Share

I MET MY LOLO

HULING ARAW na ni Tori sa Sebastian Plantation bilang sekretarya ni Taj at sa totoo langg ay nalulungkot din siya. Kahit paano kasi ay napalapit na rin sa kanya ang mga naging katrabaho niya roon, maging ang magkaibigang Sandra at Hannah na dati ay palagi pa siyang sinusungitan.

“So, sure ka na talaga?” untag ni Hannah kay Tori.

Kasalukuyan silang nasa canteen na katabi lang din ng administration building kung saan sila nag-o-opisina . Break time at kagaya ng madalas nilang gawin ay nagpapalipas na naman sila ng oras roon habang nagka-kape.

Napatigil sa akmang pagsubo ng hawak na turon si Tori. Ibinaba niya ang hawak sa kaharap na platito bago tumango ng dalawang beses.

“Uh-huh,” maikling tugon niya saka dinampot ang tasang may lamang umuusok na black coffee.

Biyernes na at nagkataon pang araw ng sahod kaya buhay na buhay ang lahat. Katulad ng palagi nilang ginagawa ay napagkasunduan na naman ng ilan na pumunta sa Drifting Mist. Dati ay sumasama si Tori sa mga ito pero ngayong kasama
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status