Share

CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY SEVEN

"Maaring dinukot si Marcus. Nakita ko ang bisikleta niya sa masukal na kalye.”

“Ano! Ate paano ‘yan! Anong gagawin natin?”

“Magdasal tayong hindi siya sasaktan nang kung sinuman ang gumawa nito. Hindi na kayo mga bata para maglihim pa ako sa inyo sa tunay na sitwasyon. Kayong dalawa, hindi rin ligtas ngayon kaya nga paulit-ulit kong sinasabi sa inyo na mag-ingat." Bumuntong hininga muna siya bago nagpatuloy. "Nandito na 'to kaya wala na tayong magawa pa kundi ang magtulungang lagpasan ito bilang isang pamilya."

"Pero ate bakit? Anong naging kasalanan natin sa ibang tao?"

"Hindi ko alam Marian. Hindi rin naman kasalanan sa tingin ko ang magmahal ngunit bakit sa tuwing pinaninindaigan ko ang pagmamahal ko, sana naman laging may nangyayaring ganito."

"Ibig bang sabihin, may kinalaman ito sa'yo? Pero ate, bakit kami nadadamay? Anong kasalanan ni bunso?" si Marvie ang nagtanong.

"Hindi ko rin alam kung bakit basta sa ngayon, makinig na lang muna kayo sa akin. Huwag na kayong lumabas pa. Ha
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status