Share

CHAPTER SEVENTY-FIVE

"May mga anak din ako pero kung walang sasalo sa bunso ninyo e mabuti nang may titingin-tingin sa kanya kaysa sa wala. Pero Diane, hindi ako mayaman para maibigay ang lahat sa bunso ninyo. Uunahin ko siyempre lagi ang mga anak ko." Sa sinabing iyon ng Tito niya ay alam niyang walang kasiguraduhan na maalagaan ng maayos ang kapatid niya.

"Ate, papayag kang maghiwa-hiwalay tayo? Ate akala ko ba habang nandiyan ka, buo pa rin tayo. Ate, please? Huwag mo kaming ipamigay sa mga kamag-anak natin? Please?" nakikiusap si Marian kay Diane. Halos lumuhod na ito at puno ng luha ang kanyang mukha.

"Hahanap muna ng trabaho si Ate ha?" Huminga siya nang malalim. Hindi siya luluha. Kahit pa gaano kasakit ang lahat habang nagpapaliwanag siya, hindi siya dapat iiyak. " Kapag may trabaho na ako, hahanap ako agad ng marerentahan nating kuwarto. Susunduin ko kayo. Ngayon lang ito, Marian. Sandaling-sandali lang 'to." Basag na ang kanyang boses. Kahit walang luha ay alam ng lahat ang bigat na kanyang nara
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status