Makakamit na niya ang bunga ng lahat ng kanyang pinaghihirapan ngunit alam niyang may kalakip pa rin itong nakakatakot na kapalit. Masasaktan niya si Ringgo at ngayong nakikita niyang bumubuti ang kalagayan nito. Hindi na niya sigurado pa kung tama siya sa kanyang mga ginagawa. Ngunit kailangan may magbayad sa lahat ng mga kasamaang nangyari sa nakaraan. Kailangan niya ring harapin ang buhay. Hindi siya nabubuhay lang para sa iba, tao lang rin siya, kailangan niyang gugulin ang buhay sa paraang gusto niya at sa buhay na masaya siya. Natigilan siya nang may kumatok sa pintuan. Itinago niya ang hawak niyang lumang newspaper at kunyari ay abala siyang nakatutok sa monitor."Good morning. Kumusta ang araw ng mahal ko?" malambing na bungad nito.Isang matipid na ngiti lang ang naisukli ni Gerald doon.Nakita ni Gerald ang hawak ni Ringgo na box ng favorite niyang chocolate. Gano'n si Ringgo sa kanya. Araw-araw kung papasok ito sa kanyang opisina ay may dala itong kung anu-ano. Expensive gi
Nang magtama ang kanilang mga mata ay kumindat ang lalaki at tumango lang rin siya.Sabay nilang tinungo ang dryer at halos sabay din silang naglagay ng kanilang mga palad."Ikaw na muna." sabi niya."No! You go ahead. Ladies first of course." sagot ng guwapong estranghero."Thank you.” Ngumiti siya kaya alam niyang lumabas ang kanyang dimples. Noon ay parang na-hypnotize na niya ang gwapong lalaki." I am done. Thank you," pamamaalam niya.Ngumiti rin ang lalaki sa kanya.Kinutuban siya ng kakaiba. Malagkit ang tingin ng guwapong lalaking ito sa kanya at alam niyang may kakaiba.Naglalakad na siya pabalik sa table nila ng kanyang mga kapatid nang mabilis na hinabol siya ng lalaki."Ahm, sorry.""Yes?" nakangiti niyang tanong."Daniel. Ako nga pala si Daniel." Nakalahad na ang kamay nito."Diane." Matipid niyang pagpapakilala sabay tanggap sa nakalahad na palad ni Daniel."Guest ka rin?" tanong ni Daniel sa kanya habang naglalakad sila pabalik sa Function Room."Well, host kami dahil
"Good evening, may I have your attention please." Sa buo at malinaw na boses ni Sackey. Siya ang Master of Ceremony.Bumalik ang ilan sa kanilang mga upuan at nagkatinginan sina Gerald at Ringgo. Nagsimulang tumahimik ang lahat at naghihintay sa dahilan ng pagtitipon sa gabing iyon."Now, we are about to witness who's the big man behind this successful company," excited na bulong ni Ringgo kay Gerald.Nagpakawala na muna si Gerald ng malalim na hininga saka siya tumango. Sabay silang tumingin at nakinig kay Sackey.Sa mga sandaling iyon, gustung-gusto ni Ringgo na makita at makilala ang nagmamay-ari ng The Partners lalo pa't may mga naantala silang projects, mga niligawang malalaking kumpanya na sa kumpanyang lang pala ito napunta. Kung sino man siya at kung sino ang nasa likod ng kanilang tagumpay, ngayon pa lang ay masasabi niyang mataas ang respeto at paghanga niya rito. Ngunit negosyo ito, walang kaibigan, lahat ay kakompetensiya pero kung ikaaangat ng kumpanya nila, kailangan nil
Nanlumo si Ringgo sa natunghayan niyang iyon. Hindi niya kayang ipaliwanag ang tindi ng kanyang nararamdaman. Bumabalik sa kanya ang mga sandaling minaliit niya si Diane. Yung mga panahong sinasaktan niya at minumura. Parang isang malakas na sampal iyon na bumalik sa kanya na siyang tuluyang nagpahilo at ngayon ay parang umiikot na ang kanyang paligid.Kasabay ng pagtayo ng Diane ang masigabong palakpakan. Nagsitayuan na rin ang lahat. Nakita niya ang pagluha ni Gerald habang nakatayo itong pumapalakpak na nakatingin sa kanya. Nakayuko lang si Ringgo sa kinauupuan nito. Hindi kayang iharap ang kanyang mukha. Masaya ang kanyang mga kapatid at si Sackey na bestfriend niya. Kasama rin si Daniel sa mga nakita niyang pumapalakpak. Ang lagkit ng tingin nito. Ang tamis ng kanyang mga ngiti. Alam niyang may bagong pag-asa sa tingin at ngiting iyon. Handa na ba siyang magmahal muli kunsakali?Pinunasan niya ang kanyang mga luha. Ang di napapansin noon, ngayon ay tinitingala na ng lahat. Iba an
"Kinaya ko 'yon, tinanggap ko ng maluwag sa dibdib na iyon ang buhay na kinagisnan namin, ang mahalaga ay nangingibabaw ang pagmamahalan sa aming pamilya." Yumuko siya. Nakita niya ang pumatak na luha sa ibabaw ng podium. Luhang kusang pumatak kahit pa sinubukan niyang pigilan. Naalala niya ang nangyari sa Mama niya. Tumitig siyang muli kay Ringgo. Kung nakakasugat lang ang salita, gusto niyang saksakin ng saksakin ang dibdib nito para maramdaman niya yung hirap na rinanas nilang magkakapatid nang nawalan sila ng ina. "Ang masakit ay kung kailan ka pilit umaahon sa kahirapan ay may mga taong patuloy kang hahamakin at aapakan para lalo kang lumubog. Kung kailan ramdam mong wala kang kakampi, kung kailan kailangan mo ng magulang na masasandalan, saka naman namatay at nasunog nang buhay ang iyong kinakapitan at inaasahan. Nakapadali lang nilang ginawa iyon, para lang silang sumagasa ng isang pusa sa daan. Dahil hindi pag-aari ng pusa ang daan, at dahil na rin sa walang halaga ang buhay n
Sa aking kaibigan na si Engr. Sackey Belmonte, tol, hinding-hindi ko kailanman makakalimutan ang mga panahong lagi kang handang sumuporta sa akin sa kahit sa anong paraan. Hindi ka nagdalawang isip na lagi akong saluhin nang mga panahong bumagsak ako. Bibihira na ang mga kaibigang kagaya mo kaya kahit pa hindi ko madalas itong sabihin sa'yo, alam kong alam mo na kapatid na ang turing ko sa'yo. Kapatid ang turing ko sa inyo ni Britney. Nagpapasalamat rin ako sa kanya kahit wala siya rito ngaon. Kayo ang aking kasangga sa kahit anong laban sa aking buhay. "Napalunok si Sackey. Kumindat siya kasunod ng pagsaludo. Nakokonsensiya siya dahil alam niyang marami siyang inililihim sa kanyang bestfriend. Marami silang inilihim ni Britney. Hindi sila nagiging totoo. Dahil sa pakiusap ng isang malapit na kamag-anak, nagsakripisyo ang kanyang kakambal at siya rin ay patuloy na naglilihim sa kanyang matalik na kaibigan. Hindi siya gano'n. Kahit kailan hindi siya naging sinungaling ngunit kailangan
"Nakikita mo ba kung paano siya kausapin at titigan ni Daniel? Hindi ka man lang ba natakot na maaring maagaw niya si Diane sa'yo?"Hindi nakasagot si Gerald. Mula sa kinatatayuan niya, nakita niya sina Daniel at Diane. Masayang nag-uusap."Natatakot siyempre. Magkasing-edad sila. Guwapo at mayaman si Daniel. Maaring ang kuwento nila ay magsimula sa tama. Hindi katulad namin na nagsimula kaagad sa mali.""Oh, ano pang hinihintay mo. Huwag mong sabihing hihintayin mo pang maging sila bago ka kikilos."Kinagat ni Gerald ang labi niya. May luhang nangilid sa kanyang mga mata."Hindi lang ako takot Sofia, nasasaktan din ako. Alam mo yung pakiramdam na gusto ko siyang yakapin, gustung-gusto ko siyang batiin ngunit paano naman si Ringgo? Tumitino na siya, nakokontrol na niya ang galit niya ngunit sa pagkakataong bitiwan ko siya, alam kong lalabas ang demonyong pinipigilan niya sa loob niya. Magiging masama siyang tao. Iyon ang masakit eh. Pinagplanuhan ko ito, ilang taon kong pinaghandaan n
Huminga si Gerald nag marinig niya iyon kay Diane. Nasasaktan siya na ganoon ang tingin sa kanya ng babaeng minahal niya hanggang ngayon. Kung alam lang sana niya ang lahat."Sorry, it happens all the time lalo na kung totoong nagmahal ka. So, I guest medyo naitawid ko ng maayos ang dapat tatanungin ko sa'yo. Galing na rin mismo sa'yo na pareho tayong sawi. I knew it! The first time I saw you, sabi ko iba ka, kaya kahit hindi ako naiihi, sinundan kita sa pasilyo papuntang CR. Then yung tingin mo sa akin, alam ko walang nagmamay-ari sa ngayon ang puso mo." Mahabang litanya ni Daniel. "Cheers for that!" Itinaas niya ang baso niya.Itinaas din ni Diane ang baso at pinag-umpog nila ito kasabay ng malagkit nilang titigan."So, are you free?" muling tanong ni Daniel.Noon ay tinitigan na ni Sofia si Gerald. Pinandilatan. Sinasabi ng mga mata nito na lumabas siya't kunin na ang dati naman ay kanya. Ang babaeng sa kanya naman talaga."Go! Get her!" bulong ni Sofia ngunit walang boses na lumab