"Nakikita mo ba kung paano siya kausapin at titigan ni Daniel? Hindi ka man lang ba natakot na maaring maagaw niya si Diane sa'yo?"Hindi nakasagot si Gerald. Mula sa kinatatayuan niya, nakita niya sina Daniel at Diane. Masayang nag-uusap."Natatakot siyempre. Magkasing-edad sila. Guwapo at mayaman si Daniel. Maaring ang kuwento nila ay magsimula sa tama. Hindi katulad namin na nagsimula kaagad sa mali.""Oh, ano pang hinihintay mo. Huwag mong sabihing hihintayin mo pang maging sila bago ka kikilos."Kinagat ni Gerald ang labi niya. May luhang nangilid sa kanyang mga mata."Hindi lang ako takot Sofia, nasasaktan din ako. Alam mo yung pakiramdam na gusto ko siyang yakapin, gustung-gusto ko siyang batiin ngunit paano naman si Ringgo? Tumitino na siya, nakokontrol na niya ang galit niya ngunit sa pagkakataong bitiwan ko siya, alam kong lalabas ang demonyong pinipigilan niya sa loob niya. Magiging masama siyang tao. Iyon ang masakit eh. Pinagplanuhan ko ito, ilang taon kong pinaghandaan n
Huminga si Gerald nag marinig niya iyon kay Diane. Nasasaktan siya na ganoon ang tingin sa kanya ng babaeng minahal niya hanggang ngayon. Kung alam lang sana niya ang lahat."Sorry, it happens all the time lalo na kung totoong nagmahal ka. So, I guest medyo naitawid ko ng maayos ang dapat tatanungin ko sa'yo. Galing na rin mismo sa'yo na pareho tayong sawi. I knew it! The first time I saw you, sabi ko iba ka, kaya kahit hindi ako naiihi, sinundan kita sa pasilyo papuntang CR. Then yung tingin mo sa akin, alam ko walang nagmamay-ari sa ngayon ang puso mo." Mahabang litanya ni Daniel. "Cheers for that!" Itinaas niya ang baso niya.Itinaas din ni Diane ang baso at pinag-umpog nila ito kasabay ng malagkit nilang titigan."So, are you free?" muling tanong ni Daniel.Noon ay tinitigan na ni Sofia si Gerald. Pinandilatan. Sinasabi ng mga mata nito na lumabas siya't kunin na ang dati naman ay kanya. Ang babaeng sa kanya naman talaga."Go! Get her!" bulong ni Sofia ngunit walang boses na lumab
"Actually, wala pa kaming napag-uusapan. Naabutan nila ako ritong nagpapahangin sandali. Halos magkasabay lang tayong lumapit sa kanila." Nakangiti niyang sagot kay Ringgo. Hindi na niya hinintay pang sumagot si Ringgo. Hinarap niya si Diane. "Congratulations! You soar high! You really are exceptional young lady." Inilahad niya ang kanyang kamay.Hindi alam ni Diane kung tatanggapin niya iyon. May kakaiba siyang naramdaman kanina sa paglapit ni Gerald ngunit parang may mali. Huminga siya nang malalim. Sandali siyang napatitig sa kamay ni Gerald at dahan-dahan ding niyang tinanggap ang kamay nito. Kailangan niyang magmukhang isang tunay na professional."Salamat." maikli niyang sagot. Sandali lang ang pagkakadaop-palad nila ngunit naramdaman ni Diane ang kakaibang pagpisil ni Gerald doon. Ang titig nito sa kanya ngayon ay pareho sa pagkakatitig sa kanya noong hinatid siya ni Britney sa park at nagkita sila ni Gerald. Ngunit matagal na niyang pinutol ang kanyang paghahangad. Ni minsan a
"Mahirap bang paniwalaan?""Well, kapani-paniwala naman. Gusto nga kita eh. Kung may taong puwedeng itapat kay Gerald Saavedra, ikaw 'yon Diane. Hindi ko pa nasusubukan ang galing mo sa kama pero kung ikaw ang magiging partner ko, I don't care kung may ibubuga ka o wala. You have all the qualities of a partner that I had been lookin' for."Humugot nang malalim na hininga si Diane. "Then maybe we can start talking about us when we stop discussing about him.""Gusto ko 'yan. Infatuation lang naman yung naramdaman mo siguro kay Gerald noon. Madali ka lang makapag-move on kasi hindi naman naging kayo totally ng matagal na panahon at nakatulong ang ginawa niyang pag-iwas sa’yo para tuluyan mo siyang makalimutan din. Mabuti nga't gano'n siya. Hindi katulad ng karamihang paasa."Naisip ni Diane. Sana gano'n din ang ginawa niya noon. Sana nang tinanggal siya sa trabaho at hinamak ni Gerald ang kanyang pagkatao ay hudyat na noon na dapat bumitiw na siya. Imbes kasi na lumayo siya, kumapit pa s
Tumitingin na sa kanila ang mga taong naroon sa kapehan. Nakaramdam si Gerald ng hiya."I'm sorry. Hindi ko kayang tapatan ang pagmamahal mo sa akin. Ayaw kong maging unfair sa'yo o sa aking sarili. Kung patatagalin natin ito, lalo ka lang masasaktan. Sayang ang panahon na ibinubuhos mo sa akin na dapat ay iginugugol mo sana sa'yong sarili. May mas higit pa sa akin Ringgo. Buksan mo ang puso mo sa iba, mahahanap mo din ang taong tatanggap at magmamahal sa'yo ng buum-buo. Hindi kita kayang mahalin. Hindi ang kagaya ko ang kailangan mo." Pagpapaliwanag ni Gerald.Binunot niya ang kanyang pitaka at nag-iwan ng pera pambayad sa kanilang naorder na kape saka siya tumayo. Hindi siya komportable sa kanyang nakikita. Siya yung tipo ng tao na nagtitigas-tigasan noon pero mahina ang loob niya. Madali siyang maawa. Sa negosyo lang siya matigas. Kaya niyang sisantehin ang isang tao sa trabaho kung sigurado siyang hindi nito kayang gawin ang responsibilidad na binabayaran ng kumpanya. Nakilala siy
Biglang bumukas ang ilaw sa sala. Ang maid niya ang naroon at papungas-pungas pa. Nagulat ito nang makita siya. Sumenyas siyang patayin na lang muli nito ang ilaw."Bakit ser? Sinnu ba yung kumakatuk nga halus gibain na metten ang git?" paanas na tanong ng ilokanong katulong niya."Bumalik ka na sa kuwarto mo, Manang. Ako na ang bahala rito.”“Piru ser. Baka ngay saktan kayo.”“Hindi ho Manang. Tumawag na lang kayo ng pulis at sabihin mong may pilit nanggugulo rito." Bilin niya sa kanyang katiwala."Sigi a ser. Wala na ba kayung kailangan?”“Wala na ho.”“Isu a ngarud." (Sige po kung ganoon)"Salamat Manang," matipid niyang sagot.Pumanhik siya sa taas at dahan-dahan siyang sumilip sa bintana. Kitang-kita niya si Ringgo doon. Paikot-ikot, hindi mapakali.Nakita rin niyang napakaraming missed calls at text sa cellphone niya pero alam niyang lahat nang iyon ay galing kay Ringgo dahil hawak din nito ang cellphone nito habang paikot-ikot sa harap ng kanyang gate. Pinatay na lang niya muna
Kumurap siya."God! Ano to?" napalunok niyang bulong.Hindi siya naniniwala sa kanyang nakikita."Good Morning, Ma’am," bati nito sa kanya.Natamemepa rin si Diane. Kumunot ang kanyang noo.Hindi ni minsan sumagi sa isip niya na darating yung ganitong pagkakataon.Nagkatitigan sila ng aplikante."What kind of joke is this Engr. Saavedra?" iyon ang namutawi ng labi ni Diane. Para kasing biro lang ang lahat ng ito kahit alam niyang bagsak na ang kumpanya nina Gerald dahil ito ang mainit na balita ngayon sa TV dahil sa dami ng naghahabol na clients at investors nila. Ngunit ang mag-apply sa kanya si Gerald?"I came here for an interview, Ma’am," magalang na sagot ni Gerald sa mapagkumbabang tono ng boses. "I hope you'll consider me for the vacant job."Paano iikot ang kuwento sa pagitan ng dati ay isang hamak na Janitress at ngayon ay boss na ng dating COO ngunit ang dating COO pala ang tunay pa ring Presidente at boss pa rin ng Janitress noon na COO na ngayon.Nagkatitigan sila ng aplik
Napalunok si Diane. "Pumunta ka ba dito para mag-apply ng trabaho?""Bakit hindi mo sagutin ang tanong ko?""Dahil wala kang karapatang tanungin ako sa mga ganyang bagay? It is too personal. Stupid question!" singhal ni Diane."Wala na ba akong karapatang magtanong dahil aplikante lang ako? May nakaraan din naman tayo, hindi ba puwedeng mapag-usapan din iyon? Hindi ko ba puwedeng matanong man lang 'yon?" "Excuse me? Kailan ka binigyan ng karapatang tanungin ang bagay na ikaw mismo ay hindi mo pinahalagahan?""Paano mo nasabing hindi ko pinahalagahan ang nakaraan?""Kailangan ko pa bang ipaliwanag sa'yo kung paano ko nasabing hindi mo pinahalagahan ang nakaraan? Gerald, ipinagpalit mo ako at ang nakakakinsulto, sa bakla pa! Kaya paano mo masasabing pinahalagahan mo ang bagay na iyong kinalimutan?""Ikaw ang unang bumitiw, kaya anong karapatan mong sumbatan ako?" balik tanong ni Gerald."Hindi ako nanunumbat lang, ipinapamukha ko sa'yo ang karupukan mo! Bumitiw man ako ngunit hindi kit