CHAPTER SEVENTY-EIGHT"Huwag mo na akong hintayin, hindi na ako babalik. Huwag mo na rin akong mahalin, dahil sa paglabas ko dito, sisimulan ko na rin kalimutan ang lahat sa atin. Magiging abala na ako sa pagtupad sa aking mga pangarap.""Bakit parang hindi ka man lang nasasaktan sa mga sinasabi mo? Ganoon na lang ba kadali sa'yong kalimutan ako?" Pilit pinapatatag ni Gerald ang sarili kahit sa totoo ay kanina pa bumigay ang matinding emosyon. Ito yung dahilan kung bakit ayaw na sana niyang muling magmahal. Ito yung iniiwasan niyang muli niyang maramdaman, ang paulit-ulit siyang nasasaktan. Ngunit sumugal na siyang muli. Huling baraha na niya ang kay Diane, ganoon na lang ba siya kadaling magpatalo?"Kung may natutunan man ako sa pagkamamatay ni Mama, iyon ay ang magiging mas matatag." Tumayo siya. Inilahad niya ang kanyang kamay. "Paalam Gerald.""Dahil matatag ka na, matibay na ang iyong loob, hindi mo lang ba naisip na nasasaktan mo na ako? Diane, siguro sa tingin mo, dahil mas mat
CHAPTER SEVENTY-NINESa mga sandaling iyon, si Gerald na lang ang gising sa kanilang selda. Patay na ang ilaw ngunit tumutugtog pa rin siya ng gitara sa dilim. Inaalala ang nakaraang magkasama sila ni Diane. Sinasaliw niya sa kanyang paulit-ulit na kanta. Miss na miss na miss na niya si Diane. Sana naiisip siya ngayon nito. Sana pinapanood niya ang video na ibinigay niya para samahan siya kahit man lang sa pangarap. Magtagpo silang dalawa sa panaginip. Magiging buo sila kahit lang sa imahinasyon.Yes I told myself Id always stay the sameEven if you hurt meI would take the painYou are all I'm livin forI would love you even moreI would keep the pain inside my doorDesidido na siya na kahit ilang ulit siyang saktan ni Diane, kahit habang-buhay siya nitong iiwasan, patuloy niya itong mamahalin. Naranasan na niya ang buhay na walang pag-ibig. Totoong hindi siya nasasaktan ngunit ni minsan hindi niya naranasang yung sobrang saya. Aanhin niya ang perpekto ngunit boring naman na buhay. M
CHAPTER EIGHTY"Pack my things? Yun na lang yun? Gano'n lang kadali? Dahil lang sa isang palpak kong presentation tatanggalin niya ako sa trabaho? Ilang projects na ba yung nadesign ko at na-impress ko siya?" Nanginginig niyang sinabi."Easy lang. Relax!""Damn it, tol! Wala bang warning man lang? Sorry but damn it! Ambobo bobo bobo ko kasi!"Narinig niya ang pagbunot ni Sackey ng malalim na hininga. "Kausapin natin siya. Baka naman puwede pang magbago ang isip niya tol."Laglag ang balikat niya habang naglalakad sila ni Sackey papunta sa office ng kanilang CEO na si Sofia. Nakaramdam siya ng pagtatampo dahil sa totoo lang, malaki rin naman ang nagawa niya sa pag-angat ng kumpanya. Sa isang pagkakamali lang niya, nawalan lahat iyon ng saysay?Pagbukas ni Sackey ng pinto ay sabay silang pumasok.Nagpalakpakan ang lahat.Nagulat si Diane. Hindi niya inaasahan iyon. Hindi niya naiintindihan kung anong nangyayari."Congratulations Miss Beltran and your team! Na-impress mo ang mga investor
Hindi tumingin si Gerald. Nagbuga siya ng usok at itinapon niya ang upos ng kanyang sigarilyo."Gerald, puwede ba tayong mag-usap kahit sandali lang?""Pagkatapos mo akong hiwalayan sa mga panahong kailangang-kailangan kita? Nagmakaawa ako noon, nakiusap na sana huwag mong gawin sa akin iyon. Ikaw lang ang kinakapitan ko pero bumitiw ka! Sa tingin mo ba kailangan pa nating mag-usap?" sagot ni Gerald. Kumikislap ang gilid ng mga mata nito dahil sa pinipigilang luha."Magpapaliwanag ako."Huminga ng malalim si Gerald. "Not now, not yet, not here!" makahulugang sagot niya.Humakbang siya palayo. Hindi sila dapat makita ni Ringgo na nag-uusap. Masakit, mahirap ngunit kailangan niya munang umiwas. Hindi pa ito yung tamang panahon. Masyado pang maaga.Bago makalayo si Gerald ay mabilis na hinawakan ni Diane ang braso nito."Gerald, please! Kahit sandali lang. I'm sorry!"Huminto si Gerald ngunit hindi siya lumingon. Tinanggal niya ang kamay ni Diane sa kanyang braso. Pagkatanggal ni Gerald
CHAPTER EIGHTY-TWOTumingin si Ringgo sa kanya. Parang naghihintay ito ng isasagot Gerald. Waring nagtatanong ang mga titig nito kung totoo nga ba ang naririnig niyang sinasabi ni Diane. Nanggagalaiti na siya sa galit. Tanging ang sasabihin lang ni Gerald nag gusto niyang paniwalaan. Buo na muli ang tiwala niya rito at ayaw niyang mag-isip pa ng iba.Ito yung sandaling iba ang tinitibok ng puso ni Gerald sa bawat katagang kanyang sasabihin. Kung ang pagsisinungaling lang ang katapat ng kaligtasan ni Diane ay pipiliin niyang saktan ang damdamin nilang dalawa kaysa sa mailagay sa alanganin ang buhay nito at ang buhay ng kanyang mga kapatid. Hinding-hindi na siya papayag pang may magbubuwis ng inosenteng buhay dahil lang sa pag-iibigan nilang dalawa. Sabihin mang nagtatampo si Gerald sa pagbitaw ni Diane sa kanya noon ngunit hindi nawala kahit sandali ang nararamdaman niyang pagmamahal dito. Pumikit siya. Huminga ng malalim saka niya tinignan sa mata si Diane."Mahal? Hindi kita mahal. H
CHAPTER EIGHTY-THREE"Sige, hindi ko na siya pag-aaksayahan ng panahon kung sasagutin mo na ako."Iyon ang kinatatakot ni Gerald, ang muling maungkat ang matagal nang panliligaw ni Ringgo sa kanya. Alam niyang wala na siyang maidadahilan. Sa matagal na panahon ay kailangan niyang harapin ang matindi niyang kalaban. Iyon ay ang tuluyang pagpapanggap. Ngayon ay may mga narinig na si Ringgo, may mga nalaman siyang naging sila nga ni Diane ay hindi na magiging ligtas pa ito. Magugulong muli ang umaayos na buhay ng kanyang mahal at iyon ay hindi niya kayang ipagsawalang-bahala. Gagawin niya ang lahat kahit pa ang kapalit ay ang kanyang kaligayahan. Umaasa siyang lahat ng isinasakripisyo niya ngayon ay magbubunga din ng maganda."Ringgo, ang totoo niyan mahal na rin kita.""Totoo! Hindi nga! Gerald, mahal mo na rin ako?" hindi makapaniwala si Ringgo sa narinig niya.Tumango si Gerald. Hindi na niya kayang ulitin pa iyon. Nakapahirap kasi sa kanya ang magsinungaling lalo na sa tunay na itini
CHAPTER EIGHTY-FOURNilingon niya si Ringgo na hindi pa bumababa. Tumingin din sa kanya si Ringgo. Inilapit nito mukha sa mukha ni Gerald. Kinabahan siya. Ito na yung kinatatakutan niyang mga tagpo. Alam na ni Gerald ang gagawin ni Ringgo. Hahalikan siya bago ito bababa at ano pa nga ba ang idadahilan niya? Pumikit na lang siya. Kailangan niyang panindigan ang kanyang desisyon kanina. Nang naglapat ang kanilang labi ay sinikap niyang maging normal lang. Pilit siyang ngumiti nang inilayo ni Ringgo ang labi nito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Nandidiri siya. Nasusuka."Salamat mahal ko. I love you and good night.""Good night," sagot ni Gerald. Gustung-gusto na niyang bumaba si Ringgo para mapunasan na sana niya ang labi niyang hinalikan nito. Diring-diri na talaga siya. Parang gusto niyang maduwal."Wala man lang bang sagot ang I love you ko?""I love you too." Mahina nitong tinuran. "Sige na, pumasok ka na sa inyo at nang makapagpahinga ka na rin."Itinulak ni Ringgo ang pinto
"Wala 'yun. Ako nga ang dapat magpasalamat kasi nang dahil sa'yo dumami ang projects natin at alam mo ba, dahil sa galing na ipinamalas mo, kung maipapasa mo ang board exam mo at magiging ganap ka ng Engineer, gagawin kitang Chied Development Officer.""M’am, seryoso ba kayo?""Bakit? Kailan ba ako nagbiro sa mga ganyang bagay?""Ma’am, hindi ko pa kaya 'yun. Masyado pa akong hilaw sa ganoong posisyon." Pagtatanggi niya."Mahigit tatlong taon ka na sa kumpanya. Alam na alam mo na ang takbo ng negosyo. Ilan na ba ang mga projects na nakuha mo at natapos? Ngayon ka pa ba magdadalawang isip sa kakayahan mo? Saka isa pa, kailangan na rin ni Sackey na ma-promote.""Totoo Ma’am? Ano hong posisyon?" masayang tanong ni Sackey."Kung tatanggapin ni Diane ang pagiging bagong Chief Developmengt Officer, sa'yo ko ibibigay ang kanyang iiwang posisyon.""Ibig sabihin magiging Head ako ng Design Department? Naku hindi ko tatanggihan 'yan, Ma’am!""Mabuti pa 'tong si Sackey, madaling kausap. Ano paya