Kumurap siya."God! Ano to?" napalunok niyang bulong.Hindi siya naniniwala sa kanyang nakikita."Good Morning, Ma’am," bati nito sa kanya.Natamemepa rin si Diane. Kumunot ang kanyang noo.Hindi ni minsan sumagi sa isip niya na darating yung ganitong pagkakataon.Nagkatitigan sila ng aplikante."What kind of joke is this Engr. Saavedra?" iyon ang namutawi ng labi ni Diane. Para kasing biro lang ang lahat ng ito kahit alam niyang bagsak na ang kumpanya nina Gerald dahil ito ang mainit na balita ngayon sa TV dahil sa dami ng naghahabol na clients at investors nila. Ngunit ang mag-apply sa kanya si Gerald?"I came here for an interview, Ma’am," magalang na sagot ni Gerald sa mapagkumbabang tono ng boses. "I hope you'll consider me for the vacant job."Paano iikot ang kuwento sa pagitan ng dati ay isang hamak na Janitress at ngayon ay boss na ng dating COO ngunit ang dating COO pala ang tunay pa ring Presidente at boss pa rin ng Janitress noon na COO na ngayon.Nagkatitigan sila ng aplik
Napalunok si Diane. "Pumunta ka ba dito para mag-apply ng trabaho?""Bakit hindi mo sagutin ang tanong ko?""Dahil wala kang karapatang tanungin ako sa mga ganyang bagay? It is too personal. Stupid question!" singhal ni Diane."Wala na ba akong karapatang magtanong dahil aplikante lang ako? May nakaraan din naman tayo, hindi ba puwedeng mapag-usapan din iyon? Hindi ko ba puwedeng matanong man lang 'yon?" "Excuse me? Kailan ka binigyan ng karapatang tanungin ang bagay na ikaw mismo ay hindi mo pinahalagahan?""Paano mo nasabing hindi ko pinahalagahan ang nakaraan?""Kailangan ko pa bang ipaliwanag sa'yo kung paano ko nasabing hindi mo pinahalagahan ang nakaraan? Gerald, ipinagpalit mo ako at ang nakakakinsulto, sa bakla pa! Kaya paano mo masasabing pinahalagahan mo ang bagay na iyong kinalimutan?""Ikaw ang unang bumitiw, kaya anong karapatan mong sumbatan ako?" balik tanong ni Gerald."Hindi ako nanunumbat lang, ipinapamukha ko sa'yo ang karupukan mo! Bumitiw man ako ngunit hindi kit
"Ngayon, nandito ka para mag-apply, hindi ba? Trabaho ang ipinunta mo dito kaya sana makuntento ka na sa kung ano lang muna ang kaya kong ibigay sa'yo." Tumunog ang cellphone ni Diane. Tinignan niya iyon sandali. Si Daniel ang tumatawag. Naghihintay na siguro iyon sa usapan nilang lunch."Excuse me, I have to take this call." Pagpapaalam niya.Tumayo siya at naglakad hanggang sa bintana.Malalim na buntong-hininga lang ang isinagot ni Gerald. Hindi pa nga ito ang tamang panahon na magsabi siya kay Diane. Galit pa ito sa nakaraan at kung dadagdagan niya ngayon iyon, baka lalo lang magkagulo ang lahat. Kailangan niya munang magsikap na hugasan ang lahat ng kanyang mga masasakit na sinabi para i-challenge siya noon. Kung sakaling mawala na ang galit at pagmamahal na ang papalit, siguro iyon na ang hudyat para magtapat na sila ni Sofia kung ano ang totoo. Hindi nakakatulong ngayon ang bigla niyang pagsasabi ng buong katotohanan, baka kasi iyon pa ang magtutulak dito para tuluyang sagutin
Huling pinuntahan nila ay ang office ni Diane dahil nang dinaanan nila kanina ay sinabi ng Secretary na may kausap pa ang boss niya sa loob. Dahil may naghihintay na ilang aplikante ang HR ay sinabihan na lang niya ang Secretary na ito na ang bahala sa bago nilang empleyado.Bumukas ang pintuan ng office ni Diane. Nakita ni Gerald sina Daniel at Diane na lumabas. Nagtatawanan pa sila. Bilang pagbibigay galang sa magiging boss niya ay tumayo siya at binati niya silang dalawa ng "Good morning.""Engr. Saavedra!" Lumapit si Daniel kasunod ang naalangang si Diane. Nagkamay ang dalawa. "Tama pala ang sinabi sa akin ni Diane na you will be joining today as their new Contracts Manager. Hindi ako makapaniwalang..." tumigil si Daniel.Kahit hindi binuo ni Daniel ang sasabihin ay alam niya ang karugtong no'n. Medyo nasaling ang kanyang ego pero mas nasasaktan siyang isiping mukhang nagkakamabutihan na ang dalawa. "Yes. I am a newly appointed Contracts Manager here. I consider this as a decent j
"Talaga? Namiss mo ba ang mabagong hininga ko?"Tumayo si Diane. Kinuha niya ang papel na nasa table niya. Huminga siya ng malalim."Ibalik mo na lang sa akin ito kung maayos na ang pagkakasunod-sunod. Makakalabas ka na!" galit-galitan nitong sinabi kay Gerald.Nakangiting kinuha ni Gerald sa kamay ni Diane ang papel. Sinadya niyang mahawakan ang palad ni Diane."Mabango pala ha!" Natatawang wika ni Gerald habang nakangiti siyang nakatitig sa namumulang si Diane.Nang nakita niyang pauwi na si Diane ay mabilis niyang kinuha ang kanyang mga gamit. Pasara na ang elevator pero mabilis niyang iniharang ang katawan niya. Muli itong nagbukas at nakangiti siyang tumingin sa seryosong mukha ni Diane.Tumalikod si Diane at humarap siya sa salamin.Muling nagtama ang kanilang mga mata.Mabilis na kindat ang pinakawalan ni Gerald at simangot naman ang tugon ni Diane."May attiude talaga?" Pagpaparinig ni Gerald."Ako bang pinariringgan mong may attitude?""Hindi ah! Wala.” Napangiti siya. Lumaba
Iniwan din ni Diane si Gerald sa parking area kahit pa kinulit niya ito nang kinulit. Gusto niya sana itong sundan ngunit naisip niyang hindi iyon magandang idea. Naglalakad na siya papunta sa kanyang sasakyan.Antindi ng mga sinabi sa kanya ni Diane nang dapat ay maglapat na ang kanilang mga labi. Ngayon lang siya nasabihan ng ganoon."Ano ha? Hahalikan mo ako? Dadaanin mo ako sa pilitan para lalo lang akong magalit at kamuhian ka! Wala kang respeto. Ang mga 'yan, yung mga empleyadong 'yan, anong tingin mo sa kanila, walang nakikita? Walang pakialam sa mga nangyayari? Ikinahiya mo ako noong COO ka pa hindi ba? Ngayon Gerald, utang na loob, bigyan mo naman din ako ng kahihiyan ngayon! Magkaroon ka naman ng konting respeto sa akin at sa sarili mo!" bulong lang iyon sa kanya ni Diane ngunit tumagos sa kanyang puso at pagkatao. Hindi siya nakasagot hanggang buong lakas siyang itinulak nito. Nagmamadali itong sumakay sa kotse at umalis na hindi na siya tinignan pa.Pasakay na si Gerald sa
Kaagad siyang niyakap ni Ringgo nang makalapit ito."Nagpakita ka Gerald! Pinuntahan mo ako dito! Ang saya-saya kong bumisita ka." Magkahalong tawa at iyak na sambit ni Ringgo.Nagpaubaya si Gerald sa yakap ni Ringgo. Daman-dama niya ang higpit niyon. Nang halikan siya nito sa pisngi ay hinayaan lang niya ito ngunit nang hinawakan siya sa pisngi at akmang hahalikan na siya sa labi niya ay saka niya marahang itinulak si Ringgo. Iniwas niya at inilayo ang kanyang mukha."Huwag Ringgo," pabulong."Bakit? Di ba pumunta ka dito para balikan mo ako? Para ipagpatuloy natin ang relasyon natin?" Malambing ang pagkakatanong no'n."Maupo ka muna. Mag-usap tayo." hinawakan niya ang palad ng kaibigan.Umupo sila. Hindi maialis ni Ringgo ang tingin niya sa guwapong mukha ni Gerald. Hindi pa rin siya makapaniwalang pinuntahan siya nito sa kanyang bahay."Alam mo bang mahal na mahal kita bilang isang matalik kong kaibigan? Ayaw ko ring mawala ka sa akin kaya gusto ko sanang magiging maayos ka rin." P
Galit pa nga ba siya?Ewan!Hindi na niya alam.Hmnnn!Mahal kaya? Mahal pa kaya niya si Gerald?Hindi!Hindi niya gustong isipin iyon dahil baka maniwala ang puso!Ayaw na niya!Tama na.Hindi na niya gustong balikan pa ang nakaraan. Ang mga sakit na kanyang pinagdaanan.Kaya para makaiwas, hindi na niya kinakausap si Gerald. Kapag binibigay nito ang mga draft niyang contracts, ipinababalik niya sa Secretary niya na puno ng red marks. Nawawalan na tuloy siya ng bilib kay Gerald. Puro mali ang trabaho. Hindi niya alam kung sinasadya nito iyon o sadyang wala lang talagang alam. Kung may kukunin siya sa Pantry at susunod si Gerald, mabilis siyang aalis at hindi niya ito titignan. Ni hindi na nga ito sinasagot pa sa pagbati nito kung nagkakasalubong sila. Hindi niya ito tinitignan. Well, hindi nga naman talaga kung alam niyang nakatingin din ito sa kanya. Pasimple lang at mabilisang lingon. Damn! E, di tumingin din pala siya?At least, hindi titigan. Pasimpleng sulyap lang. Wala namang b