All Chapters of NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO : Chapter 81 - Chapter 90

114 Chapters

ALL FOR HAJIE

Sabado ng umaga. Halos kahuhupa lang ng bagyong Mareng na sumalanta sa malaking bahagi ng Visayas maging sa ilang rehiyon ng Luzon. At pang-apat na araw na ring pansamantalang nakatira sa poder ni Taj ang mag-inang Tori at Hajie. Nasira kasi ang isang bahagi ng ancestral house dahil sa natumbang puno ng mangga na dulot ng malakas na hangin.Dala ang ginawang pancake para kay Hajie ay naglakad na si Tori patungo sa veranda kung saan naroon ang anak kasama ang ama nito. Malaking tulong din ang apat na araw na pamamalagi nila sa bahay ni Taj para mas maging malapit sa isa’t-isa ang dalawa. Sandaling tumigil si Tori nang mula sa kanyang kinatatayuan ay matanaw niya si Hajie na masayang nakasakay sa likod ni Taj. Naglalaro ang dalawa ng kabayo-kabayoan sa veranda habang nakangiti namang nakamasid si Giorgia. May hawak pa itong cellphone at tila kinukunan ng video ang mag-ama. Kagabi lang dumating si Giorgia dahil na-stranded ang babae sa Iloilo. Hindi na sila nagpang-abot dalawa dahil tul
last updateLast Updated : 2023-09-26
Read more

I NEED YOUR HELP

MAAGA pa lang ay nasa gitna na ng malawak na manggahan si Taj kasama ang anak niyang si Hajie. Wala si Tori. Alas sais pa lang ng umaga ay bumiyahe na patungo sa Manila ang babae para sa isang importanteng meeting kasama ang ilang boss ng Crystal Music at ang organizer. Pag-uusaan ng mga ito ang tungkol sa na-cancel na concert ng pop star sa Los Angeles dahil sa pagkamatay ni Wanji.“Malaki rin ho ang pinsalang natamo ng manggahan nang dahil sa bagyo, Sir Taj,” imporma ng isang tauhan ni Taj na nakasunod sa kanilang dalawa ni Hajie.Isag mahinang buntong-hininga ang pinakawalan ni Taj. Ano pa nga ba ang magagawa niya? “Oho nga, Tata Teban, eh. Gawan na lang ho natin ng paraan na kahit paano ay hindi tayo malugi sa ginastos natin ngayong season.” turan niya bago yumuko para damputin ang isa sa maraming bunga ng mangga na naglaglagan dahil sa lakas ng hangin. Sinuri iyon ni Taj at nang masigurong magulang na ang hawak na bunga ay isa pa uling buntong-hininga ang pinakawalan niya. P’w
last updateLast Updated : 2023-09-29
Read more

SELFISH

“Hi…”Kaagad na gumuhit ang masayang ngiti mula sa magkabilang sulok ng mga labi ni Tori nang marinig niya ang pamilyar na tinig ni Darlene. Ang kanyang personal financial consultant simula pa noong pumasok siya sa showbiz.“Thank God, pinaunlakan mo ang invitation ko,” bakas ang tuwa sa tinig na turan ni Tori sa bagong dating.Alam ni Tori na maraming ginagawa ang babae ngayon dahil bukod sa pagiging financial consultant ay nagta-trabaho din si Darlene sa isang sangay ng gobyerno bilang isang accountant. Isa pa ay nagtuturo din si Darlene sa isang university sa Bulacan. Masyadong workaholic ang babae kaya ang tawag niya rito ay ang babaeng walang pahinga.Umirap naman si Darlene bago siya b****o kay Tori. “Sus, porke alam mong hindi kita kayang tiisin,” naka-ismid na aniya sa pop star. Nang mapatingin siya sa upuang nasa kaliwa ni Tori ay kaagad na umangat ang kilay niya nang makilala ang lalaking nakaupo roon. “Mr. Sebastian, what a pleasant surprise!” puna niya sa kilalang negosyan
last updateLast Updated : 2023-10-19
Read more

VISIT

ALA-UNA pa lang ng hapon ay nakahanda na si Tori at ang team niya. Kagabi pa sila dumating sa bayan ng La Paz, Tarlac para sa gagawing pagbisita ng popstar sa isang maysakit na tagahanga sa barangay Guevara.“Handa na ba ang lahat?” tanong ng bagong PA ni Tori na si Riza. Tumango ang isa pang kasama nila pati na rin ang tatlong lalaki na kasama sa security team ni Tori.Napatango-tango si Riza. “Okay, good. Hintayin na lang natin ang tawag ng isa nating kasama na nauna na sa Guevara bago tayo aalis.” aniya sa mga ito.Samantala, abala naman si Tori sa hawak niyang cellphone. Tinatawagan niya si Taj. Naiwan kasi sa lalaki ang anak nilang si Hajie.Tatlong araw din siyang mawawala dahil pagkatapos ng gagawin niyang pagbisita sa isang fan ay tutulak naman siya patungo sa Manila. Launching ng isang sikat produkto na siya ang endorser at kailangang naroon siya. Sunod naman ay may meeting siya kasama ang ilang opisyal ng Central Production para sa gagawin niyang bagong pelikula kasama si E
last updateLast Updated : 2024-02-15
Read more

I'M PREGNANT

ISANG MALAWAK NA NGITI ang kaagad na sumilay sa mga labi ni Kara nang makita niya ang dalawang pulang guhit sa hawak niyang pregnancy test. Dalawang beses siyang nag-test dahil gusto niyang makasiguro. “Oh, thank goodness!” tuwang bulalas ni Kara na napatalon pa sa tuwa ngunit kaagad din siyang napatigil nang maalalang dapat nga pala siyang mag-ingat. Hindi p’wedeng mawala ang sanggol na nasa sinapupunan niya.Ang natatangi niyang alas kay Taj. Ibinalik niya ang hawak na pregnancy test sa box nito at kaagad na naghubad ng suot na damit. Maliligo siya at makipagkita kay Taj.Habang nagsasabon ng katawan ay pakanta-kanta pa si Kara. Masayang-masaya siya. Kapag naman talagang sini-suwerte. Tila umaayon sa kanya ang pagkakataon at tadhana. Kinapa niya ang impis pang puson. At muli ay isang malawak na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya. Nang matapos maligo ay kaagad na nagbihis si Kara. Simpleng floral dress lamang ang isinuot niya na umaabot hanggang sa kalagitnaan ng kanyang mga hita
last updateLast Updated : 2024-05-06
Read more

MISSED

“OKAY, THAT’S ALL FOR TODAY.” pagtatapos ni Landon sa weekly meeting ng Consunji Real Estate and Construction Company.Halos sabay-sabay na tumayo ang heads ng bawat department ng kompanyang pag-aari ni Taj. Ilang saglit pa ay wala nang naiwan sa loob ng malawak na conference room maliban kay Taj at Landon.Kunot ang noo ni Landon habang nilalaro sa kanyang mga daliri ang hawak na ballpen. Nauna nang lumabas ang sekretarya niya dala ang kanyang mga gamit. Something is off about Taj. Kanina pa niya napapansin na wala sa pinag-uusapan nila ang buong atensiyon nito. Tila may kung anong malalim na dahilan ang gumugulo sa isipan nito. Sandali pa munang nakiramdam si Landon at nang hindi na siya makatiis ay tuluyan na niyang binasag ang kanyang pananahimik.“What’s up?” aniya kay Taj na tila hindi naman siya narinig. Nanatili lamang nakatitig sa kawalan ang kaibian niya. “Hey, man…” tawag niya rito saka niya dinampot ang papel na nasa kanyang harapan. Ginawa niya itong bola saka ibinato ka
last updateLast Updated : 2024-05-16
Read more

DECIDED

TAHIMIK ANG GABI. Pasado alas dos na ng madaling-araw pero gising na gising pa rin ang diwa ni Tori. And it’s been more than a week simula nang malaman niya ang tungkol sa pagbubuntis ni Kara, maging ang nalalapit na kasal ng babae sa dati niyang asawa. Hawak ang kopitang may lamang alak ay dahan-dahang sinimsim ni Tori ang laman niyon. Bahagya pang nalukot ang mukha niya nang gumuhit sa kanyang lalamunan ang mapait na lasa ng inumin. Tumingala siya sa madilim na kalangitan habang naka-krus ang magkabilang braso sa kanyang dibdib, hawak pa rin ang kopita. Nililipad ng mabining ihip ng hangin ang buhok niyang hinayaan lamang niyang hindi nakatali.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Tori bago muling dinala sa kanyang bibig ang hawak na kopita at saka niya inisang lagok ang natitirang laman niyon. “Whoa!” bulalas niya nang tila biglang punuin ng init na dulot ng alak ang buo niyang katawan. Isang pagak na tawa ang pinakawalan ni Tori pagkaraan ng ilang saglit. Ngayon
last updateLast Updated : 2024-05-17
Read more

THE CALL

KATATAPOS lang ng promotional guesting ni Tori kasama si Everett sa isang kilalang afternoon talk show nang makatanggap siya ng tawag mula sa kapatid ni Taj na si Georgia.Nangunot ang noo ni Tori. Ito kasi ang unang pagkakataon na tinawagan siya ng babae.“Hello,” bungad ni Tori pagkatapos niyang pindutin ang answer call. Isang nagpa-panic na tinig ni Georgia ang kaagad na bumungad kay Tori. Napuno ng kaba ang puso lalo na’t tila nahuhulaan na niya kung tungkol saan—o mas tamang sabihin na kanino ang tawag ng kapatid ni Taj. “Si Hajie, Ate…”Nahigit ni Tori ang kanyang hininga nang bangitin ni Georgia ang pangalan ng anak niya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa tangang cellphone.“What happened?” tanong niya sa mahinang tinig. Pilit din niyang kinakalma ang kanyang sarili at kaagad na sinenyasan si Jessa.“Isinugod siya ni Kuya sa hospital—”“Ano nga ang nangyari?!” may diin sa tinig na putol ni Tori sa iba pang sasabihin ni Georgia.“Bigla na lang siyang nahirapang makahinga—ay, h
last updateLast Updated : 2024-06-28
Read more

DO SOMETHING

PAGKALAPAG sa airport ng Iloilo ng private plane na sinasakyan ni Tori ay kaagad siyang sinalubong ng isa sa tatlong driver ng Sebastian Plantation. Walang tanong-tanong na kaagad sumakay si Tori roon matapos siyang pagbuksan ng pinto ng driver. Mula sa airport ay bumiyahe sila patungo naman sa pier kung saan siya sasakay ng private boat na pag-aari ni Taj patungo naman sa Jordan port. Habang tinatawid ang dagat ay tinawagan ni Tori si Everett. Ipinaalam niya sa kaibigan na matiwasay siyang nakarating sa Iloilo at kasalukuyan nang tinatawid ang dagat. Pagkaraan ng twenty minutes ay nakarating na si Tori sa Jordan port. Pababa pa lamang siya ng baka ay narinig na niya ang boses ni Landon na tinatawag siya. “Tori! Tori, over here!” Tumingin si Tori sa kaibigan ni Taj at kiming tumango bilang sagot. Kaagad namang sinalubong ni Landon si Tori at sabay silang naglakad patungo sa naghihintay na sasakyan. “How was your flight?” Natigilan si Tori dahil sa tanong na iyon ni Landon. Baha
last updateLast Updated : 2024-06-30
Read more

THE PLAN

LIMANG NA BUWAN ANG MATULING LUMIPAS at malaki na ang tiyan ni Kara. Because why not? Dalawang buwan na lang mula ngayon ay manganganak na siya. At ngayong araw nga ang gender reveal party para sa baby nila ni Taj. Katulad ng inaasahan ay kompleto ang angkan ni Kara. Dumalo din ang ilan niyang mga kaibigan na kilala na rin ni Taj. Sa panig naman ni Taj ay pumunta rin ang piling-pili niyang mga kaibigan. At siyemp’re pa ay kompleto din ang pamilya niya. “Everything is ready, Taj.” bakas ang labis na tuwa sa tinig na ani ni Alyssa sa kanyang anak. “And, I’m so excited!” dugtong pa niya. Nakangiting niyakap ni Taj ang kanyang ina. “Thank you, Mom.” aniya sa ina.Ang kanyang ina kasi ang siyang punong abala sa pag–aasikaso ng lahat. Hindi nito hinayaang tumulong si Kara dahil hindi p’wedeng mapagod ang babae. Ayon kasi sa doktor ay maselan daw ang pagbubuntis nito kaya naman pati ang mga kapatid niya ay walang nagawa kundi tumulong na rin kahit pa nga may kinuha namang coordinator pa
last updateLast Updated : 2024-07-01
Read more
PREV
1
...
789101112
DMCA.com Protection Status