Share

THE PLAN

LIMANG NA BUWAN ANG MATULING LUMIPAS at malaki na ang tiyan ni Kara. Because why not? Dalawang buwan na lang mula ngayon ay manganganak na siya.

At ngayong araw nga ang gender reveal party para sa baby nila ni Taj.

Katulad ng inaasahan ay kompleto ang angkan ni Kara. Dumalo din ang ilan niyang mga kaibigan na kilala na rin ni Taj.

Sa panig naman ni Taj ay pumunta rin ang piling-pili niyang mga kaibigan. At siyemp’re pa ay kompleto din ang pamilya niya.

“Everything is ready, Taj.” bakas ang labis na tuwa sa tinig na ani ni Alyssa sa kanyang anak. “And, I’m so excited!” dugtong pa niya.

Nakangiting niyakap ni Taj ang kanyang ina. “Thank you, Mom.” aniya sa ina.

Ang kanyang ina kasi ang siyang punong abala sa pag–aasikaso ng lahat. Hindi nito hinayaang tumulong si Kara dahil hindi p’wedeng mapagod ang babae. Ayon kasi sa doktor ay maselan daw ang pagbubuntis nito kaya naman pati ang mga kapatid niya ay walang nagawa kundi tumulong na rin kahit pa nga may kinuha namang coordinator pa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status