawa niya!‘Xerxes…” Piping bulong ng puso niya. Naalala niya ang sinabi niya rito. Hindi na niya mababawi ang sinabi niya pero ngayon ay sigurado na siya sa isang bagay.Handa siyang samahan ito habangbuhay.“Hands her to me, Marjo. M
Kaya pala kamukha ito ni Kokey… dahil sa nangyari dito noon. Pero sapat ba ‘yon para patayin nito ang sarili niyang kaibigan?“D-dad, please top this. Wag mo na idamay si tita Erza.” Pakiusap ni Johnson para sa babaeng naging mabuti sa kanya. “Tumahimik kang traydor ka! Kung alam ko lang na ta-traydurin mo ako ay pinapatay na rin sana kita katulad ang iyong ina!” Napasinghap si Apol, habang si Johnson naman ay nanlaki ang mata sa gulat. Halo-halo ang nararamdaman niyang. Galit, at sakit. Hindi pala namatay sa aksidente ang mama niya, kundi pinapatay ito ng sarili niyang ama!“Tama ka nang narinig, Johnson, ako nga nag utos para ipapatay ang iyong ina!”Awang-awa na Apol na tumingin sa kapatid. Nakakuyom ang kamao nito, para itong batang tumatangis sa labis na galit.Inalis ni Marjo ang tape sa bibig ni Erza. “Erza, paano ba ‘yan, mukhang hindi ikaw ang pipiliin ng anak natin—““Masaya ako kung iyon ang desisyon ng anak ko, Marjo. Sawa na akong magtiis at makasama ka! Araw-araw ay imp
[Apol]Malakas siyang napasinghap. Hays salamat naman at ligtas na sila. Sa panaginip niya kasi ay nag iisa siya sa dilim at walang kasama.“Mabuti at gising ka na, anak. Heto nagtimpla ako ng gatas para sa’yo.” Wika ng nanay niya na kararating lang.Nagtatakang nilibot niya nang tingin ang paligid. Hindi ito ang kwarto nila ni Xerxes, hindi rin ito ang kwartong tinutuluyan niya sa mansion ng kanyang ama. “Nay, nasaan po tayo? Nasaan na ang asawa ko?” Ang huli niyang natatandaan ay pagkatapos iyong sabihin sa kanya ng asawa niya ay yumakap ito nang mahigpit sa kanya… na para bang ito ay nagpapaalam na. Biglang binundol ng kaba ang dibdib niya ng mapansin na lumungkot ang ekspresyon nang kanyang ina. “Apol anak, nagdesisyon si Mr. X na makipaghiwalay na sa’yo. Nari’yan sa mesa ang annulment paper na kailangan mong pirmahan.”“N-nay, hindi ko ho kaya!” Nag unahan sa pagtulo ang luha niya. Kaya pala iba ang dating nang mga sinabi nito at pagyapos nito sa kanya, nagpapahiwatig na pala ito
[Apol]Daig pa niya ang zombie na naglalakad, wala siya sa sarili at talaga namang napakabigat ng dibdib niya. Tama nga si Johnson, wala nang Pilipinas si Xerxes, nasa ibang bansa ito kasama si Lolo Axel, iyon ang sabi ng isa sa tauhan nang asawa niya.Matulin na dalawang linggo ang lumipas. Nag aalala na ang nanay niya sa kanya dahil hindi na siya halos natutulog at kumakain. Madalas siyang maabutan nitong umiiyak. Sinubukan naman niya na maging matatag, sinubukan niya na kalimutan si Xerxes pero hindi niya magawa. Hinahanap-hanap ito ng puso at isip niya.Siya si Apol Lanchester! Kahit na masaktan siya ng paulit-ulit at itulak palayo ni Xerxes ay hindi siya magpapatinag! Kung inaakala nitonna bibigay siya nang gano’n gano’n lang, pwes mali ito.Nginitian niya nang matamis ang lalaking kaharap. “Pedro, nakakahiya naman at nag abala ka pa. Pero salamat dito sa mga bulaklak ha. Ang generous mo naman!” “Para sa’yo kahit bulaklak sa buong mundo kaya kong ibigay sa’yo!” Iminuwestra pa nit