THE ALPHA’S PAVILLONDUBAIKagaya ng inaasahan ay punong-puno ang The Alpha’s Pavillon na mayroong hanggang five thousand capacity. Nakakalat din ang naglalakihang banners sa paligid na dala ng mga fans ni Tori. Karamihan sa mga naroon ay mga filipinong OFW na fan na niya simula pa noong kapapasok pa lamang niya sa music industry. Ang iba naman ay nagsimulang maging tagahanga ng popstasr nang pasukin niya ang larangan ng pag-arte at nai-partner kay Everett Lozares. Sold out ang tickets at may iba na hindi na umabot dahil naubusan. Nagsama kasi ang Herederas, na siyang fandom ni Tori at ang ToRett, ang fandom ng tambalan nila ng Duke of the Philippine R&B na si Everett. Ang iba sa mga naroon ay nanggaling pa sa mga kalapit na bansa ng Dubai na sinadyang inilaan ang araw na iyon para sa concert ng Infinite Star. May mga banyaga ring makikita sa paligid na natangay ng mga kaibigang pinoy.Maingay ang buong paligid dahil sa hindi magkamayaw na hiyawan ng mga fans. Katatapos lang ng ika-w
“PANALO NA NAMAN ang aking pusong ToRett…”Sabay na napatingin kay Lorie ang mag-asawang Cynthia at Raymond. Naging malapit na rin kasi ang mag-asawa sa mga bagong kaibigan ni Tori nang dahil na rin sa huli. At sa kasalukuyan ay magkasama sila sa bahay ng nina Lorie at Oxygen.“Bakit, anong meron?” takang tanong ni Cynthia habang pinupunasan ang hinugasang feeding bottle ng anak nito.Umikot ang mga mata ni Lorie paitaas. “Viral sila ngayon dahil sa biglaang pag-guest ni Everett sa concert ni Tori sa Dubai kagabi.” imporma niya bago inilapag sa mesa ang nilutong ulam.Napagkasunduan kasi nila na doon na mag-lunch at ang alam nila ay darating din si Taj kasama ang anak na si Hajie. “Talaga?” untag ni Cynthia na bakas na rin sa tinig ang tuwa. Kagaya ni Lorie ay fan din ang babae ng tambalang Tori at Everett noong nasa kasagsagan ng paggawa ng pelikula at mga teleserye ang dalawa. “Hindi pa kasi ang nagbubukas ng aking social media account, eh. Teka nga muna…” usal niya bago ibinaba a
ALAS-ONSE pasado na pero abala pa rin si Taj sa kanyang ginagawa. Inuwi niya kasi ang mga dokumentong kailangan niyang pag-aralan mula sa kanyang opisina sa Consunji Real Estate and Company. Napatigil si Taj sa pagbabasa ng hawak niyang papeles nang makarinig siya ng tatlong mahihinang katok mula sa nakasaradong pinto kasunod ng dahan-dahang pagbukas niyon. Nag-angat siya ng paningin at sandaling natigilan nang makita si Kara na nakasuot na ng pantulog nito. White nighties to be exact.“Hey, hon,” bungad ni Kara habang mabagal na naglalakad palapit kay Taj. “it’s getting late already. Bukas mo na kaya ituloy ang pagbabasa ng mga iyan.” malambing niyang turan sa lalaking kumunot naman ang noo.Bumuga ng hangin si Taj bago isinandal ang likod sa kanyang upuan. “That won't do. Mag-i-spray ng pesticide sina Mang Amboy bukas and I have to be there.” tugon niya na ang tinutukoy ay ang pinagkakatiwalaan niyang magsasaka na siyang namamahala sa buong manggahan.Ngumiti si Kara. Yumuko siya a
GREY PEBBLES PLAZAMIDTOWN MANHATTAN, NEW YORK“Last set,” ani ng isang staff ng team ni Tori.Kasalukuyan silang nasa Grey Pebbles Plaza sa New York para sa kanyang comeback tour. Pagkatapos nito ay tutuloy naman sila sa Los Angles para sa huling stop ng tour bago sila babalik sa Pilipinas para naman sa homecoming concert.Nakapagpalit na ng damit si Tori. Simpleng loose black shirt at maong shorts na lamang ang suot niya na pinaresan niya ng ankle boots na kulay itim. Ang buhok niyang kinulot ng stylist niya kanina ay ipapatali na lamang niya sa likuran.“Ayos ka lang ba?” untag ni Ember sa alaga. Kanina pa kasi niya napapansin na matamlay si Tori kaya nag-aalala siya. Dahil sa sunod-sunod na concert, rehearsals, guestings sa mga radion at TV stations para sa promotion plus ang sunod-sunod na biyahe nila, tiyak niyang wala nang mapaglagyan ang pagod ni Tori.Hindi naman kasi mareklamo ang Pop star kahit noon pang nasa kasagsagan ito ng kasikatan, limang taon na ang nakakaraan. At ng
PAAKYAT pa lang sa stage si Tori ay sinalubong na siya ng walang tigil na hiyawan ng hindi magkamayaw niyang mga fan. Inaasahan kasi ng mga ito na ang huling kakantahin ng popstar ay ang kantang Move na isa sa naghatid kay Tori sa kasikatan. Isa kasi iyon sa penerform ng Infinite Star sa kick-off concert nito sa Polaris Stadium. It was after all, everyone's favorite. “Something is off.” kaagad na puna ng isang fan nang mapansin nito ang kakaibang ikinikilos ni Tori. Kinalabit pa nito ang katabi para makuha ang atensiyon. “And she’s not gonna sing Movve.” ani naman ng isa ang mga mata ay nakatuon sa gitarang hawak ng Infinite Star. Iba kasi ang Tori na nakatayo sa harapan nila ngayon kaysa Tori na nag-perform kanina. Parang bigla itong naging ibang tao. Siguro ay dahil nakikita nila ang tila hindi magandang anyo ng popstar. “Bakit feeling ko’y biglang naging gloomy ang paligid?” puna ng isa pa na niyakap pa ang sarili.Kung kaninang paakyat pa lamang si Tori sa stage ay masigla at
[SAMANTALA, para naman sa ating showbiz balita ay narito si Laila Delgado, live mula sa New York. Laila?]Nagkatinginan ang mag-asawang Lorie at Oxygen na kasalukuyang nasa lobby ng San Lorenzo Medical Center at hinihintay na mabigyan ng clearance ang labi ni Wanji na kasalukuyang nasa morgue. Maging si Taj na kanina pa nakatayo ay nabaling ang atensiyon sa malaking TV na nakadikit sa pader. Pati ang iba pang naroon din sa lobby nang mga sandaling iyon ay napatingin din sa TV. [Magandang umaga sa mga kababayan natin diyan sa Pilipinas. Kung nakikita po ninyo ang background ko, narito po ako ngayon sa Grey Pebbles Plaza kung saan ginanap ang concert ng kilalang Infinite Star na si Tori Herrera. Last set na nga ng performance niya at excited ang lahat dahil inaasahan ng mga fan niya na ang kantang Move ang huli niyang kakantahin.]Kuyom ang magkabilang palad na nanatiling nakatutok ang mga mata ni Taj sa screen ng malaking TV. Nag-aalala siya para sa dating asawa. [Ngunit taliwas sa in
TIIM ANG ANYO at naka-igting ang mga bagang na sinulyapan ni Taj si Tori na tahimik lang na nakaupo sa passenger seat. Kasalukuyan silang nasa St. Joseph Memorial Plaza dahil ngayon ang araw ng libing ni Wanji.Humigpit din ang pagkakahawak ni Taj sa manubela ng kotse niya lalo na nang mapanisin niya ang dahan-dahang paggulong ng ilang butil ng luha mula sa magkabilang sulok ng mga mata ni Tori. Alam niyang kahit nito sabihin sa kanya, dama niya ang bigat ng damdamin na pilit nitong kinikimkim. Kitang-kita niya sa kislap ng mga mata nito kanina ang paghihirap ng loob at ang sakit na iniinda dahil sa pagkawala ni Wanji.Masakit para sa kanya dahil alam niyang hindi na niya pag-aari ang dating asawa. Umasa siyang mahal pa siya nito pero sa nakikita niya ngayon ay bigla siyang natauhan.Oo, tapos na nga pala ang lahat para sa kanilang dalawa. Tinapos na nga pala niya. Gayun pa man ay hindi pa rin niya maiwasang hindi masaktan para kay Tori. Masakit na malamang may iba na itong mahal pero
CONSUNJI REAL ESTATE AND CONSTRUCTION COMPANYORTIGAS CENTER, MANILA“GOOD MORNING, MISS KARA,” bati ng secretary ni Taj na nakasalubong ni Kara na palabas ng cubicle nito.Tumango lang si Kara bilang tugon bago tuloy-tuloy nang humakbang patungo sa pinto ng opisina ni Taj. “Ah, Miss Kara,” tawag ng sekretarya nang tila may maalala. Tumigil si Kara bago kunot ang noo na lumingon. “Yes?” untag niyang medyo umangat ang kilay.Kiming ngumiti ang sekretarya bago nagsalita. “May kausap lang ho si Sir Sebastian. Nagbilin po siya na ‘wag daw istorbohin. Pakihintay na po siya sa lounge.” magalang na sabi ng babae na bahagya pang yumukod.Mas lalo pang lumalim ang kunot sa noo ni Kara. “Business?” tanong niya sa sekretarya.Sandaling natigilan ang sekretarya. Bakas sa anyo nito ang bahagyang alinlangan pero nang makitang nagsalubong ang mga kilay ni Kara ay kaagad din nitong sinagot ang tanong. “Ah, hindi ko po kilala kasi naka-direct po kay Sir ang appointment niya pero ang dinig ko po ay