Sa buong buhay ni Seojun, iyon ang unang beses na naramdaman niyang espesyal siya. Kung damit at ordinaryong mga gamit lang iyon para kay Marion, kakaibang experience naman iyon para sa kaniya, para sa kaniyang anak. Kahit kailan, hindi nila nakuha ang luho na pagbili ng gamit sa mga mamahaling stores, palagi silang tumitingin sa mga sale at discount section ng kahit na anong bagay. Para sa kanila, sapat na ang may isinusuot na damit at kumakain ng tatlong beses sa isang araw. Pero sa araw na iyon, naramdaman niya ang buhay na siya naman ang pinagsisilbihan. Gumastos ng halos twenty million won si Marion sa mga bago nilang damit kaya naisip niyang siya naman ang manlilibre. Wala siyang alam na kahit na anong sosyal na restaurant pero kahit paano, masarap ang pagkain sa pinili niyang kainan kaya malakas ang loob niyang mag-aya. Hindi niya nagagalaw ang huli niyang sahod sa dati niyang pinagtatrabahuhan na chicken restaurant kaya naisip niyang pagkakataon na niyang manlibre… Ang
Read more