Namamanhid na ang mga mata ni Tori dahil sa kanyang pag-iyak at hindi na niya alam kung paano siyang nakarating sa St. Joseph Memorial Plaza. Hindi rin niya alam kung bakit siya naroon. Marahil ay dahil nasa lugar na iyon ang kaisa-isang tao na nakikinig sa lahat ng mga hinaing niya noong nabubuhay pa ito. Oh, she missed Wanji so much…Pagkatapos patayin ang makina ng kotse ay ipinasya niyang manatili na muna sa loob. Madilim na ang paligid at nang sulyapan ni Tori ang suot niyang relong–pambisig ay nakita niyang malapit na palang sumapit ang alas-sais ng gabi. Alas-siyete pa naman magsasara ang memorial plaza. Bumuga ng hangin si Tori bago siya tuluyang nagpasyang lumabas ng sasakyan. Pagkatapos masigurong naka-lock na ang pinto ng kotse ay mabagal ang mga hakbang na naglakad siya patungo sa lugar kung saan nakahimlay si Wanji. Malamig ang ihip ng panggabing hangin kaya wala sa loob na napahalukipkip si Tori. Maliwanag naman ang buong paligid dahil sa mga nakakalat na lamp post bu
“DAMN IT, TORI, where the hell are you?” tiim ang anyo na usal ni Taj habang nakaupo sa loob ng kanyang sasakyan. Ilang oras nang naghihintay si Taj kay Tori sa tapat ng dating bahay ng huli sa Greenbelt. Ibinilin na lamang niya sa guards na naka-duty ngayong gabi sa main gate ng Wood Meadows na tawagan sakali mang makita ng mga ito ang sasakyan ng babae.“Tori…Tori…Tori, you are slowly killing me, love,” ani ni Taj habang mahigpit na nakahawak sa manubela ang magkabila niyang kamay. Sinulyapan ni Taj ang suot niyang relong-pambisig at nang makita niyang pasado alas-otso na ng gabi ay mas lalo pang tumindi ang pag-aalala niya para sa dating asawa. Ilang beses na niya itong sinubukang tawagan pero kagaa kanina ay hindi pa rin ito sumasagot. Tinawagan naman siya ni Darlene, isang oras na marahil ang nakakaraan at ang sabi nito ay okay nama daw si Tori. Nakausap daw nito ang dati niyang asawa, ‘yon nga lang, ayaw daw sabihin ni Tori kung nasaan ito. Muling dinampot ni Taj ang cellphon
“SHIT!” paangil na sabi ni Taj habang ang mga kamay ay abala sa pagdama sa bawat parte ng katawan ni Tori. “Hmmm…” mahinang ungol ni Tori nang maramdaman niya ang isang kamay ni Taj na dinadama ang kaliwa niyang dibdib. Marahas pa rin ang mga halik ni Taj. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. Pananabik para sa babaeng mahal niya. Pangungulila.Galit dahil sa kasalukuyan nilang sitwasyon at matinding pagnanasa. Oh, fuck but he's been dreaming of this for a long time. Samantala, wala namang pakialam si Tori. Ang tanging gusto lamang niya sa mga sandaling iyon ay makasama si Taj. At dahil na rin sa kalasingan ay hindi na niya kayang pigilan ang sarili kahit may isang bahagi sa isip niya na nagsasabi na mali ang ginagawa nila. Bahala na. Bukas na lang siya magsisisi. Mas lalo pang lumalim ang mga halik nila sa isa't-isa. Ginantihan ni Tori ng kaparehong intensidad ang nararamdamang pananabik ni Taj para sa kanya. Hindi na nga niya alam kung paanong nahubad ng dating asawa ang da
“I want perfection, you hear me?” walang kangiti-ngiti sa anyo na ani ni Landon sa tatlong lalaking kaharap niya. “Gusto ko ng malinis na trabaho. Ayaw ko ng tatanga-tanga at palpak, nakuha n’yo ba?” aniya pa na bahgyang naningkit ang mga mata habang isa-isang tinitingnan ang kanyang mga kaharap.Tila naman iisa ang ulo na sabay-sabay na tumango ang tatlo. “Opo, boss!” sagot ng pika-leader ng tatlo na seryoso ang anyo. “Copy, boss!” ani naman ng payat na lalaki. “Asahan mo, Boss!” turan ng isa pang lalaki na puno ng tattoo ang buong braso. Tumango-tango si Landon. Dumukwang siya at binuksan ang mini compartment ng kanyang sasakyan. Mula doon ay kinuha niya ang makapal na sobreng puti. Pahagis niya iyong ibinigay sa leader ng tatlong lalaki. “Paunang bayad. Isang-daang libo, bilangin n’yo!” turan ni Landon habang nakadungaw sa nakabukas na bintana ng kanyang sasakyan. Kasalukuyan siyang nasa sulok na bahagi ng isang lumang pier sa Manila. Mabilis na sinalo ng lalaki ang sobre na
PAGKARATING ng tatlong lalaking inutusan ni Landon para dukutin si Darlene sa hideout nila na nasa lumang pier ay kaagad nilang ibinaba ang dalawang babae mula sa dala nilang lumang sedan. “Boss, hindi kaya tayo sasabit dito sa isa?” tanong ng lalaking may hawak kay Tori. Humithit ang leader mula sa hawak na sigarilyo bago niya iyon itinapon sa isang tabi. “Wala naman tayong magagawa. Dala iyan ng sitwasyon. Kaysa naman may maiwan tayong witness.” sagot ng leader. Napatango-tango ang dalawang lalaki. Halos sabay nilang ibinaba ang dalawang babae sa malamig at maruming sahig. Naroon sila sa lumang gusali na nasa isang parte ng pier. Dati iyon ng opisina na ngayon ay abandonado na. “Tanggalan na ng takip ang isang ‘yan.” utos ng leader sa isang kasama. Mabilis namang sumunod ang may tattoo na laki. Inalis niya ang itim na telang nakabalot sa ulo ng babaeng sinasabi sa kanila ni Landon na dukutin. “Ang sabi ni boss sa atin ay todasin na raw natin agad ito pero sayang naman. P’wed
“ANO ANG NANGYARI?” natatarantang salubong ni Claudia kay Taj na karga ang tulog na tulog na si Hajie. Kasunod ng lalaki ang yaya ng bata na hindi naman maitago ang labis na pag-aalala sa anyo. “Dito na muna sila.” sagot ni Taj na bakas sa tinig ang pinaghalong pag-aalala at galit. “Nakahanda na ba ang silid?” tanong niya sa kapatid. Naroon sila sa condo unit ni Claudia. Dito niya naisipang dalhin ang anak na si Hajie pagkatapos niyang makatanggap ng tawag mula sa manager ng restaurant na pinuntahan ni Tori para makipagkita kay Darlene. “Oo, naihanda ko na.” taranta pa ring sabi ni Claudia bago nagpatiuna nang humakbang patungo sa bakanteng silid. Kaagad na sumunod si Taj sa kapatid. Binuksan ni Claudia ang pinto at magkasunod silang pumasok ni Taj sa loob. “P’wede mo nang ilapag si Hajie, Kuya.” ani ni Claudia kay Taj. Tumango si Taj bago niya dahan-dahang inilapag sa kama ang tulog na anak. Nang masigurong maayos na ang pagkakahiga nito ay masuyo niyang hinaplos ang buhok ng
“NASAAN NA NGA PALA?” Tanong ni Landon sa tatlo niyang tauhan. Ang tinutukoy niya ay ang sinasabi Ng mga ito na sumabit sa ginawang pagdukot sa accountant na inuupahan ni Taj. “Andito, boss.” sagot ni Betong sabay turo sa gawi kung saan naroon si Tori na katabi si Darlene.Sinundan ni Landon ng tingin ang tinuturo ng isa niyang tauhan at kaagad siyang napamura nang mamukhaan niya ang babaeng sinasabi ng tatlo. “Tangina!” nag-iinit ang punong-tainga dahil sa galit na singhal ni Landon. Napaigtad naman ang tatlo at wala sa loob na nnagkatinginan. Patay! Mukhang fan pa yata ni Tori Herrera ang boss nila. “Boss?” alanganin ang tinig na ani ni Mario. Mabangis ang mga tingin na ibinaling ni Landon ang kanyang atensiyon kay Mario. Hinawakan niya ang kuwelyo ng suot nitong lumang t-shirt na kulay itim at pinitserahan ang lalaki. “Alam mo ba kung gaano kalaking problema ang ibinigay n’yo sa akin?!” galit na galit na sabi niya sa lalaki. Napalunok ng laway si Mario. “K-Kilala n’yo po ba
“OKAY, BASTA call me kapag nagka-problema.” ani ni Taj sa kapatid niyang si Claudia. Kausap niya ito sa cellphone. Kinamusta niya kasi ang anak na si Hajie. “Okay, Kuya.” sagot ni Claudia mula sa kabilang linya.Ilang bilin pa sa kapatid ang ginawa ni Taj bago siya tuluyang nagpaalam. Muli niyang ibinalik ang atensiyon sa kausap niyang pulis kanina bago siya tumawag sa kapatid. “Any progress, chief?” tanong ni Taj sa chief of police ng prisentong kinaroroonan niya. Kung kailangan niyang ipahalughog ng buong Pilipinas para lang makita si Tori ay gagawin niya. At gagamitin niya ang lahat ng impluwensiya at koneksiyong mayroon siya para managot ang kung sino mang nasa likod ng lahat ng ito. At oo, malakas ang kutob niyang my kinalaman ang pagpapa-imbestiga niya sa korapsyon sa kompanya niya sa nangyaring pagdukot kay Tori at sa kaibigan nitonng si Darlene. Ayon kasi sa mga imbestigador na siyang sumuri sa nakuha CCTV footage na nakuha sa parking space ng restaurant ay tila nadamay
ISANG LINGGO BAGO ang kasal ni Tori at Taj ay dumalaw sila sa libingan ni Wanji. Nais ng una na magpaalam at magpasalamat sa namayapang kaibigan dahil sa dami ng ginawa nito para sa kanya. Oo, kaibigan. Alam ni Tori na naging unfair siya kay Wanji noong nabubuhay pa ito. Ipinakita at ipinaramdam sa kanya ng lalaki kung gaano siya nito kamahal sa kabila ng katotohanang alam nito na walang kasiguraduhan na matutumbasan niya ang pagmamahal nito. He was always there for her. Hindi siya iniwan ni Wanji kahit pa ang ibig sabihin ng pagpili nito sa kanya ay magagalit ang pamilya nito.Tinanggap ni Tori si Wanji dahil umaasa siya na darating ang araw na matutumbasan at matututunan niya rin ang pagmamahal nito sa kanya pero mali siya. Hindi nangyari ang inaasam niya dahil kahit minsan ay hindi nabawasan ang pagmamahal niya para kay Taj. Nasaktan siya sa nangyari sa kanila at ang sakit na iyon ang pansamantalang bumalot sa puso niya. At kung kung hindi niya nakilala si Wanji, hindi alam ni T
ILANG MINUTO na lang at papatak na ang alas dose ng gabi. Bagong taon na naman. Bagong pakikipagsapalaran. Bagong mga pagsubok. Sana lang magsimula ang taong ito na maayos at matapos na walang mabigat na problema.Inayos ni Tori ang suot niyang kulay pulang bestida na umabot lamang hanggang sa itaas ng kanyang tuhod ang haba. At dahil masuwerte daw ang bilog sa pagpasok ng taon ay polka dots ang design niyon. Sandali din niyang pinasadan ng tingin sa kaharap na salamin ang kanyang mukha at nang masigurong maayos na ang itsura niya ay nagpasya na siyang bumaba. Dinampot niya ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng kanyang kama bago nagsimula nang maglakad palabas ng silid nila ni Hajie. Tanging sila lamang mag-ina ang sasalubong ng bagong taon dahil bumalik na sa Pilipinas si Taj kasama ang pamilya nito pagkatapos ng pasko. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Tori habang siya ay dahan-dahang bumababa sa hagdan. Oo, magkasama sila ni Taj na nag-celebrate ng pasko. Alam niyang nang
TANGHALI NA nang magising si Tori kinabukasan. Napabalikwas pa siya ng bangon nang makitang pasado alas-diyes na ng umaga.“Shit! Shit!" natatarantang bulalas ni Tori habang nagmamadaling bumaba sa kama. Kaagad siyang pumasok sa banyo na nasa loob ng silid nila ni Hajie para maghilamos at mag-sipilyo. Nagkukuskos na siya ng kanyang ngipin nang bigla siyang matigilan. Wala sa loob na napatitig sa kaharap na salamin si Tori. “Ano na naman ang ginawa ko?" tanong niya sa sarili habang sinasariwa ang nangyari sa kanila ni Taj nang lumipas na gabi. Pulang-pula ang buong mukha pati ang puno-tainga na napangiwi na lamang si Tori. ‘Akala ko ba gusto mong makalimot kaya ka umalis ng Pilipinas at lumipat dito sa Italy?’ naka-ismid na usig ng isang bahagi ng isipan ni Tori. Yeah, right. Bakit ba palagi siyang nakakalimot kapag kaharap na niya ang dating asawa? Bakit ba napakarupok niya pagdating kay Taj?‘Kasi nga, mahal mo pa rin siya!’ muling sabad ng atribidang parte ng pagkatao ni Tori.
MALALIM NA ANG GABI at tulog na rin ang lahat ngunit nanatiling dilat ang mga mata ni Tori.Hindi na nakabalik sa hotel na tinutuluyan ang pamilya ni Taj dahil sa kagustuhan ni Hajie na makasama ag mga ito. Tatlo ang silid sa bahay ni Tori at sa awa ng Diyos ay nagkasya naman ang lahat. Magkasama sa isang silid sina Claudia at Maddie samantalang solo naman sa isa ang ina ng mga ito na si Alyssa samantalang gamit naman ni Tori at ng anak na si Hajie ang isa pa. Si Taj naman ay nagpasyang sa sofa na lamang matulog.Dahan-dahang bumangon mula sa pagkakahiga si Tori. Inayos niya muna ang comforter ng anak na si Hajie bago siya nagpasyang bumaba na lamang para uminom ng gatas. Ingat na ingat si Tori habang bumababa siya ng may labing-dalawang baitang na hagdanan. Ayaw niyang gumawa ng ingay dahil nag-aalala siyang baka biglang magising si Taj na sa salas lamang natutulog. Patay na ang ilaw sa ibaba at tanging ang nakasinding ilaw sa maliit na altar lamang na nasa itaas ng hagdan ang nags
NANG TULUYANG tumapat si Tori kay Taj ay bahagya siyang nakaramdam ng pagkalito. Dahil kasi sa lakas ng kabog ng dibdib niya ay hindi na alam kung ano ang kanyang gagawin. “Hi," bati ni Taj kay Tori na sandali pang napapitlg. Kumurap-kurap ang mga mata ni Tori pagkuwa’y mahinang nagsalita. “Hello?" alanganin na tugon niya sa dating asawa. Napakamot sa kanyang batok si Taj. Kagaya ni Tori ay nalilito din siya at kinakabahang hindi niya mawari. Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo niya nang tumapat sa kanya ang dating asawa.Napalunok pa si Taj ng laway at mahinang tumikhim. Jesus Christ pero pakiramdam niya ay para siyang teenager na nabigyan ng pagkakataong masilayan ang crush niya. At kagaya niya ay nakatitig din sa kanya si Tori. “Ehem!" nanunuksong ani ni Maddie na nasa likuran ni Taj. “Nakalimutan mo yatang kasama mo kami, Kuya." nakangising turan naman ni Claudia na nakahalukipkip pa. Sabay na nag-iwas ng tingin sa isa’t-isa ang dalawa. Saka pa lamang din napansin ni Tori ang
IT’S BEEN five months since Tori decided to go back to Los Angeles kasama ang anak nilang si Hajie at isang linggong mahigit na rin ang nakalipas nang huli silang nag-usap ni Taj. Nalaman ng huli na lumipat sa France ang babae at balak ni Taj na dalawin si Hajie sa susunod na araw. Tatapusin lamang niya ang ilang meetings na hindi na niya maaaring ipa-kansela. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Taj habang hawak sa kanang kamay ang basong may lamang alak. Kasalukuyan siyang nasa labas ng mansion na pag-aari ng asawa ng Mommy niya. Namanhikan kasi ang fiancee ng kapatid niyang si Claudia kaya kompleto silang lahat. Tumingala sa madilim na kalangitan si Taj. Pasado alas onse na ng gabi at nakauwi na din ang pamilya ng fiancee ni Claudia. Isang mapaklang ngiti ang sumilay sa magkabilang sulok ng mga labi ni Taj. Napakapayapa ng gabi at maging ang kalangitan ay kay gandang pagmasdan dahil sa mga bituing nakakalat. Malamig ang simoy ng hangin palibhasa magpapasko na. Is
KASABAY NG pagkakulong ni Kara ay hinuli naman ng mga pulis ang ama nito. At dahil sa matinding kahihiyan ay hindi iyon nakayanan ng ina ng babae, nagpakamatay ito pagkatapos dakpin ng mga otoridad si Mr. Alvarez. Maayos na naisilang ni Kara ang anak nila ni Landon ngunit pagkaraan lamang ng isang linggo ay binawian ng buhay ang sanggol. At labid iyong dinamdam ng babae. Mabilis namang gumulong ang kaso laban sa mag-ama at dahil sa matibay na mga ebidensiyang nakalap ng kampo nina Taj at Tori kaya kaagad na bumaba ang hatol ng korte laban sa mag-amang Alvarez. At dahil sa sunod-sunod na pangyayari ay hindi iyon nakayanan ni Kara. Pagkalipas ng isa pang buwan pagkatapos mapatunayang nawala sa katinuan ang babae ay ipinasok ito sa mental hospital. Nabigyan na ng katarungan ang pagkamatay ni Wanji at sa hindi inaasahang pangyayari ay kinausap si Tori ng mga magulang ng una. All is well ngunit dahil sa mga nangyari ay malaking bahagi rin ng pagkatao ni Tori ang nawala. At isa la
“HINDI TOTOO ‘YAN!" patiling sigaw ni Kara na mas lalo pang nagwala dahil sa galit. No, hindi siya makakapayag na masira ang lahat.“Alam mong totoo ang sinasabi ko, Kara. Stop using him. Nasira mo na siya. Ano pa ba ang gusto?" puno ng poot sa mga mata na sabi ni Taj. “Hindi!" tigas na pagtanggi na sigaw ni Kara. Itinutok niya ang mga mata kay Landon na sandali namang natigilan. “Landon, hon, listen to me. Look at me, honey. Huwag kang makinig sa kanya. Sa akin ka lang makinig. Mahal kita, Landon. Narinig mo ba ako? mahal kita.” malakas ang boses na sabi niya. Hindi niya pinansin ang biglaang pagkirot ng kanyang tiyan. “Nagpa-imbestiga ako, Kara. Hawak ko ang mga ebidensiya pati na ang litratong magpapatunay na may relasyon kayo ni Landon. Ang galing mo. Nagawa mo kaming paglaruan lahat. Hindi lang si Landon ang sinira mo. You ruined me—my marriage! I’ll make you pay ten times." Sandaling tumahimik si Kara habang si Landon naman ay tila nalilitong nagpalipat-lipat ang tingin kay
NANININGKIT ANG MGA mata ni Kara habang pinagmamasdan niya si Tori na kausap ang kibigan nitong sina Lorie at Cynthia. No, hindi siya makakapayag na maging masaya ito. Hindi p’wede!Humigpit ang pagkakahawak niya sa manubela ng kanyang sasakyan nang makita niyang sabay na pumasok sa katapat na coffee shop ang tatlo. Nang tuluyang makapasok sa loob ang mga ito ay mabilis na binuksan ni Kara ang pinto ng kanyang kotse. Bumaba siyaat nagmamadali ang mga hakbang na pumasok din sa coffee shop. “Good morning, Ma’am," bati kay Kara ng isang staff na nakasalubong niya. Hindi pinansin ni Kara ang staff na nagkibit-balikat lang naman.Sandaling umikot sa paligid ang paningin ni Kara para hanapin kung nasaan si Tori. At nang makita niya itong nakaupo sa sulok na bahagi ay pinili niyang umupo naman sa mesang ilang dipa lang ang layo mula rito at sa mga kaibigan nito. May suot siyang baseball cap kaya kampante siyang hindi siya mapapansin ng babae. Yumuko din siya para mas makasiguro at nagkunwa