Home / ChickLit / One Hundred Billion Pesos Baby / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of One Hundred Billion Pesos Baby: Chapter 1 - Chapter 10

110 Chapters

Chapter 1

     “Happy birthday, anak! Kailan ka mag-aasawa?” bungad ng nanay niya kahit kakagising niya lang. “Tumayo ka na riyan. Nagluto ako ng spaghetti para sa ‘yo.”       Iminulat ni Samantha ang mga mata niya habang nagmumura nang sunod-sunod na ipinababawal na mga salita sa kaniyang isipan. Dalawampu’t siyam na taon na siya ngayong araw. Walang asawa, walang boyfriend, walang manliligaw, at wala man lang siyang kalandian sa chat pero tinatanong siya ng nanay niya kung kailan siya mag-aasawa. Mas gusto niyang manood ng cat videos kaysa gumawa ng account sa dating apps, masama ba iyon?       “Talaga ba, ‘Nay? Iyan kaagad ang bungad niyo sa ‘kin?” Kinamot niya ang buhok niya sa likod at tamad na tamad na bumang
Read more

Chapter 2

     “Po?” Tiningnan ni Sam ang bisita nila mula ulo hanggang paa. Nakasuot ito ng mamahaling suit at may apat na lalaking may malalaking katawan sa likod nito na halatang mga bodyguards nito. Pero ang nakatawag ng pansin sa kaniya ay ang alon-alon at mamula-mulang kulay ng buhok nito kagaya ng sa kaniya.       “Sam, sino ba iyan?” tanong ng tatay niya na sumilip na rin sa pinto. “Sino po sila?”       “Ako po si Peterson Viray. Ako po ang biological father ng anak niyo.” Kinuha ng lalaking nagngangalang Peterson ang papel mula sa lalaking nasa gawing kanan nito at ipinakita iyon sa kanilang mag-ama. “Nandito po ang paternity test na ipinagawa ko para masigurong nahanap ko na ang anak ko na si Marion, I mean, Sa
Read more

Chapter 3

     Muling nilingon ni Peterson ang kaniyang anak bago siya tuluyang lumabas ng pintuan ng bahay ng mga ito. Katamtaman ang laki ng bahay ng mga Reyes at mukhang hindi naman naghihirap ang mga ito kaya bahagya siyang nakahinga nang maluwag. Mabilis naman ang pagkilos ng mga bodyguards niya para lumapit sa kaniya.       “Tara na, babalik na tayo sa opisina,” utos niya sa mga ito.       Pinagbuksan siya ng pintuan ng isa sa mga bodyguard niya kaya umakyat na lang si Peterson sa sasakyan. Dahil siya ang CEO ng pinakamalaking bangko sa Pilipinas, nag-iingat rin siya kaya naman palagi siyang may kasamang mga bodyguard. Dahil nasa ma-taong lugar at maraming kabahayan ang pinuntahan nila, kinailangan niyang umalis rin kaagad dahil masyadong malaki ang sasaky
Read more

Chapter 4

     Araw na ng sabado, dalawang araw pagkatapos ng kaarawan ni Samantha, saka lang nakauwi ang kaniyang kapatid mula sa Maynila. Hindi kasi pwedeng basta na lamang umalis ang kaniyang kuya sa trabaho nito dahil inaasahan din ito ng kanilang engineer sa paghawak ng mga trabahador sa construction site. Ngunit dahil sa tanong na hindi pa rin nila masagot, pare-parehas silang hindi mapalagay. Walang gustong magbukas ng topic tungkol sa paternity test kaya naglakas-loob si Samantha na magsalita. “Ang mabuti pa… Ako na lang ang tatawag kay Mr. Viray. Mas maganda kung malalaman natin ang totoo sa lalong madaling panahon, ‘di ba?”       “Sigurado ka na ba sa desisyon mo?” tanong ng kaniyang Kuya Tyron.       “Oo nga, Sam…
Read more

Chapter 5

      Muling namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Dahil hindi naman ganoon kalaki ang laboratory center, naririnig ng iba sa mga naroon ang pinag-uusapan nila. Nakatingin ang mga ito kay Samantha na para bang nanonood ng pelikula sa totoong buhay. Samantala, ramdam ni Samantha ang mainit na haplos ng kaniyang ina sa kaniyang likod. Inaasahan na niya ang maluha-luhang ekspresyon ng kaniyang mga magulang pero ngayon na hindi na maitago ng mga ito ang kalungkutan, lalo siyang hindi makapag-desisyon.       “Bakit hindi tayo mag-usap sa bahay niyo?” suhestiyon ni Peterson.       Naririnig nila ang alingasngas mula sa mga nagtsitsismisan sa kanilang tabi kaya naman mabilis na pumayag ang pamilya Reyes sa suhestiyon nito. Naunang sumakay si Peterson sa sasakyan at inimbitahan ang
Read more

Chapter 6

      “Mukhang mataas ang kumpiyansa mo na gagawin ko ang lahat ng gusto mong hilingin. Paano kung ayoko?” Gustong makipagnegosasyon ni Peterson dahil kinakabahan siya sa mga posibleng hilingin ni Marion sa kaniya. Sa lahat ng mga gustong ibigay nito sa mga magulang na nag-alaga rito, halos naging doble na ang presyo ng mga iyon kumpara sa nauna niyang sinabi na tatlumpung milyon.         “Bakit? May pagpipilian pa po ba kayo? Matanda na ko, hindi na ko menor de edad kaya nasa akin na lang iyon kung kikilalanin ko kayong ama, hindi po ba?” naroon ang paggalang ngunit ramdam niya na alam ni Marion kung ano-ano ang mga barahang hawak nito na pwedeng ipanlaban sa kaniya.         Marahas na bumuga ng hangin si Peterson. Nag-uumpisa pa lang ang negosasyon pero ramdam na niya kaagad ang pagkabig
Read more

Chapter 7

      Nagulat si Peterson sa sinabi ng kaniyang anak pero imbes na magalit, nakaramdam siya ng kakaibang tuwa. “Mukhang napalagay na kaagad ang loob mo sa ‘kin dahil sinasabi mo na sa akin kung ano ba talagang iniisip mo kahit sandali pa lang tayong magkasama.”       Nagpakawala ng buntong-hininga si Marion at tumingin sa labas ng bintana. Ang sigla at saya na ipinapakita niya kanina ay naghalong parang bula. “Alam ko naman na kapag sumama ako sa inyo, siguradong magiging kumplikado lang ang buhay ko. Pero kung iisipin ko rin namang mabuti, maibibigay niyo sa ‘kin nang walang kahirap-hirap ang yaman na hindi ko kayang kitain sa buong buhay ko. Nakakalungkot naman kung hindi ko matitikman iyon, ‘ di ba? At isa pa… Baka ito na ang pagkakataon para magkaroon naman ng excitement sa buhay ko.” Muling ngumiti si Marion.
Read more

Chapter 8

      Tila isang bata na noon lang nakakita ng laruan ang itsura ni Marion. Sa mga pelikula, nobela, at webtoon niya lang nakikita ang mga ganoong klase ng credit card. Daang-libo kasi ang kailangan na maintaining balance sa mga ganoong klase ng card. Isang paalala iyon mula sa kaniyang ama na kahit magkano ang gastusin niya, hindi basta-basta mauubos ang pera nito. Mabilis niyang inilagay sa kaniyang bulsa ang credit card dahil ayaw niyang magbago pa ang isip nito. Ngumiti siya at malambing ang kaniyang tinig, “Ingat po kayo, Dad.”       Natawa naman si Peterson sa reaksyon niya at marahan nitong hinaplos ang kaniyang buhok. “Anak, ito ang tatandaan mo. Simula ngayon, ikaw na si Marion Jade Viray, ang nag-iisang tagapagmana ng may-ari ng FD Bank. Know your worth,” makahulugan nitong sabi. 
Read more

Chapter 9

      “Teka… Bakit pati ‘yong mga jacket na mukhang hindi ko naman magagamit dahil wala namang winter sa Pilipinas, binili mo?” bulong ni Marion kay Emily. Pero ang totoo, nalulula siya sa presyo ng kabuuang halaga ng mga pinamili niya. Ilang bahay at lupa na ba ang mabibili ng mga iyon?       “Miss, mabuti na pong handa ang wardrobe niyo kung sakali mang maisipan ni Sir Peterson na magbakasyon kayo sa ibang bansa. Setyembre na ngayon, malapit na ang mga holidays kaya dapat lang na naka-prepara kayo,” magalang na sagot ng kasambahay.       “Ganoon ba ‘yon?” Bahagyang tumango-tango lang si Marion at bahagyang nakaramdam ng excitement dahil sa posibilidad na maranasan niyang magbakasyon sa ibang bansa. 
Read more

Chapter 10

      Hindi man aminin ni Peterson ngunit natutuwa siya sa pinapakita ng kaniyang anak. Mabilis itong makaisip ng mga plano nito para maging pabor sa dalaga ang mga bagay-bagay. Naiintindihan naman niya ang anak kung gusto man nito na hindi mag-asawa. Kung hindi lang siguro konserbatibo ang kaniyang ama noon, baka ganoon din ang kaniyang magiging desisyon. Sino nga ba naman ang may kailangan ng asawa lalo na kung para rin lang naman kayong hindi magkakilala kahit sa iisang bubong lang kayo nakatira?        “Dad, ang sabi mo sa ‘kin noon, hindi ko kailangan manahin ang kompaniya mo, ‘di ba? Bakit kailangan kong makilala ang mga shareholders at myembro ng board?”       Uminom muna ng red wine si Peterson upang mawala ang lasa ng karne sa dila niya bago magsalita.
Read more
PREV
123456
...
11
DMCA.com Protection Status