Share

THE CULPRIT

“NASAAN NA NGA PALA?” Tanong ni Landon sa tatlo niyang tauhan. Ang tinutukoy niya ay ang sinasabi Ng mga ito na sumabit sa ginawang pagdukot sa accountant na inuupahan ni Taj.

“Andito, boss.” sagot ni Betong sabay turo sa gawi kung saan naroon si Tori na katabi si Darlene.

Sinundan ni Landon ng tingin ang tinuturo ng isa niyang tauhan at kaagad siyang napamura nang mamukhaan niya ang babaeng sinasabi ng tatlo.

“Tangina!” nag-iinit ang punong-tainga dahil sa galit na singhal ni Landon.

Napaigtad naman ang tatlo at wala sa loob na nnagkatinginan. Patay! Mukhang fan pa yata ni Tori Herrera ang boss nila.

“Boss?” alanganin ang tinig na ani ni Mario.

Mabangis ang mga tingin na ibinaling ni Landon ang kanyang atensiyon kay Mario. Hinawakan niya ang kuwelyo ng suot nitong lumang t-shirt na kulay itim at pinitserahan ang lalaki.

“Alam mo ba kung gaano kalaking problema ang ibinigay n’yo sa akin?!” galit na galit na sabi niya sa lalaki.

Napalunok ng laway si Mario. “K-Kilala n’yo po ba
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Senda Santos
maraming slamat po ulit s pag ud nkakapanabik ang susunod na eksena sana po mkapag ud p ulit kau.........
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status