MANGGAHAN FESTIVALGUIMARAS“Good evening, Jordan!” malakas na sigaw ng babaeng host na ang tinutukoy ang mga mamamayan ng Jordan, ang kapital ng probinsiya ng Guimaras. Umikot ang kanyang paningin sa malawak na open ground at kaagad na sumilay ang matamis na ngiti mula sa magkabilang sulok ng kanyang labi.Umalingawngaw sa buong paligid ang malakas na hiyawan na may kasamang sipol, tanda ng kasiyahan ng lahat ng naroon at pakikiisa sa pagdiriwang ng Manggahan Festival.“Happy festival po sa ating lahat ng mga na naririto ngayong gabi. Alam ko pong marami sa inyo rito ay galing pa sa iba’t-ibang bayan ng Guimaras kaya isa pong mainit na pagbati para sa ating lahat. Isa na naman pong masaganang taon ang ibinigay sa atin ng ating Panginoon kaya naman narito tayo ngayon para ipagdiwang ang taonang Manggahan Festival, isang selebrasyon ng pasasalamat para sa masagang taon.” patuloy ng host na hindi pa rin nawawala ang masayang ngiti sa mga labi.Napakaganda ng gabi. Banayad at malamig ang
NAPATIGIL SA KANYANG ginagawa si Taj nang makarinig siya ng tatlong sunod-sunod na tunog mula sa nakasaradong pinto ng kanyang opisina. Mula sa kanyang binabasang dokumento ay saglit siyang nag-angat ng paningin bago nagsalita.“Come in,” aniya.Dahan-dahan bumukas ang pinto at mula roon ay pumasok ang sekretarya niyang si Cynthia.“Sir?” may bahid ng pag-aalangan sa tinig na tawag-pansin ni Cynthia kay Taj.“What is it?” tanong ni Taj habang ang mga mata ay hindi pa rin inaalis sa kanyang binabasa.Maraming pending papers na kailangang pirmahan si Taj dahil na rin sa ilang sunod-sunod na mga pangyayari. Kailangan niyang mapirmahan ang lahat ng iyon hanggang bukas dahil lilipad naman siya patungo sa Manila para sa kanyang weekly meeting kasama ang board of directors ng Consunji Real Estate and Construction Company.“May gusto pong makipag-usap sa inyo.” turan ni Cynthia habang nakatayo sa harapan ng mesa ng kanyang boss.Napatigil si Taj sa akmang pagpirma sa hawak na papeles. Kumunot
“WHAT ABOUT HER?” tanong ni Taj kay Wanji sa seryosong tinig. Nagtataka siya kung bakit siya pinuntahan ng lalaki sa kanyang opisina. “I’m leaving.” deretso ang mga matang turan ni Wanji sa kaharap. Inaabangan niya kung ano ang magiging reaction nito sa kanyang sinabi.Muling kumunot ang noo ni Taj. Leaving like what? What does he have to do about it? “What do you mean?” untag niya habang inaalog-alog ang lamang alak ng hawak niyang baso. Muling gumuhit sa kanyang noo ang ilang gatla. “I’ll be flying back to Los Angles three days from now.” seryoso at walang kurap na turan ni Wanji kay Taj na bigla namang natigilan.Napatitig si Taj sa lalaking kasalukuyang nagmamay-ari sa dati niysng asawa. Bakit ito aalis habang wala si Tori? At bakit siya nito pinuntahan? It’s weird kung pumunta ito sa opisina niya para lang magpaalam na babalik na ito sa Los Angles. Like come on, ano bang pakialam niya sa pag-alis nito?“What about Tori?” tanong ni Taj pagkaraan ng ilang saglit na katahimikan. “
THE ALPHA’S PAVILLONDUBAIKagaya ng inaasahan ay punong-puno ang The Alpha’s Pavillon na mayroong hanggang five thousand capacity. Nakakalat din ang naglalakihang banners sa paligid na dala ng mga fans ni Tori. Karamihan sa mga naroon ay mga filipinong OFW na fan na niya simula pa noong kapapasok pa lamang niya sa music industry. Ang iba naman ay nagsimulang maging tagahanga ng popstasr nang pasukin niya ang larangan ng pag-arte at nai-partner kay Everett Lozares. Sold out ang tickets at may iba na hindi na umabot dahil naubusan. Nagsama kasi ang Herederas, na siyang fandom ni Tori at ang ToRett, ang fandom ng tambalan nila ng Duke of the Philippine R&B na si Everett. Ang iba sa mga naroon ay nanggaling pa sa mga kalapit na bansa ng Dubai na sinadyang inilaan ang araw na iyon para sa concert ng Infinite Star. May mga banyaga ring makikita sa paligid na natangay ng mga kaibigang pinoy.Maingay ang buong paligid dahil sa hindi magkamayaw na hiyawan ng mga fans. Katatapos lang ng ika-w
“PANALO NA NAMAN ang aking pusong ToRett…”Sabay na napatingin kay Lorie ang mag-asawang Cynthia at Raymond. Naging malapit na rin kasi ang mag-asawa sa mga bagong kaibigan ni Tori nang dahil na rin sa huli. At sa kasalukuyan ay magkasama sila sa bahay ng nina Lorie at Oxygen.“Bakit, anong meron?” takang tanong ni Cynthia habang pinupunasan ang hinugasang feeding bottle ng anak nito.Umikot ang mga mata ni Lorie paitaas. “Viral sila ngayon dahil sa biglaang pag-guest ni Everett sa concert ni Tori sa Dubai kagabi.” imporma niya bago inilapag sa mesa ang nilutong ulam.Napagkasunduan kasi nila na doon na mag-lunch at ang alam nila ay darating din si Taj kasama ang anak na si Hajie. “Talaga?” untag ni Cynthia na bakas na rin sa tinig ang tuwa. Kagaya ni Lorie ay fan din ang babae ng tambalang Tori at Everett noong nasa kasagsagan ng paggawa ng pelikula at mga teleserye ang dalawa. “Hindi pa kasi ang nagbubukas ng aking social media account, eh. Teka nga muna…” usal niya bago ibinaba a
ALAS-ONSE pasado na pero abala pa rin si Taj sa kanyang ginagawa. Inuwi niya kasi ang mga dokumentong kailangan niyang pag-aralan mula sa kanyang opisina sa Consunji Real Estate and Company. Napatigil si Taj sa pagbabasa ng hawak niyang papeles nang makarinig siya ng tatlong mahihinang katok mula sa nakasaradong pinto kasunod ng dahan-dahang pagbukas niyon. Nag-angat siya ng paningin at sandaling natigilan nang makita si Kara na nakasuot na ng pantulog nito. White nighties to be exact.“Hey, hon,” bungad ni Kara habang mabagal na naglalakad palapit kay Taj. “it’s getting late already. Bukas mo na kaya ituloy ang pagbabasa ng mga iyan.” malambing niyang turan sa lalaking kumunot naman ang noo.Bumuga ng hangin si Taj bago isinandal ang likod sa kanyang upuan. “That won't do. Mag-i-spray ng pesticide sina Mang Amboy bukas and I have to be there.” tugon niya na ang tinutukoy ay ang pinagkakatiwalaan niyang magsasaka na siyang namamahala sa buong manggahan.Ngumiti si Kara. Yumuko siya a
GREY PEBBLES PLAZAMIDTOWN MANHATTAN, NEW YORK“Last set,” ani ng isang staff ng team ni Tori.Kasalukuyan silang nasa Grey Pebbles Plaza sa New York para sa kanyang comeback tour. Pagkatapos nito ay tutuloy naman sila sa Los Angles para sa huling stop ng tour bago sila babalik sa Pilipinas para naman sa homecoming concert.Nakapagpalit na ng damit si Tori. Simpleng loose black shirt at maong shorts na lamang ang suot niya na pinaresan niya ng ankle boots na kulay itim. Ang buhok niyang kinulot ng stylist niya kanina ay ipapatali na lamang niya sa likuran.“Ayos ka lang ba?” untag ni Ember sa alaga. Kanina pa kasi niya napapansin na matamlay si Tori kaya nag-aalala siya. Dahil sa sunod-sunod na concert, rehearsals, guestings sa mga radion at TV stations para sa promotion plus ang sunod-sunod na biyahe nila, tiyak niyang wala nang mapaglagyan ang pagod ni Tori.Hindi naman kasi mareklamo ang Pop star kahit noon pang nasa kasagsagan ito ng kasikatan, limang taon na ang nakakaraan. At ng
PAAKYAT pa lang sa stage si Tori ay sinalubong na siya ng walang tigil na hiyawan ng hindi magkamayaw niyang mga fan. Inaasahan kasi ng mga ito na ang huling kakantahin ng popstar ay ang kantang Move na isa sa naghatid kay Tori sa kasikatan. Isa kasi iyon sa penerform ng Infinite Star sa kick-off concert nito sa Polaris Stadium. It was after all, everyone's favorite. “Something is off.” kaagad na puna ng isang fan nang mapansin nito ang kakaibang ikinikilos ni Tori. Kinalabit pa nito ang katabi para makuha ang atensiyon. “And she’s not gonna sing Movve.” ani naman ng isa ang mga mata ay nakatuon sa gitarang hawak ng Infinite Star. Iba kasi ang Tori na nakatayo sa harapan nila ngayon kaysa Tori na nag-perform kanina. Parang bigla itong naging ibang tao. Siguro ay dahil nakikita nila ang tila hindi magandang anyo ng popstar. “Bakit feeling ko’y biglang naging gloomy ang paligid?” puna ng isa pa na niyakap pa ang sarili.Kung kaninang paakyat pa lamang si Tori sa stage ay masigla at