Kinabukasan, paggising ni Diane ay maingay na sa kanilang kusina. Bakasyon na kasi ng mga kapatid niya kaya kumpleto na naman sila sa mga ganoong oras. Nang makita siya ni Marcus pagbaba niya sa hagdanan ay tumakbo ito at tumalon sa kanyang likod. Kinarga niya ang naglalambing nilang bunso at kahit mabigat ang pakiramdam niya ay sinikap niyang huwag ipahalata sa kanyang mga kapatid ang kanyang kalungkutan. Hindi siya dapat paaapekto. Kung noon nga nakaya niyang ipakita sa kanila na malakas siya, ngayon pa kaya?"Damulag ka na bunso ah! Bumaba ka nga mula sa likod ko. Ang bigat mo na kaya!" tinapik niya ang puwit ni Marcus."Tagal mo na nga akong hindi kinakarga eh!" yumakap si Marcus sa leeg ng ate niya habang nakaangkas siya sa likod nito. "Bakit amoy alak ka?" tanong ni Marcus."Hindi ah! Panong amoy alak ako?" Kiniliti niya ang talampakan ni Marcus."Ate naman eh!” Nakikiliti si Marcus. “Ate! Ano ba! Sige ka! Malalaglag ako!" Lalong hinigpitan ang hawak ni Marcus sa leeg ng Ate Dia
Humugot si Gerald ng malalim na hininga. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang mga luha. Hindi siya pwedeng iiyak.Naramdaman na lamang niya na nasa likod na niya si Diane.Pagharap niya ay mabilis siyang niyakap ni Diane ng mahigpit."Salamat. Pasensiya ka na kung hindi ko kayang tumbasan ang pagmamahal mo sa akin. Masyado nang magulo. Mukhang hindi sa atin umaayon ang pagkakataon. Gusto ko ng buhay na tahimik at ligtas. Salamat na lang kung totoong minahal mo ako kahit nang mga panahong iniwan mo ako, kahit nang mga panahong wala ka sa tabi ko at hindi ko maramdaman ang sinasabi mong pagmamahal."Tumango lang si Gerald. Hindi niya sinuklian ng yakap si Diane dahil sa hawak niyang halaman. Nang pagbuksan siya ni Diane ng pintuan ay tuluyang bumagtas ang luha ni Gerald sa kanyang pisngi. Kitang-kita iyon ni Diane. Dama niya yung bigat na nararamdaman ni Gerald. Mabilis itong yumuko at lumabas. Naiwan si Diane. Nakatingin siya sa palayong si Gerald. Pinalaya din niya ang kanyang luha ng
Sinikap ni Ringgo ang pumasok sa party ngunit wala siyang pangalan sa listahan ng mga guest at wala rin siyang maipakitang invitation. Ang party na iyon ay para lang daw sa mga employees ng The Partners. Gusto niyang malaman kung ano ang meron sa loob at kung bakit pumasok ang lihim niyang minamatyagan. Desperado siyang makapasok ngunit nakailang beses na siyang sumubok. Naglakad siya sa labas at umikot sa likod ng Function Hall. Nanginginig siya. Ganito ang pakiramdam niya kung hindi niya nakukuha o nagagawa ang gusto. Hindi siya mapakali, hindi niya makontrol ang katawan sa panginginig at pinagpapawisan siya ng malapot. Hanggang sa napangiti siya nang makita niya ang isang waiter na lumabas sa backdoor. Binunot niya ang pitaka niya at tinignan kung magkano ang cash na dala niya. Ngumisi siya na nauwi sa mahinang tawa. Nakakita na siya ng pag-asa. Makakapasok din siya sa loob.******Nagsimula ang party sa paghingi ng kanilang HR Officer na maupo na muna ang lahat para sa isang mahal
Sandaling tumahimik ang function room. Kilala nila si Engr. Saavedra bilang isang empleyadong nakakasalubong lang nila na madalas hindi napapansin dahil sa ikinakalat ng secretary ng Chief Development Officer na hindi marunong sa trabaho at laging ibinabalik na puno ng red marks ang ipinapasa nitong contracts. Kaninang umaga lang ay nalaman ng lahat na nasisante siya ng trabaho at siya lang ang una at kaisa-isang pinatalsik ni Diane. Naging usap-usapan iyon sa mga umpukan. Tinanggal ito sa trabaho dahil mahina at walang alam sa posisyong pinasukan. Napanganga lang sila. Hindi makapaniwala sa kanilang narinig. Ngunit paglabas ni Gerald at kumaway siya sa lahat ay nagsimulang nagsitayuan at nagpalakpakan ang lahat. Lumakas iyon ng lumakas.Sumabit ang paghinga ni Diane. Nangatal at naginginig sa galit si Ringgo.Sumabog ang isang katotohanang sadyang yumanig sa kanilang mundo.Kasabay ng palakpakang iyon ang pagkabasag ng lahat ng inumin sa tray na hawak ni Ringgo. Alam niyang nakatawag
Sa sahig lang nakatuon ang tingin ni Diane. Pinapakinggan niya ang lahat ng binibitiwang salita ni Gerald. Binuksan niya ang puso at isipan niya na maaring magbigay ng kaliwanagan sa dami ng kanyang katanungan. Kung alam lang nilang tatlo kung gaano siya ngayon nasasaktan. Kung alam lang nilang pakiramdam niya ay pinagtulungan siyang laruin ang buhay niya't wala siyang kaalam-alam. Hindi siya lumuluha ngunit naipon sa dibdib niya yung sakit ng kanilang ginawa."Inihahalintulad ko ang The Partners sa buhay ng minahal ko mula noong walang-wala pa siya, na hanggang ngayong tinitingala na siya sa ating industriya." Gusto ni Gerald na ipasok si Diane sa kanyang mensahe. "Katulad niya, ang The Partners ay walang maipagmamalaki noon kundi ang determinasyon at pangarap. Sa tulong ng mga iilang nagtitiwala sa kanyang kakayahan ay unti-unti niyang naabot ang tagumpay.""Hindi lingid sa lahat na isa din ako ang may-ari at pamilya ko ang nagtatag ng Saavedra Real Estate na nabili ng mga Razon. Mi
Marami ang sumalubong sa kanya pagbaba niya ng entablado. Kinamayan siya. Niyakap ng ibang managers na siya mismo ang nag-aaprove noon ngunit hindi niya sila nakausap o nakamayan man lang. Palapit nang palapit na siya noon kay Diane ngunit bigla na lang itong tumayo at tinungo ang pintuan. Nagkatinginan silang magpinsan at hinayaan niyang si Sackey na lang ang sumunod kay Diane. Hindi pa siya makakaalis doon nang hindi niya nakilala ang lahat at mapasalamatan ang team na tumulong para marating ng The Partners ang tagumpay.Paikot-ikot si Diane sa harap ng Hotel habang hinihintay niya ang kanyang sasakyan. Pinipigilan na niya ang sariling hindi maluha. Gusto niyang sumigaw, humagulgol sa tindi ng emosyon na kanyang nararamdaman. Bakit ginawa sa kanya iyon? Hindi niya alam kung niloko siya? Hindi nga niya maintindihan ang nararamdaman. Nakakalito ang mga pangyayari, nakakawala ng katinuan ang kanyang mga nalaman. Ano itong ginawa sa kanya?Nang nakita niya ang kanyang kotse ay sumakay s
Kinuha ni Gerald ang red roses sa sidecar ng bisikleta. Hinabol niya si Diane at humarang siya."Please Diane, can we start over again?" tanong ni Gerald sa kanya. “Kailangan ko bang magmakaawa? Kailangan ko pa bang lumuhod?”Nagkatitigan sila. Nakikita niya sa mukha ni Gerald ang pagmamakaawa ngunit paano naman siya? Yung mga nangyaring iyon?"Diane!" boses iyon ni Daniel.Nakita niyang mabilis ang paglalakad nito palapit sa kanila. Nang makalapit ay hinawakan nito ang balikat niya saka sila mahigpit na nagyakap." Anong nangyari? Are you okey?" hinawakan ni Daniel ang pisngi ni Diane.Nakita ni Diane si Gerald sa likod ni Daniel. Nakatingin ang dalawa sa kanya. Napalunok siya. Kanino ba siya ngayon dapat sasama? Alin ang pakikinggan niya, ang sigaw ng kanyang isip o bulong ng kanyang puso."Diane!" boses iyon ni Daniel.Nakita niyang mabilis ang paglalakad nito palapit sa kanila. Nang makalapit ay hinawakan nito ang balikat niya saka sila mahigpit na nagyakap." Anong nangyari? Are
Sinadya ni Gerald na dumaan na muna sa lansangang iyon. Bago siya aalis papuntang ibang bansa ay gusto niyang balikan ang sandali kung paano siyang nagmahal muli. Gusto niyang sariwain kung paanong binasag ng isang batang Diane ang makapal na kamanhidang ibinalot niya sa kanyang puso. Ito lang pala ang mapapala niya pagkatapos niyang sumubok muling isugal ang katahimikan nito, ang muling mabigo at ang masaktan ng paulit-ulit. Bumunot siya ng malalim na hininga. Pinagmasdan niya ang hawak niyang rosas. Hinding-hindi na siya muli pang hahawak at maghahandog nito, hinding-hindi na siya magmamahal nang hindi na rin siya masasaktan pang muli ng ganito. Lalayo na muna siya at iiwan niya sa lansangang ito ang lahat ng sakit at kabiguan niya kay Diane. Dito nagsimula ang lahat at dito din matatapos.Nang dumaan sa tabi niya ang isang kabataang hindi pinalad makapuwesto sa jeep ay muli niyang naalala ang dalagita lang noon na dahilan kung bakit siya muling narito pagkaraan ng ilang taon. Gano'