Araw na ng sabado, dalawang araw pagkatapos ng kaarawan ni Samantha, saka lang nakauwi ang kaniyang kapatid mula sa Maynila. Hindi kasi pwedeng basta na lamang umalis ang kaniyang kuya sa trabaho nito dahil inaasahan din ito ng kanilang engineer sa paghawak ng mga trabahador sa construction site. Ngunit dahil sa tanong na hindi pa rin nila masagot, pare-parehas silang hindi mapalagay. Walang gustong magbukas ng topic tungkol sa paternity test kaya naglakas-loob si Samantha na magsalita. “Ang mabuti pa… Ako na lang ang tatawag kay Mr. Viray. Mas maganda kung malalaman natin ang totoo sa lalong madaling panahon, ‘di ba?”
“Sigurado ka na ba sa desisyon mo?” tanong ng kaniyang Kuya Tyron.
“Oo nga, Sam… Pwede naman nating kalimutan na lang ang mga sinabi ng lalaking iyon, ‘di ba?” Hinawakan ni Nora ang kaniyang kamay at bahagyang pinisil iyon.
“Kuya, ‘Nay, ‘Tay, mabuti na po ‘yong harapin na natin ito para matapos na. Kagaya niyo, hindi rin naman ako naniniwala sa mga pinagsasabi niya pero mas mabuti na ‘yong nakakasiguro tayo. Ayoko naman pong isipin na may posibilidad talagang hindi niyo ko anak at kapatid.”
Katahimikan ang sumunod na namayani sa kanilang apat. Naiintindihan nila ang punto ng bawat isa ngunit hindi nila maalis ang takot sa kanilang dibdib. Paano kung ampon nga talaga si Samantha? Paano kung patay na pala talaga ang totoo nilang anak? Paano na nila pakikiharapan ang isa’t isa kapag nalaman nila ang totoo?
“Tama si Samantha… Mabuti na ngang malaman natin ang totoo kaysa naman tinatalikuran lang natin ang problema. At isa pa, tayo naman ang mamimili kung saan gagawin ang paternity test nila Samantha at no’ng Peterson Viray. Siguro naman, hindi iyon basta madadaya,” malumanay na sambit ni Danny, pero halatang hindi siya mapanatag.
Dahil ayaw rin naman ng pamilya Reyes na ipagkait kay Samantha ang totoo, pumayag ang mga ito kahit labag sa kalooban nila ang desisyon ng dalaga. Si Samantha ang tumawag kay Peterson Viray upang sabihin ang appointment nila sa kalapit na center. Alas-diyes ng umaga tumawag si Samantha pero nakarating kaagad si Peterson pagdating ng alas-onse. Nagkita-kita na lang sila sa center para kumuha ng mga DNA sample nila. Dahil kakilala ng mga Reyes ang may-ari ng center, hindi sila natatakot na baka dayain ang ginawang paternity test.
“Salamat naman at pumayag kayong ipa-DNA namin ulit kayo,” magalang na sabi ni Tyron. Dahil nasa Maynila na siya nagtatrabaho at nakatira, alam niya kung gaano kalaki ang impluwensiya ng taong nasa kaniyang harapan.
“Wala iyon. Salamat din sa pagkakataon na makita kong muli si Marion… Ang ibig kong sabihin, si Samantha.” Malapad ang ngiti ni Peterson at mukha talagang alam na nito ang magiging resulta ng test.
“Marion?” Hindi mapigilang itanong ni Samantha.
“Tama. Marion Jade Viray, iyon kasi talaga ang ibinigay namin sa iyo ng Mama mo.” Lalapit nasa si Peterson kay Samantha pero humakbang paatras ang dalaga. Nanatili na lang si Peterson sa pwesto nito.
“Kung wala na tayong dapat gawin, ang mabuti pa, umuwi na tayo.” Nakakapit si Nora sa braso ni Samantha na para bang ayaw niyang bitawan ang anak.
“Magkita na lang po tayo sa lugar na ito pagkatapos ng tatlong araw. Sabay-sabay po nating babasahin ang resulta,” anunsiyo ni Danny sa bisita nila.
Ramdam ni Peterson na gusto na siyang paalisin ng mga ito kaya hindi na siya nagpumilit pa. Ngumiti na lang siya at magalang na umalis sa lugar na iyon. Alam niya kasi na simula sa susunod na linggo, makakasama na niya si Marion. Kapag ginusto ng mga Reyes na puntahan ang libingan ng totoong anak ng mga ito, dadalhin niya ang mga ito sa lugar kung saan inakala niyang nakalibing ang kaniyang anak.
Kasama si Romeo, sumakay na si Peterson sa kanilang sasakyan. Pero bago sila tuluyang umalis, ibinaba ni Peterson ang bintana sa kaniyang tapat bago tumingin kay Samantha. “Nakalimutan ko po palang banggitin… Kapag positive ulit ang resulta ng paternity test namin, kukunin ko na si Marion sa poder niyo. Salamat.” Muli niyang isinara ang bintana habang kumakaway sa mga Reyes.
Tila nanghina ang mga tuhod ni Nora nang marinig ang sinabi ni Peterson. Mabuti na lang at mabilis na nasalo ni Samantha ang kaniyang ina kaya naman hindi ito napasalampak sa kalsada. Mabilis naman na hinawakan ni Tyron ang kanilang nanay para samahan ito sa paglalakad pabalik sa bahay nila. Hindi naman makapagsalita si Danny, nakatingin lang siya sa asawa na mukhang malapit nang maluha dahil sa sama ng loob.
Nang makarating sila sa bahay nila, si Tyron ang tumulong kay Nora na humiga sa sofa habang kumuha naman ng tubig mula sa refrigerator si Samantha at ibinigay iyon sa ina para makainom ito. Umupo naman sa single sofa si Danny, tahimik pa rin na tinitingnan ang mga anak na abala sa pag-aalaga kay Nora. Tila hindi pa rin ma-proseso ni Danny at Nora ang kanilang sitwasyon kaya hindi makapagsalita ang mga ito.
“Nay, ‘Tay, huwag niyo na po masyadong isipin ang paternity test na iyon, okay? Positive man iyon o negative, kayo pa rin ang mga magulang ko. Walang magbabago roon. Kayo ang nakasama ko sa buong buhay ko.” Halos mapasalampak si Samantha sa sahig. Ramdam niya ang stress at anxiety ng kanilang mga magulang sa mga nangyayari pero gusto niya pa ring magpatuloy. Hindi dahil sa gusto niyang yumaman, o dahil alam niyang may pag-asang gumanda rin ang buhay ng mga magulang nila. Gusto niyang malaman ang totoo para mawala na ang matagal na niyang insecurity -- na hindi niya kamukha ang kaniyang pamilya.
“Sam, huwag kang mag-alala. Para sa amin, ikaw lang ang nag-iisa naming bunso. Kesehodang Marion o Samantha ang pangalan mo, ikaw pa rin ang nag-iisa kong kapatid. Maliwanag ba?” pag-aalo ng kaniyang Kuya Tyron.
“Samantha, kung sakali man na…” tila hindi magawang ituloy ni Danny ang kaniyang sasabihin. Bumuga siya ng malalim na hininga bago tumingin sa anak. “Kapag nalaman mong hindi pala kami ang mga magulang mo, aalis ka ba? Sasama ka ba sa kaniya?”
Tumingin si Nora at Tyron kay Samantha, pare-parehas sila ng iniisip pero si Danny ang naglakas-loob na magtanong. Napakamot naman sa ulo si Samantha. Siya mismo, hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. Natatakot siya… Hindi malinaw kung anong mangyayari sa mga susunod na araw. Kung sakali man, tatalikuran ba niya ang mga magulang niya para sumama sa totoo niyang ama? O mananatili siya sa poder ng mga taong itinuring niyang pamilya?
“Hindi mo naman kailangang sumagot kaagad, anak. Pag-isipan mo muna ang mga dapat mong gawin,” puno ng lambing at pag-unawa ang tinig ng kaniyang Nanay Nora.
"Salamat po, ‘Nay, ‘Tay, Kuya…” Pakiramdam ni Samantha, maiiyak na rin siya dahil sa stress pero nang haplusin ng kaniyang ina ang kaniyang likod, nakaramdam siya ng ginhawa. Para bang kaya niyang harapin ang kahit na ano.
*****
Dumating na ang araw ng Martes. Nang malaman nila na handa na ang resulta ng paternity test, kaagad nilang tinawagan si Peterson para makapunta ito kaagad sa kanila. Ala-una na ng hapon pero makisig pa rin ang kanilang bisita habang nakasuot ng mamahaling suit, sapatos at relo. Dahil hindi na pwedeng magtagal pa si Tyron, bumalik siya sa Maynila pagdating ng lunes kaya sina Nora, Danny, at Samantha lang ang naroon.
“Pumasok na po tayo,” magalang na wika ni Peterson sa mga magulang ni Samantha.
Para naman silang maaamong tupa na nakasunod lamang kay Peterson. Ilang saglit lang at nasa kanila na ang sobre na naglalaman ng resulta ng paternity test. Si Danny ang may hawak no’n kaya siya na ang nagbukas ng sobre. Mabilis lang ang ginawa nitong pagbabasa dahil ang resulta sa ibaba ang kaagad nitong tiningnan. Nang mapansin nila Samantha at Nora ang panlulumo sa mukha ng padre de pamilya, alam na nila ang resulta kahit hindi pa nila nakikita ang nakasulat sa papel na iyon. Ibinigay ni Danny ang papel kay Peterson, simbolo ng kanilang pagtanggap sa resulta.
Binasa ni Peterson ang nakasulat. Kagaya ng kaniyang inaasahan, siya talaga ang tunay na ama ni Samantha Reyes. Magkakayakap ang tatlo kaya hinayaan na muna ni Peterson na mag-usap-usap ang mga ito. Naroon lang siya sa tabi kaya naririnig niya ang mga iyon. Nang matapos sa pag-uusap ang pamilya Reyes, humarap sa kaniya si Samantha.
“S-Sir?” nahihiyang tanong ni Samantha.
“Don’t call me Sir. I am your father. Pwede mo kong tawaging Daddy.”
Tuminging muli si Samantha sa mga kinalakhan niyang magulang bago tumingin sa kaniya ulit. “Kailangan po ba talagang iwanan ko ang mga magulang ko? Hindi po ba pwedeng sa kanila na lang ako?”
Doon naman unti-unting nawala ang ngiti ni Peterson. Ayaw niya sanang sabihin iyon kay Samantha pero mukhang wala na siyang magagawa. “I’m sorry, anak. Alam mo kasi… Ilang dekada na ang ginugol ko para mahanap ka. Hindi naging madali ang lahat dahil wala pa namang CCTV noong mga panahon na iyon at wala kaming clue kung ano ba talagang nangyari sa iyo. Pero nang binalikan namin ang ospital kung saan ka ipinanganak, umamin na rin ang Head Nurse na siya ang nagbabantay sa nursery noong mga panahong iyon. At kahit alam na niya ang nangyaring pagpapalit sa inyo, hindi niya magawang isumbong dahil kapag nalaman ng ospital ang kapabayaan niya, matatanggal siya sa trabaho.”
“Pero…” Lalong naguguluhan si Samantha. Hindi siya makapagdesisyon lalo na at ramdam niyang gusto rin siyang makasama ng kaniyang tunay na ama. “Paano naman po ang mga magulang ko?”
“Huwag kang mag-alala. Bibigyan ko sila ng thirty million pesos, kabayaran sa mga taon na ginugol nila para alagaan at mahalin ka.” Pilit na inaamo ni Peterson si Samantha ngunit halata namang mas matimbang pa rin ang mga Reyes kaysa sa kaniya. “Saka, alam mo kasi… Nasa second stage na ang pancreatic cancer ko, anak. Kailangan kong mag-undergo ng chemotherapy sa lalong madaling panahon. Sana, habang malakas pa ko, gusto kitang makasama…”
Muling namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Dahil hindi naman ganoon kalaki ang laboratory center, naririnig ng iba sa mga naroon ang pinag-uusapan nila. Nakatingin ang mga ito kay Samantha na para bang nanonood ng pelikula sa totoong buhay. Samantala, ramdam ni Samantha ang mainit na haplos ng kaniyang ina sa kaniyang likod. Inaasahan na niya ang maluha-luhang ekspresyon ng kaniyang mga magulang pero ngayon na hindi na maitago ng mga ito ang kalungkutan, lalo siyang hindi makapag-desisyon. “Bakit hindi tayo mag-usap sa bahay niyo?” suhestiyon ni Peterson. Naririnig nila ang alingasngas mula sa mga nagtsitsismisan sa kanilang tabi kaya naman mabilis na pumayag ang pamilya Reyes sa suhestiyon nito. Naunang sumakay si Peterson sa sasakyan at inimbitahan ang
“Mukhang mataas ang kumpiyansa mo na gagawin ko ang lahat ng gusto mong hilingin. Paano kung ayoko?” Gustong makipagnegosasyon ni Peterson dahil kinakabahan siya sa mga posibleng hilingin ni Marion sa kaniya. Sa lahat ng mga gustong ibigay nito sa mga magulang na nag-alaga rito, halos naging doble na ang presyo ng mga iyon kumpara sa nauna niyang sinabi na tatlumpung milyon. “Bakit? May pagpipilian pa po ba kayo? Matanda na ko, hindi na ko menor de edad kaya nasa akin na lang iyon kung kikilalanin ko kayong ama, hindi po ba?” naroon ang paggalang ngunit ramdam niya na alam ni Marion kung ano-ano ang mga barahang hawak nito na pwedeng ipanlaban sa kaniya. Marahas na bumuga ng hangin si Peterson. Nag-uumpisa pa lang ang negosasyon pero ramdam na niya kaagad ang pagkabig
Nagulat si Peterson sa sinabi ng kaniyang anak pero imbes na magalit, nakaramdam siya ng kakaibang tuwa. “Mukhang napalagay na kaagad ang loob mo sa ‘kin dahil sinasabi mo na sa akin kung ano ba talagang iniisip mo kahit sandali pa lang tayong magkasama.” Nagpakawala ng buntong-hininga si Marion at tumingin sa labas ng bintana. Ang sigla at saya na ipinapakita niya kanina ay naghalong parang bula. “Alam ko naman na kapag sumama ako sa inyo, siguradong magiging kumplikado lang ang buhay ko. Pero kung iisipin ko rin namang mabuti, maibibigay niyo sa ‘kin nang walang kahirap-hirap ang yaman na hindi ko kayang kitain sa buong buhay ko. Nakakalungkot naman kung hindi ko matitikman iyon, ‘ di ba? At isa pa… Baka ito na ang pagkakataon para magkaroon naman ng excitement sa buhay ko.” Muling ngumiti si Marion.
Tila isang bata na noon lang nakakita ng laruan ang itsura ni Marion. Sa mga pelikula, nobela, at webtoon niya lang nakikita ang mga ganoong klase ng credit card. Daang-libo kasi ang kailangan na maintaining balance sa mga ganoong klase ng card. Isang paalala iyon mula sa kaniyang ama na kahit magkano ang gastusin niya, hindi basta-basta mauubos ang pera nito. Mabilis niyang inilagay sa kaniyang bulsa ang credit card dahil ayaw niyang magbago pa ang isip nito. Ngumiti siya at malambing ang kaniyang tinig, “Ingat po kayo, Dad.” Natawa naman si Peterson sa reaksyon niya at marahan nitong hinaplos ang kaniyang buhok. “Anak, ito ang tatandaan mo. Simula ngayon, ikaw na si Marion Jade Viray, ang nag-iisang tagapagmana ng may-ari ng FD Bank. Know your worth,” makahulugan nitong sabi.
“Teka… Bakit pati ‘yong mga jacket na mukhang hindi ko naman magagamit dahil wala namang winter sa Pilipinas, binili mo?” bulong ni Marion kay Emily. Pero ang totoo, nalulula siya sa presyo ng kabuuang halaga ng mga pinamili niya. Ilang bahay at lupa na ba ang mabibili ng mga iyon? “Miss, mabuti na pong handa ang wardrobe niyo kung sakali mang maisipan ni Sir Peterson na magbakasyon kayo sa ibang bansa. Setyembre na ngayon, malapit na ang mga holidays kaya dapat lang na naka-prepara kayo,” magalang na sagot ng kasambahay. “Ganoon ba ‘yon?” Bahagyang tumango-tango lang si Marion at bahagyang nakaramdam ng excitement dahil sa posibilidad na maranasan niyang magbakasyon sa ibang bansa.
Hindi man aminin ni Peterson ngunit natutuwa siya sa pinapakita ng kaniyang anak. Mabilis itong makaisip ng mga plano nito para maging pabor sa dalaga ang mga bagay-bagay. Naiintindihan naman niya ang anak kung gusto man nito na hindi mag-asawa. Kung hindi lang siguro konserbatibo ang kaniyang ama noon, baka ganoon din ang kaniyang magiging desisyon. Sino nga ba naman ang may kailangan ng asawa lalo na kung para rin lang naman kayong hindi magkakilala kahit sa iisang bubong lang kayo nakatira? “Dad, ang sabi mo sa ‘kin noon, hindi ko kailangan manahin ang kompaniya mo, ‘di ba? Bakit kailangan kong makilala ang mga shareholders at myembro ng board?” Uminom muna ng red wine si Peterson upang mawala ang lasa ng karne sa dila niya bago magsalita.
Martes na ng umaga, alas-nueve y’ medya na pero mukhang wala pang balak na bumangon si Marion mula sa higaan niya. Noon lang niya naranasan na matulog sa napakalambot na water bed na may nakapatong pang malambot na comforter sa ibabaw. Ngunit nang maaninag niya ang sikat ng araw na nakaalpas mula sa maliit na awang ng kurtina, doon unti-unting nagising ang kaniyang diwa. Malamig ang hangin na lumalabas sa air conditioner kaya kahit nag-inat siya ng mga braso, tila hinihila pa rin siya ng kaniyang kama upang matulog pa. Pagkatapos ng tatlong katok mula sa kabilang panig ng pintuan, narinig niya ang pamilyar na tinig na palagi niyang kasama simula kahapon. “Tanghali na po, Miss Marion. Ano po bang gusto niyong almusal?” Doon lang idinilat nang husto ni Mar
Napangiti at napabungisngis si Mr. Sanchez, pati na rin ang mga tauhan nito. Pero nang mapansin nila na hindi tumawa si Marion at hindi man lang kumibo si Emily, tumikhim ang mga ito at nagkunwaring nauubo lang. Tila natakot ang mga ito na mapikon si Marion sa inasal ng mga ito kaya naman humingi kaagad ng paumanhin ang grupo nila Mr. Sanchez. Pero si Marion, bukod sa wala siyang pakialam sa iniisip ng mga ito, wala rin siyang balak na isuot ang kahit na isa sa mga alahas na dinala ng mga ito. Ang ine-expect niya kasing dadalhin ng mga ito ay mga alahas na pwede niyang gamitin sa pang-araw-araw niyang pananatili sa mansyon. Hindi mga alahas na dapat ilagay sa vault ng mga bangko. “Mr. Sanchez, kung tama ang memorya ko, sinabi ko naman sa team niyo sa telepono na simple lang ang mga gusto ni Miss Marion. Hindi niya magugustuhan ang mga dinala niyo.”
Nawalan na ng lakas si Marion magreklamo nang bigla siyang makatulog. Hindi niya akalain na mararanasan niyang makainom ng tubig na may halong pampatulog kahit bottled water ang ibinigay sa kaniya. Sa pelikula lang kasi niya nakikita ang mga ganoon, ginagamitan ng injection ang takip nito para mapasukan ng gamot nang hindi mapapansin ng biktima. Nang magising siya, nakasakay na siya sa eroplano at may dalawampung minuto na lang bago bumaba ng Macau. Medyo groge pa siya pero pinilit niyang bumangon. Kung hindi dahil sa announcement ng piloto, hindi pa siya magigising. Pumunta siya sa banyo na naroon sa malapit at sinubukang mag-shower para tuluyang mawala ang kaniyang antok. “Ang walang hiyang Romeo na iyon… Isusumbong ko talaga siya sa Daddy ko!” asik ni Marion. Kung tutuusin, dapat siyang magpasalamat sa ginawa nito dahil iyon lang ang paraan para mapakalma niya ang kaniyang sarili noong mga oras na iyon. Dahil kung mauuna ang init ng ulo niya, baka tuluyang m
Katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa hanggang sa bahagyang humagikhik si Romeo mula sa kabilang linya. Masigla ang naging halakhak nito ngunit kaagad din itong tumigil at pilit na pinakalma ang sarili. “Miss Marion, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo ngayon pero… Hindi ko matatanggap kung ngayon ka pa mawawalan ng tiwala sa ‘kin –” “Shut up. Hindi ka magaling magsinungaling. Nahuli na kita…” Marahas na nagbuga ng hangin si Marion. “Iniisip ko noon na samin ng Daddy ko, ako talaga ang may tama sa utak. Pero ngayon… I changed my mind. Siya lang ang kilala ko na kayang sumugal nang ganito para lang makuha ang gusto niya.” “Miss Marion, alam mo –” “Gusto kong magtiwala sa mga plano niyo ni Daddy pero… Hindi niyo naman maiaalis sakin na matakot ako, ‘di ba? You’re practically saying na isugal ko ang buhay naming mag-ina rito.” Namumuo na ang patak ng luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Pinipilit niyang maging malakas. Pero sa bawat segundo na tum
“A-Anong sinasabi mo bata? Wala kong alam diyan.” Naging malikot ang mga mata ni Berto, halatang may itinatago ito. “Huwag mo nang alamin. Gawin mo na lang ang gusto ng boss namin para makuha na namin ang pera. Ayaw mo bang matapos na kaagad ang lahat ng ito para makauwi ka sa inyo?” Lumapit si Abel sa upuan ni EJ at tumayo ito sa likuran. “Berto, bilisan mo na!” “Oo na… Oo na… Ito na nga…” Nagmamadaling lumapit si Berto sa camera at simpleng pinindot ang ilang button. “Ayan! Okay na!” Muling tiningnan ni EJ ang papel bago tumingin sa lente ng camera. “Mom… Dad…” panimula niya. “Nanghihingi sila ng five hundred million pesos kapalit ko…” Kumunot ang noo ni Abel. “Basahin mo na lang kasi –” “Kaso Eomma… May mali ka sa parteng ito. May pangatlong version ang kwento. Mukhang mahihirapan ka sa pagkakataong ito.” “T-teka! Ano bang sinasabi mo? Sundin mo lang ang nakasulat sa papel! Ano ba!” Napakamot si Berto sa ulo nito. “Ang tigas talaga ng ulo m
Nang maramdaman ni EJ na unti-unting bumabagal ang takbo ng bangka, bigla siyang naging alerto. Hindi pa rin siya gumagalaw o nagpumiglas man lang. Alam niyang sasayangin lang niya ang kaniyang lakas dahil nasisiguro niyang nasa kung saan sila at mas malaki ang tsansa niyang mabuhay kung susundin lang niya ang sinasabi ng mga ito. “Buhay pa ba ito? Bakit hindi man lang gumigising?” tanong ng isa sa mga lalaki. Lumapit ang isa pang lalaki sa puwesto ni EJ at itinapat ang daliri nito sa ilong niya. Nang mapansin nito ang kaniyang paghinga, walang kaabog-abog siya nitong binuhat sa balikat nito. “Tara na, kanina pa tayo hinihintay ni Boss.” “Ang weird naman ng batang iyan. Hindi man lang siya sumisigaw o umiiyak. Normal ba iyan?” Napailing-iling pa ang lalaki na payat ang katawan. “Akala ko kasi magwawala siya kaya binusalan ko na rin. Pero mukhang balewala lang sa kaniya ang nangyayari.” Ngumisi ang lalaking kalbo at balbas-sarado na bumubuhat kay EJ mula s
Mabilis na kinuha ni Marion ang bag na iyon. Binasa niya ang nakasulat sa memo pad. Nakasulat doon ang pangalan ng isang private hotel sa isang isla. Unti-unting kumurba ang ngiti mula sa kaniyang mga labi. “Salamat… Salamat dito sa note na iniwan mo sa tablet niya.” Ibinigay niya ang tablet kay Francis. “M-Miss Marion… Isa itong private island malapit sa Palawan.” Ibinaba ni Francis ang baril nito. “Anong balak niyo, Miss?” “Anong pangalan mo?” tanong ni Marion sa lalaking hostage nila noong mga oras na iyon. “Nag-iwan ng mensahe si EJ pero kami lang ang makakabasa no’n dahil sinanay namin siya na matuto ng Hangul (South Korean alphabet). Kaya alam kong ikaw ang nag-iwan ng note sa tablet na nakasulat sa ingles.” Awtomatikong napatingin si Francis sa estranghero. Magaling kasi itong umarte na parang wala sa sarili. Bahagya pa itong nagta-tantrums para magmukhang makatotohanan na hindi talaga ito ganoon katalino. Kinabahan si Francis kaya muli nitong tinutukan
Hindi nakapagsalita ang mga kausap ni Marion dahil sa pagkabigla. Nakatitig lang ang mga ito sa kaniya, halatang hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi. Kahit ituring ng mga ito na isang biro ang mga salitang binitawan niya, hindi iyon nakakatawa. May kapangyarihan pa rin ang mga ito, lalo na sa mga lugar na sinasakupan ng mga ito. “Excuse me… Miss Viray,” si Mayor Enriquez ang unang nakabawi. “Baka nakakalimutan mo na hindi lang ikaw ang anak ng negosyante dito –” “Well, kung napapansin niyo, wala ako sa mood para makipagplastikan at i-filter ang mga sinasabi ko kaya didiretsahin ko na kayo… Maam/Sir.” Pilit na ngumiti si Marion. “Dahil sa hindi niyo pagsunod sa protocol ng security namin, nagkaroon ng isang insidente… Na sisiguruhin ko sa inyong magiging dahilan ng pagbagsak ng karera niyo sa pulitika kung hindi kayo makikipag-cooperate sakin.” “T-teka, Miss Marion. Narinig mo naman na siguro ang mga balita, di ba? Kailangan ko ng bodyguard na palaging kasama
“A-Ano?” Biglang bumalikwas ang mag-asawa nang marinig ang anak. Si Seojun ang unang tumayo at tinulungan si Marion na makabangon pero hindi nito tinanggal ang tingin kay Eclaire. “Paanong wala? Wala ba siya sa kwarto namin?” “Baka naman nasa banyo lang ang kapatid mo, o baka may hihiramin sa mga gamit mo kaya pumasok sa kwarto mo. Wala namang ibang pupuntahan iyon. At lalong hindi lalabas si EJ nang hindi kasama ang isa satin, alam mo naman na ayaw niyang nakikisalamuha sa ibang tao.” Nanginginig ang mga tuhod ni Marion. Hindi niya alam kung dahil iyon sa biglang pagtayo o dahil sa matinding takot na kaniyang nararamdaman. Napakamot si Eclaire sa buhok nito. “Mom! Dad! Hindi naman ako magsisisigaw dito kung nandiyan lang siya sa loob. Natural, tiningnan ko na ang banyo at lahat ng kwarto sa suite na ito pero wala siya. Bukod pa ro’n…” Tila may naalala ang dalaga at nagtatakbo papasok sa loob. Nagmamadaling sumunod sina Seojun at Marion. Dumiretso sila sa kuwar
“Salamat, hon. Mag-ingat kayo ni Ethan sa byahe… Ako na muna ang bahala rito.” Pinasadahan ni Marion ng mabilis na halik sa pisngi ang asawa. Iyon ang pinaka-gusto niya rito. Palagi itong rational mag-isip at tinitingnan ang mga bagay sa mas malawak na perspektibo. Pagkatapos ng mga laboratory tests na ginawa kay Peterson, dinala na ito sa VIP Suite ng ospital. Kailangan na lang nilang malaman ang sanhi ng pagsakit ng tiyan ng Daddy niya. Pero sa mga oras na iyon, nabigyan na ng pain reliever medicine si Peterson kaya kumalma na ito at nagsimulang makaramdam ng antok. “Bakit gising ka pa, Dad? Matulog ka na para bumalik ang lakas mo… Siguradong malalaman din natin ang laboratory results mo mamayang madaling araw,” untag ni Marion sa ama. Halata namang groge na ito sa gamot pero pilit pa rin nitong hinawakan ang manggas ng damit niya. “H-huwag mong hayaan na malaman ito ng iba, anak…” “I know, Dad. Huwag kang mag-alala. Nagpagawa na ko ng Non-Disclosure Agreement sa abogado natin. S
Masaya siya… Hindi, mas tamang sabihin na matagal niyang ipinagdasal na muli silang magkita at makasama nang matagal si Kenneth. Sa tuwing nagbabakasyon siya sa South Korea, palagi itong abala sa trabaho at pag-aaral nito. Halos hindi sila nagkikita, maliban na lang kung magpupuyat siya kakahintay sa binata. Night classes ang kinuha nito dahil halos gawin nang full time ni Kenneth ang trabaho nito. Gusto raw kasi nitong makaipon kaagad para sa pamilya nito – lalo na para sa Mama nito. Pagkatapos ng tatlong taon, nangyari ang kagustuhan ng binata na makauwi na sa South Korea ang nanay nito. Sa kabilang banda, ayaw niyang maramdaman na napag-iiwanan siya kaya kung ano-anong online courses para madagdagan ang kaalaman niya. Gusto sana niyang maging businesswoman, iyon ang orihinal niyang pangarap dahil gusto niyang yumaman. Pero noong minsan na mag-isa siya sa kaniyang silid, nakita na lang niya ang kanyang sarili na nagtitipa ng mga letra sa laptop niya. Humahabi ng maikling