Share

CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTEEN

Kinabukasan, paggising ni Diane ay maingay na sa kanilang kusina. Bakasyon na kasi ng mga kapatid niya kaya kumpleto na naman sila sa mga ganoong oras. Nang makita siya ni Marcus pagbaba niya sa hagdanan ay tumakbo ito at tumalon sa kanyang likod. Kinarga niya ang naglalambing nilang bunso at kahit mabigat ang pakiramdam niya ay sinikap niyang huwag ipahalata sa kanyang mga kapatid ang kanyang kalungkutan. Hindi siya dapat paaapekto. Kung noon nga nakaya niyang ipakita sa kanila na malakas siya, ngayon pa kaya?

"Damulag ka na bunso ah! Bumaba ka nga mula sa likod ko. Ang bigat mo na kaya!" tinapik niya ang puwit ni Marcus.

"Tagal mo na nga akong hindi kinakarga eh!" yumakap si Marcus sa leeg ng ate niya habang nakaangkas siya sa likod nito. "Bakit amoy alak ka?" tanong ni Marcus.

"Hindi ah! Panong amoy alak ako?" Kiniliti niya ang talampakan ni Marcus.

"Ate naman eh!” Nakikiliti si Marcus. “Ate! Ano ba! Sige ka! Malalaglag ako!" Lalong hinigpitan ang hawak ni Marcus sa leeg ng Ate Dia
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status