Isang Linggo pagkatapos ng graduation nina Diane at Sackey ay trabaho na agad ang inatupag nila. Bago siya magiging Chief Development Officer, marami siyang dapat at kailangang matutunan pa. Kailangan niyang mag-attend ng seminars at higher studies pero hindi niya puwedeng isantabi ang pang-araw-araw niyang trabaho at pagrereview. Magiging CDO lang siya kung sakaling makapasa siya sa board. Kailangan niyang gamitin iyon bilang motivation para maipasa ang board exam.Alam niyang handa na siyang makipagsabayan sa mga ibang kumpanya at kasama sa trabaho niya para kumuha ng mga bagong projects. May isang project na pinaghandaan nila ni Sackey bago ang kanilang graduation. Hindi naman ito malaking project ngunit kailangan nilang makuha iyon dahil karagdagang kita din iyon ng kumpanya. Walang maliit o malaking project muna sa ngayon. Sa mga susunod na buwan pa ang ilang malalaking projects at malayo pa man ay pinaghahandaan na nila iyon. Maaring tapos na ang board exam at may result na rin
"Focus lang Gerald! Huwag kang patalo sa iyong emosyon. Huwag kang manghina sa nakikita mong mapang-akit na kabuuan ng mahal mo." Iyon ang pilit niyang itinatanim sa kanyang isipan.Mahusay, maayos at confident ang bawat bitaw ni Diane sa mga salitang binibitiwan niya. Ramdam ni Gerald na iyon ang lalong ikinagugulat ng katabi niyang si Ringgo. Hindi man nagsasalita si Ringgo nang mga sandaling iyon ngunit alam niyang ito man din ay hindi makapaniwala sa remarkable na presentation ni Diane."I must say, your design is impressive pero kailangan ko munang makita din ang design ng Razon's Real Estate bago ako magtatanong sa iba pang detalye. Engr. Razon at Engr. Saavedra, puwede bang makita rin muna ang inyong presentation?" nakangiting tinuran ng Client."Yeah, sure Sir!" alangang tugon ni Gerald. Halatang kinabahan siya. Hindi dahil bago sa kanya ang magpresent pero iba pala ang pakiramdam na may kailangan kang patunayan. Gusto niyang ipakita kay Diane na mas gamay pa rin niya ang lar
"Ano na Miss Beltran?" Naghihintay sa kung ano kaya niyang ipantapat doon."Sir..." napalunok siya.Kinagat niya ang kanyang labi.Narinig niya ang pigil na tawa ni Ringgo na lalo niyang ikinanerbiyos. Kitang-kita rin niya ang pagngiti din ni Gerald na parang minamaliit siya.Nanlalamig ang kanyang mga daliri.Nagsimula nang mangatog ang kanyang tuhod."Presence of mind, Diane. Focus!" bulong niya sa sarili."Sir, I think Miss Beltran doesn't know anything about their company!" kasabay iyon ng hagalpak na tawa ni Ringgo."Ehem..." kailangang gawin iyon ni Diane dahil parang may nakabara sa kanyang lalamunan.Huminga siya ng malalim. Napapailing na ang Director."Ahm... Sir... for every project, whether house construction, renovation, interior design and finishing as well as commercial building construction and maintenance, The Partners' Builders has always applied its uncompromising quality. Working with esteemed clients, architects, engineers and interior designers, we have consisten
"Sorry Gerald, Iyon lang yung tanging paraan para hindi mawala ang project sa atin at mapunta sa basurang 'yon. Lalaki pa ang ulo niya at baka kayan-kayanin na lang tayo. Ayaw kong patalo do'n Gerald. Hindi ako papayag na matalo ako ng kagaya lang niya sa negosyo o kahit sa anong larangan."Sinikap na lang ni Gerald na huwag sumagot nang hindi na mauwi pa sa pagtatalo ang lahat.Kinahapunan, tulad ng usapan, tumawag nga ang Director para sabihin ang kanyang desisyon."I did like your design, pero may mas magandang offer sa akin ang Razon Real Estate, well tumawag lang ako para alamin kung matatapatan ba ng The Partners ang offer ng Razon na 10% discount of your original fee. Ibig sabihin, kung magkano ang offer ninyo, babawasan pa nila ng 10% discount." kumunot ang noo ni Diane sa narinig. Hindi siya makapaniwalang kaya ni Ringgo na babaan ang bayad ng serbisyo nila huwag lang mawala sa kanila ang project."Sir, what if babawian kayo sa quality ng building?""Hindi nila ako mauutakan
Maagang pumasok si Diane sa opisina nang araw na iyon dahil sa kailangan na niyang i-finalize ang presentation niya sa isa sa pinakamalaking project nila sa taong iyon. Sasama si Sofia sa kanila ni Sackey ngunit may mga pinababago pa si Sofia na ilang maliliit na detalye at hindi na niya natapos pa iyon kagabi. May ilang araw pa naman ang nalalabi bago ang presentation ngunit gusto ni Diane na pulido na ang lahat nang kung may mga ilang detalye pang mabago ay hindi sila gagahulin sa oras. Ayaw niya ng trabahong last minute o minadali.Dumating si Sackey na may dalang newspaper at kape. Nagtaka siyang sa office niya ito dumiretso."Morning tol." bati ni Sackey. "Dito ka na yata natulog? Kape ka muna.""Morning tol. Aba, nanlibre? Hanep ah! Ayos ang gising at may libre akong mamahaling kape ngayon ah!""Treat ko," pilit na ngiti ni Sackey. Tumalikod siya. Umupo sa sofa at may kung anong inaayos sa newspaper niyang dala ngunit si Diane, pagkatapos nitong humigop ng kape ay muling hinarap
"Yes! I made it! Thanks God! I made it! Papa, Mama, may engineer na kayong anak!" sigaw niya na parang nasisiraan ng ulo sa kanyang opisina. Puno na ng luha ang kanyang mukha."Whooh! Engineer na rin ako! Engineer na ako!" Hanggang sa natigilan at nagulat siya nang biglang tumunog ang fire alarm! Sumilip siya sa labas. Nakita niyang nagmamadali ang lahat na kinuha ang kanilang mga gamit patakbong palabas. May sunog? Napalunok siya. Inilagay niya ang newspaper sa kanyang kili-kili at binuhat na niya ang kanyang bag para humabol sa mga nagmamadaling mga empleyado na noon ay pababa na. Kinabahan din siya dahil sa napakalaki ng epekto sa kanya ang sunog. Tumitindig pa rin ang balahibo niya sa tuwing naiisip niya ang trahedyang iyon noon. Kinikilabutan siya kaya patakbo na niyang tinungo ang hagdanan.Nakipagsabayan siya sa mga nagmamadaling bumababang empleyado hanggang sa paglabas niya sa lobby ay naroon na ang lahat. May hawak ang mga naging team nila ni Sackey noon na tig-isang mga le
Makakamit na niya ang bunga ng lahat ng kanyang pinaghihirapan ngunit alam niyang may kalakip pa rin itong nakakatakot na kapalit. Masasaktan niya si Ringgo at ngayong nakikita niyang bumubuti ang kalagayan nito. Hindi na niya sigurado pa kung tama siya sa kanyang mga ginagawa. Ngunit kailangan may magbayad sa lahat ng mga kasamaang nangyari sa nakaraan. Kailangan niya ring harapin ang buhay. Hindi siya nabubuhay lang para sa iba, tao lang rin siya, kailangan niyang gugulin ang buhay sa paraang gusto niya at sa buhay na masaya siya. Natigilan siya nang may kumatok sa pintuan. Itinago niya ang hawak niyang lumang newspaper at kunyari ay abala siyang nakatutok sa monitor."Good morning. Kumusta ang araw ng mahal ko?" malambing na bungad nito.Isang matipid na ngiti lang ang naisukli ni Gerald doon.Nakita ni Gerald ang hawak ni Ringgo na box ng favorite niyang chocolate. Gano'n si Ringgo sa kanya. Araw-araw kung papasok ito sa kanyang opisina ay may dala itong kung anu-ano. Expensive gi
Nang magtama ang kanilang mga mata ay kumindat ang lalaki at tumango lang rin siya.Sabay nilang tinungo ang dryer at halos sabay din silang naglagay ng kanilang mga palad."Ikaw na muna." sabi niya."No! You go ahead. Ladies first of course." sagot ng guwapong estranghero."Thank you.” Ngumiti siya kaya alam niyang lumabas ang kanyang dimples. Noon ay parang na-hypnotize na niya ang gwapong lalaki." I am done. Thank you," pamamaalam niya.Ngumiti rin ang lalaki sa kanya.Kinutuban siya ng kakaiba. Malagkit ang tingin ng guwapong lalaking ito sa kanya at alam niyang may kakaiba.Naglalakad na siya pabalik sa table nila ng kanyang mga kapatid nang mabilis na hinabol siya ng lalaki."Ahm, sorry.""Yes?" nakangiti niyang tanong."Daniel. Ako nga pala si Daniel." Nakalahad na ang kamay nito."Diane." Matipid niyang pagpapakilala sabay tanggap sa nakalahad na palad ni Daniel."Guest ka rin?" tanong ni Daniel sa kanya habang naglalakad sila pabalik sa Function Room."Well, host kami dahil
Pagpasok ni Sofia sa bakuran Psychiatrict Hospital ay nakita niya ang isang matipuno, guwapo at masayahing lalaki na noon ay tumutulong sa pagsasaayos ng mga namumulaklak na halaman. Nang magtama ang kanilang mga mata ay nakita niya agad ang kislap sa mga mata ng paghahandugan niya sa kanyang dala. Tumakbo ito at sinalubong siya. Binuhat at pinaikot-ikot siya at ramdam na ramdam niya ang kanyang pagiging babae."I'm so happy. Sobrang saya ko lang honey." maluha-luha at natatawang wika ni Ringgo kasunod ng paghalik-halik niya sa braso ni Sofia."Dahil dinalaw ulikita?""Sort of." sagot ni Ringgo."Sort of? E anong bulls eye na dahilan?""I am hundred percent okey! Puwede ko nang pagbayaran sa kulungan ang mga kasalanan ko kay Gerald at Diane! Then after that, aalis tayo dito. Titira tayo sa ibang bansa, magsasama na tayo hanggang sa pagtanda.""Wait, may nagsampa ba ng kaso? Wala naman hindi ba?""Wala ba?""Sa pagkakaalam ko, wala."Bumuntong hininga si Ringgo. Inakbayan niya s Sofia
Hi Baby!At first, I don't know what to write. Napakarami ko kasing gustong sabihin at sa dami ay di ko alam kung ano ang aking uunahin. Ngunit naisip kong gawing simple lang ang paglalahad at sana maintindihan mo ako. Baby, I am sorry. Here I am again, asking for a favor. I need to sarcrifice for a friend, for us and for everybody. Lalayo muna ako para pagbigyan ang isang kahilingan ng Mommy ni Ringgo.Tumulo ang luha ni Diane. Hindi niya alam kung kaya pa niyang tapusing basahin ang sulat na iyon. Muli na naman siyang iniwan ni Gerald. Matagal niyang itinapat sa dibdib niya ang sulat kasabay ng pagbunot niya ng sunud-sunod na malalalim na hininga. Kailangan niyang lawakan ang pang-unawa.Gusto kong gumaling muna si Ringgo. Gusto ko ring matahimik na muna ang lahat. Nais kong ligtas ang lahat habang naghihilom ang sugat ng kahapon. Hanapin mo muna ang sarili mo at gawin ang mga bagay na hindi mo nagawa nang sinimulan mong mahalin ako. Ganoon din ako. Tatapusin ko sa ibang bansa ang a
Ang Mommy ni Ringgo ang umiikot sa kanilang tatlo naging biktima ng kanyang anak para masiguro ang kanilang kaligtasan. Niyakap siya nang mahigpit ng Mommy ni Ringgo nang pumayag siya sa hinihiling nito. Kung hindi lang niya naisip na sa huling sandali ay pinili pa rin ni Ringgo ang maging isang mabuting tao, kung hindi lang nakiusap ang Mommy ni Ringgo ay paniguradong hindi niya kakayanin ang muling magsakripisyo. Dadalawin niya si Ringgo bago siya aalis.Pagkaalis na pagkaalis ng Mommy ni Ringgo ay humiling siya sa doktor kung puwedeng isakay siya sa wheelchair para silipin niya si Diane. Walang bantay si Diane noon. Maayos na ang kalagayan nito ngunit nakapikit pa rin siya. Ginagap niya ang kamay ni Diane. Pinagmasdan niya ang mapayapa nitong pagkakaidlip. Pinilit niyang tumayo at hinalikan niya sa labi ang kanyang pinakamamahal. Muli niyang pinalaya ang kanyang mga luha. Luha ng kasiyahan. Luha ng pasasalamat sa pagdating nito at iniligtas ang kanyang buhay. Alam niya, siguradong-
“Adammm! Bumalik ka na roon. Kailangan ka ng mga kapatid ko! Gumisinggg kaaa! Adammm please!!!” sigaw iyon ni Diane. Napasinghap si Gerald. Mabilis niyang hinanap si Diane na kanina lang ay ginigising siya. Akala niya totoo ang lahat. Akala niya malakas pa si Diane. Nang makita niya ang babaeng halos wala nang buhay na kayakap niya ay alam niyang panaginip lang ang lahat. Lumuha siyang muli. Alam niyang sandali siyang nawalan ng malay ngunit nakita niya sa balintataw niya si Diane. Ginigising siya. Pinababalik. “Sorry, baby. Sorry na wala akong magawa.” Bulong lang iyon. Pilit niyang nilalakasan ang kanyang katawan para mayakap lang niya ito sa huling sandali ng kanilang buhay. Hangang sa nakita niya na may hawak na baril si Ringgo. Palapit na ito sa kanila. Puno ng luha ang mga mata ni Ringgo. Naroon ang galit sa kanyang mukha. Bigo siyang makahingi ng konting awa. Bigo siyang mapabago ang kanyang kaibigan. Ito na nga marahil ang katapusan ngunit hindi siya papayag na si Diane ang
Alam ni Gerald na sinusundan siya ni Ringgo. Mabuti't mabilis niyang nahubad ang suot niyang long-sleeves at iyon ang kanyang ipinulupot sa kanyang sugat ngunit ngayon muling umagos ang kanyang dugo at di niya mapigilan ang pagpatak nito sa damuhan na maaring masundan ng naka-flashlight na si Ringgo."Sinabi ko na sa'yo, hindi mo ako matatakasan Gerald! Magsama tayong dalawa sa impyerno!" kasunod iyon ng malakas na tawa ni Ringgo.Hinigpitan ni Gerald ang hawak niya sa nakita niyang kahoy kanina. Hinihintay niyang matapat si Ringgo sa tinataguan niya at buong lakas niyang papaluin ito sa ulo. Ramdam na niya ang pagkahilo dahil sa pagod, gutom, pagkauhaw at dami ng dugong nawala sa kanya ngunit hindi ito yung tamang panahon para manghina siya. Lalabanan niya ang lahat ng iyon. Mahal niya ang kanyang buhay. Gusto pa niyang makasama ng mahabang panahon si Diane."Sige pa, lumapit ka pang hayop ka," bulong ni Gerald. Itinaas niya ang hawak niyang pamalo. Sandali siyang pumikit at huminga
Alam ni Gerald na hindi nagbibiro si Ringgo sa sinabi niyang iyon nang tinanggal nito ang pagkakatali sa isa niyang kamay at nang matanggal iyon ay nakatutok na ang baril sa kanya."Bibigyan kita ng isang minuto na tanggalin ang pagkakatali ng isa mo pang kamay at paa. Kung natapos na ang isang minuto at nadiyan ka pa rin sa kama, pasensiyahan na tayo pero hindi na tayo makakalabas pa sa bahay ng buhay. Dito na tayo magkasunod na malalagutan ng hininga. Kaya nga kung ako sa'yo, simulan mo nang tanggalin ang nakatali sa'yo dahil magsisimula na ang oras mo." Salubong ang kilay at nanlilisik ang mga mata ni Ringgo habang sinasabi niya iyon. Pawis at luha ang naghalo sa kanyang namumulang mukha. Ikinasa na ni Ringgo ang hawak niyang baril.Hudyat iyon na kailangan ni Gerald na bilisan ang kilos."60, 59, 58, 57..." pagsisimula ni Ringgo sa pagbibilang.Sobrang kaba at nerbiyos ni Gerald habang tinatanggal niya nakatali sa kanyang kamay. Isang kamay lang ang gamit niya kaya siya nahirapan
Inilagay ni Ringgo ang baril sa drawer na may susi. Lumapit siya kay Gerald. Hinawakan niya ang mukha nito. Hindi niya naramdamang pumalag si Gerald. Ni hindi ito nagmura. Iyon nga lang hindi ito tumingin sa kanya. Namimimiss na niya si Gerald. Nakapatagal na nang huli niya itong mahalikan sa labi, ang maidantay niya ang hubad at mainit nitong katawan sa kanya, ang maramdaman ang matitigas nitong dibdib at abs na nakadikit din sa kanya. May kung anong nabuhay sa kanyang pagnanasa. Puwede na niyang gawin lahat ngayon kay Gerald ang gusto niya. Puwede siyang magpakasawa, tigilan lang ito kung kailan pagod na. Dahan-dahan niyang idinampi ang labi niya sa labi ni Gerald. Siniil niya iyon ng halik. Hindi inilayo ni Gerald ang kanyang labi ngunit hindi iyon kumilos. Humihinga naman ito, naamoy nga niya ang mabango nitong hininga ngunit mistula itong patay. Walang kahit anong paggalaw, mistulang humahalik siya sa malamig nang bangkay.Hanggang sa naisip niyang tanggalin ang butones ng longsl
Tagaktak na ang pawis si Gerald sa loob ng trunk ng sasakyan ni Ringgo. Nakagapos ang kamay niya patalikod at kahit ang mga paa niya. Napapaluha siya dahil sa sobrang nahihirapan na. Wala siyang makita dahil piniringan din ang kanyang mga mata. Hindi niya alam kung gaano na iyon katagal. Sumasakit na ang buo niyang katawan. Hirap pa siyang kumilos at huminga dahil sa tindi ng init sa loob ng trunk ng kotse. Ang tanging lakas na lang niya sa mga sandaling iyon ay ang isipin si Diane. Doon siya huhugot ng lakas. Iisipin niya ang masasaya nilang alaala. Pupunuin niya ng matatamis nilang sandali ang kanyang isip nang di niya maramdaman ang hirap niya ngayon. Sana naisip ni Diane na unahin ang mga kapatid niyang iligtas at ilayo. Kaya niyang magtiis, kaya pa niyang magsakripisyo. Masaya siyang ligtas na si Marcus. Maaring kasama na ngayon ni Diane ang bata. Okey lang sa kanya ang lahat nang ito. Ang mahalaga ay hindi na muli pang iiyak si Diane sa pagkawala ng mahal nito sa buhay. Kayang n
Pinalibutan na siya nina Sackey, Diane at Marvie.Humahagulgol lang si Marcus. Hindi ito makapagsalita dahil pa rin sa tindi ng trauma na pinagdaanan niya. Marami siyang gustong sabihin ngunit hindi niya alam kung paano niya sisimulan. Iniwan na lang siya bigla sa hindi niya alam kung saang lugar. Kinalagan lang siya sa kamay at siya na ang nagtanggal sa ipiniring sa kanya at sa nakatali sa kanyang mga paa. Tinanggal din niya ang packing tape sa kanyang bibig at tainga. Lakad-takbo siyang lumayo doon hanggang sa naapuhap niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Ang ate Marian niya ang tinawagan niya dahil natatakot siya sa Ate Diane niya."Ate, hindi siya sumasagot. Umiiyak lang siya." si Marian.Kinuha ni Diane ang cellphone sa kamay ng kapatid niya at siya ang kumausap sa kanilang bunso."Marcus, ang Ate Diane mo ito. Huminga ka nang malalim. Relax lang okey? Sabayan mo ako, hinga...buga...hinga...buga... Nandito ang ate, sabihin mo kung nasaan ka para sunduin ka namin.""Ate...