"Ano na Miss Beltran?" Naghihintay sa kung ano kaya niyang ipantapat doon."Sir..." napalunok siya.Kinagat niya ang kanyang labi.Narinig niya ang pigil na tawa ni Ringgo na lalo niyang ikinanerbiyos. Kitang-kita rin niya ang pagngiti din ni Gerald na parang minamaliit siya.Nanlalamig ang kanyang mga daliri.Nagsimula nang mangatog ang kanyang tuhod."Presence of mind, Diane. Focus!" bulong niya sa sarili."Sir, I think Miss Beltran doesn't know anything about their company!" kasabay iyon ng hagalpak na tawa ni Ringgo."Ehem..." kailangang gawin iyon ni Diane dahil parang may nakabara sa kanyang lalamunan.Huminga siya ng malalim. Napapailing na ang Director."Ahm... Sir... for every project, whether house construction, renovation, interior design and finishing as well as commercial building construction and maintenance, The Partners' Builders has always applied its uncompromising quality. Working with esteemed clients, architects, engineers and interior designers, we have consisten
"Sorry Gerald, Iyon lang yung tanging paraan para hindi mawala ang project sa atin at mapunta sa basurang 'yon. Lalaki pa ang ulo niya at baka kayan-kayanin na lang tayo. Ayaw kong patalo do'n Gerald. Hindi ako papayag na matalo ako ng kagaya lang niya sa negosyo o kahit sa anong larangan."Sinikap na lang ni Gerald na huwag sumagot nang hindi na mauwi pa sa pagtatalo ang lahat.Kinahapunan, tulad ng usapan, tumawag nga ang Director para sabihin ang kanyang desisyon."I did like your design, pero may mas magandang offer sa akin ang Razon Real Estate, well tumawag lang ako para alamin kung matatapatan ba ng The Partners ang offer ng Razon na 10% discount of your original fee. Ibig sabihin, kung magkano ang offer ninyo, babawasan pa nila ng 10% discount." kumunot ang noo ni Diane sa narinig. Hindi siya makapaniwalang kaya ni Ringgo na babaan ang bayad ng serbisyo nila huwag lang mawala sa kanila ang project."Sir, what if babawian kayo sa quality ng building?""Hindi nila ako mauutakan
Maagang pumasok si Diane sa opisina nang araw na iyon dahil sa kailangan na niyang i-finalize ang presentation niya sa isa sa pinakamalaking project nila sa taong iyon. Sasama si Sofia sa kanila ni Sackey ngunit may mga pinababago pa si Sofia na ilang maliliit na detalye at hindi na niya natapos pa iyon kagabi. May ilang araw pa naman ang nalalabi bago ang presentation ngunit gusto ni Diane na pulido na ang lahat nang kung may mga ilang detalye pang mabago ay hindi sila gagahulin sa oras. Ayaw niya ng trabahong last minute o minadali.Dumating si Sackey na may dalang newspaper at kape. Nagtaka siyang sa office niya ito dumiretso."Morning tol." bati ni Sackey. "Dito ka na yata natulog? Kape ka muna.""Morning tol. Aba, nanlibre? Hanep ah! Ayos ang gising at may libre akong mamahaling kape ngayon ah!""Treat ko," pilit na ngiti ni Sackey. Tumalikod siya. Umupo sa sofa at may kung anong inaayos sa newspaper niyang dala ngunit si Diane, pagkatapos nitong humigop ng kape ay muling hinarap
"Yes! I made it! Thanks God! I made it! Papa, Mama, may engineer na kayong anak!" sigaw niya na parang nasisiraan ng ulo sa kanyang opisina. Puno na ng luha ang kanyang mukha."Whooh! Engineer na rin ako! Engineer na ako!" Hanggang sa natigilan at nagulat siya nang biglang tumunog ang fire alarm! Sumilip siya sa labas. Nakita niyang nagmamadali ang lahat na kinuha ang kanilang mga gamit patakbong palabas. May sunog? Napalunok siya. Inilagay niya ang newspaper sa kanyang kili-kili at binuhat na niya ang kanyang bag para humabol sa mga nagmamadaling mga empleyado na noon ay pababa na. Kinabahan din siya dahil sa napakalaki ng epekto sa kanya ang sunog. Tumitindig pa rin ang balahibo niya sa tuwing naiisip niya ang trahedyang iyon noon. Kinikilabutan siya kaya patakbo na niyang tinungo ang hagdanan.Nakipagsabayan siya sa mga nagmamadaling bumababang empleyado hanggang sa paglabas niya sa lobby ay naroon na ang lahat. May hawak ang mga naging team nila ni Sackey noon na tig-isang mga le
Makakamit na niya ang bunga ng lahat ng kanyang pinaghihirapan ngunit alam niyang may kalakip pa rin itong nakakatakot na kapalit. Masasaktan niya si Ringgo at ngayong nakikita niyang bumubuti ang kalagayan nito. Hindi na niya sigurado pa kung tama siya sa kanyang mga ginagawa. Ngunit kailangan may magbayad sa lahat ng mga kasamaang nangyari sa nakaraan. Kailangan niya ring harapin ang buhay. Hindi siya nabubuhay lang para sa iba, tao lang rin siya, kailangan niyang gugulin ang buhay sa paraang gusto niya at sa buhay na masaya siya. Natigilan siya nang may kumatok sa pintuan. Itinago niya ang hawak niyang lumang newspaper at kunyari ay abala siyang nakatutok sa monitor."Good morning. Kumusta ang araw ng mahal ko?" malambing na bungad nito.Isang matipid na ngiti lang ang naisukli ni Gerald doon.Nakita ni Gerald ang hawak ni Ringgo na box ng favorite niyang chocolate. Gano'n si Ringgo sa kanya. Araw-araw kung papasok ito sa kanyang opisina ay may dala itong kung anu-ano. Expensive gi
Nang magtama ang kanilang mga mata ay kumindat ang lalaki at tumango lang rin siya.Sabay nilang tinungo ang dryer at halos sabay din silang naglagay ng kanilang mga palad."Ikaw na muna." sabi niya."No! You go ahead. Ladies first of course." sagot ng guwapong estranghero."Thank you.” Ngumiti siya kaya alam niyang lumabas ang kanyang dimples. Noon ay parang na-hypnotize na niya ang gwapong lalaki." I am done. Thank you," pamamaalam niya.Ngumiti rin ang lalaki sa kanya.Kinutuban siya ng kakaiba. Malagkit ang tingin ng guwapong lalaking ito sa kanya at alam niyang may kakaiba.Naglalakad na siya pabalik sa table nila ng kanyang mga kapatid nang mabilis na hinabol siya ng lalaki."Ahm, sorry.""Yes?" nakangiti niyang tanong."Daniel. Ako nga pala si Daniel." Nakalahad na ang kamay nito."Diane." Matipid niyang pagpapakilala sabay tanggap sa nakalahad na palad ni Daniel."Guest ka rin?" tanong ni Daniel sa kanya habang naglalakad sila pabalik sa Function Room."Well, host kami dahil
"Good evening, may I have your attention please." Sa buo at malinaw na boses ni Sackey. Siya ang Master of Ceremony.Bumalik ang ilan sa kanilang mga upuan at nagkatinginan sina Gerald at Ringgo. Nagsimulang tumahimik ang lahat at naghihintay sa dahilan ng pagtitipon sa gabing iyon."Now, we are about to witness who's the big man behind this successful company," excited na bulong ni Ringgo kay Gerald.Nagpakawala na muna si Gerald ng malalim na hininga saka siya tumango. Sabay silang tumingin at nakinig kay Sackey.Sa mga sandaling iyon, gustung-gusto ni Ringgo na makita at makilala ang nagmamay-ari ng The Partners lalo pa't may mga naantala silang projects, mga niligawang malalaking kumpanya na sa kumpanyang lang pala ito napunta. Kung sino man siya at kung sino ang nasa likod ng kanilang tagumpay, ngayon pa lang ay masasabi niyang mataas ang respeto at paghanga niya rito. Ngunit negosyo ito, walang kaibigan, lahat ay kakompetensiya pero kung ikaaangat ng kumpanya nila, kailangan nil
Nanlumo si Ringgo sa natunghayan niyang iyon. Hindi niya kayang ipaliwanag ang tindi ng kanyang nararamdaman. Bumabalik sa kanya ang mga sandaling minaliit niya si Diane. Yung mga panahong sinasaktan niya at minumura. Parang isang malakas na sampal iyon na bumalik sa kanya na siyang tuluyang nagpahilo at ngayon ay parang umiikot na ang kanyang paligid.Kasabay ng pagtayo ng Diane ang masigabong palakpakan. Nagsitayuan na rin ang lahat. Nakita niya ang pagluha ni Gerald habang nakatayo itong pumapalakpak na nakatingin sa kanya. Nakayuko lang si Ringgo sa kinauupuan nito. Hindi kayang iharap ang kanyang mukha. Masaya ang kanyang mga kapatid at si Sackey na bestfriend niya. Kasama rin si Daniel sa mga nakita niyang pumapalakpak. Ang lagkit ng tingin nito. Ang tamis ng kanyang mga ngiti. Alam niyang may bagong pag-asa sa tingin at ngiting iyon. Handa na ba siyang magmahal muli kunsakali?Pinunasan niya ang kanyang mga luha. Ang di napapansin noon, ngayon ay tinitingala na ng lahat. Iba an