Share

I DON'T DESERVE YOU

Namamanhid na ang mga mata ni Tori dahil sa kanyang pag-iyak at hindi na niya alam kung paano siyang nakarating sa St. Joseph Memorial Plaza. Hindi rin niya alam kung bakit siya naroon. Marahil ay dahil nasa lugar na iyon ang kaisa-isang tao na nakikinig sa lahat ng mga hinaing niya noong nabubuhay pa ito.

Oh, she missed Wanji so much…

Pagkatapos patayin ang makina ng kotse ay ipinasya niyang manatili na muna sa loob. Madilim na ang paligid at nang sulyapan ni Tori ang suot niyang relong–pambisig ay nakita niyang malapit na palang sumapit ang alas-sais ng gabi. Alas-siyete pa naman magsasara ang memorial plaza.

Bumuga ng hangin si Tori bago siya tuluyang nagpasyang lumabas ng sasakyan. Pagkatapos masigurong naka-lock na ang pinto ng kotse ay mabagal ang mga hakbang na naglakad siya patungo sa lugar kung saan nakahimlay si Wanji. Malamig ang ihip ng panggabing hangin kaya wala sa loob na napahalukipkip si Tori. Maliwanag naman ang buong paligid dahil sa mga nakakalat na lamp post bu
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (7)
goodnovel comment avatar
Senda Santos
sana po mkapag update ulit tnx,
goodnovel comment avatar
Josie Ong Ong
Wala na po bang next chapter
goodnovel comment avatar
Duquesa Tolentino
update kna po pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status