Home / Romance / ONE NIGHT STAND WITH A CEO / Kabanata 101 - Kabanata 110

Lahat ng Kabanata ng ONE NIGHT STAND WITH A CEO: Kabanata 101 - Kabanata 110

138 Kabanata

CHAPTER ONE HUNDRED ONE

"Mahirap bang paniwalaan?""Well, kapani-paniwala naman. Gusto nga kita eh. Kung may taong puwedeng itapat kay Gerald Saavedra, ikaw 'yon Diane. Hindi ko pa nasusubukan ang galing mo sa kama pero kung ikaw ang magiging partner ko, I don't care kung may ibubuga ka o wala. You have all the qualities of a partner that I had been lookin' for."Humugot nang malalim na hininga si Diane. "Then maybe we can start talking about us when we stop discussing about him.""Gusto ko 'yan. Infatuation lang naman yung naramdaman mo siguro kay Gerald noon. Madali ka lang makapag-move on kasi hindi naman naging kayo totally ng matagal na panahon at nakatulong ang ginawa niyang pag-iwas sa’yo para tuluyan mo siyang makalimutan din. Mabuti nga't gano'n siya. Hindi katulad ng karamihang paasa."Naisip ni Diane. Sana gano'n din ang ginawa niya noon. Sana nang tinanggal siya sa trabaho at hinamak ni Gerald ang kanyang pagkatao ay hudyat na noon na dapat bumitiw na siya. Imbes kasi na lumayo siya, kumapit pa s
last updateHuling Na-update : 2023-11-29
Magbasa pa

CHAPTER ONE HUNDRED TWO

Tumitingin na sa kanila ang mga taong naroon sa kapehan. Nakaramdam si Gerald ng hiya."I'm sorry. Hindi ko kayang tapatan ang pagmamahal mo sa akin. Ayaw kong maging unfair sa'yo o sa aking sarili. Kung patatagalin natin ito, lalo ka lang masasaktan. Sayang ang panahon na ibinubuhos mo sa akin na dapat ay iginugugol mo sana sa'yong sarili. May mas higit pa sa akin Ringgo. Buksan mo ang puso mo sa iba, mahahanap mo din ang taong tatanggap at magmamahal sa'yo ng buum-buo. Hindi kita kayang mahalin. Hindi ang kagaya ko ang kailangan mo." Pagpapaliwanag ni Gerald.Binunot niya ang kanyang pitaka at nag-iwan ng pera pambayad sa kanilang naorder na kape saka siya tumayo. Hindi siya komportable sa kanyang nakikita. Siya yung tipo ng tao na nagtitigas-tigasan noon pero mahina ang loob niya. Madali siyang maawa. Sa negosyo lang siya matigas. Kaya niyang sisantehin ang isang tao sa trabaho kung sigurado siyang hindi nito kayang gawin ang responsibilidad na binabayaran ng kumpanya. Nakilala siy
last updateHuling Na-update : 2023-11-29
Magbasa pa

CHAPTER ONE HUNDRED THREE

Biglang bumukas ang ilaw sa sala. Ang maid niya ang naroon at papungas-pungas pa. Nagulat ito nang makita siya. Sumenyas siyang patayin na lang muli nito ang ilaw."Bakit ser? Sinnu ba yung kumakatuk nga halus gibain na metten ang git?" paanas na tanong ng ilokanong katulong niya."Bumalik ka na sa kuwarto mo, Manang. Ako na ang bahala rito.”“Piru ser. Baka ngay saktan kayo.”“Hindi ho Manang. Tumawag na lang kayo ng pulis at sabihin mong may pilit nanggugulo rito." Bilin niya sa kanyang katiwala."Sigi a ser. Wala na ba kayung kailangan?”“Wala na ho.”“Isu a ngarud." (Sige po kung ganoon)"Salamat Manang," matipid niyang sagot.Pumanhik siya sa taas at dahan-dahan siyang sumilip sa bintana. Kitang-kita niya si Ringgo doon. Paikot-ikot, hindi mapakali.Nakita rin niyang napakaraming missed calls at text sa cellphone niya pero alam niyang lahat nang iyon ay galing kay Ringgo dahil hawak din nito ang cellphone nito habang paikot-ikot sa harap ng kanyang gate. Pinatay na lang niya muna
last updateHuling Na-update : 2023-11-29
Magbasa pa

CHAPTER ONE HUNDRED FOUR

Kumurap siya."God! Ano to?" napalunok niyang bulong.Hindi siya naniniwala sa kanyang nakikita."Good Morning, Ma’am," bati nito sa kanya.Natamemepa rin si Diane. Kumunot ang kanyang noo.Hindi ni minsan sumagi sa isip niya na darating yung ganitong pagkakataon.Nagkatitigan sila ng aplikante."What kind of joke is this Engr. Saavedra?" iyon ang namutawi ng labi ni Diane. Para kasing biro lang ang lahat ng ito kahit alam niyang bagsak na ang kumpanya nina Gerald dahil ito ang mainit na balita ngayon sa TV dahil sa dami ng naghahabol na clients at investors nila. Ngunit ang mag-apply sa kanya si Gerald?"I came here for an interview, Ma’am," magalang na sagot ni Gerald sa mapagkumbabang tono ng boses. "I hope you'll consider me for the vacant job."Paano iikot ang kuwento sa pagitan ng dati ay isang hamak na Janitress at ngayon ay boss na ng dating COO ngunit ang dating COO pala ang tunay pa ring Presidente at boss pa rin ng Janitress noon na COO na ngayon.Nagkatitigan sila ng aplik
last updateHuling Na-update : 2023-11-29
Magbasa pa

CHAPTER ONE HUNDRED FIVE

Napalunok si Diane. "Pumunta ka ba dito para mag-apply ng trabaho?""Bakit hindi mo sagutin ang tanong ko?""Dahil wala kang karapatang tanungin ako sa mga ganyang bagay? It is too personal. Stupid question!" singhal ni Diane."Wala na ba akong karapatang magtanong dahil aplikante lang ako? May nakaraan din naman tayo, hindi ba puwedeng mapag-usapan din iyon? Hindi ko ba puwedeng matanong man lang 'yon?" "Excuse me? Kailan ka binigyan ng karapatang tanungin ang bagay na ikaw mismo ay hindi mo pinahalagahan?""Paano mo nasabing hindi ko pinahalagahan ang nakaraan?""Kailangan ko pa bang ipaliwanag sa'yo kung paano ko nasabing hindi mo pinahalagahan ang nakaraan? Gerald, ipinagpalit mo ako at ang nakakakinsulto, sa bakla pa! Kaya paano mo masasabing pinahalagahan mo ang bagay na iyong kinalimutan?""Ikaw ang unang bumitiw, kaya anong karapatan mong sumbatan ako?" balik tanong ni Gerald."Hindi ako nanunumbat lang, ipinapamukha ko sa'yo ang karupukan mo! Bumitiw man ako ngunit hindi kit
last updateHuling Na-update : 2023-11-30
Magbasa pa

CHAPTER ONE HUNDRED SIX

"Ngayon, nandito ka para mag-apply, hindi ba? Trabaho ang ipinunta mo dito kaya sana makuntento ka na sa kung ano lang muna ang kaya kong ibigay sa'yo." Tumunog ang cellphone ni Diane. Tinignan niya iyon sandali. Si Daniel ang tumatawag. Naghihintay na siguro iyon sa usapan nilang lunch."Excuse me, I have to take this call." Pagpapaalam niya.Tumayo siya at naglakad hanggang sa bintana.Malalim na buntong-hininga lang ang isinagot ni Gerald. Hindi pa nga ito ang tamang panahon na magsabi siya kay Diane. Galit pa ito sa nakaraan at kung dadagdagan niya ngayon iyon, baka lalo lang magkagulo ang lahat. Kailangan niya munang magsikap na hugasan ang lahat ng kanyang mga masasakit na sinabi para i-challenge siya noon. Kung sakaling mawala na ang galit at pagmamahal na ang papalit, siguro iyon na ang hudyat para magtapat na sila ni Sofia kung ano ang totoo. Hindi nakakatulong ngayon ang bigla niyang pagsasabi ng buong katotohanan, baka kasi iyon pa ang magtutulak dito para tuluyang sagutin
last updateHuling Na-update : 2023-11-30
Magbasa pa

CHAPTER ONE HUNDRED SEVEN

Huling pinuntahan nila ay ang office ni Diane dahil nang dinaanan nila kanina ay sinabi ng Secretary na may kausap pa ang boss niya sa loob. Dahil may naghihintay na ilang aplikante ang HR ay sinabihan na lang niya ang Secretary na ito na ang bahala sa bago nilang empleyado.Bumukas ang pintuan ng office ni Diane. Nakita ni Gerald sina Daniel at Diane na lumabas. Nagtatawanan pa sila. Bilang pagbibigay galang sa magiging boss niya ay tumayo siya at binati niya silang dalawa ng "Good morning.""Engr. Saavedra!" Lumapit si Daniel kasunod ang naalangang si Diane. Nagkamay ang dalawa. "Tama pala ang sinabi sa akin ni Diane na you will be joining today as their new Contracts Manager. Hindi ako makapaniwalang..." tumigil si Daniel.Kahit hindi binuo ni Daniel ang sasabihin ay alam niya ang karugtong no'n. Medyo nasaling ang kanyang ego pero mas nasasaktan siyang isiping mukhang nagkakamabutihan na ang dalawa. "Yes. I am a newly appointed Contracts Manager here. I consider this as a decent j
last updateHuling Na-update : 2023-11-30
Magbasa pa

CHAPTER ONE HUNDRED EIGHT

"Talaga? Namiss mo ba ang mabagong hininga ko?"Tumayo si Diane. Kinuha niya ang papel na nasa table niya. Huminga siya ng malalim."Ibalik mo na lang sa akin ito kung maayos na ang pagkakasunod-sunod. Makakalabas ka na!" galit-galitan nitong sinabi kay Gerald.Nakangiting kinuha ni Gerald sa kamay ni Diane ang papel. Sinadya niyang mahawakan ang palad ni Diane."Mabango pala ha!" Natatawang wika ni Gerald habang nakangiti siyang nakatitig sa namumulang si Diane.Nang nakita niyang pauwi na si Diane ay mabilis niyang kinuha ang kanyang mga gamit. Pasara na ang elevator pero mabilis niyang iniharang ang katawan niya. Muli itong nagbukas at nakangiti siyang tumingin sa seryosong mukha ni Diane.Tumalikod si Diane at humarap siya sa salamin.Muling nagtama ang kanilang mga mata.Mabilis na kindat ang pinakawalan ni Gerald at simangot naman ang tugon ni Diane."May attiude talaga?" Pagpaparinig ni Gerald."Ako bang pinariringgan mong may attitude?""Hindi ah! Wala.” Napangiti siya. Lumaba
last updateHuling Na-update : 2023-12-01
Magbasa pa

CHAPTER ONE HUNDRED NINE

Iniwan din ni Diane si Gerald sa parking area kahit pa kinulit niya ito nang kinulit. Gusto niya sana itong sundan ngunit naisip niyang hindi iyon magandang idea. Naglalakad na siya papunta sa kanyang sasakyan.Antindi ng mga sinabi sa kanya ni Diane nang dapat ay maglapat na ang kanilang mga labi. Ngayon lang siya nasabihan ng ganoon."Ano ha? Hahalikan mo ako? Dadaanin mo ako sa pilitan para lalo lang akong magalit at kamuhian ka! Wala kang respeto. Ang mga 'yan, yung mga empleyadong 'yan, anong tingin mo sa kanila, walang nakikita? Walang pakialam sa mga nangyayari? Ikinahiya mo ako noong COO ka pa hindi ba? Ngayon Gerald, utang na loob, bigyan mo naman din ako ng kahihiyan ngayon! Magkaroon ka naman ng konting respeto sa akin at sa sarili mo!" bulong lang iyon sa kanya ni Diane ngunit tumagos sa kanyang puso at pagkatao. Hindi siya nakasagot hanggang buong lakas siyang itinulak nito. Nagmamadali itong sumakay sa kotse at umalis na hindi na siya tinignan pa.Pasakay na si Gerald sa
last updateHuling Na-update : 2023-12-01
Magbasa pa

CHAPTER ONE HUNDRED TEN

Kaagad siyang niyakap ni Ringgo nang makalapit ito."Nagpakita ka Gerald! Pinuntahan mo ako dito! Ang saya-saya kong bumisita ka." Magkahalong tawa at iyak na sambit ni Ringgo.Nagpaubaya si Gerald sa yakap ni Ringgo. Daman-dama niya ang higpit niyon. Nang halikan siya nito sa pisngi ay hinayaan lang niya ito ngunit nang hinawakan siya sa pisngi at akmang hahalikan na siya sa labi niya ay saka niya marahang itinulak si Ringgo. Iniwas niya at inilayo ang kanyang mukha."Huwag Ringgo," pabulong."Bakit? Di ba pumunta ka dito para balikan mo ako? Para ipagpatuloy natin ang relasyon natin?" Malambing ang pagkakatanong no'n."Maupo ka muna. Mag-usap tayo." hinawakan niya ang palad ng kaibigan.Umupo sila. Hindi maialis ni Ringgo ang tingin niya sa guwapong mukha ni Gerald. Hindi pa rin siya makapaniwalang pinuntahan siya nito sa kanyang bahay."Alam mo bang mahal na mahal kita bilang isang matalik kong kaibigan? Ayaw ko ring mawala ka sa akin kaya gusto ko sanang magiging maayos ka rin." P
last updateHuling Na-update : 2023-12-01
Magbasa pa
PREV
1
...
91011121314
DMCA.com Protection Status