PAGKARATING ng tatlong lalaking inutusan ni Landon para dukutin si Darlene sa hideout nila na nasa lumang pier ay kaagad nilang ibinaba ang dalawang babae mula sa dala nilang lumang sedan. “Boss, hindi kaya tayo sasabit dito sa isa?” tanong ng lalaking may hawak kay Tori. Humithit ang leader mula sa hawak na sigarilyo bago niya iyon itinapon sa isang tabi. “Wala naman tayong magagawa. Dala iyan ng sitwasyon. Kaysa naman may maiwan tayong witness.” sagot ng leader. Napatango-tango ang dalawang lalaki. Halos sabay nilang ibinaba ang dalawang babae sa malamig at maruming sahig. Naroon sila sa lumang gusali na nasa isang parte ng pier. Dati iyon ng opisina na ngayon ay abandonado na. “Tanggalan na ng takip ang isang ‘yan.” utos ng leader sa isang kasama. Mabilis namang sumunod ang may tattoo na laki. Inalis niya ang itim na telang nakabalot sa ulo ng babaeng sinasabi sa kanila ni Landon na dukutin. “Ang sabi ni boss sa atin ay todasin na raw natin agad ito pero sayang naman. P’wed
“ANO ANG NANGYARI?” natatarantang salubong ni Claudia kay Taj na karga ang tulog na tulog na si Hajie. Kasunod ng lalaki ang yaya ng bata na hindi naman maitago ang labis na pag-aalala sa anyo. “Dito na muna sila.” sagot ni Taj na bakas sa tinig ang pinaghalong pag-aalala at galit. “Nakahanda na ba ang silid?” tanong niya sa kapatid. Naroon sila sa condo unit ni Claudia. Dito niya naisipang dalhin ang anak na si Hajie pagkatapos niyang makatanggap ng tawag mula sa manager ng restaurant na pinuntahan ni Tori para makipagkita kay Darlene. “Oo, naihanda ko na.” taranta pa ring sabi ni Claudia bago nagpatiuna nang humakbang patungo sa bakanteng silid. Kaagad na sumunod si Taj sa kapatid. Binuksan ni Claudia ang pinto at magkasunod silang pumasok ni Taj sa loob. “P’wede mo nang ilapag si Hajie, Kuya.” ani ni Claudia kay Taj. Tumango si Taj bago niya dahan-dahang inilapag sa kama ang tulog na anak. Nang masigurong maayos na ang pagkakahiga nito ay masuyo niyang hinaplos ang buhok ng
“NASAAN NA NGA PALA?” Tanong ni Landon sa tatlo niyang tauhan. Ang tinutukoy niya ay ang sinasabi Ng mga ito na sumabit sa ginawang pagdukot sa accountant na inuupahan ni Taj. “Andito, boss.” sagot ni Betong sabay turo sa gawi kung saan naroon si Tori na katabi si Darlene.Sinundan ni Landon ng tingin ang tinuturo ng isa niyang tauhan at kaagad siyang napamura nang mamukhaan niya ang babaeng sinasabi ng tatlo. “Tangina!” nag-iinit ang punong-tainga dahil sa galit na singhal ni Landon. Napaigtad naman ang tatlo at wala sa loob na nnagkatinginan. Patay! Mukhang fan pa yata ni Tori Herrera ang boss nila. “Boss?” alanganin ang tinig na ani ni Mario. Mabangis ang mga tingin na ibinaling ni Landon ang kanyang atensiyon kay Mario. Hinawakan niya ang kuwelyo ng suot nitong lumang t-shirt na kulay itim at pinitserahan ang lalaki. “Alam mo ba kung gaano kalaking problema ang ibinigay n’yo sa akin?!” galit na galit na sabi niya sa lalaki. Napalunok ng laway si Mario. “K-Kilala n’yo po ba
“OKAY, BASTA call me kapag nagka-problema.” ani ni Taj sa kapatid niyang si Claudia. Kausap niya ito sa cellphone. Kinamusta niya kasi ang anak na si Hajie. “Okay, Kuya.” sagot ni Claudia mula sa kabilang linya.Ilang bilin pa sa kapatid ang ginawa ni Taj bago siya tuluyang nagpaalam. Muli niyang ibinalik ang atensiyon sa kausap niyang pulis kanina bago siya tumawag sa kapatid. “Any progress, chief?” tanong ni Taj sa chief of police ng prisentong kinaroroonan niya. Kung kailangan niyang ipahalughog ng buong Pilipinas para lang makita si Tori ay gagawin niya. At gagamitin niya ang lahat ng impluwensiya at koneksiyong mayroon siya para managot ang kung sino mang nasa likod ng lahat ng ito. At oo, malakas ang kutob niyang my kinalaman ang pagpapa-imbestiga niya sa korapsyon sa kompanya niya sa nangyaring pagdukot kay Tori at sa kaibigan nitonng si Darlene. Ayon kasi sa mga imbestigador na siyang sumuri sa nakuha CCTV footage na nakuha sa parking space ng restaurant ay tila nadamay
HABANG NASA daan patungo sa location na ipinadala sa kanila ay tahimik lamang si Taj. Abala ang isip niya. Sino sa mga malalapit sa kanila ni Tori ang may pakana sa nangyayaring ito? At kung sino man siya ay tiyak na siya rin ang nasa likod ng korapsyon sa kompanya niya. Ayon kasi sa mga otoridad ay tila nadamay lang si Tori sa nangyaring kidnapping. Ang sabi ng mga pulis ay si Darlene daw talaga ang pakay ng mga ito kung pagbabasehan nila ang nakuhang CCTV. Bumuga ng hangin si Taj. Iisang pangalan lang ang laman ng isip niya pero ayaw niyang tanggapin ang posibilidad. Because why would he? Magkaibigan na sila ni Landon simula pa noong mga bata sila. They were like brothers. At saka, kapalagayang loob din nito si Tori kaya bakit nito iyon gagawain? “Malapit na tayo. Handa ka na ba, Mr. Sebastian?" Napatigil sa pag-iisip si Taj. Napatingin siya sa nagsalitang police chief bago niya ibinaling ang pansin sa labas ng bintana ng sinasakyan nilang police mobile. Oo nga, malapit na si
SABAY NA NAPATINGIN sa gawi ng pinto ng lumang gusali ang magkaibigang Tori at Darlene. “Put down your gun, Mr. Dominguez…” patuloy ng pulis na nakatutok ang hawak na baril kay Landon. Mabilis din ang naging pagkilos ng iba pang pulis. Kaagad na sinukol ng mga ito ang dalawang tauhan ni Landon na hindi na rin nakapalag “Put down your gun and place your hand where I can see it!" pag-ulit ng pulis. Humigpit ang pagkakahawak ni Landon sa baril na nasa kamay niya. No! Hindi siya magpapahuli nang buhay. Hindi! Naging malikot ang kanyang mga mata. Kailangan niyang makahanap ng paraan para makatakas. “Mr. Domiguez—” “Damn it!" gigil na usal ni Landon nang wala siyang maisip na paraan. Wala siyang ibang nagawa kundi bitawan na lamang ang hawak na baril. “Take him!" utos ng police chief bago siya humakbang palapit sa magkaibigang Tori at Darlene. “Kailangan ko ng medic dito!" pasigaw na sabi niya bago mabilis na inalis ang posas na nasa kamay ng magkaibigan.Ilang sandali pa ay palabas
ST. PAUL MEDICAL CENTER, TAGUIGPagpasok ni Tori sa loob ng silid na kinaroroonan ng kaibigang si Darlene ay nabungaran niya itong nakasandal sa pinapatong-patong na unan. Mayroong bed table sa harapan nito kung saan nakapatong ang laptop. “Nagta-trabaho ka na agad." puna ni Tori sa kaibigan pagkatapos niyang ilapag sa mesang nasa tabi ng hospital bed ni Darlene ang dala niyang basket na may lamang mga prutas. “Nakaka-inip dito sa hospital, Tori. Nakakamatay…” nakasimangot na sabi ni Darlene bago isinara ang kaharap na laptop. “So, ano ang balita?" tanong niya sa bagoong dating.Umirap si Tori. "Magpagaling ka para makalabas ka kaagad.” ani ni Tori habang binabalatan ang hawak na mansanas. "Hinahanap pa rin ng mga pulis si Landon. I just talked to Taj yesterday, ang sabi niya ay ginagawa daw ng mga kapulisan ang lahat para mahuli ang kaibigan niya. And how about you, ano ang sabi ng doctor mo?” mahabang turan niya bago inabot sa kaibigan ang isang hiwang masanas. “He must pay." may
“KANINA KA PA walang kibo." pansin ni Oxygen sa asawang si Lorie na tahimik lang sa tabi niya habang siya ay tutok na tutok sa pinapanood na balita. “Ma problema ba?" tanong niya bago inabot ang remote control na nasa tabi niya. Pinatay niya ang nakabukas na TV at hinarap ang asawa. Nanatili lamang walang kibo si Lorie. Nakakunot ang noo nito at panaka-nakang sinasabayan pa ng malalim na buntong-hininga. “Hey…” tawag-pansin ni Oxygen sa katabing asawa. Sinabayan niya pa iyon ng pagyugyog sa balikat nito na ikinagulat naman ni Lorie. “Ano ba?!" papiksing singhal niya sa asawa. Hinampas pa niya ang braso nito kasabay ng isang matalim na irap. “Anong ano ba? Kanina pa kita tinatanong. May problema ba?" naiiling na untag ni Oxygen. Bumuntong-hininga si Lorie na ikinataas naman ng kilay ni Oxygen. Okay, mukhang may problema nga. At kung pagbabasehan niya ang kakaibang ikinikilos ng asawa, tiyak niyang mabigat ang kung ano mang gumugulo sa isipan nito. “Tell me…” seryoso ang tinig na