Home / Romance / ONE NIGHT STAND WITH A CEO / Chapter 121 - Chapter 130

All Chapters of ONE NIGHT STAND WITH A CEO: Chapter 121 - Chapter 130

138 Chapters

CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY

Sa sahig lang nakatuon ang tingin ni Diane. Pinapakinggan niya ang lahat ng binibitiwang salita ni Gerald. Binuksan niya ang puso at isipan niya na maaring magbigay ng kaliwanagan sa dami ng kanyang katanungan. Kung alam lang nilang tatlo kung gaano siya ngayon nasasaktan. Kung alam lang nilang pakiramdam niya ay pinagtulungan siyang laruin ang buhay niya't wala siyang kaalam-alam. Hindi siya lumuluha ngunit naipon sa dibdib niya yung sakit ng kanilang ginawa."Inihahalintulad ko ang The Partners sa buhay ng minahal ko mula noong walang-wala pa siya, na hanggang ngayong tinitingala na siya sa ating industriya." Gusto ni Gerald na ipasok si Diane sa kanyang mensahe. "Katulad niya, ang The Partners ay walang maipagmamalaki noon kundi ang determinasyon at pangarap. Sa tulong ng mga iilang nagtitiwala sa kanyang kakayahan ay unti-unti niyang naabot ang tagumpay.""Hindi lingid sa lahat na isa din ako ang may-ari at pamilya ko ang nagtatag ng Saavedra Real Estate na nabili ng mga Razon. Mi
last updateLast Updated : 2023-12-04
Read more

CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY ONE

Marami ang sumalubong sa kanya pagbaba niya ng entablado. Kinamayan siya. Niyakap ng ibang managers na siya mismo ang nag-aaprove noon ngunit hindi niya sila nakausap o nakamayan man lang. Palapit nang palapit na siya noon kay Diane ngunit bigla na lang itong tumayo at tinungo ang pintuan. Nagkatinginan silang magpinsan at hinayaan niyang si Sackey na lang ang sumunod kay Diane. Hindi pa siya makakaalis doon nang hindi niya nakilala ang lahat at mapasalamatan ang team na tumulong para marating ng The Partners ang tagumpay.Paikot-ikot si Diane sa harap ng Hotel habang hinihintay niya ang kanyang sasakyan. Pinipigilan na niya ang sariling hindi maluha. Gusto niyang sumigaw, humagulgol sa tindi ng emosyon na kanyang nararamdaman. Bakit ginawa sa kanya iyon? Hindi niya alam kung niloko siya? Hindi nga niya maintindihan ang nararamdaman. Nakakalito ang mga pangyayari, nakakawala ng katinuan ang kanyang mga nalaman. Ano itong ginawa sa kanya?Nang nakita niya ang kanyang kotse ay sumakay s
last updateLast Updated : 2023-12-04
Read more

CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY TWO

Kinuha ni Gerald ang red roses sa sidecar ng bisikleta. Hinabol niya si Diane at humarang siya."Please Diane, can we start over again?" tanong ni Gerald sa kanya. “Kailangan ko bang magmakaawa? Kailangan ko pa bang lumuhod?”Nagkatitigan sila. Nakikita niya sa mukha ni Gerald ang pagmamakaawa ngunit paano naman siya? Yung mga nangyaring iyon?"Diane!" boses iyon ni Daniel.Nakita niyang mabilis ang paglalakad nito palapit sa kanila. Nang makalapit ay hinawakan nito ang balikat niya saka sila mahigpit na nagyakap." Anong nangyari? Are you okey?" hinawakan ni Daniel ang pisngi ni Diane.Nakita ni Diane si Gerald sa likod ni Daniel. Nakatingin ang dalawa sa kanya. Napalunok siya. Kanino ba siya ngayon dapat sasama? Alin ang pakikinggan niya, ang sigaw ng kanyang isip o bulong ng kanyang puso."Diane!" boses iyon ni Daniel.Nakita niyang mabilis ang paglalakad nito palapit sa kanila. Nang makalapit ay hinawakan nito ang balikat niya saka sila mahigpit na nagyakap." Anong nangyari? Are
last updateLast Updated : 2023-12-04
Read more

CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY-THREE

Sinadya ni Gerald na dumaan na muna sa lansangang iyon. Bago siya aalis papuntang ibang bansa ay gusto niyang balikan ang sandali kung paano siyang nagmahal muli. Gusto niyang sariwain kung paanong binasag ng isang batang Diane ang makapal na kamanhidang ibinalot niya sa kanyang puso. Ito lang pala ang mapapala niya pagkatapos niyang sumubok muling isugal ang katahimikan nito, ang muling mabigo at ang masaktan ng paulit-ulit. Bumunot siya ng malalim na hininga. Pinagmasdan niya ang hawak niyang rosas. Hinding-hindi na siya muli pang hahawak at maghahandog nito, hinding-hindi na siya magmamahal nang hindi na rin siya masasaktan pang muli ng ganito. Lalayo na muna siya at iiwan niya sa lansangang ito ang lahat ng sakit at kabiguan niya kay Diane. Dito nagsimula ang lahat at dito din matatapos.Nang dumaan sa tabi niya ang isang kabataang hindi pinalad makapuwesto sa jeep ay muli niyang naalala ang dalagita lang noon na dahilan kung bakit siya muling narito pagkaraan ng ilang taon. Gano'
last updateLast Updated : 2023-12-04
Read more

CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY-FOUR

Naunang dumating si Gerald. Naghintay muna siya sa harap ng hotel. Ito yung hotel nang unang may nangyari sa kanila ni Diane. Pinili niya ito para matakpan nila ng bagong alaala ang One Night Stand lang nila noon. Naroon sila para humabi ng panibagong alaala. Yung alaalang sila na't nagmamahalan at hindi dahil lang sa init ng katawan.Pagkapasok nila sa elevator ay hinila ni Gerald si Diane at niyakap niya ito patalikod. Ramdam ni Diane ang nakatutok na iyon at ang init ng katawan ni Gerald. Napakahigpit ng yakap nito sa kanya. Naglapat din ang kanilang pisngi."I miss you! Gusto ko ring malaman mo na kahit minsan, hindi ako tumigil na mahalin ka. Mahal na mahal na mahal kita." Pabulong iyon. Puno ng sinseridad."Miss na miss din kita Gerald. Nagalit man ako sa'yo ngunit aaminin ko sa'yong ikaw lang ang minahal ko, ikaw lang din ang mamahalin ko." bulong niya. Hindi na siya humarap pa. Kumilos ang kanyang kamay. Hinawakan niya ang pisngi ni Gerald. Dahan-dahang naglapat ang kanilang m
last updateLast Updated : 2023-12-04
Read more

CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY-FIVE

"Salamat baby ko." Hinalikan ni Gerald ang pisngi ni Diane. "I-cancel ko na ang travel ko abroad. Hindi na ako lalayo. Gusto ko ring makilala ang mga kapatid mo. Makabonding man lang sila kahit ilang oras lang sa probinsiya."Napangiti si Diane sa narinig niya. Nagkakatotoo na lahat ang pangarap niya kaya niya pinupog ng halik ang mukha ni Gerald pagkatapos nitong sabihin iyon."Sige na, magpahinga na muna tayo. Marami pa tayong aayusin bukas." bulong ni Gerald kay Diane at muli silang naghalikan. Ang mainit na halikang iyon ay nauwi sa isa namang mainit na pagniniig. Namiss nila ang isa't isa. Walang batas na nagbabawal na ulitin muli nila ang sarap ng kanilang pinasaluhan. Ilang taon ding hanggang pangarap lang nila iyon pinagsaluhan at ngayon ay sagad-sagarin na nila ang makatotohanang pag-iisang muli.Iyon na ang pinakamasayang pagmulat ng kanilang mga mata. Naunang nagising si Diane. Nakaunan pa rin siya sa bisig ni Gerald. Hindi siya nito tinakasan. Ginising niya ng halik ang ma
last updateLast Updated : 2023-12-04
Read more

CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY-SIX

Malapit na siya sa kanyang lilikuang kalye nang napansin niya ang pagsunod sa kanya ng isang van na tinted ang bintana. Liliko na siya nang harangan ng van ang dadaanan niya. Nawalan siya ng balanse. Sumadsad siya sa madamong bahagi ng daan. Mabilis na bumaba ang isang lalaki sa Van na iyon. Bago nakabangon si Marcus ay hinawakan na siya ng malaking mama. “Kuya bakit?”“Sama kasa akin. Pinapasundo ka ng Ate Diane mo.”“Kuya hindi. Tatawagan ko muna si Ate.”Nagpalinga-linga ang lalaki at nang masigurong walang nakakakita ay mabilis niyang hinawakan ang bata. Tinakpan nito ang bibig gamit ang isang puting tela para hindi makahingi ng tulong. Isinakay ito sa van saka mabilis itong umalis. Naiwan ang bisikleta sa kalye. Walang nakakita sa bilis ng pangyayaring iyon. Hindi magawa ni Marcus ang lumaban. May ipinaamoy sa kanya na naging dahilan ng kanyang pagkahilo."Paalis na ako sa site. Nagreply na si Ringgo sa text ko at makikipagkita daw siya sa atin sa isang restaurant. Forward ko na
last updateLast Updated : 2023-12-04
Read more

CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY SEVEN

"Maaring dinukot si Marcus. Nakita ko ang bisikleta niya sa masukal na kalye.”“Ano! Ate paano ‘yan! Anong gagawin natin?”“Magdasal tayong hindi siya sasaktan nang kung sinuman ang gumawa nito. Hindi na kayo mga bata para maglihim pa ako sa inyo sa tunay na sitwasyon. Kayong dalawa, hindi rin ligtas ngayon kaya nga paulit-ulit kong sinasabi sa inyo na mag-ingat." Bumuntong hininga muna siya bago nagpatuloy. "Nandito na 'to kaya wala na tayong magawa pa kundi ang magtulungang lagpasan ito bilang isang pamilya.""Pero ate bakit? Anong naging kasalanan natin sa ibang tao?""Hindi ko alam Marian. Hindi rin naman kasalanan sa tingin ko ang magmahal ngunit bakit sa tuwing pinaninindaigan ko ang pagmamahal ko, sana naman laging may nangyayaring ganito.""Ibig bang sabihin, may kinalaman ito sa'yo? Pero ate, bakit kami nadadamay? Anong kasalanan ni bunso?" si Marvie ang nagtanong."Hindi ko rin alam kung bakit basta sa ngayon, makinig na lang muna kayo sa akin. Huwag na kayong lumabas pa. Ha
last updateLast Updated : 2023-12-05
Read more

CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY EIGHT

"Tik-tak, tik-tak! Time's up! Huli na Gerald!" kasunod iyon ng isang halakhak. Wala na nga talaga si Ringgo sa katinuan. Hindi na siya ang Ringgo na kilala niya."Please! Nakikiusap ako. Huwag mo siyang saktan. Ringgo, wala siyang kasalanan dito. Huwag mo namang idamay ang bata!" Nangilid ang luha niya. Ginagawa niya ang lahat para mapakiusapan si Ringgo na noon ay nanlilisik ang mga mata."Nakapagdesisyon na ako! Hindi mo na mababago pa Gerald. Sinimot mo ang pasensiya ko. Tang-ina! Pinaniwala ko ang sarili kong mahal mo ako, kahit alam kong hindi mo buong maibibigay iyon sa akin, nagtiwala akong matutunan mo rin akong mahalin. Bibigyan mo ako ng sapat na panahon para mapatunayan ko sa'yo na higit ang maibibigay kong pagmamahal kaysa sa kapatid ng batang 'to. Tang-ina lang Gerald! Ginagago lang ninyo ako! Kaya ang dapat dito ay pinapadeliver pabalik sa ate niya na isa nang malamig na bangkay!" Narinig niyang ikinasa na ni Ringgo ang hawak nitong baril at itinutok sa ulo ng nangingini
last updateLast Updated : 2023-12-05
Read more

CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY NINE

Pinalibutan na siya nina Sackey, Diane at Marvie.Humahagulgol lang si Marcus. Hindi ito makapagsalita dahil pa rin sa tindi ng trauma na pinagdaanan niya. Marami siyang gustong sabihin ngunit hindi niya alam kung paano niya sisimulan. Iniwan na lang siya bigla sa hindi niya alam kung saang lugar. Kinalagan lang siya sa kamay at siya na ang nagtanggal sa ipiniring sa kanya at sa nakatali sa kanyang mga paa. Tinanggal din niya ang packing tape sa kanyang bibig at tainga. Lakad-takbo siyang lumayo doon hanggang sa naapuhap niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Ang ate Marian niya ang tinawagan niya dahil natatakot siya sa Ate Diane niya."Ate, hindi siya sumasagot. Umiiyak lang siya." si Marian.Kinuha ni Diane ang cellphone sa kamay ng kapatid niya at siya ang kumausap sa kanilang bunso."Marcus, ang Ate Diane mo ito. Huminga ka nang malalim. Relax lang okey? Sabayan mo ako, hinga...buga...hinga...buga... Nandito ang ate, sabihin mo kung nasaan ka para sunduin ka namin.""Ate...
last updateLast Updated : 2023-12-05
Read more
PREV
1
...
91011121314
DMCA.com Protection Status