WHY HE LEFT

WHY HE LEFT

last updateLast Updated : 2022-09-06
By:  yourglowingCompleted
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
8.2
6 ratings. 6 reviews
71Chapters
5.5Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Anita Diane Marrero believed that she was not someone to be proud of. She was always alone, seeking love and attention. Since she was a child, no one wants to be with her. Her baker father died and her mother decided to work in a small-time club as a prostitute again. It was Jacob Konstantin Avacena who made her believe that she's a gem. He protected her and was with her upon her mother's request. It turns out, Jaco is not her ideal knight. He's a two-faced elite who's very mysterious and cunning. Her young heart was crushed into pieces after learning that he married her only friend, which she thought his cousin. The rise of betrayals led them apart from each other. the hatred in her heart ruled for years, that no matter what he does, no matter what he say, no matter if he's back again, she will loath will forever.

View More

Chapter 1

Chapter 1

Chapter 1

Jacob Konstantin Avaceña is my stepfather's nephew. I was in my Grade 7 when I first met him. Kasama siya 'nung dinala ni Mama ang bagong boyfriend niya, si Tito Marcio. I knew for sure that he's years older than me.

"Anita, anak, si Jaco. Pamangkin ng Tito Marcio mo. Anak 'nung may-ari sa hotel." Natatandaan ko pa kung gaano kalawak ang ngiti ni Mama nang sabihin niya ito sa akin.

Ayaw ko sa kaniya. Nakakatakot siya. Mukhang pilyo. Mayaman. Walang gagawing mabuti sa akin kung lalapit ako. Iyan ang mga bagay na tumatak sa akin nang makita ko siya sa unang pagkakataon.

"Uy, ano! Magpakilala ka na." Kinurot ako ni Mama at sapilitan hinila paharap. Nakangisi si Tito Marcio habang nanonood sa pangyayari. Ganoon rin ang pamangkin nito na nakakakilabot ang tingin sa akin.

"Galing siya sa Amerika, anak! Kaya wala gaanong kakilala. Bumalik sila dahil tututukan ang hotel." Magiliw si Mama habang ikinukwento nito sa akin.

Hindi nakatakas ang pagsuyod ng tingin nito mula ulo hanggang aking paa. Umawang ang labi niya.

"H-hello, J-jaco... ako si Anita Diane Marrero." Tumingala ako dahil masyado siyang matangkad. Para akong batang musmos sa harapan nito.

Nilahad ko ang kamay sa kaniya. Hindi nagsasalita pero nakatitig ito sa akin, may ngisi sa labi.

Pero dahil mayaman siya, normal na di ito makikipagkamay sa isnag tulad ko. Minuto ata ang lumipas bago tinampal ni Mama ang kamay ko at pilit na tumawa. Nahihiyang naibaba ko ang aking kamay.

Hindi niya ako gusto. Iyon ang napagtanto ko. Sino ba ang magkakagusto sa isang Anita Diane Marrero? Anak ng isang babae sa aliw. Ulila na sa ama at ngayon naman, balak magpakasal ng ina sa nakilalang mayaman na lalaki.

Walang nagkakagusto sa akin. Bata pa lamang ako, nilalayuan ng mga kapwa bata. Sinasaway at pinagbabawalan ng mga magulang na baka maging katulad ako ng aking ina. That was a very harsh childhood life for me.

"Hindi ka niya gusto! Lintek! Akala ko magugustuhan ka niya. Ano ba 'yan, Anita. Sigurado ka bang naligo ka?" Tumango ako at nananatiling nakayuko.

Hinila ako ni Mama sa likod-bahay para pagsalitaan matapos ang pagpapakilala sa sarili ko kay Jaco. Kasalanan ko kung bakit di ako gusto ni Jaco Avanceña. Mga salita ni Mama.

"Ayusin mo nga ang buhok mo! Baka nabaduyan sayo! Ano ba yan! Akala ko magugustuhan ka 'nun." Umingos si Mama saka ako inirapan.

"Palibhasa, di natin kalevel sa buhay. Gusto ng mga taong kapantay nito."

Hindi ako makapagsalita dahil naiyak na lamang ako. Muli na naman akong nasaktan. Walang nagkakagusto sa akin.

Sinaway ako ulit ni Mama na ayusin ang sarili dahil babalik na kami sa bahay kung saan namin iniwan sino Tito Marcio at Jaco. Naging busy si Mama sa dalawa at inutusan na lamang ako na tumungo sa kwarto ko.

"Wag kang lalabas. Naiintindihan mo? Malilintikan ka sa akin." Dinuro niya ako at pinalakihan ng mata. Tumango ako agad. Naiintindihan kung anong pinupunto niya.

"Opo, mama."

"Target ko si Marcio ngayon. Malay mo ay balak akong pakasalan. Giginhawa na ang buhay natin." Di ako makapagsalita. Dahil tulad dati, paulit-ulit lamang ang mga katagang ito.

"Wag kang lalabas, Anita. Baka mabulilyaso. Di ka gusto 'nung binata at baka mandiri pa si Marcio." Iniwan na niya ako 'nun.

Napatitig ako sa malaking salamin sa aking kwarto. I remembered how I stared to my younger self that time. Tinitiitgan ko ang aking sarili.

Manang-mana ako kay Mama, kuha buong mukha ko. Dalawa lang ang aming pinagkaiba. Maitim at malalim ang mga mata ko. Nakuha ko sa Papa ko. Si Mama ay napakagandang kulay tsokolate. Parang nangaakit kong makatitig. Pangalawa ay may nunal ako sa gilid ng labi. Si Mama ay wala. Sa tuwing pinagtabi ay nagmumukha kaming magkapatid. Hindi naman gaano katanda ang Mama ko. Labing-anim na taong gulang siya 'nung mabuntis siya ni Papa.

Anong nakakadiri sa akin? Anong di gusto sa akin ng mga tao?

Muli ay naalala ko ang nangiinsultong tingin sa akin ni Jaco kanina. Marumi na rin ang isip nito sa akin. Panigurado. Dahil hindi naman linggid sa kaalaman ng buong La Felicidad kung anong klase ang trabaho ni Mama sa gabi. Kung papaano niya ako ipagkanulo sa mga kalalakihan.

Napaiyak ako. Hindi naman ako ganun'. Hindi naman ako kinukunsti ni Mama pero mahal ko si Mama. Kami lang narito sa mundo. Kung anong ikasasaya niya... gagawin ko naman.

Mula 'nun ay itinago ko na ang lahat ng mga salamin sa aking kwarto. Ang iba ay pinatungan ko na lamang ng tela dahil di ko makuha sa dingding.

I hated to look at myself in the mirror that time.

Naging masaya si Mama sa pagkalipas ng linggo. Dahil niyaya na siyang pakasalan ni Tito Marcio. Buntis na ang aking Mama.

At bukas na ang kasal.

"Mama..." napalunok ako.

Malaki ang ngiti niya habang nakatitig sa kaniyang eleganteng wedding gown. Bukas na siya ikakasal. Kaya kahit hatinggabi na ay gising pa rin siya. Kakatapos niya lamang magasikaso sa mga kakailanganin.

"Oh? Hija, halika nga dito! Ang ganda ng gown ni Mama, 'noh?" Wala sa sariling napatango ako. Ngayon ko lamang siya nakitang ngumiti ng ganito kasaya mula noong mamatay si Papa.

Gusto kong palaging masaya si Mama. Pero bakit ako nasasaktan ngayon?

"Nagustuhan mo ba ang tabas ng gown mo? Inayos ko ng mabuti ang sayo! Naku! Dapat pangalawa ka sa pinakamagandang babae bukas! Tatalbugan natin ang bisita nilang elitista!"

"M-mama..." Bumaba ang tingin ko sa tiyan niyang hinihimas niya habang kausap ako. Bigla akong naiyak.

"Aba! Bakit ka umiiyak?!"

"M-mama... i-iiwan niyo na ba ako?"

Hindi nakapagsalita si Mama. Pero alam kong iiwan niya ako bukas. Narinig ko 'nung magkausap sila ni Tiya Sela. Sasama na siya sa Manila kung nasaan naninirahan si Tito Marcio. Wala siyang balak na isama ako.

"Hindi kita pwedeng isama. Maiiwan ka rito."

"P-pero, Mama! P-papaano na ako..."

"Malaking pera ang iiwan ko sa'yo. Ipapagawa natin ulit ang panaderya. Alam kong pangarap mo 'yun."

Mas lalong nalukot ang puso ko sa narinig.

"Malaki ka na. Kaya mo na ang sarili mo. Maraming magbabantay sayo rito. Mga pinsan ng Papa mo. Binigyan ko na sila ng pera para di na makapagsalita."

"G-gusto ko pong sumama...." bulong ko. Umiling si Mama saka hinaplos ang buhok ko. Pilit kong hinahabol ang kaniyang tingin pero iniiwas niya ito sa akin.

"Kaya mo na ang sarili mo. Linggo-linggo o di kaya ay buwan-buwan ay libong pera ang ipapadala ko sayo. Gawin mo ang lahat. Bilhin mo lahat ng di ko magawang ibili sayo. Magpakabusog ka kasama mga kaibigan mo."

"D-di... ka na ba babalik?"

"Baka hindi na. Mas maayos ang buhay ng kapatid mo doon, Anita. Intindihin mo."

Pati si Mama. Di na rin ako gusto. Iiwan rin ako.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Jodie Pettry
English version title???
2024-12-08 16:06:35
0
default avatar
Adam Lily
Highly recommended this story
2024-08-30 21:00:01
0
default avatar
Adam Lily
Mapanakit pero worth it basahin. Kakatapos ko lang at ang masasabi ko.. ang ganda.. sana magsulat ka parin ng iba author..
2024-08-30 20:59:50
0
user avatar
yourglowing
Hopefullyy
2023-12-20 00:38:42
0
user avatar
MaidenRose7
wow mapanakit pero maganda. more stories po.
2022-09-22 20:34:43
3
user avatar
Pauline Loi
English version please
2023-02-08 09:19:08
1
71 Chapters
Chapter 1
Chapter 1Jacob Konstantin Avaceña is my stepfather's nephew. I was in my Grade 7 when I first met him. Kasama siya 'nung dinala ni Mama ang bagong boyfriend niya, si Tito Marcio. I knew for sure that he's years older than me."Anita, anak, si Jaco. Pamangkin ng Tito Marcio mo. Anak 'nung may-ari sa hotel." Natatandaan ko pa kung gaano kalawak ang ngiti ni Mama nang sabihin niya ito sa akin.Ayaw ko sa kaniya. Nakakatakot siya. Mukhang pilyo. Mayaman. Walang gagawing mabuti sa akin kung lalapit ako. Iyan ang mga bagay na tumatak sa akin nang makita ko siya sa unang pagkakataon."Uy, ano! Magpakilala ka na." Kinurot ako ni Mama at sapilitan hinila paharap. Nakangisi si Tito Marcio habang nanonood sa pangyayari. Ganoon rin ang pamangkin nito na nakakakilabot ang tingin sa akin."Galing siya sa Amerika, anak! Kaya wala gaanong kakilala. Bumalik sila dahil tututukan ang hotel." Magiliw si Mama habang ikinukwento nito sa akin.Hindi nakata
last updateLast Updated : 2022-02-17
Read more
Chapter 2
Chapter 2I remembered how ungrateful I am. Masyado kong binababa ang sarili ko noon. Labing-tatlong taong gulang pa lamang ako pero pakiramdam ko, ubos na ubos na ako. Na pasan-pasan ko ang mundo. Na magisa lamang ako. Na habang-buhay ako magiging miserable.Pero bata pa lamang ako. Wala pang nararating. Di ko pa alam ang kalakaran sa mundo. Di sapat ang pagiging malungkot ko sa problema ng mundo. Di ko maibabalik ang lahat. Di ko na maibabalik si Papa. Di ko na maibabalik si Mama at ang kapatid ko. Tuloy ang agos ng mundo ko. Kahit anong mangyayari."Anita, may gusto ba sa'yo si Jaco?" Nagulat ako isang araw 'nung Grade 8 ako. Hinarangan ako ng isang taga-senior high. Iba kasi ang uniporme naming juniors sa kanila."P-po?" Umismid ang matangkad na babae. May kasama siyang apat na mga gagandang babae. Sa liit kong ito, alam kong walang makakapansin kung bigla nila akong awayin."Balita ko may gusto sa'yo si Jaco." Segunda ng isa sa mga babae. Mabi
last updateLast Updated : 2022-02-17
Read more
Chapter 3
Chapter 3Si Jaco? Bibili sa amin ng tinapay?"Susmaryosep! Di mo sinabi agad!" Sita ni tiya kay ate Grace at nagmadali magtungo roon sa harap.Natulala ako saglit pero agad ring bumalik sa katinuan. Wag mo siyang isipin, Anita. Bawal. Bawal. Bawal. Bawal."Mukhang naaddict ang batang 'yun sa ensaymada mo, Anita!" Humalakhak si mang Amor. Muntil nang lumuwa ang mata ko sa narinig."P-po?"Tumawa si kuya Recto habang sinasalang ang nahalili na na mga tinapak papasok sa malaking kalan."Araw-araw atang bumibili ng ensaymada mo Anita. Minsan pa nga dumadaan rito ng umaga para bumili ng agahan." Ako ay nagulat sa narinig.Papaano nangyari 'yun ay ang balita ni Mama ay may sarili silang gourmet chef sa hotel at sa kanilang mansyon. Pihikan sila sa mga tao. Lalo na sa mga pagkain."Ngayon nandito na naman. Oh, bakit gulat na na gulat ka?" Napailing ako saka ngumiti na lamang."Pasensya na po. Mayaman p-po kasi siya..."
last updateLast Updated : 2022-02-17
Read more
Chapter 4
Chapter 4Mahilig ako sa mga tinapay. Sabi ni Mama ay pinaglihi rin ako sa tinapay. Pabor sa akin dahil may panaderya si Papa dati ay siya ang namamahala. Ayaw ko talagang pumasok noon sa eskwela dahil mas nalilibang ako sa kusina habang nilalaro-laro ang nga arina. Wala rin namang makikipagkaibigan sa akin.Pitong taong gulang ako nang makagawa ng sariling brownies. Natuto na rin akong magbake ng mga cake pagkatapos 'nun. Di naman bongga pero pampractice lang. Mas magaganda ang gawa ni Mama. Katulad 'nung mga mamahaling cake sa internet."Anita, nakapagstudy ka na ba sa Geom? Patulong sana ako." Si Andrew na nagkakamot sa batok palapit sa akin. Tumango ako."Tutulungan kita. Saan ba tayo?" Namula siya at napatalikod sa akin. Nagtataka ako sa kinilos niya lalo na at naghiyawan ang mga kaklase naming kaibigan niya. Karamihan ay mga lalaki."Sa l-labas, p-pwede? Maraming tangina rito e." Napasinghap ako at napatingin sa likod niya kung nasaan ang mga
last updateLast Updated : 2022-02-17
Read more
Chapter 5
Chapter 5Napalingon ako sa likod ng mga lalaki. Mas lalo ata akong napunta sa kapahamakan. Si Jaco."J-jaco, pare? Sama ka? Tirahin natin. Sariwa pa ata e." Napapikit ako sa sinabi ng lalaki. Nilapit nito ang mukha sa akin. Mabilis akong umiwas at lumuha sa takot."Hindi ako interesado." Tumawa ang mga lalaki. Mas lalo akong nawalan ng pagasa. Ano pa ba ang maaasahan kay Jaco?"Sige. Doon kami sa kubo. Sunod ka na lamang kung..." di na natuloy ang sasabihin ng lalaki ng biglang hinagis ni Jaco ang bagpack niya sa kaniya saka siya sinugod ng suntok!Nanlaki ang mga mata ko!Lumuwag ang pagkakagapos sa akin ng lalaki sa likod at napamura nang makita kung papaano tinadtad ng sipa sa sikmura ni Jaco ang lalaki kanina!"Bitawan niyo ang bata, tangina niyo.""Siraulo ka palang gago ka!" Sumugod ang lalaking kanina pa tinititigan ang dibdib ko. Di pa nakakalapit ay sinipa siya ni Jaco kaya napaatras. Hinagis ako ng lalaki sa pader. N
last updateLast Updated : 2022-02-17
Read more
Chapter 6
Hindi ko naman pinagkalat ang nangyari. Mabuti nga at di ko nacontact si Mama at napigilan ko ang sariling magsumbong. Ayaw ko naman magaalala siya. Pero nalaman pa rin niya. Sympre. Pamangkin ni Tito Marcio si Jaco."Bakit di mo sa akin sinabi! Anita naman! Sa iba ko pa malalaman?!" Napapikit ako sa pagsigaw ni Mama. Si Tiya Sela ay tahimik na pinapanood ako."S-sorry, Mama...""Mabuti at maasahan talaga si Jaco! Pinakiusapan ko na bantayan ka! Mabuti at natyempuhan! Pokpok ako dati Anita pero ayaw kong masira ang buhay mo! Muntik na akong atakihin nang ibalita ito ni Marcio!" Nagtagal ang unang sinabi niya sa akin."A-ayaw ko lang pong...l-lumaki..." bulong ko."At naisip mo pa 'yan! Bata ka! Magsasampa kami ng kaso! Hinding-hindi ka na nila makikita at malalapitan pa! Sisiguraduhin kong magsisisi sila!" Napalabi ako."M-mama, buntis ka pa po..."Natahimik bigla si Mama. Mas lalo akong nagaalala na bigla napaano si baby dahil sa sob
last updateLast Updated : 2022-02-28
Read more
Chapter 7
Isa ang pangyayari na 'yun na naging dahilan upang magbago ang buhay ko. Si Obrei ay naging kaibigan ko. Iyan ang sabi niya sa akin. Madalas siyang tumambay sa bakery. Lalo na ngayon na may mga upuan. Halos doon na siya nagaaral.Mailap pa rin ako sa kaniya. Ramdam ko kasi na magkaiba ang pananaw naming dalawa sa buhay. Magkaiba ang antas namin sa lipunan. Magkaiba rin kami ng agwat. Kaya papaano kami naging magkaibigan kong wala akong alam na similarities namin?"Jaco is my cousin." Nginisihan niya ako.Nagulat ako sa narinig. Para silang aso at pusa. Laging nagsisinghalan. Madalas ko ring makita na magkasama ang dalawa. Sobra silang malapit. Ang akala ng iba... syota daw ni Jaco si Obrei."Akala ko ba ay magkasintahan kayo?" Napangiwi si Obrei."Yuck! That's gross!" Kitang-kita ko kung papaano siya mandiri pero natatawa naman."Naririnig kong sabi ng iba. Kaya daw kayo nagkaaway ni Criselda dahil sinulot mo daw si Jaco na gusto niya." Umir
last updateLast Updated : 2022-02-28
Read more
Chapter 8
Excited ang lahat sa nalalapit na birthday ni Obrei. Ang alam ko, sa susunod na buwan pa ito. Inimbita ata ang buong probinsiya. Pati mga kaklase ko, kinukulit ako kung anong tema ngayon ang birthday niya. Big deal. Sino nga ba ang hindi? Siya si Obrei Madrigal. Nagiisang, Obrei Madrigal.Noong Grade 9 ako unang nakadalo sa isang elegante at mamamahaling birthday. Kaka-twenty years old ni Obrei 'nun. At ang tema ng kaniyang kaarawan, ay Pirates of the Carribean. Nakapanood na ako noon at parang nasa pelikula ako nang mga oras na 'yun. Kuhang-kuha kahit maliit na detalye. Alam kong mahal ang nagastos. Pero aanihin naman ng mga mayayaman na tulad nila Obrei?Di rin naman ako nagtagal bukod sa nakacostume ang lahat, nakita ko pa ang angkan nila Jaco. Di ko makalimutan kung papaano ako kutyain ni Ma'am Llesea Avanceña. Wala namang nakakita pero wala na akong mukhang maihaharap sa kaniya.Akala niya ay may gusto sa akin si Jaco kaya ayaw magaral sa ibang lugar
last updateLast Updated : 2022-03-09
Read more
Chapter 9
Saktong pababa na ako ng hagdan nang may kumatok. Nilingon ko si Obrei na tulog na tulog pa rin sa sofa namin.Lumapit na ako sa pinto para buksan.Napasinghap ako. Si Jaco."Hi." Ngumisi siya. Hinawi nito ang buhok saka tinititigan ang mga mata ko."You seemed stunned. Na-miss mo ba ako?"Natigilan nga ako. Dahil muntik na akong atakihin sa puso ng makita siya. Preskong-presko siya sa suot na tee shirt at kupasin na pants. Suot niya rin ang paborito niyang sapatos.Jaco growing age never failed to amaze me. Araw-araw ata, nagiging gwapo ito sa paningin ko. Araw-araw rin, nagsusumigaw ng kapahamakan. He looks dangerous.Kapansin-pansin ang pagtangkad na naman niya na di matapos-tapos. Lumaki rin ang katawan nito. Lumawak ang balikat at dibdib. Pumipintig pa ang mga ugat sa bawat haplos nito sa buhok. Bagong gupit rin siya."I'm sorry, I'm late. May inasikaso lang sa hotel. I took and bath of course before going here. I miss you
last updateLast Updated : 2022-03-09
Read more
Chapter 10
"Magreply ka naman sa mga tawag ko. O sa text man lang." Si Jaco habang nakasunod sa akin. Pauwi na kami nila tiya Sela.Sina Grace at tita Solly ay sa barrio 6 pa kaya nagpedicab na sila pauwi. Sina kuya Recto ay lumiko na sa nadaanan naming street. Si Mang Amor ay sinundo ng kaniyang apo.Mula noong pumunta sa Manila si Mama ay si tiya Sela na ang kasama ko sa bahay. Wala naman siyang asawa at anak. Tumanda siyang dalaga. At wala na rin ang mga magulang niya. Magisa rin siya sa bahay kaya nagsama na lang rin kami."Sabi mo di ako tatanggap o sasagot sa kahit na sinong lalaki. Lalaki ka." Napakamot ako sa noo ko."I know I'm a man. But love, I'm not just a man. I'm your man! You're obligated to do that!""Wala naman akong alam na paguusapan natin. Araw-araw tayong nagkakausap." Rinig na einig ko kung papaano siya umungol.Totoo naman."This is fucking so hard." Bulong niya."Maggoodnight lang ako sayo kapag gabi. Hanggang conf
last updateLast Updated : 2022-03-22
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status