Huminga si Gerald nag marinig niya iyon kay Diane. Nasasaktan siya na ganoon ang tingin sa kanya ng babaeng minahal niya hanggang ngayon. Kung alam lang sana niya ang lahat."Sorry, it happens all the time lalo na kung totoong nagmahal ka. So, I guest medyo naitawid ko ng maayos ang dapat tatanungin ko sa'yo. Galing na rin mismo sa'yo na pareho tayong sawi. I knew it! The first time I saw you, sabi ko iba ka, kaya kahit hindi ako naiihi, sinundan kita sa pasilyo papuntang CR. Then yung tingin mo sa akin, alam ko walang nagmamay-ari sa ngayon ang puso mo." Mahabang litanya ni Daniel. "Cheers for that!" Itinaas niya ang baso niya.Itinaas din ni Diane ang baso at pinag-umpog nila ito kasabay ng malagkit nilang titigan."So, are you free?" muling tanong ni Daniel.Noon ay tinitigan na ni Sofia si Gerald. Pinandilatan. Sinasabi ng mga mata nito na lumabas siya't kunin na ang dati naman ay kanya. Ang babaeng sa kanya naman talaga."Go! Get her!" bulong ni Sofia ngunit walang boses na lumab
"Actually, wala pa kaming napag-uusapan. Naabutan nila ako ritong nagpapahangin sandali. Halos magkasabay lang tayong lumapit sa kanila." Nakangiti niyang sagot kay Ringgo. Hindi na niya hinintay pang sumagot si Ringgo. Hinarap niya si Diane. "Congratulations! You soar high! You really are exceptional young lady." Inilahad niya ang kanyang kamay.Hindi alam ni Diane kung tatanggapin niya iyon. May kakaiba siyang naramdaman kanina sa paglapit ni Gerald ngunit parang may mali. Huminga siya nang malalim. Sandali siyang napatitig sa kamay ni Gerald at dahan-dahan ding niyang tinanggap ang kamay nito. Kailangan niyang magmukhang isang tunay na professional."Salamat." maikli niyang sagot. Sandali lang ang pagkakadaop-palad nila ngunit naramdaman ni Diane ang kakaibang pagpisil ni Gerald doon. Ang titig nito sa kanya ngayon ay pareho sa pagkakatitig sa kanya noong hinatid siya ni Britney sa park at nagkita sila ni Gerald. Ngunit matagal na niyang pinutol ang kanyang paghahangad. Ni minsan a
"Mahirap bang paniwalaan?""Well, kapani-paniwala naman. Gusto nga kita eh. Kung may taong puwedeng itapat kay Gerald Saavedra, ikaw 'yon Diane. Hindi ko pa nasusubukan ang galing mo sa kama pero kung ikaw ang magiging partner ko, I don't care kung may ibubuga ka o wala. You have all the qualities of a partner that I had been lookin' for."Humugot nang malalim na hininga si Diane. "Then maybe we can start talking about us when we stop discussing about him.""Gusto ko 'yan. Infatuation lang naman yung naramdaman mo siguro kay Gerald noon. Madali ka lang makapag-move on kasi hindi naman naging kayo totally ng matagal na panahon at nakatulong ang ginawa niyang pag-iwas sa’yo para tuluyan mo siyang makalimutan din. Mabuti nga't gano'n siya. Hindi katulad ng karamihang paasa."Naisip ni Diane. Sana gano'n din ang ginawa niya noon. Sana nang tinanggal siya sa trabaho at hinamak ni Gerald ang kanyang pagkatao ay hudyat na noon na dapat bumitiw na siya. Imbes kasi na lumayo siya, kumapit pa s
Tumitingin na sa kanila ang mga taong naroon sa kapehan. Nakaramdam si Gerald ng hiya."I'm sorry. Hindi ko kayang tapatan ang pagmamahal mo sa akin. Ayaw kong maging unfair sa'yo o sa aking sarili. Kung patatagalin natin ito, lalo ka lang masasaktan. Sayang ang panahon na ibinubuhos mo sa akin na dapat ay iginugugol mo sana sa'yong sarili. May mas higit pa sa akin Ringgo. Buksan mo ang puso mo sa iba, mahahanap mo din ang taong tatanggap at magmamahal sa'yo ng buum-buo. Hindi kita kayang mahalin. Hindi ang kagaya ko ang kailangan mo." Pagpapaliwanag ni Gerald.Binunot niya ang kanyang pitaka at nag-iwan ng pera pambayad sa kanilang naorder na kape saka siya tumayo. Hindi siya komportable sa kanyang nakikita. Siya yung tipo ng tao na nagtitigas-tigasan noon pero mahina ang loob niya. Madali siyang maawa. Sa negosyo lang siya matigas. Kaya niyang sisantehin ang isang tao sa trabaho kung sigurado siyang hindi nito kayang gawin ang responsibilidad na binabayaran ng kumpanya. Nakilala siy
Biglang bumukas ang ilaw sa sala. Ang maid niya ang naroon at papungas-pungas pa. Nagulat ito nang makita siya. Sumenyas siyang patayin na lang muli nito ang ilaw."Bakit ser? Sinnu ba yung kumakatuk nga halus gibain na metten ang git?" paanas na tanong ng ilokanong katulong niya."Bumalik ka na sa kuwarto mo, Manang. Ako na ang bahala rito.”“Piru ser. Baka ngay saktan kayo.”“Hindi ho Manang. Tumawag na lang kayo ng pulis at sabihin mong may pilit nanggugulo rito." Bilin niya sa kanyang katiwala."Sigi a ser. Wala na ba kayung kailangan?”“Wala na ho.”“Isu a ngarud." (Sige po kung ganoon)"Salamat Manang," matipid niyang sagot.Pumanhik siya sa taas at dahan-dahan siyang sumilip sa bintana. Kitang-kita niya si Ringgo doon. Paikot-ikot, hindi mapakali.Nakita rin niyang napakaraming missed calls at text sa cellphone niya pero alam niyang lahat nang iyon ay galing kay Ringgo dahil hawak din nito ang cellphone nito habang paikot-ikot sa harap ng kanyang gate. Pinatay na lang niya muna
Kumurap siya."God! Ano to?" napalunok niyang bulong.Hindi siya naniniwala sa kanyang nakikita."Good Morning, Ma’am," bati nito sa kanya.Natamemepa rin si Diane. Kumunot ang kanyang noo.Hindi ni minsan sumagi sa isip niya na darating yung ganitong pagkakataon.Nagkatitigan sila ng aplikante."What kind of joke is this Engr. Saavedra?" iyon ang namutawi ng labi ni Diane. Para kasing biro lang ang lahat ng ito kahit alam niyang bagsak na ang kumpanya nina Gerald dahil ito ang mainit na balita ngayon sa TV dahil sa dami ng naghahabol na clients at investors nila. Ngunit ang mag-apply sa kanya si Gerald?"I came here for an interview, Ma’am," magalang na sagot ni Gerald sa mapagkumbabang tono ng boses. "I hope you'll consider me for the vacant job."Paano iikot ang kuwento sa pagitan ng dati ay isang hamak na Janitress at ngayon ay boss na ng dating COO ngunit ang dating COO pala ang tunay pa ring Presidente at boss pa rin ng Janitress noon na COO na ngayon.Nagkatitigan sila ng aplik
Napalunok si Diane. "Pumunta ka ba dito para mag-apply ng trabaho?""Bakit hindi mo sagutin ang tanong ko?""Dahil wala kang karapatang tanungin ako sa mga ganyang bagay? It is too personal. Stupid question!" singhal ni Diane."Wala na ba akong karapatang magtanong dahil aplikante lang ako? May nakaraan din naman tayo, hindi ba puwedeng mapag-usapan din iyon? Hindi ko ba puwedeng matanong man lang 'yon?" "Excuse me? Kailan ka binigyan ng karapatang tanungin ang bagay na ikaw mismo ay hindi mo pinahalagahan?""Paano mo nasabing hindi ko pinahalagahan ang nakaraan?""Kailangan ko pa bang ipaliwanag sa'yo kung paano ko nasabing hindi mo pinahalagahan ang nakaraan? Gerald, ipinagpalit mo ako at ang nakakakinsulto, sa bakla pa! Kaya paano mo masasabing pinahalagahan mo ang bagay na iyong kinalimutan?""Ikaw ang unang bumitiw, kaya anong karapatan mong sumbatan ako?" balik tanong ni Gerald."Hindi ako nanunumbat lang, ipinapamukha ko sa'yo ang karupukan mo! Bumitiw man ako ngunit hindi kit
"Ngayon, nandito ka para mag-apply, hindi ba? Trabaho ang ipinunta mo dito kaya sana makuntento ka na sa kung ano lang muna ang kaya kong ibigay sa'yo." Tumunog ang cellphone ni Diane. Tinignan niya iyon sandali. Si Daniel ang tumatawag. Naghihintay na siguro iyon sa usapan nilang lunch."Excuse me, I have to take this call." Pagpapaalam niya.Tumayo siya at naglakad hanggang sa bintana.Malalim na buntong-hininga lang ang isinagot ni Gerald. Hindi pa nga ito ang tamang panahon na magsabi siya kay Diane. Galit pa ito sa nakaraan at kung dadagdagan niya ngayon iyon, baka lalo lang magkagulo ang lahat. Kailangan niya munang magsikap na hugasan ang lahat ng kanyang mga masasakit na sinabi para i-challenge siya noon. Kung sakaling mawala na ang galit at pagmamahal na ang papalit, siguro iyon na ang hudyat para magtapat na sila ni Sofia kung ano ang totoo. Hindi nakakatulong ngayon ang bigla niyang pagsasabi ng buong katotohanan, baka kasi iyon pa ang magtutulak dito para tuluyang sagutin
Pagpasok ni Sofia sa bakuran Psychiatrict Hospital ay nakita niya ang isang matipuno, guwapo at masayahing lalaki na noon ay tumutulong sa pagsasaayos ng mga namumulaklak na halaman. Nang magtama ang kanilang mga mata ay nakita niya agad ang kislap sa mga mata ng paghahandugan niya sa kanyang dala. Tumakbo ito at sinalubong siya. Binuhat at pinaikot-ikot siya at ramdam na ramdam niya ang kanyang pagiging babae."I'm so happy. Sobrang saya ko lang honey." maluha-luha at natatawang wika ni Ringgo kasunod ng paghalik-halik niya sa braso ni Sofia."Dahil dinalaw ulikita?""Sort of." sagot ni Ringgo."Sort of? E anong bulls eye na dahilan?""I am hundred percent okey! Puwede ko nang pagbayaran sa kulungan ang mga kasalanan ko kay Gerald at Diane! Then after that, aalis tayo dito. Titira tayo sa ibang bansa, magsasama na tayo hanggang sa pagtanda.""Wait, may nagsampa ba ng kaso? Wala naman hindi ba?""Wala ba?""Sa pagkakaalam ko, wala."Bumuntong hininga si Ringgo. Inakbayan niya s Sofia
Hi Baby!At first, I don't know what to write. Napakarami ko kasing gustong sabihin at sa dami ay di ko alam kung ano ang aking uunahin. Ngunit naisip kong gawing simple lang ang paglalahad at sana maintindihan mo ako. Baby, I am sorry. Here I am again, asking for a favor. I need to sarcrifice for a friend, for us and for everybody. Lalayo muna ako para pagbigyan ang isang kahilingan ng Mommy ni Ringgo.Tumulo ang luha ni Diane. Hindi niya alam kung kaya pa niyang tapusing basahin ang sulat na iyon. Muli na naman siyang iniwan ni Gerald. Matagal niyang itinapat sa dibdib niya ang sulat kasabay ng pagbunot niya ng sunud-sunod na malalalim na hininga. Kailangan niyang lawakan ang pang-unawa.Gusto kong gumaling muna si Ringgo. Gusto ko ring matahimik na muna ang lahat. Nais kong ligtas ang lahat habang naghihilom ang sugat ng kahapon. Hanapin mo muna ang sarili mo at gawin ang mga bagay na hindi mo nagawa nang sinimulan mong mahalin ako. Ganoon din ako. Tatapusin ko sa ibang bansa ang a
Ang Mommy ni Ringgo ang umiikot sa kanilang tatlo naging biktima ng kanyang anak para masiguro ang kanilang kaligtasan. Niyakap siya nang mahigpit ng Mommy ni Ringgo nang pumayag siya sa hinihiling nito. Kung hindi lang niya naisip na sa huling sandali ay pinili pa rin ni Ringgo ang maging isang mabuting tao, kung hindi lang nakiusap ang Mommy ni Ringgo ay paniguradong hindi niya kakayanin ang muling magsakripisyo. Dadalawin niya si Ringgo bago siya aalis.Pagkaalis na pagkaalis ng Mommy ni Ringgo ay humiling siya sa doktor kung puwedeng isakay siya sa wheelchair para silipin niya si Diane. Walang bantay si Diane noon. Maayos na ang kalagayan nito ngunit nakapikit pa rin siya. Ginagap niya ang kamay ni Diane. Pinagmasdan niya ang mapayapa nitong pagkakaidlip. Pinilit niyang tumayo at hinalikan niya sa labi ang kanyang pinakamamahal. Muli niyang pinalaya ang kanyang mga luha. Luha ng kasiyahan. Luha ng pasasalamat sa pagdating nito at iniligtas ang kanyang buhay. Alam niya, siguradong-
“Adammm! Bumalik ka na roon. Kailangan ka ng mga kapatid ko! Gumisinggg kaaa! Adammm please!!!” sigaw iyon ni Diane. Napasinghap si Gerald. Mabilis niyang hinanap si Diane na kanina lang ay ginigising siya. Akala niya totoo ang lahat. Akala niya malakas pa si Diane. Nang makita niya ang babaeng halos wala nang buhay na kayakap niya ay alam niyang panaginip lang ang lahat. Lumuha siyang muli. Alam niyang sandali siyang nawalan ng malay ngunit nakita niya sa balintataw niya si Diane. Ginigising siya. Pinababalik. “Sorry, baby. Sorry na wala akong magawa.” Bulong lang iyon. Pilit niyang nilalakasan ang kanyang katawan para mayakap lang niya ito sa huling sandali ng kanilang buhay. Hangang sa nakita niya na may hawak na baril si Ringgo. Palapit na ito sa kanila. Puno ng luha ang mga mata ni Ringgo. Naroon ang galit sa kanyang mukha. Bigo siyang makahingi ng konting awa. Bigo siyang mapabago ang kanyang kaibigan. Ito na nga marahil ang katapusan ngunit hindi siya papayag na si Diane ang
Alam ni Gerald na sinusundan siya ni Ringgo. Mabuti't mabilis niyang nahubad ang suot niyang long-sleeves at iyon ang kanyang ipinulupot sa kanyang sugat ngunit ngayon muling umagos ang kanyang dugo at di niya mapigilan ang pagpatak nito sa damuhan na maaring masundan ng naka-flashlight na si Ringgo."Sinabi ko na sa'yo, hindi mo ako matatakasan Gerald! Magsama tayong dalawa sa impyerno!" kasunod iyon ng malakas na tawa ni Ringgo.Hinigpitan ni Gerald ang hawak niya sa nakita niyang kahoy kanina. Hinihintay niyang matapat si Ringgo sa tinataguan niya at buong lakas niyang papaluin ito sa ulo. Ramdam na niya ang pagkahilo dahil sa pagod, gutom, pagkauhaw at dami ng dugong nawala sa kanya ngunit hindi ito yung tamang panahon para manghina siya. Lalabanan niya ang lahat ng iyon. Mahal niya ang kanyang buhay. Gusto pa niyang makasama ng mahabang panahon si Diane."Sige pa, lumapit ka pang hayop ka," bulong ni Gerald. Itinaas niya ang hawak niyang pamalo. Sandali siyang pumikit at huminga
Alam ni Gerald na hindi nagbibiro si Ringgo sa sinabi niyang iyon nang tinanggal nito ang pagkakatali sa isa niyang kamay at nang matanggal iyon ay nakatutok na ang baril sa kanya."Bibigyan kita ng isang minuto na tanggalin ang pagkakatali ng isa mo pang kamay at paa. Kung natapos na ang isang minuto at nadiyan ka pa rin sa kama, pasensiyahan na tayo pero hindi na tayo makakalabas pa sa bahay ng buhay. Dito na tayo magkasunod na malalagutan ng hininga. Kaya nga kung ako sa'yo, simulan mo nang tanggalin ang nakatali sa'yo dahil magsisimula na ang oras mo." Salubong ang kilay at nanlilisik ang mga mata ni Ringgo habang sinasabi niya iyon. Pawis at luha ang naghalo sa kanyang namumulang mukha. Ikinasa na ni Ringgo ang hawak niyang baril.Hudyat iyon na kailangan ni Gerald na bilisan ang kilos."60, 59, 58, 57..." pagsisimula ni Ringgo sa pagbibilang.Sobrang kaba at nerbiyos ni Gerald habang tinatanggal niya nakatali sa kanyang kamay. Isang kamay lang ang gamit niya kaya siya nahirapan
Inilagay ni Ringgo ang baril sa drawer na may susi. Lumapit siya kay Gerald. Hinawakan niya ang mukha nito. Hindi niya naramdamang pumalag si Gerald. Ni hindi ito nagmura. Iyon nga lang hindi ito tumingin sa kanya. Namimimiss na niya si Gerald. Nakapatagal na nang huli niya itong mahalikan sa labi, ang maidantay niya ang hubad at mainit nitong katawan sa kanya, ang maramdaman ang matitigas nitong dibdib at abs na nakadikit din sa kanya. May kung anong nabuhay sa kanyang pagnanasa. Puwede na niyang gawin lahat ngayon kay Gerald ang gusto niya. Puwede siyang magpakasawa, tigilan lang ito kung kailan pagod na. Dahan-dahan niyang idinampi ang labi niya sa labi ni Gerald. Siniil niya iyon ng halik. Hindi inilayo ni Gerald ang kanyang labi ngunit hindi iyon kumilos. Humihinga naman ito, naamoy nga niya ang mabango nitong hininga ngunit mistula itong patay. Walang kahit anong paggalaw, mistulang humahalik siya sa malamig nang bangkay.Hanggang sa naisip niyang tanggalin ang butones ng longsl
Tagaktak na ang pawis si Gerald sa loob ng trunk ng sasakyan ni Ringgo. Nakagapos ang kamay niya patalikod at kahit ang mga paa niya. Napapaluha siya dahil sa sobrang nahihirapan na. Wala siyang makita dahil piniringan din ang kanyang mga mata. Hindi niya alam kung gaano na iyon katagal. Sumasakit na ang buo niyang katawan. Hirap pa siyang kumilos at huminga dahil sa tindi ng init sa loob ng trunk ng kotse. Ang tanging lakas na lang niya sa mga sandaling iyon ay ang isipin si Diane. Doon siya huhugot ng lakas. Iisipin niya ang masasaya nilang alaala. Pupunuin niya ng matatamis nilang sandali ang kanyang isip nang di niya maramdaman ang hirap niya ngayon. Sana naisip ni Diane na unahin ang mga kapatid niyang iligtas at ilayo. Kaya niyang magtiis, kaya pa niyang magsakripisyo. Masaya siyang ligtas na si Marcus. Maaring kasama na ngayon ni Diane ang bata. Okey lang sa kanya ang lahat nang ito. Ang mahalaga ay hindi na muli pang iiyak si Diane sa pagkawala ng mahal nito sa buhay. Kayang n
Pinalibutan na siya nina Sackey, Diane at Marvie.Humahagulgol lang si Marcus. Hindi ito makapagsalita dahil pa rin sa tindi ng trauma na pinagdaanan niya. Marami siyang gustong sabihin ngunit hindi niya alam kung paano niya sisimulan. Iniwan na lang siya bigla sa hindi niya alam kung saang lugar. Kinalagan lang siya sa kamay at siya na ang nagtanggal sa ipiniring sa kanya at sa nakatali sa kanyang mga paa. Tinanggal din niya ang packing tape sa kanyang bibig at tainga. Lakad-takbo siyang lumayo doon hanggang sa naapuhap niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Ang ate Marian niya ang tinawagan niya dahil natatakot siya sa Ate Diane niya."Ate, hindi siya sumasagot. Umiiyak lang siya." si Marian.Kinuha ni Diane ang cellphone sa kamay ng kapatid niya at siya ang kumausap sa kanilang bunso."Marcus, ang Ate Diane mo ito. Huminga ka nang malalim. Relax lang okey? Sabayan mo ako, hinga...buga...hinga...buga... Nandito ang ate, sabihin mo kung nasaan ka para sunduin ka namin.""Ate...