Share

CHAPTER NINETEEN

Author: MissThick
last update Huling Na-update: 2023-12-03 17:48:52

Sinikap ni Ringgo ang pumasok sa party ngunit wala siyang pangalan sa listahan ng mga guest at wala rin siyang maipakitang invitation. Ang party na iyon ay para lang daw sa mga employees ng The Partners. Gusto niyang malaman kung ano ang meron sa loob at kung bakit pumasok ang lihim niyang minamatyagan. Desperado siyang makapasok ngunit nakailang beses na siyang sumubok. Naglakad siya sa labas at umikot sa likod ng Function Hall. Nanginginig siya. Ganito ang pakiramdam niya kung hindi niya nakukuha o nagagawa ang gusto. Hindi siya mapakali, hindi niya makontrol ang katawan sa panginginig at pinagpapawisan siya ng malapot. Hanggang sa napangiti siya nang makita niya ang isang waiter na lumabas sa backdoor. Binunot niya ang pitaka niya at tinignan kung magkano ang cash na dala niya. Ngumisi siya na nauwi sa mahinang tawa. Nakakita na siya ng pag-asa. Makakapasok din siya sa loob.

******

Nagsimula ang party sa paghingi ng kanilang HR Officer na maupo na muna ang lahat para sa isang mahal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER TWENTY

    Sandaling tumahimik ang function room. Kilala nila si Engr. Saavedra bilang isang empleyadong nakakasalubong lang nila na madalas hindi napapansin dahil sa ikinakalat ng secretary ng Chief Development Officer na hindi marunong sa trabaho at laging ibinabalik na puno ng red marks ang ipinapasa nitong contracts. Kaninang umaga lang ay nalaman ng lahat na nasisante siya ng trabaho at siya lang ang una at kaisa-isang pinatalsik ni Diane. Naging usap-usapan iyon sa mga umpukan. Tinanggal ito sa trabaho dahil mahina at walang alam sa posisyong pinasukan. Napanganga lang sila. Hindi makapaniwala sa kanilang narinig. Ngunit paglabas ni Gerald at kumaway siya sa lahat ay nagsimulang nagsitayuan at nagpalakpakan ang lahat. Lumakas iyon ng lumakas.Sumabit ang paghinga ni Diane. Nangatal at naginginig sa galit si Ringgo.Sumabog ang isang katotohanang sadyang yumanig sa kanilang mundo.Kasabay ng palakpakang iyon ang pagkabasag ng lahat ng inumin sa tray na hawak ni Ringgo. Alam niyang nakatawag

    Huling Na-update : 2023-12-03
  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY

    Sa sahig lang nakatuon ang tingin ni Diane. Pinapakinggan niya ang lahat ng binibitiwang salita ni Gerald. Binuksan niya ang puso at isipan niya na maaring magbigay ng kaliwanagan sa dami ng kanyang katanungan. Kung alam lang nilang tatlo kung gaano siya ngayon nasasaktan. Kung alam lang nilang pakiramdam niya ay pinagtulungan siyang laruin ang buhay niya't wala siyang kaalam-alam. Hindi siya lumuluha ngunit naipon sa dibdib niya yung sakit ng kanilang ginawa."Inihahalintulad ko ang The Partners sa buhay ng minahal ko mula noong walang-wala pa siya, na hanggang ngayong tinitingala na siya sa ating industriya." Gusto ni Gerald na ipasok si Diane sa kanyang mensahe. "Katulad niya, ang The Partners ay walang maipagmamalaki noon kundi ang determinasyon at pangarap. Sa tulong ng mga iilang nagtitiwala sa kanyang kakayahan ay unti-unti niyang naabot ang tagumpay.""Hindi lingid sa lahat na isa din ako ang may-ari at pamilya ko ang nagtatag ng Saavedra Real Estate na nabili ng mga Razon. Mi

    Huling Na-update : 2023-12-04
  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY ONE

    Marami ang sumalubong sa kanya pagbaba niya ng entablado. Kinamayan siya. Niyakap ng ibang managers na siya mismo ang nag-aaprove noon ngunit hindi niya sila nakausap o nakamayan man lang. Palapit nang palapit na siya noon kay Diane ngunit bigla na lang itong tumayo at tinungo ang pintuan. Nagkatinginan silang magpinsan at hinayaan niyang si Sackey na lang ang sumunod kay Diane. Hindi pa siya makakaalis doon nang hindi niya nakilala ang lahat at mapasalamatan ang team na tumulong para marating ng The Partners ang tagumpay.Paikot-ikot si Diane sa harap ng Hotel habang hinihintay niya ang kanyang sasakyan. Pinipigilan na niya ang sariling hindi maluha. Gusto niyang sumigaw, humagulgol sa tindi ng emosyon na kanyang nararamdaman. Bakit ginawa sa kanya iyon? Hindi niya alam kung niloko siya? Hindi nga niya maintindihan ang nararamdaman. Nakakalito ang mga pangyayari, nakakawala ng katinuan ang kanyang mga nalaman. Ano itong ginawa sa kanya?Nang nakita niya ang kanyang kotse ay sumakay s

    Huling Na-update : 2023-12-04
  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY TWO

    Kinuha ni Gerald ang red roses sa sidecar ng bisikleta. Hinabol niya si Diane at humarang siya."Please Diane, can we start over again?" tanong ni Gerald sa kanya. “Kailangan ko bang magmakaawa? Kailangan ko pa bang lumuhod?”Nagkatitigan sila. Nakikita niya sa mukha ni Gerald ang pagmamakaawa ngunit paano naman siya? Yung mga nangyaring iyon?"Diane!" boses iyon ni Daniel.Nakita niyang mabilis ang paglalakad nito palapit sa kanila. Nang makalapit ay hinawakan nito ang balikat niya saka sila mahigpit na nagyakap." Anong nangyari? Are you okey?" hinawakan ni Daniel ang pisngi ni Diane.Nakita ni Diane si Gerald sa likod ni Daniel. Nakatingin ang dalawa sa kanya. Napalunok siya. Kanino ba siya ngayon dapat sasama? Alin ang pakikinggan niya, ang sigaw ng kanyang isip o bulong ng kanyang puso."Diane!" boses iyon ni Daniel.Nakita niyang mabilis ang paglalakad nito palapit sa kanila. Nang makalapit ay hinawakan nito ang balikat niya saka sila mahigpit na nagyakap." Anong nangyari? Are

    Huling Na-update : 2023-12-04
  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY-THREE

    Sinadya ni Gerald na dumaan na muna sa lansangang iyon. Bago siya aalis papuntang ibang bansa ay gusto niyang balikan ang sandali kung paano siyang nagmahal muli. Gusto niyang sariwain kung paanong binasag ng isang batang Diane ang makapal na kamanhidang ibinalot niya sa kanyang puso. Ito lang pala ang mapapala niya pagkatapos niyang sumubok muling isugal ang katahimikan nito, ang muling mabigo at ang masaktan ng paulit-ulit. Bumunot siya ng malalim na hininga. Pinagmasdan niya ang hawak niyang rosas. Hinding-hindi na siya muli pang hahawak at maghahandog nito, hinding-hindi na siya magmamahal nang hindi na rin siya masasaktan pang muli ng ganito. Lalayo na muna siya at iiwan niya sa lansangang ito ang lahat ng sakit at kabiguan niya kay Diane. Dito nagsimula ang lahat at dito din matatapos.Nang dumaan sa tabi niya ang isang kabataang hindi pinalad makapuwesto sa jeep ay muli niyang naalala ang dalagita lang noon na dahilan kung bakit siya muling narito pagkaraan ng ilang taon. Gano'

    Huling Na-update : 2023-12-04
  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY-FOUR

    Naunang dumating si Gerald. Naghintay muna siya sa harap ng hotel. Ito yung hotel nang unang may nangyari sa kanila ni Diane. Pinili niya ito para matakpan nila ng bagong alaala ang One Night Stand lang nila noon. Naroon sila para humabi ng panibagong alaala. Yung alaalang sila na't nagmamahalan at hindi dahil lang sa init ng katawan.Pagkapasok nila sa elevator ay hinila ni Gerald si Diane at niyakap niya ito patalikod. Ramdam ni Diane ang nakatutok na iyon at ang init ng katawan ni Gerald. Napakahigpit ng yakap nito sa kanya. Naglapat din ang kanilang pisngi."I miss you! Gusto ko ring malaman mo na kahit minsan, hindi ako tumigil na mahalin ka. Mahal na mahal na mahal kita." Pabulong iyon. Puno ng sinseridad."Miss na miss din kita Gerald. Nagalit man ako sa'yo ngunit aaminin ko sa'yong ikaw lang ang minahal ko, ikaw lang din ang mamahalin ko." bulong niya. Hindi na siya humarap pa. Kumilos ang kanyang kamay. Hinawakan niya ang pisngi ni Gerald. Dahan-dahang naglapat ang kanilang m

    Huling Na-update : 2023-12-04
  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY-FIVE

    "Salamat baby ko." Hinalikan ni Gerald ang pisngi ni Diane. "I-cancel ko na ang travel ko abroad. Hindi na ako lalayo. Gusto ko ring makilala ang mga kapatid mo. Makabonding man lang sila kahit ilang oras lang sa probinsiya."Napangiti si Diane sa narinig niya. Nagkakatotoo na lahat ang pangarap niya kaya niya pinupog ng halik ang mukha ni Gerald pagkatapos nitong sabihin iyon."Sige na, magpahinga na muna tayo. Marami pa tayong aayusin bukas." bulong ni Gerald kay Diane at muli silang naghalikan. Ang mainit na halikang iyon ay nauwi sa isa namang mainit na pagniniig. Namiss nila ang isa't isa. Walang batas na nagbabawal na ulitin muli nila ang sarap ng kanilang pinasaluhan. Ilang taon ding hanggang pangarap lang nila iyon pinagsaluhan at ngayon ay sagad-sagarin na nila ang makatotohanang pag-iisang muli.Iyon na ang pinakamasayang pagmulat ng kanilang mga mata. Naunang nagising si Diane. Nakaunan pa rin siya sa bisig ni Gerald. Hindi siya nito tinakasan. Ginising niya ng halik ang ma

    Huling Na-update : 2023-12-04
  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY-SIX

    Malapit na siya sa kanyang lilikuang kalye nang napansin niya ang pagsunod sa kanya ng isang van na tinted ang bintana. Liliko na siya nang harangan ng van ang dadaanan niya. Nawalan siya ng balanse. Sumadsad siya sa madamong bahagi ng daan. Mabilis na bumaba ang isang lalaki sa Van na iyon. Bago nakabangon si Marcus ay hinawakan na siya ng malaking mama. “Kuya bakit?”“Sama kasa akin. Pinapasundo ka ng Ate Diane mo.”“Kuya hindi. Tatawagan ko muna si Ate.”Nagpalinga-linga ang lalaki at nang masigurong walang nakakakita ay mabilis niyang hinawakan ang bata. Tinakpan nito ang bibig gamit ang isang puting tela para hindi makahingi ng tulong. Isinakay ito sa van saka mabilis itong umalis. Naiwan ang bisikleta sa kalye. Walang nakakita sa bilis ng pangyayaring iyon. Hindi magawa ni Marcus ang lumaban. May ipinaamoy sa kanya na naging dahilan ng kanyang pagkahilo."Paalis na ako sa site. Nagreply na si Ringgo sa text ko at makikipagkita daw siya sa atin sa isang restaurant. Forward ko na

    Huling Na-update : 2023-12-04

Pinakabagong kabanata

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   FINAL CHAPTER

    Pagpasok ni Sofia sa bakuran Psychiatrict Hospital ay nakita niya ang isang matipuno, guwapo at masayahing lalaki na noon ay tumutulong sa pagsasaayos ng mga namumulaklak na halaman. Nang magtama ang kanilang mga mata ay nakita niya agad ang kislap sa mga mata ng paghahandugan niya sa kanyang dala. Tumakbo ito at sinalubong siya. Binuhat at pinaikot-ikot siya at ramdam na ramdam niya ang kanyang pagiging babae."I'm so happy. Sobrang saya ko lang honey." maluha-luha at natatawang wika ni Ringgo kasunod ng paghalik-halik niya sa braso ni Sofia."Dahil dinalaw ulikita?""Sort of." sagot ni Ringgo."Sort of? E anong bulls eye na dahilan?""I am hundred percent okey! Puwede ko nang pagbayaran sa kulungan ang mga kasalanan ko kay Gerald at Diane! Then after that, aalis tayo dito. Titira tayo sa ibang bansa, magsasama na tayo hanggang sa pagtanda.""Wait, may nagsampa ba ng kaso? Wala naman hindi ba?""Wala ba?""Sa pagkakaalam ko, wala."Bumuntong hininga si Ringgo. Inakbayan niya s Sofia

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SIX

    Hi Baby!At first, I don't know what to write. Napakarami ko kasing gustong sabihin at sa dami ay di ko alam kung ano ang aking uunahin. Ngunit naisip kong gawing simple lang ang paglalahad at sana maintindihan mo ako. Baby, I am sorry. Here I am again, asking for a favor. I need to sarcrifice for a friend, for us and for everybody. Lalayo muna ako para pagbigyan ang isang kahilingan ng Mommy ni Ringgo.Tumulo ang luha ni Diane. Hindi niya alam kung kaya pa niyang tapusing basahin ang sulat na iyon. Muli na naman siyang iniwan ni Gerald. Matagal niyang itinapat sa dibdib niya ang sulat kasabay ng pagbunot niya ng sunud-sunod na malalalim na hininga. Kailangan niyang lawakan ang pang-unawa.Gusto kong gumaling muna si Ringgo. Gusto ko ring matahimik na muna ang lahat. Nais kong ligtas ang lahat habang naghihilom ang sugat ng kahapon. Hanapin mo muna ang sarili mo at gawin ang mga bagay na hindi mo nagawa nang sinimulan mong mahalin ako. Ganoon din ako. Tatapusin ko sa ibang bansa ang a

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY FIVE

    Ang Mommy ni Ringgo ang umiikot sa kanilang tatlo naging biktima ng kanyang anak para masiguro ang kanilang kaligtasan. Niyakap siya nang mahigpit ng Mommy ni Ringgo nang pumayag siya sa hinihiling nito. Kung hindi lang niya naisip na sa huling sandali ay pinili pa rin ni Ringgo ang maging isang mabuting tao, kung hindi lang nakiusap ang Mommy ni Ringgo ay paniguradong hindi niya kakayanin ang muling magsakripisyo. Dadalawin niya si Ringgo bago siya aalis.Pagkaalis na pagkaalis ng Mommy ni Ringgo ay humiling siya sa doktor kung puwedeng isakay siya sa wheelchair para silipin niya si Diane. Walang bantay si Diane noon. Maayos na ang kalagayan nito ngunit nakapikit pa rin siya. Ginagap niya ang kamay ni Diane. Pinagmasdan niya ang mapayapa nitong pagkakaidlip. Pinilit niyang tumayo at hinalikan niya sa labi ang kanyang pinakamamahal. Muli niyang pinalaya ang kanyang mga luha. Luha ng kasiyahan. Luha ng pasasalamat sa pagdating nito at iniligtas ang kanyang buhay. Alam niya, siguradong-

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY FOUR

    “Adammm! Bumalik ka na roon. Kailangan ka ng mga kapatid ko! Gumisinggg kaaa! Adammm please!!!” sigaw iyon ni Diane. Napasinghap si Gerald. Mabilis niyang hinanap si Diane na kanina lang ay ginigising siya. Akala niya totoo ang lahat. Akala niya malakas pa si Diane. Nang makita niya ang babaeng halos wala nang buhay na kayakap niya ay alam niyang panaginip lang ang lahat. Lumuha siyang muli. Alam niyang sandali siyang nawalan ng malay ngunit nakita niya sa balintataw niya si Diane. Ginigising siya. Pinababalik. “Sorry, baby. Sorry na wala akong magawa.” Bulong lang iyon. Pilit niyang nilalakasan ang kanyang katawan para mayakap lang niya ito sa huling sandali ng kanilang buhay. Hangang sa nakita niya na may hawak na baril si Ringgo. Palapit na ito sa kanila. Puno ng luha ang mga mata ni Ringgo. Naroon ang galit sa kanyang mukha. Bigo siyang makahingi ng konting awa. Bigo siyang mapabago ang kanyang kaibigan. Ito na nga marahil ang katapusan ngunit hindi siya papayag na si Diane ang

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY TREE

    Alam ni Gerald na sinusundan siya ni Ringgo. Mabuti't mabilis niyang nahubad ang suot niyang long-sleeves at iyon ang kanyang ipinulupot sa kanyang sugat ngunit ngayon muling umagos ang kanyang dugo at di niya mapigilan ang pagpatak nito sa damuhan na maaring masundan ng naka-flashlight na si Ringgo."Sinabi ko na sa'yo, hindi mo ako matatakasan Gerald! Magsama tayong dalawa sa impyerno!" kasunod iyon ng malakas na tawa ni Ringgo.Hinigpitan ni Gerald ang hawak niya sa nakita niyang kahoy kanina. Hinihintay niyang matapat si Ringgo sa tinataguan niya at buong lakas niyang papaluin ito sa ulo. Ramdam na niya ang pagkahilo dahil sa pagod, gutom, pagkauhaw at dami ng dugong nawala sa kanya ngunit hindi ito yung tamang panahon para manghina siya. Lalabanan niya ang lahat ng iyon. Mahal niya ang kanyang buhay. Gusto pa niyang makasama ng mahabang panahon si Diane."Sige pa, lumapit ka pang hayop ka," bulong ni Gerald. Itinaas niya ang hawak niyang pamalo. Sandali siyang pumikit at huminga

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY TWO

    Alam ni Gerald na hindi nagbibiro si Ringgo sa sinabi niyang iyon nang tinanggal nito ang pagkakatali sa isa niyang kamay at nang matanggal iyon ay nakatutok na ang baril sa kanya."Bibigyan kita ng isang minuto na tanggalin ang pagkakatali ng isa mo pang kamay at paa. Kung natapos na ang isang minuto at nadiyan ka pa rin sa kama, pasensiyahan na tayo pero hindi na tayo makakalabas pa sa bahay ng buhay. Dito na tayo magkasunod na malalagutan ng hininga. Kaya nga kung ako sa'yo, simulan mo nang tanggalin ang nakatali sa'yo dahil magsisimula na ang oras mo." Salubong ang kilay at nanlilisik ang mga mata ni Ringgo habang sinasabi niya iyon. Pawis at luha ang naghalo sa kanyang namumulang mukha. Ikinasa na ni Ringgo ang hawak niyang baril.Hudyat iyon na kailangan ni Gerald na bilisan ang kilos."60, 59, 58, 57..." pagsisimula ni Ringgo sa pagbibilang.Sobrang kaba at nerbiyos ni Gerald habang tinatanggal niya nakatali sa kanyang kamay. Isang kamay lang ang gamit niya kaya siya nahirapan

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY ONE

    Inilagay ni Ringgo ang baril sa drawer na may susi. Lumapit siya kay Gerald. Hinawakan niya ang mukha nito. Hindi niya naramdamang pumalag si Gerald. Ni hindi ito nagmura. Iyon nga lang hindi ito tumingin sa kanya. Namimimiss na niya si Gerald. Nakapatagal na nang huli niya itong mahalikan sa labi, ang maidantay niya ang hubad at mainit nitong katawan sa kanya, ang maramdaman ang matitigas nitong dibdib at abs na nakadikit din sa kanya. May kung anong nabuhay sa kanyang pagnanasa. Puwede na niyang gawin lahat ngayon kay Gerald ang gusto niya. Puwede siyang magpakasawa, tigilan lang ito kung kailan pagod na. Dahan-dahan niyang idinampi ang labi niya sa labi ni Gerald. Siniil niya iyon ng halik. Hindi inilayo ni Gerald ang kanyang labi ngunit hindi iyon kumilos. Humihinga naman ito, naamoy nga niya ang mabango nitong hininga ngunit mistula itong patay. Walang kahit anong paggalaw, mistulang humahalik siya sa malamig nang bangkay.Hanggang sa naisip niyang tanggalin ang butones ng longsl

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY

    Tagaktak na ang pawis si Gerald sa loob ng trunk ng sasakyan ni Ringgo. Nakagapos ang kamay niya patalikod at kahit ang mga paa niya. Napapaluha siya dahil sa sobrang nahihirapan na. Wala siyang makita dahil piniringan din ang kanyang mga mata. Hindi niya alam kung gaano na iyon katagal. Sumasakit na ang buo niyang katawan. Hirap pa siyang kumilos at huminga dahil sa tindi ng init sa loob ng trunk ng kotse. Ang tanging lakas na lang niya sa mga sandaling iyon ay ang isipin si Diane. Doon siya huhugot ng lakas. Iisipin niya ang masasaya nilang alaala. Pupunuin niya ng matatamis nilang sandali ang kanyang isip nang di niya maramdaman ang hirap niya ngayon. Sana naisip ni Diane na unahin ang mga kapatid niyang iligtas at ilayo. Kaya niyang magtiis, kaya pa niyang magsakripisyo. Masaya siyang ligtas na si Marcus. Maaring kasama na ngayon ni Diane ang bata. Okey lang sa kanya ang lahat nang ito. Ang mahalaga ay hindi na muli pang iiyak si Diane sa pagkawala ng mahal nito sa buhay. Kayang n

  • ONE NIGHT STAND WITH A CEO   CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY NINE

    Pinalibutan na siya nina Sackey, Diane at Marvie.Humahagulgol lang si Marcus. Hindi ito makapagsalita dahil pa rin sa tindi ng trauma na pinagdaanan niya. Marami siyang gustong sabihin ngunit hindi niya alam kung paano niya sisimulan. Iniwan na lang siya bigla sa hindi niya alam kung saang lugar. Kinalagan lang siya sa kamay at siya na ang nagtanggal sa ipiniring sa kanya at sa nakatali sa kanyang mga paa. Tinanggal din niya ang packing tape sa kanyang bibig at tainga. Lakad-takbo siyang lumayo doon hanggang sa naapuhap niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Ang ate Marian niya ang tinawagan niya dahil natatakot siya sa Ate Diane niya."Ate, hindi siya sumasagot. Umiiyak lang siya." si Marian.Kinuha ni Diane ang cellphone sa kamay ng kapatid niya at siya ang kumausap sa kanilang bunso."Marcus, ang Ate Diane mo ito. Huminga ka nang malalim. Relax lang okey? Sabayan mo ako, hinga...buga...hinga...buga... Nandito ang ate, sabihin mo kung nasaan ka para sunduin ka namin.""Ate...

DMCA.com Protection Status