POLARIS STADIUM “Tori! Tori!” “Tori!” “More…more…more!” Dumadagundong ang loob ng malawak na stadium na pag-aari rin ng mga Rodriguez dahil sa walang tigil na sigawan ng mga fans ni Tori Herrera na kasalukuyang naroon para sa kanyang homecoming concert. Anak si Tori ng kilalang singer-actress na si Marigold Herrera at ng kilalang matinee idol noong kapanahunan nito na si Christopher De Silva. Nagsimula ang karera niya bilang si Tori Herrera, isa sa pinakamaningning na singer-actress ngayon sa bansa noong siya nasa edad labing-pito pa lamang. Marami ang nagduda sa kakayahan niya noong una at ang sabi pa ay kaya lang naman daw siya mabilis na nakilala ay dahil sa impluwensiya ng mga magulang niya. She was privileged and a nepo baby, sabi pa. Ngunit pagkalipas ng tatlong taon ay napatunayan niyang hindi siya sumikat dahil siya si Tori Herrera, anak ng kilalang singer-actress na si Marigold Herrera, kundi dahil talagang may ibubuga siya. Sa katunayan ay isang linggo pa lang ang naka
"FOR PETE'S SAKE, Tori, can you please tell me where you are right now?!" Automatic na nailayo ni Tori sa kanyang tainga ang hawak niyang cellphone nang marinig niya ang naghi-histerical na boses ng Uncle niya. Damang-dama niya sa tinig nito ang pinipigilang galit na may kasamang konsomisyon. "Hi, Uncle!" malakas ang boses na aniya sa baklang napatili na lamang sa kabilang linya. "You better answer me now—""I'm just somewhere out here, Uncle," putol ni Tori sa iba pang sasabihin ng Uncle niya bago pa man tuluyang humaba ang mga litanya nito. "don't worry, Cinderella will be home before midnight..." dugtong niya sabay hagikhik.Kasalukuyan siyang nasa gitna ng kalsada, sakay ng Toyota Corolla na pag-aari ng Uncle niya. Nagawa niya iyong ipuslit habang nasa loob ito ng kuwarto kasama si Mon. Alas otso na ng gabi at mukhang matutulog na naman ang Uncle niya na mainit ang ulo sa kanya. She has been in San Lorenzo for three days at sa loob ng mga araw na lumipas ay palaging nangungunsum
SAPO ANG ULO na idinilat ni Tori ang kanyang mga mata pero ang mas nakatawag sa pansin niya ay ang sandaling pagsigid ng kirot mula sa kaibuturan ng kanyang pagkababae nang bahagya siyang gumalaw. Nanlaki ang mga mata niya at wala sa loob na napalingon sa kanyang tabi para lamang lalong mapatunganga nang makita ang natutulog na lalaki sa kanyang tabi. It was Taj! 'Oh, God!' Dahan-dahan siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Itinaas niya hanggang sa kanyang dibdib ang kumot na nakabalot sa hubad niyang katawan. Hindi pa tuluyang napo-proseso ng utak niya ang lahat pero alam niya sa sarili niya kung ano ang nangyari. Hindi naman siya ipinanganak kahapon para maging clueless. Iginala ni Tori ang kanyang paningin at napangiwi siya nang makitang naroon siya sa hindi pamilyar na silid. Nang tumingin naman siya sa labas ay nakita niya mula sa nakasaradong salaming bintana na madilim pa. Nakagilid ang kulay berdeng kurtina na nakasabit roon kaya malinaw niyang nakikita ang labas. Napahilamo
"CARE TO TELL me if what was the "sneaking" all about?" Napatigil sa akmang pagkagat ng hiniwang mangga si Tori nang marinig ang tanong na iyon ni Taj. Ibinaba niya ang hawak bago ipinagpag ang magkabilang kamay saka bumuga ng hangin. So here it is! The so-called "love is not all about rainbow and butterflies" thing. Tumayo si Tori mula sa pagkakasalampak sa matigas na lupang sinapinan ni Taj ng kumot, sa ilalim ng malaking punong mangga. Naroon sila sa may kalawakang bukirin ng Lolo ng lalaki kung saan may mga nakatanim na punong mangga. Well, Guimaras is not gonna be Guimaras if you can't see all the mangoes around; not all but at least, mostly. "So?" muling untag ni Taj sa nobya habang nilalaro sa kamay ang patay na damo.Halos isang linggo na rin simula nang maging opisyal ang relasyon nila kahit walang nangyaring ligawan, it doesn't matter. Ang mahalaga naman ay pareho nilang alam na mahal nila ang isa't-isa sa kabila ng ikli ng pagkakakila nila. Kilala na rin ng Lolo niya si T
MAYA'T-MAYANG tinatapunan ng sulyap ni Tori si Taj na nakaupo sa tapat niya. As usual ay naroon na naman sila sa paborito nilang tambayan, sa ilalim ng malaking punong mangga na hindi kalayuan mula sa bahay ng nobyo. Kanina pa kasi ito tahimik at tila malalim ang iniisip, o mas tama sigurong sabihin na kahapon pa ito wala sa mood. Napansin na niya iyon nang daanan niya ito sa fire station. Hindi lang niya pinagtuonan ng pansin dahil inisip niyang baka pagod lang ito sa trabaho. Although, wala namang nangyaring sunog kahapon. Nang hindi makatiis ay nagtanong na si Tori. "What's with the silence, love?" magaan ang tono na tanong ni Tori kay Taj. "May problema ba?" dugtong niya.Tumingin sa malayo si Taj bago sumagot. "Bakit, dapat bang magkaroon ng problema?" supladong balik-tanong niya kay Tori. "Ikaw, baka may gusto kang sabihin sa akin. I'm all ears..." padarag pa niyang dugtong. Nagulat naman si Tori dahil sa tono ng boses ni Taj. Maayos naman ang pagkakataong niya at sa inaasta
PAGPASOK NI TORI sa kanyang silid ay pabagsak niyang isinara ang pinto. Sandali siyang sumandal sa pinto bago bumuga ng hangin saka niya pinakawalan ang mga luhang kanina pa niya pilit na pinipigilang bumagsak. Ilang minuto ring nanatiling nasa ganoon sitwasyon si Tori bago siya dahan-dahang humakbang patungo sa kanyang higaan. Patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Tila may sariling isip ang mga iyon na ayaw magpapigil. Umupo siya sa kama bago pabagsak na humiga saka siya tumagilid at namaluktot. Hinila niya ang kumot at iyon ginawang pamunas sa kanyang mga luha.Is this the meaning of real love? But why does it have to hurt so bad? She wasn't prepared for this...Lumaki si Tori na napapaligiran ng mapanghusgang mga mata dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng marami ng pumatol ang Mommy niya sa pamilyadong lalaki. At siya ang buhay na patunay sa kasalanang iyon. At isa rin iyon sa dahilan kung bakit takot siyang makipagrelasyon. She's twenty-three but she
TUMULO ANG MGA LUHA ni Tori. Hindi niya inaasahan na ganito ang magiging epekto ng yakap at halik ni Taj sa kanya pagkatapos nilang magtalo kanina. Hindi naman siya namatay pero pakiramdam niya ay bigla siyang nabuhay muli. Dahil doon ay mahina siyang natawa na ipinagtaka naman ni Taj. "Hey," mahinang usal ni Taj pagkatapos niyang ilayo nang bahagya si Tori sa katawan niya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at nagtatakang tinitigan ang babae. "What is it?" tanong niya. Umiling si Tori bago niya ipinulupot ang mga braso sa leeg ng nobyo. "Nothing..." sagot niyang may tipid na ngiti sa mga labi. Umangat ang kilay ni Taj. Bakas sa kanyang anyo na hindi siya naniniwala kay Tori. "Uh-huh," aniyang umikot ang mga mata. "C'mon, tell me..." Nagkibit ng mga balikat si Tori bago nagsalita."Wala, love..." sagot niya bago mabilis na ginawaran ng magaang halik ang tungki ng ilong ni Taj na mas lalo namang nagtaasan ang mga kilay. "So tell me, paano kang naka-akyat at saan ka dumaan?"
KANINA PA NAKATITIG sa hawak niyang cellphone si Everett. Ilang minuto na rin ang nakakalipas simula nang bigla na lang naputol ang tawag niya kay Tori. Ni hindi na nagawang magpaalam ng babae sa kanya at batid niyang kung sino man ang tinawag nitong “love” ang siyang naging dahilan. Humugot ng malalim na buntong-hininga si Everett bago tumayo mula sa pagkaka-upo sa gilid ng kanyang kama. Naglakad siya palabas ng kanyang silid at pumunta sa kusina para kumuha ng canned beer. Bumalik siya sa kanyang kuwarto at tumuloy sa nakabukas na salaming pinto na siyang nag-uugnay sa maliit na balkonahe ng kanyang condo unit. Ipinasok niya sa bulsa ng suot niyang pantalon ang hawak na cellphone saka niya ipinatong sa bakal na railing ang magkabila niyang siko habang hawak sa kaliwang kamay ang nakabukas na canned beer. Tinanaw ni Everett ang malawak na lungsod at wala sa loob siyang napangiti. Ah, napakaganda ng gabi. Nagkikislapan ang mga bituin sa kalangitan gayundin ang mga ilaw na nagmumula s