MANGGAHAN FESTIVALGUIMARAS“Good evening, Jordan!” malakas na sigaw ng babaeng host na ang tinutukoy ang mga mamamayan ng Jordan, ang kapital ng probinsiya ng Guimaras. Umikot ang kanyang paningin sa malawak na open ground at kaagad na sumilay ang matamis na ngiti mula sa magkabilang sulok ng kanyang labi.Umalingawngaw sa buong paligid ang malakas na hiyawan na may kasamang sipol, tanda ng kasiyahan ng lahat ng naroon at pakikiisa sa pagdiriwang ng Manggahan Festival.“Happy festival po sa ating lahat ng mga na naririto ngayong gabi. Alam ko pong marami sa inyo rito ay galing pa sa iba’t-ibang bayan ng Guimaras kaya isa pong mainit na pagbati para sa ating lahat. Isa na naman pong masaganang taon ang ibinigay sa atin ng ating Panginoon kaya naman narito tayo ngayon para ipagdiwang ang taonang Manggahan Festival, isang selebrasyon ng pasasalamat para sa masagang taon.” patuloy ng host na hindi pa rin nawawala ang masayang ngiti sa mga labi.Napakaganda ng gabi. Banayad at malamig ang
Last Updated : 2023-05-23 Read more