“Bakit? Kakaiba ba iyon?” ganting tanong ni Seojun. “A… Hindi. Hindi naman. Sige, ikaw ang bahala.” Pilit na ngumiti ang dalaga upang hindi siya mapahiya. Palagi kasing mga kung ano-ano lang ang kinakain nila noon. Nakakatikim nga lang sila noon ng fried chicken kapag pinapauwi ni Mrs.Han sa kaniya noon ang mga pagkain na hindi nila nabenta sa araw na iyon. Noodles o kimbap ang kadalasan na laman tiyan nila kaya kung makatikim man sila ng pizza, na malamang ay ibinigay lang sa kaniya, nilalahukan lang nila iyon ng pagkain. Mahal ang matrikula sa paaralan ni Eclaire. Pero dahil sa pagtitipid at pagsusumikap nilang mag-ina, nairaraos nila iyon. Gusto niya na kahit paano, makatapos sa magandang eskuwelahan ang kaniyang anak. Iyon lang kasi ang pwede niyang maipamana sa kaniyang nag-iisang dalagita. “Ang mabuti pa… Bumili na rin tayo ng fried chicken. Gutom na gutom ako ngayon, parang hindi uubra ‘yong pizza lang sa ‘kin,” suhestyon ni Olivia. Kung tutuusin, mar
Последнее обновление : 2022-06-09 Читайте больше