Galit pa nga ba siya?Ewan!Hindi na niya alam.Hmnnn!Mahal kaya? Mahal pa kaya niya si Gerald?Hindi!Hindi niya gustong isipin iyon dahil baka maniwala ang puso!Ayaw na niya!Tama na.Hindi na niya gustong balikan pa ang nakaraan. Ang mga sakit na kanyang pinagdaanan.Kaya para makaiwas, hindi na niya kinakausap si Gerald. Kapag binibigay nito ang mga draft niyang contracts, ipinababalik niya sa Secretary niya na puno ng red marks. Nawawalan na tuloy siya ng bilib kay Gerald. Puro mali ang trabaho. Hindi niya alam kung sinasadya nito iyon o sadyang wala lang talagang alam. Kung may kukunin siya sa Pantry at susunod si Gerald, mabilis siyang aalis at hindi niya ito titignan. Ni hindi na nga ito sinasagot pa sa pagbati nito kung nagkakasalubong sila. Hindi niya ito tinitignan. Well, hindi nga naman talaga kung alam niyang nakatingin din ito sa kanya. Pasimple lang at mabilisang lingon. Damn! E, di tumingin din pala siya?At least, hindi titigan. Pasimpleng sulyap lang. Wala namang b
"Ayaw ko na nga!" protesta ni Sackey sa hinihiling ni Gerald."Paselosin lang natin! Sige na!" Pangungulit niya sa pinsan niya. Hindi na kasi niya makuha si Diane sa santong ligawan kaya naisip niyang daanin muli ito sa simpleng landian. Kailangan na niyang makuha ang tiwala at pagmamahal ni Diane bago tuluyang sumabog si Ringgo."Pumayag ako nang una na kausapin si Britney tapos ngayon sa Secretary ni Diane mismo, hindi na puwede ‘yon.""Bakit hindi?""Pucha naman insan! Sa tingin mo ba magseselos si Diane diyan e mas maganda siya sa Secretary niya? Ayaw ko na. Saksatan mo lang ang kaibigan ko e. Putang ina naman eh.""O hayan nagmumura ka na!" parinig ni Gerald. "Puwede namang inglisin nang di ka nakakasakit!""Basta, ayaw ko nang maghanap ng gagamitin mong ipangpaselos.""To naman, hirap mapakiusapan.""Insan naman, hanggang tama na yung mga ganoong paselos. Kapag malaman niya ang lahat ng kasinungalingan natin patay ako. Paano ko ligawan si Marian, tingin mo papayag 'yan na ipalig
"Nautakan mo ako insan ha!" bulong ni Sackey. Hindi siya natutuwa sa plano ng pinsan niya."Sakyan mo na lang ako. Please? Sandaling-sandali na lang, bibigay na 'yan. Alam ko nang kahinaan niyan. Hindi na niya pinipili ngayon kung sino ang pagseselosan. Lalo na alam niyang pinatulan ko pati si Ringgo. Promise insan, maya-maya lalabas na ang pagka-amasona niyan. Siya na mismo ang lalapit sa akin. Hindi niyan matitiis ang karisma ko.""Lumaklak ka yata ng isang baldeng self-confidence insan! Taas ng tingin sa sarili ah!""Ako pa ba? Basta easy ka lang, sagot kita!""Libreng dinner daw oh pero sa huli nagamit din akong pampaselos. Insan, hindi puwedeng tumagal 'to. Kung yung sa inyo nga ni Britney hindi pa nababawi ta’s eto ako uli. Di na ako papayag na ginagamit-gamit mo ako at ako yung napapasama.""Bakit may sinasabi ba tayo sa kanya na tayo? Yung maduming utak lang niya ang sisihin niya at hindi tayo.”“Gago k aba? May papunas-punas ka pa ng sauce sa gilid ng labi ko. May lalaki bang
Pinag-iisipan na ni Diane kung paano niya sasabihing pumapayag na siyang maging sila ni Daniel. May kung anong pumipigil lang kasi sa kanya. Madalas niya itong tinititigan mula nang papunta sila ng bar hanggang ngayong magkaharap sila at nagsisimula nang mag-inuman.Sumasabay ang galaw ng ilaw sa mabilis na tugtog ng musika. Tama lang ang dillim ng bar para makita ang iba pang naroon. Ang ikinaganda ay walang nangingialam sa kanila. Pinili nilang tumayo lang sa isang may kataasang pabilog na mesa. May mga mangilan-ngilang tumitingin-tingin pero alam ni Diane na ang mga iyon ay ang mga dumating na walang kasama at kailangan nilang maghanap ng makakapareha. Sila yung mga kagaya ni Gerald dati na naghahanap ng panandaliang makakasama sa gabing iyon na maaring matatapos sa mainit na one night stand. Damn! Bakit si Gerald na naman ang naisip niya?May mga sumasayaw na rin noon. Mga babae at lalaking magkarelasyon. May mga mangilan-ngilan ring mga maskuladong bakla na kung gumiling ay daig
“Anong pag-uusapan ninyo?" bulong ni Daniel kay Diane. Nagdadalawang isip siyang payagan si Diane na makapagsolo sila ni Gerald. Nakakaramdam siya ng takot ngunit ayaw din niyang magmukhang nananakal lalo pa't hindi pa naman sila. Ipinaramdam na lang niyang hindi siya natutuwa sa ideyang iyon."Ayaw mo ba?" muling bulong ni Diane.Bumunot si Daniel ng malalim na hininga. Tinignan niya si Gerald na nakatayo at naghihintay kay Diane. Kaya ba niyang ipagkatiwala si Diane kay Gerald?"Sige na. Payag ako basta ba..." matamlay na sagot ni Daniel.“Basta, ano?” Nilingon niya rin si Sackey na naghihintay na matapos silang mag-usap na dalawa.“Basta hindi ka padadala.”“Okey. Salamat," sagot ni Diane. Aalis na sana siya ngunit naisip niya na hindi nakabubuting hindi siya magbigay ng dahilan kay Daniel. Hindi kasi kung sinu-sino lang ang kakausapin niya, alam ni Daniel na may nakaraan sila ni Gerald kaya kailangan niyang maging sensitibo rin sa pakiramdam nito.“Bakit?”“I wanna be honest.”“H
Huminga nang malalim si Diane. Hindi na tama ang ginagawa nng bestfriend niya. May utang na loob siya oo, pero huwag naman sana ganito."Tol naman! Naging totoo ako sa'yo. Kilala mo ako, walang kahit anong lihim sa buhay ko na inilihim ko sa'yo. Nagtiwala akong magiging totoo ka kasi ikaw lang ang pinagkakatiwalaan kong bestfriend ko. Nakapatagal nating magkasama tol, ni minsan hindi mo sinabing magpinsan lang pala kayo ni Gerald. Nasa sa'yo lahat ng pagkakataong aminin sa akin ang tungkol sa kanila dati ni Britney, na mali ang tingin ko sa kanila at sa'yo ngayon pero hindi ka nagsasalita. Ni wala kang sinabi sa akin. Pinanindigan mo ang panloloko ni Britney kasama ng pinsan mo!" singhal ni Diane. Nanginginig ang kanyang mga kamay ngunit hindi niya nagawang sampalin ang kanyang bestfriend. Kung may pinakawalan siya noon, iyon ay ang masaganang luha sa kanyang pisngi.Tumingin si Sackey sa bestfriend niya. Ito na yung pagkakataong kinatatakutan niya noon pa. Dumating na ang panahon na
Kinabukasan, paggising ni Diane ay maingay na sa kanilang kusina. Bakasyon na kasi ng mga kapatid niya kaya kumpleto na naman sila sa mga ganoong oras. Nang makita siya ni Marcus pagbaba niya sa hagdanan ay tumakbo ito at tumalon sa kanyang likod. Kinarga niya ang naglalambing nilang bunso at kahit mabigat ang pakiramdam niya ay sinikap niyang huwag ipahalata sa kanyang mga kapatid ang kanyang kalungkutan. Hindi siya dapat paaapekto. Kung noon nga nakaya niyang ipakita sa kanila na malakas siya, ngayon pa kaya?"Damulag ka na bunso ah! Bumaba ka nga mula sa likod ko. Ang bigat mo na kaya!" tinapik niya ang puwit ni Marcus."Tagal mo na nga akong hindi kinakarga eh!" yumakap si Marcus sa leeg ng ate niya habang nakaangkas siya sa likod nito. "Bakit amoy alak ka?" tanong ni Marcus."Hindi ah! Panong amoy alak ako?" Kiniliti niya ang talampakan ni Marcus."Ate naman eh!” Nakikiliti si Marcus. “Ate! Ano ba! Sige ka! Malalaglag ako!" Lalong hinigpitan ang hawak ni Marcus sa leeg ng Ate Dia
Humugot si Gerald ng malalim na hininga. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang mga luha. Hindi siya pwedeng iiyak.Naramdaman na lamang niya na nasa likod na niya si Diane.Pagharap niya ay mabilis siyang niyakap ni Diane ng mahigpit."Salamat. Pasensiya ka na kung hindi ko kayang tumbasan ang pagmamahal mo sa akin. Masyado nang magulo. Mukhang hindi sa atin umaayon ang pagkakataon. Gusto ko ng buhay na tahimik at ligtas. Salamat na lang kung totoong minahal mo ako kahit nang mga panahong iniwan mo ako, kahit nang mga panahong wala ka sa tabi ko at hindi ko maramdaman ang sinasabi mong pagmamahal."Tumango lang si Gerald. Hindi niya sinuklian ng yakap si Diane dahil sa hawak niyang halaman. Nang pagbuksan siya ni Diane ng pintuan ay tuluyang bumagtas ang luha ni Gerald sa kanyang pisngi. Kitang-kita iyon ni Diane. Dama niya yung bigat na nararamdaman ni Gerald. Mabilis itong yumuko at lumabas. Naiwan si Diane. Nakatingin siya sa palayong si Gerald. Pinalaya din niya ang kanyang luha ng
Pagpasok ni Sofia sa bakuran Psychiatrict Hospital ay nakita niya ang isang matipuno, guwapo at masayahing lalaki na noon ay tumutulong sa pagsasaayos ng mga namumulaklak na halaman. Nang magtama ang kanilang mga mata ay nakita niya agad ang kislap sa mga mata ng paghahandugan niya sa kanyang dala. Tumakbo ito at sinalubong siya. Binuhat at pinaikot-ikot siya at ramdam na ramdam niya ang kanyang pagiging babae."I'm so happy. Sobrang saya ko lang honey." maluha-luha at natatawang wika ni Ringgo kasunod ng paghalik-halik niya sa braso ni Sofia."Dahil dinalaw ulikita?""Sort of." sagot ni Ringgo."Sort of? E anong bulls eye na dahilan?""I am hundred percent okey! Puwede ko nang pagbayaran sa kulungan ang mga kasalanan ko kay Gerald at Diane! Then after that, aalis tayo dito. Titira tayo sa ibang bansa, magsasama na tayo hanggang sa pagtanda.""Wait, may nagsampa ba ng kaso? Wala naman hindi ba?""Wala ba?""Sa pagkakaalam ko, wala."Bumuntong hininga si Ringgo. Inakbayan niya s Sofia
Hi Baby!At first, I don't know what to write. Napakarami ko kasing gustong sabihin at sa dami ay di ko alam kung ano ang aking uunahin. Ngunit naisip kong gawing simple lang ang paglalahad at sana maintindihan mo ako. Baby, I am sorry. Here I am again, asking for a favor. I need to sarcrifice for a friend, for us and for everybody. Lalayo muna ako para pagbigyan ang isang kahilingan ng Mommy ni Ringgo.Tumulo ang luha ni Diane. Hindi niya alam kung kaya pa niyang tapusing basahin ang sulat na iyon. Muli na naman siyang iniwan ni Gerald. Matagal niyang itinapat sa dibdib niya ang sulat kasabay ng pagbunot niya ng sunud-sunod na malalalim na hininga. Kailangan niyang lawakan ang pang-unawa.Gusto kong gumaling muna si Ringgo. Gusto ko ring matahimik na muna ang lahat. Nais kong ligtas ang lahat habang naghihilom ang sugat ng kahapon. Hanapin mo muna ang sarili mo at gawin ang mga bagay na hindi mo nagawa nang sinimulan mong mahalin ako. Ganoon din ako. Tatapusin ko sa ibang bansa ang a
Ang Mommy ni Ringgo ang umiikot sa kanilang tatlo naging biktima ng kanyang anak para masiguro ang kanilang kaligtasan. Niyakap siya nang mahigpit ng Mommy ni Ringgo nang pumayag siya sa hinihiling nito. Kung hindi lang niya naisip na sa huling sandali ay pinili pa rin ni Ringgo ang maging isang mabuting tao, kung hindi lang nakiusap ang Mommy ni Ringgo ay paniguradong hindi niya kakayanin ang muling magsakripisyo. Dadalawin niya si Ringgo bago siya aalis.Pagkaalis na pagkaalis ng Mommy ni Ringgo ay humiling siya sa doktor kung puwedeng isakay siya sa wheelchair para silipin niya si Diane. Walang bantay si Diane noon. Maayos na ang kalagayan nito ngunit nakapikit pa rin siya. Ginagap niya ang kamay ni Diane. Pinagmasdan niya ang mapayapa nitong pagkakaidlip. Pinilit niyang tumayo at hinalikan niya sa labi ang kanyang pinakamamahal. Muli niyang pinalaya ang kanyang mga luha. Luha ng kasiyahan. Luha ng pasasalamat sa pagdating nito at iniligtas ang kanyang buhay. Alam niya, siguradong-
“Adammm! Bumalik ka na roon. Kailangan ka ng mga kapatid ko! Gumisinggg kaaa! Adammm please!!!” sigaw iyon ni Diane. Napasinghap si Gerald. Mabilis niyang hinanap si Diane na kanina lang ay ginigising siya. Akala niya totoo ang lahat. Akala niya malakas pa si Diane. Nang makita niya ang babaeng halos wala nang buhay na kayakap niya ay alam niyang panaginip lang ang lahat. Lumuha siyang muli. Alam niyang sandali siyang nawalan ng malay ngunit nakita niya sa balintataw niya si Diane. Ginigising siya. Pinababalik. “Sorry, baby. Sorry na wala akong magawa.” Bulong lang iyon. Pilit niyang nilalakasan ang kanyang katawan para mayakap lang niya ito sa huling sandali ng kanilang buhay. Hangang sa nakita niya na may hawak na baril si Ringgo. Palapit na ito sa kanila. Puno ng luha ang mga mata ni Ringgo. Naroon ang galit sa kanyang mukha. Bigo siyang makahingi ng konting awa. Bigo siyang mapabago ang kanyang kaibigan. Ito na nga marahil ang katapusan ngunit hindi siya papayag na si Diane ang
Alam ni Gerald na sinusundan siya ni Ringgo. Mabuti't mabilis niyang nahubad ang suot niyang long-sleeves at iyon ang kanyang ipinulupot sa kanyang sugat ngunit ngayon muling umagos ang kanyang dugo at di niya mapigilan ang pagpatak nito sa damuhan na maaring masundan ng naka-flashlight na si Ringgo."Sinabi ko na sa'yo, hindi mo ako matatakasan Gerald! Magsama tayong dalawa sa impyerno!" kasunod iyon ng malakas na tawa ni Ringgo.Hinigpitan ni Gerald ang hawak niya sa nakita niyang kahoy kanina. Hinihintay niyang matapat si Ringgo sa tinataguan niya at buong lakas niyang papaluin ito sa ulo. Ramdam na niya ang pagkahilo dahil sa pagod, gutom, pagkauhaw at dami ng dugong nawala sa kanya ngunit hindi ito yung tamang panahon para manghina siya. Lalabanan niya ang lahat ng iyon. Mahal niya ang kanyang buhay. Gusto pa niyang makasama ng mahabang panahon si Diane."Sige pa, lumapit ka pang hayop ka," bulong ni Gerald. Itinaas niya ang hawak niyang pamalo. Sandali siyang pumikit at huminga
Alam ni Gerald na hindi nagbibiro si Ringgo sa sinabi niyang iyon nang tinanggal nito ang pagkakatali sa isa niyang kamay at nang matanggal iyon ay nakatutok na ang baril sa kanya."Bibigyan kita ng isang minuto na tanggalin ang pagkakatali ng isa mo pang kamay at paa. Kung natapos na ang isang minuto at nadiyan ka pa rin sa kama, pasensiyahan na tayo pero hindi na tayo makakalabas pa sa bahay ng buhay. Dito na tayo magkasunod na malalagutan ng hininga. Kaya nga kung ako sa'yo, simulan mo nang tanggalin ang nakatali sa'yo dahil magsisimula na ang oras mo." Salubong ang kilay at nanlilisik ang mga mata ni Ringgo habang sinasabi niya iyon. Pawis at luha ang naghalo sa kanyang namumulang mukha. Ikinasa na ni Ringgo ang hawak niyang baril.Hudyat iyon na kailangan ni Gerald na bilisan ang kilos."60, 59, 58, 57..." pagsisimula ni Ringgo sa pagbibilang.Sobrang kaba at nerbiyos ni Gerald habang tinatanggal niya nakatali sa kanyang kamay. Isang kamay lang ang gamit niya kaya siya nahirapan
Inilagay ni Ringgo ang baril sa drawer na may susi. Lumapit siya kay Gerald. Hinawakan niya ang mukha nito. Hindi niya naramdamang pumalag si Gerald. Ni hindi ito nagmura. Iyon nga lang hindi ito tumingin sa kanya. Namimimiss na niya si Gerald. Nakapatagal na nang huli niya itong mahalikan sa labi, ang maidantay niya ang hubad at mainit nitong katawan sa kanya, ang maramdaman ang matitigas nitong dibdib at abs na nakadikit din sa kanya. May kung anong nabuhay sa kanyang pagnanasa. Puwede na niyang gawin lahat ngayon kay Gerald ang gusto niya. Puwede siyang magpakasawa, tigilan lang ito kung kailan pagod na. Dahan-dahan niyang idinampi ang labi niya sa labi ni Gerald. Siniil niya iyon ng halik. Hindi inilayo ni Gerald ang kanyang labi ngunit hindi iyon kumilos. Humihinga naman ito, naamoy nga niya ang mabango nitong hininga ngunit mistula itong patay. Walang kahit anong paggalaw, mistulang humahalik siya sa malamig nang bangkay.Hanggang sa naisip niyang tanggalin ang butones ng longsl
Tagaktak na ang pawis si Gerald sa loob ng trunk ng sasakyan ni Ringgo. Nakagapos ang kamay niya patalikod at kahit ang mga paa niya. Napapaluha siya dahil sa sobrang nahihirapan na. Wala siyang makita dahil piniringan din ang kanyang mga mata. Hindi niya alam kung gaano na iyon katagal. Sumasakit na ang buo niyang katawan. Hirap pa siyang kumilos at huminga dahil sa tindi ng init sa loob ng trunk ng kotse. Ang tanging lakas na lang niya sa mga sandaling iyon ay ang isipin si Diane. Doon siya huhugot ng lakas. Iisipin niya ang masasaya nilang alaala. Pupunuin niya ng matatamis nilang sandali ang kanyang isip nang di niya maramdaman ang hirap niya ngayon. Sana naisip ni Diane na unahin ang mga kapatid niyang iligtas at ilayo. Kaya niyang magtiis, kaya pa niyang magsakripisyo. Masaya siyang ligtas na si Marcus. Maaring kasama na ngayon ni Diane ang bata. Okey lang sa kanya ang lahat nang ito. Ang mahalaga ay hindi na muli pang iiyak si Diane sa pagkawala ng mahal nito sa buhay. Kayang n
Pinalibutan na siya nina Sackey, Diane at Marvie.Humahagulgol lang si Marcus. Hindi ito makapagsalita dahil pa rin sa tindi ng trauma na pinagdaanan niya. Marami siyang gustong sabihin ngunit hindi niya alam kung paano niya sisimulan. Iniwan na lang siya bigla sa hindi niya alam kung saang lugar. Kinalagan lang siya sa kamay at siya na ang nagtanggal sa ipiniring sa kanya at sa nakatali sa kanyang mga paa. Tinanggal din niya ang packing tape sa kanyang bibig at tainga. Lakad-takbo siyang lumayo doon hanggang sa naapuhap niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Ang ate Marian niya ang tinawagan niya dahil natatakot siya sa Ate Diane niya."Ate, hindi siya sumasagot. Umiiyak lang siya." si Marian.Kinuha ni Diane ang cellphone sa kamay ng kapatid niya at siya ang kumausap sa kanilang bunso."Marcus, ang Ate Diane mo ito. Huminga ka nang malalim. Relax lang okey? Sabayan mo ako, hinga...buga...hinga...buga... Nandito ang ate, sabihin mo kung nasaan ka para sunduin ka namin.""Ate...