PARE-PAREHO silang tahimik pagkatapos nilang marinig ang mga sinabi ni Darlene. Magkahawak-kamay ang mag-asawang Oxygen at Lorie habang si Tori naman ay walang kibo na nakamasid lamang kay Taj. Malalim ang bawat paghinga ni Taj. All this time! Paanong nagawa ni Landon sa kanya ang lahat nang ito? “Damn you, Landon!" may pait at galit sa tinig na usal ni Taj. Hindi siya makapaniwala. Naghihinala na siya noon pa mang nakaraang buwan kaya nga niya naisipang magpatulong kay Tori na ipinakilala naman sa kanya si Darlene. He trusted him so much. He was his best friend, for god’s sake! “Taj," hindi nakatiis na tawag ni Tori sa dating asawa. Napahilamos naman si Taj sa sariling mukha gamit ang kanyang palad. “I’ll make him pay, Tori!" puno ng galit na sabi ni Taj. Oo, masakit dahil itinuring niyang parang tunay na kapatid si Landon pero walang kapatawaran ang ginawa nito. Kung ang perang ninakaw nito sa kompanya niya para ibigay sa ama ni Kara lang sana ang kasalanan nito ay baka mapa
NANININGKIT ANG MGA mata ni Kara habang pinagmamasdan niya si Tori na kausap ang kibigan nitong sina Lorie at Cynthia. No, hindi siya makakapayag na maging masaya ito. Hindi p’wede!Humigpit ang pagkakahawak niya sa manubela ng kanyang sasakyan nang makita niyang sabay na pumasok sa katapat na coffee shop ang tatlo. Nang tuluyang makapasok sa loob ang mga ito ay mabilis na binuksan ni Kara ang pinto ng kanyang kotse. Bumaba siyaat nagmamadali ang mga hakbang na pumasok din sa coffee shop. “Good morning, Ma’am," bati kay Kara ng isang staff na nakasalubong niya. Hindi pinansin ni Kara ang staff na nagkibit-balikat lang naman.Sandaling umikot sa paligid ang paningin ni Kara para hanapin kung nasaan si Tori. At nang makita niya itong nakaupo sa sulok na bahagi ay pinili niyang umupo naman sa mesang ilang dipa lang ang layo mula rito at sa mga kaibigan nito. May suot siyang baseball cap kaya kampante siyang hindi siya mapapansin ng babae. Yumuko din siya para mas makasiguro at nagkunwa
“HINDI TOTOO ‘YAN!" patiling sigaw ni Kara na mas lalo pang nagwala dahil sa galit. No, hindi siya makakapayag na masira ang lahat.“Alam mong totoo ang sinasabi ko, Kara. Stop using him. Nasira mo na siya. Ano pa ba ang gusto?" puno ng poot sa mga mata na sabi ni Taj. “Hindi!" tigas na pagtanggi na sigaw ni Kara. Itinutok niya ang mga mata kay Landon na sandali namang natigilan. “Landon, hon, listen to me. Look at me, honey. Huwag kang makinig sa kanya. Sa akin ka lang makinig. Mahal kita, Landon. Narinig mo ba ako? mahal kita.” malakas ang boses na sabi niya. Hindi niya pinansin ang biglaang pagkirot ng kanyang tiyan. “Nagpa-imbestiga ako, Kara. Hawak ko ang mga ebidensiya pati na ang litratong magpapatunay na may relasyon kayo ni Landon. Ang galing mo. Nagawa mo kaming paglaruan lahat. Hindi lang si Landon ang sinira mo. You ruined me—my marriage! I’ll make you pay ten times." Sandaling tumahimik si Kara habang si Landon naman ay tila nalilitong nagpalipat-lipat ang tingin kay
KASABAY NG pagkakulong ni Kara ay hinuli naman ng mga pulis ang ama nito. At dahil sa matinding kahihiyan ay hindi iyon nakayanan ng ina ng babae, nagpakamatay ito pagkatapos dakpin ng mga otoridad si Mr. Alvarez. Maayos na naisilang ni Kara ang anak nila ni Landon ngunit pagkaraan lamang ng isang linggo ay binawian ng buhay ang sanggol. At labid iyong dinamdam ng babae. Mabilis namang gumulong ang kaso laban sa mag-ama at dahil sa matibay na mga ebidensiyang nakalap ng kampo nina Taj at Tori kaya kaagad na bumaba ang hatol ng korte laban sa mag-amang Alvarez. At dahil sa sunod-sunod na pangyayari ay hindi iyon nakayanan ni Kara. Pagkalipas ng isa pang buwan pagkatapos mapatunayang nawala sa katinuan ang babae ay ipinasok ito sa mental hospital. Nabigyan na ng katarungan ang pagkamatay ni Wanji at sa hindi inaasahang pangyayari ay kinausap si Tori ng mga magulang ng una. All is well ngunit dahil sa mga nangyari ay malaking bahagi rin ng pagkatao ni Tori ang nawala. At isa la
POLARIS STADIUM “Tori! Tori!” “Tori!” “More…more…more!” Dumadagundong ang loob ng malawak na stadium na pag-aari rin ng mga Rodriguez dahil sa walang tigil na sigawan ng mga fans ni Tori Herrera na kasalukuyang naroon para sa kanyang homecoming concert. Anak si Tori ng kilalang singer-actress na si Marigold Herrera at ng kilalang matinee idol noong kapanahunan nito na si Christopher De Silva. Nagsimula ang karera niya bilang si Tori Herrera, isa sa pinakamaningning na singer-actress ngayon sa bansa noong siya nasa edad labing-pito pa lamang. Marami ang nagduda sa kakayahan niya noong una at ang sabi pa ay kaya lang naman daw siya mabilis na nakilala ay dahil sa impluwensiya ng mga magulang niya. She was privileged and a nepo baby, sabi pa. Ngunit pagkalipas ng tatlong taon ay napatunayan niyang hindi siya sumikat dahil siya si Tori Herrera, anak ng kilalang singer-actress na si Marigold Herrera, kundi dahil talagang may ibubuga siya. Sa katunayan ay isang linggo pa lang ang naka
"FOR PETE'S SAKE, Tori, can you please tell me where you are right now?!" Automatic na nailayo ni Tori sa kanyang tainga ang hawak niyang cellphone nang marinig niya ang naghi-histerical na boses ng Uncle niya. Damang-dama niya sa tinig nito ang pinipigilang galit na may kasamang konsomisyon. "Hi, Uncle!" malakas ang boses na aniya sa baklang napatili na lamang sa kabilang linya. "You better answer me now—""I'm just somewhere out here, Uncle," putol ni Tori sa iba pang sasabihin ng Uncle niya bago pa man tuluyang humaba ang mga litanya nito. "don't worry, Cinderella will be home before midnight..." dugtong niya sabay hagikhik.Kasalukuyan siyang nasa gitna ng kalsada, sakay ng Toyota Corolla na pag-aari ng Uncle niya. Nagawa niya iyong ipuslit habang nasa loob ito ng kuwarto kasama si Mon. Alas otso na ng gabi at mukhang matutulog na naman ang Uncle niya na mainit ang ulo sa kanya. She has been in San Lorenzo for three days at sa loob ng mga araw na lumipas ay palaging nangungunsum
SAPO ANG ULO na idinilat ni Tori ang kanyang mga mata pero ang mas nakatawag sa pansin niya ay ang sandaling pagsigid ng kirot mula sa kaibuturan ng kanyang pagkababae nang bahagya siyang gumalaw. Nanlaki ang mga mata niya at wala sa loob na napalingon sa kanyang tabi para lamang lalong mapatunganga nang makita ang natutulog na lalaki sa kanyang tabi. It was Taj! 'Oh, God!' Dahan-dahan siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Itinaas niya hanggang sa kanyang dibdib ang kumot na nakabalot sa hubad niyang katawan. Hindi pa tuluyang napo-proseso ng utak niya ang lahat pero alam niya sa sarili niya kung ano ang nangyari. Hindi naman siya ipinanganak kahapon para maging clueless. Iginala ni Tori ang kanyang paningin at napangiwi siya nang makitang naroon siya sa hindi pamilyar na silid. Nang tumingin naman siya sa labas ay nakita niya mula sa nakasaradong salaming bintana na madilim pa. Nakagilid ang kulay berdeng kurtina na nakasabit roon kaya malinaw niyang nakikita ang labas. Napahilamo
"CARE TO TELL me if what was the "sneaking" all about?" Napatigil sa akmang pagkagat ng hiniwang mangga si Tori nang marinig ang tanong na iyon ni Taj. Ibinaba niya ang hawak bago ipinagpag ang magkabilang kamay saka bumuga ng hangin. So here it is! The so-called "love is not all about rainbow and butterflies" thing. Tumayo si Tori mula sa pagkakasalampak sa matigas na lupang sinapinan ni Taj ng kumot, sa ilalim ng malaking punong mangga. Naroon sila sa may kalawakang bukirin ng Lolo ng lalaki kung saan may mga nakatanim na punong mangga. Well, Guimaras is not gonna be Guimaras if you can't see all the mangoes around; not all but at least, mostly. "So?" muling untag ni Taj sa nobya habang nilalaro sa kamay ang patay na damo.Halos isang linggo na rin simula nang maging opisyal ang relasyon nila kahit walang nangyaring ligawan, it doesn't matter. Ang mahalaga naman ay pareho nilang alam na mahal nila ang isa't-isa sa kabila ng ikli ng pagkakakila nila. Kilala na rin ng Lolo niya si T