Share

CHAPTER ONE HUNDRED FIFTEEN

“Anong pag-uusapan ninyo?" bulong ni Daniel kay Diane. Nagdadalawang isip siyang payagan si Diane na makapagsolo sila ni Gerald. Nakakaramdam siya ng takot ngunit ayaw din niyang magmukhang nananakal lalo pa't hindi pa naman sila. Ipinaramdam na lang niyang hindi siya natutuwa sa ideyang iyon.

"Ayaw mo ba?" muling bulong ni Diane.

Bumunot si Daniel ng malalim na hininga. Tinignan niya si Gerald na nakatayo at naghihintay kay Diane. Kaya ba niyang ipagkatiwala si Diane kay Gerald?

"Sige na. Payag ako basta ba..." matamlay na sagot ni Daniel.

“Basta, ano?” Nilingon niya rin si Sackey na naghihintay na matapos silang mag-usap na dalawa.

“Basta hindi ka padadala.”

“Okey. Salamat," sagot ni Diane.

Aalis na sana siya ngunit naisip niya na hindi nakabubuting hindi siya magbigay ng dahilan kay Daniel. Hindi kasi kung sinu-sino lang ang kakausapin niya, alam ni Daniel na may nakaraan sila ni Gerald kaya kailangan niyang maging sensitibo rin sa pakiramdam nito.

“Bakit?”

“I wanna be honest.”

“H
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status