Home / Romance / ONE NIGHT STAND WITH A CEO / Chapter 71 - Chapter 80

All Chapters of ONE NIGHT STAND WITH A CEO: Chapter 71 - Chapter 80

138 Chapters

CHAPTER SEVENTY-ONE

CHAPTER SEVENTY-ONE"Condolence tol." malungkot na sinabi iyon ni Sackey.Tumango lang siya kasabay ng malungkot niyang buntong-hininga.“Nakikiramay ako, Sis. Sorry kung pinilit kitang umalis nang gabing iyon. Sana hindi ito nagyari kung di kita sinundo. Baka nailigtas mo pa ang Mama mo.”“Nangyari na ang nangyari. Sisihin man kita o ang sarili ko, hindi na maibabalik pa nito ang buhay ng Mama ko. Salamat sa pakikiramay.”Nilapitan siya ni Sackey. Hinawakan ang kanyang kamay."Ayaw kong sabihin ito sa'yo ngayong nagdadalamhati ka pa pero hinihintay ka ng mga pulis. Gusto ka daw makausap para maisampa mo ang kaso sa nahuli nilang nanunog sa inyo. Ayon sa nakalap nilang mga ebidensiya at sa mga nasabi ng mga witness, malakas ang laban ng kaso mo kung makikipagtulungan ka lalo na at ikaw lang ang namatayan."Iyon ang hinihintay niya. Ang magsampa ng kaso sa dahilan ng pagkamatay ng kanyang mahal na ina. Hindi na siya makapaghintay pang makaharap ang hayop na gumawa no'n. Gusto niyang pa
last updateLast Updated : 2023-11-19
Read more

CHAPTER SEVENTY-TWO

CHAPTER SEVENTY-TWOGusto niyang lapitan si Diane, yakapin at iparamdam ang kanyang pagmamahal ngunit ayaw na niyang lalo lang itong maguluhan. Yung sampal sa kanya kanina ay simbolo na hindi sa kanya ito naniniwala. Hindi na siya pinagkakatiwalaan. Pero naiintindihan niya si Diane. Sobrang hirap na ng mga pinagdadaanan nito at lalong nag-uumigting ang galit niya sa taong gumawa ne'to sa kanila. Panalo si Ringgo ngayon ngunit hinding-hindi siya susuko. Mangingibabaw ang kabutihan sa kasamaan. Lalabas din ang katotohanan. Ang tanging ipinagpapasalamat niya ay naihanda na niya ang lahat ng dapat ayusin bago nangyari ito. Napapayag at nakausap na niya ang dapat niyang mga kausapin. Sana hindi siya mabigo. Hinding-hindi pa tapos ang laban. Para sa legacy ng pamilya niya at para kay Diane, kahit pa makulong siya ng gaano katagal, hinding-hindi siya tuluyang matatalo ni Ringgo. Bago siya pumasok sa sasakyan ng mga pulis ay nagtagpo ang mga mata ni Diane."Babalik ako, hindi ko alam kung gaa
last updateLast Updated : 2023-11-19
Read more

CHAPTER SEVENTY-THREE

Sa huling gabi ng burol ay magkakatabi silang magkakapatid malapit sa kabaong ng Mama nila. Walang humpay ang pag-iyak ng mga ito. Pinakamalakas ang iyak ng kanilang bunso ngunit si Diane, tahimik lang ang kanyang pagluha. Pinipilit niyang tanggapin sa sarili na wala na ang kanilang ina para makapagsimula na rin siyang iahon ang mga kapatid. Bumabalik sa kanyang alaala ang lahat ng masasayang sandali nila ng Mama niya. Alam ng Mama niya na matatag siya at patutunayan niya iyon kahit wala na ito sa piling nila. Tanging ang pangarap na lang niya ang kinakapitan niya ngayon. Hinding-hindi siya titigil hangga't hindi niya iyon makakamtan.Sa gabing iyon ay dumating si Sofia sa burol. Nagpunta ito nang wala si Diane kaya hindi sila nagkita. Kay Sackey na lang niya inihabilin ang nahanap niyang abogado na hahawak sa kaso sa Mama ni Diane.Nakita ni Diane si Sofia na nagdasal muna ng taimtim sa tabi ng nakasarang kabaong ng Mama niya bago siya nilingon saka nilapitan. Hinihiling nitong mag-u
last updateLast Updated : 2023-11-19
Read more

CHAPTER SEVENTY-FOUR

Naramdaman ni Ringgo ang sakit ng pagkakasampal ng pera sa kanya ni Diane. Kumalat ang pera sa damuhan. Sinenyasan niya ang isa niyang tauhan para pulutin iyon. Maswerte sina Sofia at Diane, nakainom siya ng gamot niya kaya kalmado siya at kaya niyang kontrolin ang galit. Sinadya niyang pumunta doon na kalmado ang kanyang pakiramdam. Kailangan niya iyon ngayon."Sige ba, hihintayin kita sa taas. Saka na lang tayo mag-usap kung pantay na tayo ng katayuan sa buhay. Sa pelikula lang nangyayari ang nasa isip mo Diane. Gumising ka sa katotohanan, marahil magtagumpay ka sa iyong pag-aaral, puwede ring yayaman ka ngunit imposible ang sinasabi mong mapapantayan mo o kaya maagaw mo ang lahat ng meron ako. Hindi naman masamang mangarap, huwag lang masyadong mataas lalo na ang kagaya mong basura at walang-wala. Problemahin mo kaya muna ang ipapalamon mo doon sa tatlong kapatid mo. Isipin mo muna kung saan kayo titira at kung makakapag-aral ka pa ba bago ka magyabang." Pailing-iling at natatawa n
last updateLast Updated : 2023-11-20
Read more

CHAPTER SEVENTY-FIVE

"May mga anak din ako pero kung walang sasalo sa bunso ninyo e mabuti nang may titingin-tingin sa kanya kaysa sa wala. Pero Diane, hindi ako mayaman para maibigay ang lahat sa bunso ninyo. Uunahin ko siyempre lagi ang mga anak ko." Sa sinabing iyon ng Tito niya ay alam niyang walang kasiguraduhan na maalagaan ng maayos ang kapatid niya."Ate, papayag kang maghiwa-hiwalay tayo? Ate akala ko ba habang nandiyan ka, buo pa rin tayo. Ate, please? Huwag mo kaming ipamigay sa mga kamag-anak natin? Please?" nakikiusap si Marian kay Diane. Halos lumuhod na ito at puno ng luha ang kanyang mukha."Hahanap muna ng trabaho si Ate ha?" Huminga siya nang malalim. Hindi siya luluha. Kahit pa gaano kasakit ang lahat habang nagpapaliwanag siya, hindi siya dapat iiyak. " Kapag may trabaho na ako, hahanap ako agad ng marerentahan nating kuwarto. Susunduin ko kayo. Ngayon lang ito, Marian. Sandaling-sandali lang 'to." Basag na ang kanyang boses. Kahit walang luha ay alam ng lahat ang bigat na kanyang nara
last updateLast Updated : 2023-11-20
Read more

CHAPTER SEVENTY-SIX

Ilang Linggo nang nakakulong si Gerald. Daman-dama na niya ang hirap ng kalagayan niya sa loob. Bukod kina Sackey, Sofia, Daddy niya at si Brtney na dumaan muna bago tumulak papungtang ibang bansa ay may isang tao siyang gusto sana niyang makausap. Ngunit sa pagdaan ng mga araw, nawawalan na siya ng pag-asang dadalawin pa siya ni Diane sa kulungan. Ngunit kahit sa gitna ng lungkot at hirap niya sa loob ay nagagawa pa rin niyang ngumiti dahil sigurado siyang nasa mabuting kalagayan na si Diane at ang mga kapatid nito. Iyon lang naman ang gusto niyang mangyari hangga't hindi pa nalilinawan ang kanyang kaso.Hindi bailable ang arson kaya nanatili siyang nakakulong. Naalala niya ang naging pag-uusap nila ng Daddy niya nang nakaraang araw. Doon siya ngayon humuhugot ng katiting na pag-asa."Anak, magtiis ka na muna. Kailangan nating maghintay na mamatay na muna ang isyu bago tayo makagawa ng paraan para mailabas ka dito. Mainit pa sa midya ang kaso mo pero pagdaan ng ilang buwan o kung mam
last updateLast Updated : 2023-11-21
Read more

CHAPTER SEVENTY-SEVEN

Yumuko si Diane. Nakikita niya sa mga mata ni Gerald na nagsasabi ito ng totoo."E, paano mo naman ipaliliwanag ngayon yung mga palitan ninyo ng text at tawag sa gabi ng pagkasunog ng aming mga bahay?""Hinihintay ko kayo ni Britney nang tumawag si Dante. Iyon ang pangalan nang pinaghihinalaang nahuling nagsunog sa mga bahay ninyo. Kino-confirm niya niya sa akin kung itutuloy na yung plano na paputulan kayo ng tubig at kuryente. Ang sagot ko noon sa kanya, kailangan niyang kausapin si Ringgo tungkol doon pero dahil wala naman akong nakikitang masama at iyon din naman ang tanging plano na alam ko kaya nagdesisyon na lang din ako. Pumayag ako sa pag-aakalang tubug at kuryente ang puputulin at hindi ang sunugin ang inyong mga bahay. Ilang sandali pagkatapos naming nag-usap sa cellphone, may text siya sa akin. Sabi niya, "Paano Sir, gawin ko na lang yung naging usapan natin?" Dahil wala naman akong alam na ibang usapan kundi iyon kaya mabilis akong nagreply nang "Yes, you have my approval
last updateLast Updated : 2023-11-22
Read more

CHAPTER SEVENTY-EIGHT

CHAPTER SEVENTY-EIGHT"Huwag mo na akong hintayin, hindi na ako babalik. Huwag mo na rin akong mahalin, dahil sa paglabas ko dito, sisimulan ko na rin kalimutan ang lahat sa atin. Magiging abala na ako sa pagtupad sa aking mga pangarap.""Bakit parang hindi ka man lang nasasaktan sa mga sinasabi mo? Ganoon na lang ba kadali sa'yong kalimutan ako?" Pilit pinapatatag ni Gerald ang sarili kahit sa totoo ay kanina pa bumigay ang matinding emosyon. Ito yung dahilan kung bakit ayaw na sana niyang muling magmahal. Ito yung iniiwasan niyang muli niyang maramdaman, ang paulit-ulit siyang nasasaktan. Ngunit sumugal na siyang muli. Huling baraha na niya ang kay Diane, ganoon na lang ba siya kadaling magpatalo?"Kung may natutunan man ako sa pagkamamatay ni Mama, iyon ay ang magiging mas matatag." Tumayo siya. Inilahad niya ang kanyang kamay. "Paalam Gerald.""Dahil matatag ka na, matibay na ang iyong loob, hindi mo lang ba naisip na nasasaktan mo na ako? Diane, siguro sa tingin mo, dahil mas mat
last updateLast Updated : 2023-11-23
Read more

CHAPTER SEVENTY-NINE

CHAPTER SEVENTY-NINESa mga sandaling iyon, si Gerald na lang ang gising sa kanilang selda. Patay na ang ilaw ngunit tumutugtog pa rin siya ng gitara sa dilim. Inaalala ang nakaraang magkasama sila ni Diane. Sinasaliw niya sa kanyang paulit-ulit na kanta. Miss na miss na miss na niya si Diane. Sana naiisip siya ngayon nito. Sana pinapanood niya ang video na ibinigay niya para samahan siya kahit man lang sa pangarap. Magtagpo silang dalawa sa panaginip. Magiging buo sila kahit lang sa imahinasyon.Yes I told myself Id always stay the sameEven if you hurt meI would take the painYou are all I'm livin forI would love you even moreI would keep the pain inside my doorDesidido na siya na kahit ilang ulit siyang saktan ni Diane, kahit habang-buhay siya nitong iiwasan, patuloy niya itong mamahalin. Naranasan na niya ang buhay na walang pag-ibig. Totoong hindi siya nasasaktan ngunit ni minsan hindi niya naranasang yung sobrang saya. Aanhin niya ang perpekto ngunit boring naman na buhay. M
last updateLast Updated : 2023-11-23
Read more

CHAPTER EIGHTY

CHAPTER EIGHTY"Pack my things? Yun na lang yun? Gano'n lang kadali? Dahil lang sa isang palpak kong presentation tatanggalin niya ako sa trabaho? Ilang projects na ba yung nadesign ko at na-impress ko siya?" Nanginginig niyang sinabi."Easy lang. Relax!""Damn it, tol! Wala bang warning man lang? Sorry but damn it! Ambobo bobo bobo ko kasi!"Narinig niya ang pagbunot ni Sackey ng malalim na hininga. "Kausapin natin siya. Baka naman puwede pang magbago ang isip niya tol."Laglag ang balikat niya habang naglalakad sila ni Sackey papunta sa office ng kanilang CEO na si Sofia. Nakaramdam siya ng pagtatampo dahil sa totoo lang, malaki rin naman ang nagawa niya sa pag-angat ng kumpanya. Sa isang pagkakamali lang niya, nawalan lahat iyon ng saysay?Pagbukas ni Sackey ng pinto ay sabay silang pumasok.Nagpalakpakan ang lahat.Nagulat si Diane. Hindi niya inaasahan iyon. Hindi niya naiintindihan kung anong nangyayari."Congratulations Miss Beltran and your team! Na-impress mo ang mga investor
last updateLast Updated : 2023-11-24
Read more
PREV
1
...
678910
...
14
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status