Share

I'LL BE FINE

Author: Bryll McTerr
last update Last Updated: 2023-05-29 22:34:01
GREY PEBBLES PLAZA

MIDTOWN MANHATTAN, NEW YORK

“Last set,” ani ng isang staff ng team ni Tori.

Kasalukuyan silang nasa Grey Pebbles Plaza sa New York para sa kanyang comeback tour. Pagkatapos nito ay tutuloy naman sila sa Los Angles para sa huling stop ng tour bago sila babalik sa Pilipinas para naman sa homecoming concert.

Nakapagpalit na ng damit si Tori. Simpleng loose black shirt at maong shorts na lamang ang suot niya na pinaresan niya ng ankle boots na kulay itim. Ang buhok niyang kinulot ng stylist niya kanina ay ipapatali na lamang niya sa likuran.

“Ayos ka lang ba?” untag ni Ember sa alaga.

Kanina pa kasi niya napapansin na matamlay si Tori kaya nag-aalala siya. Dahil sa sunod-sunod na concert, rehearsals, guestings sa mga radion at TV stations para sa promotion plus ang sunod-sunod na biyahe nila, tiyak niyang wala nang mapaglagyan ang pagod ni Tori.

Hindi naman kasi mareklamo ang Pop star kahit noon pang nasa kasagsagan ito ng kasikatan, limang taon na ang nakakaraan. At ng
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    PEACE AND HOME

    PAAKYAT pa lang sa stage si Tori ay sinalubong na siya ng walang tigil na hiyawan ng hindi magkamayaw niyang mga fan. Inaasahan kasi ng mga ito na ang huling kakantahin ng popstar ay ang kantang Move na isa sa naghatid kay Tori sa kasikatan. Isa kasi iyon sa penerform ng Infinite Star sa kick-off concert nito sa Polaris Stadium. It was after all, everyone's favorite. “Something is off.” kaagad na puna ng isang fan nang mapansin nito ang kakaibang ikinikilos ni Tori. Kinalabit pa nito ang katabi para makuha ang atensiyon. “And she’s not gonna sing Movve.” ani naman ng isa ang mga mata ay nakatuon sa gitarang hawak ng Infinite Star. Iba kasi ang Tori na nakatayo sa harapan nila ngayon kaysa Tori na nag-perform kanina. Parang bigla itong naging ibang tao. Siguro ay dahil nakikita nila ang tila hindi magandang anyo ng popstar. “Bakit feeling ko’y biglang naging gloomy ang paligid?” puna ng isa pa na niyakap pa ang sarili.Kung kaninang paakyat pa lamang si Tori sa stage ay masigla at

    Last Updated : 2023-05-30
  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    HOW COULD YOU?!

    [SAMANTALA, para naman sa ating showbiz balita ay narito si Laila Delgado, live mula sa New York. Laila?]Nagkatinginan ang mag-asawang Lorie at Oxygen na kasalukuyang nasa lobby ng San Lorenzo Medical Center at hinihintay na mabigyan ng clearance ang labi ni Wanji na kasalukuyang nasa morgue. Maging si Taj na kanina pa nakatayo ay nabaling ang atensiyon sa malaking TV na nakadikit sa pader. Pati ang iba pang naroon din sa lobby nang mga sandaling iyon ay napatingin din sa TV. [Magandang umaga sa mga kababayan natin diyan sa Pilipinas. Kung nakikita po ninyo ang background ko, narito po ako ngayon sa Grey Pebbles Plaza kung saan ginanap ang concert ng kilalang Infinite Star na si Tori Herrera. Last set na nga ng performance niya at excited ang lahat dahil inaasahan ng mga fan niya na ang kantang Move ang huli niyang kakantahin.]Kuyom ang magkabilang palad na nanatiling nakatutok ang mga mata ni Taj sa screen ng malaking TV. Nag-aalala siya para sa dating asawa. [Ngunit taliwas sa in

    Last Updated : 2023-06-06
  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    LOSE YOU

    TIIM ANG ANYO at naka-igting ang mga bagang na sinulyapan ni Taj si Tori na tahimik lang na nakaupo sa passenger seat. Kasalukuyan silang nasa St. Joseph Memorial Plaza dahil ngayon ang araw ng libing ni Wanji.Humigpit din ang pagkakahawak ni Taj sa manubela ng kotse niya lalo na nang mapanisin niya ang dahan-dahang paggulong ng ilang butil ng luha mula sa magkabilang sulok ng mga mata ni Tori. Alam niyang kahit nito sabihin sa kanya, dama niya ang bigat ng damdamin na pilit nitong kinikimkim. Kitang-kita niya sa kislap ng mga mata nito kanina ang paghihirap ng loob at ang sakit na iniinda dahil sa pagkawala ni Wanji.Masakit para sa kanya dahil alam niyang hindi na niya pag-aari ang dating asawa. Umasa siyang mahal pa siya nito pero sa nakikita niya ngayon ay bigla siyang natauhan.Oo, tapos na nga pala ang lahat para sa kanilang dalawa. Tinapos na nga pala niya. Gayun pa man ay hindi pa rin niya maiwasang hindi masaktan para kay Tori. Masakit na malamang may iba na itong mahal pero

    Last Updated : 2023-07-16
  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    WARN HIM

    CONSUNJI REAL ESTATE AND CONSTRUCTION COMPANYORTIGAS CENTER, MANILA“GOOD MORNING, MISS KARA,” bati ng secretary ni Taj na nakasalubong ni Kara na palabas ng cubicle nito.Tumango lang si Kara bilang tugon bago tuloy-tuloy nang humakbang patungo sa pinto ng opisina ni Taj. “Ah, Miss Kara,” tawag ng sekretarya nang tila may maalala. Tumigil si Kara bago kunot ang noo na lumingon. “Yes?” untag niyang medyo umangat ang kilay.Kiming ngumiti ang sekretarya bago nagsalita. “May kausap lang ho si Sir Sebastian. Nagbilin po siya na ‘wag daw istorbohin. Pakihintay na po siya sa lounge.” magalang na sabi ng babae na bahagya pang yumukod.Mas lalo pang lumalim ang kunot sa noo ni Kara. “Business?” tanong niya sa sekretarya.Sandaling natigilan ang sekretarya. Bakas sa anyo nito ang bahagyang alinlangan pero nang makitang nagsalubong ang mga kilay ni Kara ay kaagad din nitong sinagot ang tanong. “Ah, hindi ko po kilala kasi naka-direct po kay Sir ang appointment niya pero ang dinig ko po ay

    Last Updated : 2023-07-19
  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    COMING HOME IS A MISTAKE

    SABADO NG HAPON at tahimik na tahimik ang buong paligid ni Tori. Wala si Hajie dahil isinama ng ina at mga kapatid ni Taj ang anak niya sa Hongkong. Alas nuebe pasado na pero nanatili pa rin siyang nakapamaluktot sa kanyang kama. Hindi siya inaantok kahit ilang araw na siyang walang maayos na tulog. Sadyang wala lang siya sa mood na kumilos. Hindi rin niya sinasagot kahit ang mga tawag ni Ember.Nilaro ni Tori ng kanyang mga daliri ang kobre-kama habang blangkong nakatitig sa kulay kremang pader ng kanyang silid. Samo’t-sari ang tumatakbo sa kanyang isipan. Iniisip niya na kung hindi siya pumunta sa Guimaras para magbakasyon ay hindi sana niya nakilala si Taj.Kung hindi sana niya hinayaan ang kanyang sarili na mahulog sa dati niyang asawa ay hindi sana siya nasaktan nang todo na halos sumira sa buhay niya. Kung hindi sana siya nagpakasal kay Taj ay baka hindi naging mahirap ang lahat para sa kanya. Kung hindi lang sana nakialam ang Mommy niya at si Sid ay hindi sana sila nagkahiwal

    Last Updated : 2023-07-27
  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    I HATE YOU

    TAHIMIK AT NAKAHALUKIPKIP na itinuon na lamang ni Tori ang kanyang paningin sa labas kung saan ay nakikita niya ang mga puno ng mangga na maayos na nakalihera sa malawak na lupain ni Taj. Kasalukuyan nilang binaybay ang daan patungo sa dulong bahagi ng plantasyon kung saan naroon ang private farm resort ng lalaki. Ang Greenwoods Cabin.Ayaw na ni Tori na makipagtalo pa kay Taj kaya sumama na lamang siya. Wala na siyang lakas. Sa unang pagkakataon simula nang mangyari ang hiwalayan nila ng dating asawa at ang paglipad niya palabas ng bansa limang taon na ang nakakaraan ay nakaramdam ng pagod si Tori. Para siyang naubos nang dahil sa biglaang pagkawala ni Wanji. Para siyang napilayan. Pakiramdam niya ay para siyang ibon na nabalian ng isang pakpak kaya hindi niya alam kung paano makakalipad ulit.Pagod at hungkag na hungkag ang kanyang pakiramdam. Bukod sa anak niyang si Hajie at si Wanji na lamang ang mayroon siya tapos bigla pang nawala ang lalaki. Paano na siya ngayon? Selfish nga si

    Last Updated : 2023-07-30
  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    MAD AND HURT

    HINDI NA ALAM ni Tori kung gaano karaming bote ang nabasag niya. Basta ang tanging alam lang niya ay gusto niyang ilabas ang lahat ng sakit at kirot na naipon sa puso niya sa loob ng ilang taon. Punong-puno rin ng mga luha ang kanyang magkabilang mata habang walang tigil sa pagtulo ang kanyang sipon kaya hindi na niya alam kung ano ang una niyang pupunasan hanggang sa hinayaan na lamang niya. Wala na siyang pakialam. Panay na lamang ang singhot niya para mapigilan ang kanyang sipon na mas tumulo pa palabas ng kanyang ilong.“Ang sabi mo…” humihikbi na turan ni Tori. Halos hindi na siya makapagsalita nang maayos dahil sa walang tiigil na pag-iyak. “I-Ikaw na lang ang meron ako pero bakit kailangang pati ikaw, eh, mawala din sa akin?” patuloy niya na tila saka pa lamang nakaramdam ng labis na pagod. Pagod ba ng katawan dahil sa ginawa niyang halos walang tigil na paghagis ng mga bote o pagod dahil sa samo’t-saring emosyon na halos hindi na niya mapangalanan kung ano? Hindi na alam ni T

    Last Updated : 2023-08-03
  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    IT SHOULD HAVE BEEN ME

    MALAKAS ANG BUHOS ng ulan sa labas dahil sa super typhoon na si Mareng at kagaya ng nag-aalimpuyong panahon ay ganoon din si Kara. Kasalukuyan siyang naroon sa bahay ni Landon sa San Juan at naglalabas ng galit dahil nalaman niyang nagpagawa si Taj ng Stress Wall para kay Tori.“Shit! Shit!” galit na sigaw ni Kara.Wala siyang pakialam sa bagyo o kung binabaha na ba ang Pilipinas. Basta ang alam niya ay gusto niyang makaganti kay Tori. Hindi siya makakapayag na mauwi sa wala ang mga pinaghirapan niya nang dahil lang sa pagpa-papel nito kay Taj. No! Hindi maaari…Tumigil naman sa pagsimsim ng alak mula sa hawak niyang baso si Landon at kunot ang noo na tiningnan si Kara na kanina pa lakad nang lakad sa kanyang harapan. “Akin lang si Taj. Akin—”Tuluyan nang napatid ang pagtitimpi ni Landon. Galit na ibinalibag niya sa pader ang hawak na baso at lumikha iyon ng ingay nang mabasag. “Enough!” sigaw ni Landon.Napapitlag naman si Kara. Napatigil din siya sa walang tigil na paglalakad at

    Last Updated : 2023-08-07

Latest chapter

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    ALWAYS [FINALE]

    ISANG LINGGO BAGO ang kasal ni Tori at Taj ay dumalaw sila sa libingan ni Wanji. Nais ng una na magpaalam at magpasalamat sa namayapang kaibigan dahil sa dami ng ginawa nito para sa kanya. Oo, kaibigan. Alam ni Tori na naging unfair siya kay Wanji noong nabubuhay pa ito. Ipinakita at ipinaramdam sa kanya ng lalaki kung gaano siya nito kamahal sa kabila ng katotohanang alam nito na walang kasiguraduhan na matutumbasan niya ang pagmamahal nito. He was always there for her. Hindi siya iniwan ni Wanji kahit pa ang ibig sabihin ng pagpili nito sa kanya ay magagalit ang pamilya nito.Tinanggap ni Tori si Wanji dahil umaasa siya na darating ang araw na matutumbasan at matututunan niya rin ang pagmamahal nito sa kanya pero mali siya. Hindi nangyari ang inaasam niya dahil kahit minsan ay hindi nabawasan ang pagmamahal niya para kay Taj. Nasaktan siya sa nangyari sa kanila at ang sakit na iyon ang pansamantalang bumalot sa puso niya. At kung kung hindi niya nakilala si Wanji, hindi alam ni T

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    DOUBLE WEDDINNG

    ILANG MINUTO na lang at papatak na ang alas dose ng gabi. Bagong taon na naman. Bagong pakikipagsapalaran. Bagong mga pagsubok. Sana lang magsimula ang taong ito na maayos at matapos na walang mabigat na problema.Inayos ni Tori ang suot niyang kulay pulang bestida na umabot lamang hanggang sa itaas ng kanyang tuhod ang haba. At dahil masuwerte daw ang bilog sa pagpasok ng taon ay polka dots ang design niyon. Sandali din niyang pinasadan ng tingin sa kaharap na salamin ang kanyang mukha at nang masigurong maayos na ang itsura niya ay nagpasya na siyang bumaba. Dinampot niya ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng kanyang kama bago nagsimula nang maglakad palabas ng silid nila ni Hajie. Tanging sila lamang mag-ina ang sasalubong ng bagong taon dahil bumalik na sa Pilipinas si Taj kasama ang pamilya nito pagkatapos ng pasko. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Tori habang siya ay dahan-dahang bumababa sa hagdan. Oo, magkasama sila ni Taj na nag-celebrate ng pasko. Alam niyang nang

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    MOSQUITO BITE

    TANGHALI NA nang magising si Tori kinabukasan. Napabalikwas pa siya ng bangon nang makitang pasado alas-diyes na ng umaga.“Shit! Shit!" natatarantang bulalas ni Tori habang nagmamadaling bumaba sa kama. Kaagad siyang pumasok sa banyo na nasa loob ng silid nila ni Hajie para maghilamos at mag-sipilyo. Nagkukuskos na siya ng kanyang ngipin nang bigla siyang matigilan. Wala sa loob na napatitig sa kaharap na salamin si Tori. “Ano na naman ang ginawa ko?" tanong niya sa sarili habang sinasariwa ang nangyari sa kanila ni Taj nang lumipas na gabi. Pulang-pula ang buong mukha pati ang puno-tainga na napangiwi na lamang si Tori. ‘Akala ko ba gusto mong makalimot kaya ka umalis ng Pilipinas at lumipat dito sa Italy?’ naka-ismid na usig ng isang bahagi ng isipan ni Tori. Yeah, right. Bakit ba palagi siyang nakakalimot kapag kaharap na niya ang dating asawa? Bakit ba napakarupok niya pagdating kay Taj?‘Kasi nga, mahal mo pa rin siya!’ muling sabad ng atribidang parte ng pagkatao ni Tori.

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    I LOVE YOU

    MALALIM NA ANG GABI at tulog na rin ang lahat ngunit nanatiling dilat ang mga mata ni Tori.Hindi na nakabalik sa hotel na tinutuluyan ang pamilya ni Taj dahil sa kagustuhan ni Hajie na makasama ag mga ito. Tatlo ang silid sa bahay ni Tori at sa awa ng Diyos ay nagkasya naman ang lahat. Magkasama sa isang silid sina Claudia at Maddie samantalang solo naman sa isa ang ina ng mga ito na si Alyssa samantalang gamit naman ni Tori at ng anak na si Hajie ang isa pa. Si Taj naman ay nagpasyang sa sofa na lamang matulog.Dahan-dahang bumangon mula sa pagkakahiga si Tori. Inayos niya muna ang comforter ng anak na si Hajie bago siya nagpasyang bumaba na lamang para uminom ng gatas. Ingat na ingat si Tori habang bumababa siya ng may labing-dalawang baitang na hagdanan. Ayaw niyang gumawa ng ingay dahil nag-aalala siyang baka biglang magising si Taj na sa salas lamang natutulog. Patay na ang ilaw sa ibaba at tanging ang nakasinding ilaw sa maliit na altar lamang na nasa itaas ng hagdan ang nags

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    THANK YOU

    NANG TULUYANG tumapat si Tori kay Taj ay bahagya siyang nakaramdam ng pagkalito. Dahil kasi sa lakas ng kabog ng dibdib niya ay hindi na alam kung ano ang kanyang gagawin. “Hi," bati ni Taj kay Tori na sandali pang napapitlg. Kumurap-kurap ang mga mata ni Tori pagkuwa’y mahinang nagsalita. “Hello?" alanganin na tugon niya sa dating asawa. Napakamot sa kanyang batok si Taj. Kagaya ni Tori ay nalilito din siya at kinakabahang hindi niya mawari. Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo niya nang tumapat sa kanya ang dating asawa.Napalunok pa si Taj ng laway at mahinang tumikhim. Jesus Christ pero pakiramdam niya ay para siyang teenager na nabigyan ng pagkakataong masilayan ang crush niya. At kagaya niya ay nakatitig din sa kanya si Tori. “Ehem!" nanunuksong ani ni Maddie na nasa likuran ni Taj. “Nakalimutan mo yatang kasama mo kami, Kuya." nakangising turan naman ni Claudia na nakahalukipkip pa. Sabay na nag-iwas ng tingin sa isa’t-isa ang dalawa. Saka pa lamang din napansin ni Tori ang

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    GET HER

    IT’S BEEN five months since Tori decided to go back to Los Angeles kasama ang anak nilang si Hajie at isang linggong mahigit na rin ang nakalipas nang huli silang nag-usap ni Taj. Nalaman ng huli na lumipat sa France ang babae at balak ni Taj na dalawin si Hajie sa susunod na araw. Tatapusin lamang niya ang ilang meetings na hindi na niya maaaring ipa-kansela. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Taj habang hawak sa kanang kamay ang basong may lamang alak. Kasalukuyan siyang nasa labas ng mansion na pag-aari ng asawa ng Mommy niya. Namanhikan kasi ang fiancee ng kapatid niyang si Claudia kaya kompleto silang lahat. Tumingala sa madilim na kalangitan si Taj. Pasado alas onse na ng gabi at nakauwi na din ang pamilya ng fiancee ni Claudia. Isang mapaklang ngiti ang sumilay sa magkabilang sulok ng mga labi ni Taj. Napakapayapa ng gabi at maging ang kalangitan ay kay gandang pagmasdan dahil sa mga bituing nakakalat. Malamig ang simoy ng hangin palibhasa magpapasko na. Is

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    COURT YOU

    KASABAY NG pagkakulong ni Kara ay hinuli naman ng mga pulis ang ama nito. At dahil sa matinding kahihiyan ay hindi iyon nakayanan ng ina ng babae, nagpakamatay ito pagkatapos dakpin ng mga otoridad si Mr. Alvarez. Maayos na naisilang ni Kara ang anak nila ni Landon ngunit pagkaraan lamang ng isang linggo ay binawian ng buhay ang sanggol. At labid iyong dinamdam ng babae. Mabilis namang gumulong ang kaso laban sa mag-ama at dahil sa matibay na mga ebidensiyang nakalap ng kampo nina Taj at Tori kaya kaagad na bumaba ang hatol ng korte laban sa mag-amang Alvarez. At dahil sa sunod-sunod na pangyayari ay hindi iyon nakayanan ni Kara. Pagkalipas ng isa pang buwan pagkatapos mapatunayang nawala sa katinuan ang babae ay ipinasok ito sa mental hospital. Nabigyan na ng katarungan ang pagkamatay ni Wanji at sa hindi inaasahang pangyayari ay kinausap si Tori ng mga magulang ng una. All is well ngunit dahil sa mga nangyari ay malaking bahagi rin ng pagkatao ni Tori ang nawala. At isa la

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    SORRY

    “HINDI TOTOO ‘YAN!" patiling sigaw ni Kara na mas lalo pang nagwala dahil sa galit. No, hindi siya makakapayag na masira ang lahat.“Alam mong totoo ang sinasabi ko, Kara. Stop using him. Nasira mo na siya. Ano pa ba ang gusto?" puno ng poot sa mga mata na sabi ni Taj. “Hindi!" tigas na pagtanggi na sigaw ni Kara. Itinutok niya ang mga mata kay Landon na sandali namang natigilan. “Landon, hon, listen to me. Look at me, honey. Huwag kang makinig sa kanya. Sa akin ka lang makinig. Mahal kita, Landon. Narinig mo ba ako? mahal kita.” malakas ang boses na sabi niya. Hindi niya pinansin ang biglaang pagkirot ng kanyang tiyan. “Nagpa-imbestiga ako, Kara. Hawak ko ang mga ebidensiya pati na ang litratong magpapatunay na may relasyon kayo ni Landon. Ang galing mo. Nagawa mo kaming paglaruan lahat. Hindi lang si Landon ang sinira mo. You ruined me—my marriage! I’ll make you pay ten times." Sandaling tumahimik si Kara habang si Landon naman ay tila nalilitong nagpalipat-lipat ang tingin kay

  • NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO    MASTER PLAN

    NANININGKIT ANG MGA mata ni Kara habang pinagmamasdan niya si Tori na kausap ang kibigan nitong sina Lorie at Cynthia. No, hindi siya makakapayag na maging masaya ito. Hindi p’wede!Humigpit ang pagkakahawak niya sa manubela ng kanyang sasakyan nang makita niyang sabay na pumasok sa katapat na coffee shop ang tatlo. Nang tuluyang makapasok sa loob ang mga ito ay mabilis na binuksan ni Kara ang pinto ng kanyang kotse. Bumaba siyaat nagmamadali ang mga hakbang na pumasok din sa coffee shop. “Good morning, Ma’am," bati kay Kara ng isang staff na nakasalubong niya. Hindi pinansin ni Kara ang staff na nagkibit-balikat lang naman.Sandaling umikot sa paligid ang paningin ni Kara para hanapin kung nasaan si Tori. At nang makita niya itong nakaupo sa sulok na bahagi ay pinili niyang umupo naman sa mesang ilang dipa lang ang layo mula rito at sa mga kaibigan nito. May suot siyang baseball cap kaya kampante siyang hindi siya mapapansin ng babae. Yumuko din siya para mas makasiguro at nagkunwa

DMCA.com Protection Status