Share

THAT'S ALL

“KANINA KA PA walang kibo." pansin ni Oxygen sa asawang si Lorie na tahimik lang sa tabi niya habang siya ay tutok na tutok sa pinapanood na balita. “Ma problema ba?" tanong niya bago inabot ang remote control na nasa tabi niya. Pinatay niya ang nakabukas na TV at hinarap ang asawa.

Nanatili lamang walang kibo si Lorie. Nakakunot ang noo nito at panaka-nakang sinasabayan pa ng malalim na buntong-hininga.

“Hey…” tawag-pansin ni Oxygen sa katabing asawa. Sinabayan niya pa iyon ng pagyugyog sa balikat nito na ikinagulat naman ni Lorie.

“Ano ba?!" papiksing singhal niya sa asawa. Hinampas pa niya ang braso nito kasabay ng isang matalim na irap.

“Anong ano ba? Kanina pa kita tinatanong. May problema ba?" naiiling na untag ni Oxygen.

Bumuntong-hininga si Lorie na ikinataas naman ng kilay ni Oxygen. Okay, mukhang may problema nga. At kung pagbabasehan niya ang kakaibang ikinikilos ng asawa, tiyak niyang mabigat ang kung ano mang gumugulo sa isipan nito.

“Tell me…” seryoso ang tinig na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Alona Sumalinog
sana mahuli na si landon
goodnovel comment avatar
Mayfe de Ocampo
dapat malaman na ni taj ang katotohanan para hindi na boring ang kwento author para may thrill nman
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status