Share

CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY

Sa sahig lang nakatuon ang tingin ni Diane. Pinapakinggan niya ang lahat ng binibitiwang salita ni Gerald. Binuksan niya ang puso at isipan niya na maaring magbigay ng kaliwanagan sa dami ng kanyang katanungan. Kung alam lang nilang tatlo kung gaano siya ngayon nasasaktan. Kung alam lang nilang pakiramdam niya ay pinagtulungan siyang laruin ang buhay niya't wala siyang kaalam-alam. Hindi siya lumuluha ngunit naipon sa dibdib niya yung sakit ng kanilang ginawa.

"Inihahalintulad ko ang The Partners sa buhay ng minahal ko mula noong walang-wala pa siya, na hanggang ngayong tinitingala na siya sa ating industriya." Gusto ni Gerald na ipasok si Diane sa kanyang mensahe. "Katulad niya, ang The Partners ay walang maipagmamalaki noon kundi ang determinasyon at pangarap. Sa tulong ng mga iilang nagtitiwala sa kanyang kakayahan ay unti-unti niyang naabot ang tagumpay."

"Hindi lingid sa lahat na isa din ako ang may-ari at pamilya ko ang nagtatag ng Saavedra Real Estate na nabili ng mga Razon. Mi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status