Share

CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY-THREE

Sinadya ni Gerald na dumaan na muna sa lansangang iyon. Bago siya aalis papuntang ibang bansa ay gusto niyang balikan ang sandali kung paano siyang nagmahal muli. Gusto niyang sariwain kung paanong binasag ng isang batang Diane ang makapal na kamanhidang ibinalot niya sa kanyang puso. Ito lang pala ang mapapala niya pagkatapos niyang sumubok muling isugal ang katahimikan nito, ang muling mabigo at ang masaktan ng paulit-ulit. Bumunot siya ng malalim na hininga. Pinagmasdan niya ang hawak niyang rosas. Hinding-hindi na siya muli pang hahawak at maghahandog nito, hinding-hindi na siya magmamahal nang hindi na rin siya masasaktan pang muli ng ganito. Lalayo na muna siya at iiwan niya sa lansangang ito ang lahat ng sakit at kabiguan niya kay Diane. Dito nagsimula ang lahat at dito din matatapos.

Nang dumaan sa tabi niya ang isang kabataang hindi pinalad makapuwesto sa jeep ay muli niyang naalala ang dalagita lang noon na dahilan kung bakit siya muling narito pagkaraan ng ilang taon. Gano'
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status