Share

CHAPTER SEVENTY-THREE

Sa huling gabi ng burol ay magkakatabi silang magkakapatid malapit sa kabaong ng Mama nila. Walang humpay ang pag-iyak ng mga ito. Pinakamalakas ang iyak ng kanilang bunso ngunit si Diane, tahimik lang ang kanyang pagluha. Pinipilit niyang tanggapin sa sarili na wala na ang kanilang ina para makapagsimula na rin siyang iahon ang mga kapatid. Bumabalik sa kanyang alaala ang lahat ng masasayang sandali nila ng Mama niya. Alam ng Mama niya na matatag siya at patutunayan niya iyon kahit wala na ito sa piling nila. Tanging ang pangarap na lang niya ang kinakapitan niya ngayon. Hinding-hindi siya titigil hangga't hindi niya iyon makakamtan.

Sa gabing iyon ay dumating si Sofia sa burol. Nagpunta ito nang wala si Diane kaya hindi sila nagkita. Kay Sackey na lang niya inihabilin ang nahanap niyang abogado na hahawak sa kaso sa Mama ni Diane.

Nakita ni Diane si Sofia na nagdasal muna ng taimtim sa tabi ng nakasarang kabaong ng Mama niya bago siya nilingon saka nilapitan. Hinihiling nitong mag-u
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status