Home / Romance / ONE NIGHT STAND WITH A CEO / Chapter 81 - Chapter 90

All Chapters of ONE NIGHT STAND WITH A CEO: Chapter 81 - Chapter 90

138 Chapters

CHAPTER EIGHTY-ONE

Hindi tumingin si Gerald. Nagbuga siya ng usok at itinapon niya ang upos ng kanyang sigarilyo."Gerald, puwede ba tayong mag-usap kahit sandali lang?""Pagkatapos mo akong hiwalayan sa mga panahong kailangang-kailangan kita? Nagmakaawa ako noon, nakiusap na sana huwag mong gawin sa akin iyon. Ikaw lang ang kinakapitan ko pero bumitiw ka! Sa tingin mo ba kailangan pa nating mag-usap?" sagot ni Gerald. Kumikislap ang gilid ng mga mata nito dahil sa pinipigilang luha."Magpapaliwanag ako."Huminga ng malalim si Gerald. "Not now, not yet, not here!" makahulugang sagot niya.Humakbang siya palayo. Hindi sila dapat makita ni Ringgo na nag-uusap. Masakit, mahirap ngunit kailangan niya munang umiwas. Hindi pa ito yung tamang panahon. Masyado pang maaga.Bago makalayo si Gerald ay mabilis na hinawakan ni Diane ang braso nito."Gerald, please! Kahit sandali lang. I'm sorry!"Huminto si Gerald ngunit hindi siya lumingon. Tinanggal niya ang kamay ni Diane sa kanyang braso. Pagkatanggal ni Gerald
last updateLast Updated : 2023-11-24
Read more

CHAPTER EIGHTY-TWO

CHAPTER EIGHTY-TWOTumingin si Ringgo sa kanya. Parang naghihintay ito ng isasagot Gerald. Waring nagtatanong ang mga titig nito kung totoo nga ba ang naririnig niyang sinasabi ni Diane. Nanggagalaiti na siya sa galit. Tanging ang sasabihin lang ni Gerald nag gusto niyang paniwalaan. Buo na muli ang tiwala niya rito at ayaw niyang mag-isip pa ng iba.Ito yung sandaling iba ang tinitibok ng puso ni Gerald sa bawat katagang kanyang sasabihin. Kung ang pagsisinungaling lang ang katapat ng kaligtasan ni Diane ay pipiliin niyang saktan ang damdamin nilang dalawa kaysa sa mailagay sa alanganin ang buhay nito at ang buhay ng kanyang mga kapatid. Hinding-hindi na siya papayag pang may magbubuwis ng inosenteng buhay dahil lang sa pag-iibigan nilang dalawa. Sabihin mang nagtatampo si Gerald sa pagbitaw ni Diane sa kanya noon ngunit hindi nawala kahit sandali ang nararamdaman niyang pagmamahal dito. Pumikit siya. Huminga ng malalim saka niya tinignan sa mata si Diane."Mahal? Hindi kita mahal. H
last updateLast Updated : 2023-11-24
Read more

CHAPTER EIGHTY-THREE

CHAPTER EIGHTY-THREE"Sige, hindi ko na siya pag-aaksayahan ng panahon kung sasagutin mo na ako."Iyon ang kinatatakot ni Gerald, ang muling maungkat ang matagal nang panliligaw ni Ringgo sa kanya. Alam niyang wala na siyang maidadahilan. Sa matagal na panahon ay kailangan niyang harapin ang matindi niyang kalaban. Iyon ay ang tuluyang pagpapanggap. Ngayon ay may mga narinig na si Ringgo, may mga nalaman siyang naging sila nga ni Diane ay hindi na magiging ligtas pa ito. Magugulong muli ang umaayos na buhay ng kanyang mahal at iyon ay hindi niya kayang ipagsawalang-bahala. Gagawin niya ang lahat kahit pa ang kapalit ay ang kanyang kaligayahan. Umaasa siyang lahat ng isinasakripisyo niya ngayon ay magbubunga din ng maganda."Ringgo, ang totoo niyan mahal na rin kita.""Totoo! Hindi nga! Gerald, mahal mo na rin ako?" hindi makapaniwala si Ringgo sa narinig niya.Tumango si Gerald. Hindi na niya kayang ulitin pa iyon. Nakapahirap kasi sa kanya ang magsinungaling lalo na sa tunay na itini
last updateLast Updated : 2023-11-24
Read more

CHAPTER EIGHTY-FOUR

CHAPTER EIGHTY-FOURNilingon niya si Ringgo na hindi pa bumababa. Tumingin din sa kanya si Ringgo. Inilapit nito mukha sa mukha ni Gerald. Kinabahan siya. Ito na yung kinatatakutan niyang mga tagpo. Alam na ni Gerald ang gagawin ni Ringgo. Hahalikan siya bago ito bababa at ano pa nga ba ang idadahilan niya? Pumikit na lang siya. Kailangan niyang panindigan ang kanyang desisyon kanina. Nang naglapat ang kanilang labi ay sinikap niyang maging normal lang. Pilit siyang ngumiti nang inilayo ni Ringgo ang labi nito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Nandidiri siya. Nasusuka."Salamat mahal ko. I love you and good night.""Good night," sagot ni Gerald. Gustung-gusto na niyang bumaba si Ringgo para mapunasan na sana niya ang labi niyang hinalikan nito. Diring-diri na talaga siya. Parang gusto niyang maduwal."Wala man lang bang sagot ang I love you ko?""I love you too." Mahina nitong tinuran. "Sige na, pumasok ka na sa inyo at nang makapagpahinga ka na rin."Itinulak ni Ringgo ang pinto
last updateLast Updated : 2023-11-25
Read more

CHAPTER EIGHTY-FIVE

"Wala 'yun. Ako nga ang dapat magpasalamat kasi nang dahil sa'yo dumami ang projects natin at alam mo ba, dahil sa galing na ipinamalas mo, kung maipapasa mo ang board exam mo at magiging ganap ka ng Engineer, gagawin kitang Chied Development Officer.""M’am, seryoso ba kayo?""Bakit? Kailan ba ako nagbiro sa mga ganyang bagay?""Ma’am, hindi ko pa kaya 'yun. Masyado pa akong hilaw sa ganoong posisyon." Pagtatanggi niya."Mahigit tatlong taon ka na sa kumpanya. Alam na alam mo na ang takbo ng negosyo. Ilan na ba ang mga projects na nakuha mo at natapos? Ngayon ka pa ba magdadalawang isip sa kakayahan mo? Saka isa pa, kailangan na rin ni Sackey na ma-promote.""Totoo Ma’am? Ano hong posisyon?" masayang tanong ni Sackey."Kung tatanggapin ni Diane ang pagiging bagong Chief Developmengt Officer, sa'yo ko ibibigay ang kanyang iiwang posisyon.""Ibig sabihin magiging Head ako ng Design Department? Naku hindi ko tatanggihan 'yan, Ma’am!""Mabuti pa 'tong si Sackey, madaling kausap. Ano paya
last updateLast Updated : 2023-11-25
Read more

CHAPTER EIGHTY-SIX

Isang Linggo pagkatapos ng graduation nina Diane at Sackey ay trabaho na agad ang inatupag nila. Bago siya magiging Chief Development Officer, marami siyang dapat at kailangang matutunan pa. Kailangan niyang mag-attend ng seminars at higher studies pero hindi niya puwedeng isantabi ang pang-araw-araw niyang trabaho at pagrereview. Magiging CDO lang siya kung sakaling makapasa siya sa board. Kailangan niyang gamitin iyon bilang motivation para maipasa ang board exam.Alam niyang handa na siyang makipagsabayan sa mga ibang kumpanya at kasama sa trabaho niya para kumuha ng mga bagong projects. May isang project na pinaghandaan nila ni Sackey bago ang kanilang graduation. Hindi naman ito malaking project ngunit kailangan nilang makuha iyon dahil karagdagang kita din iyon ng kumpanya. Walang maliit o malaking project muna sa ngayon. Sa mga susunod na buwan pa ang ilang malalaking projects at malayo pa man ay pinaghahandaan na nila iyon. Maaring tapos na ang board exam at may result na rin
last updateLast Updated : 2023-11-25
Read more

CHAPTER EIGHTY-SEVEN

"Focus lang Gerald! Huwag kang patalo sa iyong emosyon. Huwag kang manghina sa nakikita mong mapang-akit na kabuuan ng mahal mo." Iyon ang pilit niyang itinatanim sa kanyang isipan.Mahusay, maayos at confident ang bawat bitaw ni Diane sa mga salitang binibitiwan niya. Ramdam ni Gerald na iyon ang lalong ikinagugulat ng katabi niyang si Ringgo. Hindi man nagsasalita si Ringgo nang mga sandaling iyon ngunit alam niyang ito man din ay hindi makapaniwala sa remarkable na presentation ni Diane."I must say, your design is impressive pero kailangan ko munang makita din ang design ng Razon's Real Estate bago ako magtatanong sa iba pang detalye. Engr. Razon at Engr. Saavedra, puwede bang makita rin muna ang inyong presentation?" nakangiting tinuran ng Client."Yeah, sure Sir!" alangang tugon ni Gerald. Halatang kinabahan siya. Hindi dahil bago sa kanya ang magpresent pero iba pala ang pakiramdam na may kailangan kang patunayan. Gusto niyang ipakita kay Diane na mas gamay pa rin niya ang lar
last updateLast Updated : 2023-11-25
Read more

CHAPTER EIGHTY-EIGHT

"Ano na Miss Beltran?" Naghihintay sa kung ano kaya niyang ipantapat doon."Sir..." napalunok siya.Kinagat niya ang kanyang labi.Narinig niya ang pigil na tawa ni Ringgo na lalo niyang ikinanerbiyos. Kitang-kita rin niya ang pagngiti din ni Gerald na parang minamaliit siya.Nanlalamig ang kanyang mga daliri.Nagsimula nang mangatog ang kanyang tuhod."Presence of mind, Diane. Focus!" bulong niya sa sarili."Sir, I think Miss Beltran doesn't know anything about their company!" kasabay iyon ng hagalpak na tawa ni Ringgo."Ehem..." kailangang gawin iyon ni Diane dahil parang may nakabara sa kanyang lalamunan.Huminga siya ng malalim. Napapailing na ang Director."Ahm... Sir... for every project, whether house construction, renovation, interior design and finishing as well as commercial building construction and maintenance, The Partners' Builders has always applied its uncompromising quality. Working with esteemed clients, architects, engineers and interior designers, we have consisten
last updateLast Updated : 2023-11-25
Read more

CHAPTER EIGHTY-NINE

"Sorry Gerald, Iyon lang yung tanging paraan para hindi mawala ang project sa atin at mapunta sa basurang 'yon. Lalaki pa ang ulo niya at baka kayan-kayanin na lang tayo. Ayaw kong patalo do'n Gerald. Hindi ako papayag na matalo ako ng kagaya lang niya sa negosyo o kahit sa anong larangan."Sinikap na lang ni Gerald na huwag sumagot nang hindi na mauwi pa sa pagtatalo ang lahat.Kinahapunan, tulad ng usapan, tumawag nga ang Director para sabihin ang kanyang desisyon."I did like your design, pero may mas magandang offer sa akin ang Razon Real Estate, well tumawag lang ako para alamin kung matatapatan ba ng The Partners ang offer ng Razon na 10% discount of your original fee. Ibig sabihin, kung magkano ang offer ninyo, babawasan pa nila ng 10% discount." kumunot ang noo ni Diane sa narinig. Hindi siya makapaniwalang kaya ni Ringgo na babaan ang bayad ng serbisyo nila huwag lang mawala sa kanila ang project."Sir, what if babawian kayo sa quality ng building?""Hindi nila ako mauutakan
last updateLast Updated : 2023-11-26
Read more

CHAPTER NINETY

Maagang pumasok si Diane sa opisina nang araw na iyon dahil sa kailangan na niyang i-finalize ang presentation niya sa isa sa pinakamalaking project nila sa taong iyon. Sasama si Sofia sa kanila ni Sackey ngunit may mga pinababago pa si Sofia na ilang maliliit na detalye at hindi na niya natapos pa iyon kagabi. May ilang araw pa naman ang nalalabi bago ang presentation ngunit gusto ni Diane na pulido na ang lahat nang kung may mga ilang detalye pang mabago ay hindi sila gagahulin sa oras. Ayaw niya ng trabahong last minute o minadali.Dumating si Sackey na may dalang newspaper at kape. Nagtaka siyang sa office niya ito dumiretso."Morning tol." bati ni Sackey. "Dito ka na yata natulog? Kape ka muna.""Morning tol. Aba, nanlibre? Hanep ah! Ayos ang gising at may libre akong mamahaling kape ngayon ah!""Treat ko," pilit na ngiti ni Sackey. Tumalikod siya. Umupo sa sofa at may kung anong inaayos sa newspaper niyang dala ngunit si Diane, pagkatapos nitong humigop ng kape ay muling hinarap
last updateLast Updated : 2023-11-26
Read more
PREV
1
...
7891011
...
14
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status