Muling namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Dahil hindi naman ganoon kalaki ang laboratory center, naririnig ng iba sa mga naroon ang pinag-uusapan nila. Nakatingin ang mga ito kay Samantha na para bang nanonood ng pelikula sa totoong buhay. Samantala, ramdam ni Samantha ang mainit na haplos ng kaniyang ina sa kaniyang likod. Inaasahan na niya ang maluha-luhang ekspresyon ng kaniyang mga magulang pero ngayon na hindi na maitago ng mga ito ang kalungkutan, lalo siyang hindi makapag-desisyon.
“Bakit hindi tayo mag-usap sa bahay niyo?” suhestiyon ni Peterson.
Naririnig nila ang alingasngas mula sa mga nagtsitsismisan sa kanilang tabi kaya naman mabilis na pumayag ang pamilya Reyes sa suhestiyon nito. Naunang sumakay si Peterson sa sasakyan at inimbitahan ang mag-asawa na ihahatid na sumakay na rin. Dahil mainit na at baka tumaas pa ang presyon ng mga magulang kapag naglakad sa initan, pumayag na rin si Samantha sa suhestiyon ni Peterson. Sa loob ng mamahaling limousine, nakaupo si Peterson sa pinakahulihang bahagi, katabi ang bodyguard na si Romeo. Nakaharap naman si Danny, Samantha at Nora sa mga ito.
Walang imik ang mag-asawa habang nasa loob ng sasakyan. Noon lang sila nakasakay sa ganoon kagarang kotse, nakaranas makaupo sa mamahaling seat cover at makitang may kotse pala na may mini-refrigerator na sa loob. Binigyan ng malamig na bote ng mineral water si Nora dahil tila namumutla na ito. Awtomatiko naman na kinuha iyon ni Samantha at pinainom sa kaniyang ina. Malamig ang aircon ng sasakyan na nagbibigay ng kakaibang kilabot sa kanila. At nang magsimulang umandar iyon, halos hindi nila narinig ang ingay ng makina. Doon napagtanto ni Samantha kung gaano kalayo ang estado ng kaniyang tunay na ama sa kinalakhan niyang buhay.
Nang makarating sila sa bahay ng mga Reyes, nagmamadali ang mga magulang niya na magbigay ng kahit na anong pwedeng ihain sa kanilang bisita. May mamon at softdrinks silang binili para sana sa miryenda nila mamayang alas-tres ng hapon pero inihain na nila ang mga iyon kay Peterson bilang pasalamat sa paghahatid nito sa kanila.
Si Samantha naman ay tahimik na nakaupo sa sofa, kaharap ng puwesto ni Peterson. Habang tumatagal, lalo niyang napapansin ang mga maliliit na detalye na nagsasabing kamukha nga niya ang lalaking nakaupo sa kaniyang harapan. Bukod sa kanilang parehas na kulay at kulot na buhok, parehas sila ng kilay -- tamang-tama ang haba at hindi na kailangan pang ayusin. Ang mga pilikmata nito ay nakakurba kagaya no’ng sa kaniya. Mas manipis ang labi nito sa itaas kumpara sa ibaba, kagaya ng kaniyang mga labi. Kahit wala ag resulta ng paternity test, masasabi naman talaga na malaki ang pagkakahawig niya kay Peterson.
“Pumapayag na ko… Sasama ako sa inyo, pero may kondisyon din ako.” Tiningnan ni Samantha nang diretso sa mga mata si Peterson. Naguguluhan pa siya sa mga nangyayari pero kung sakali man, nandito sa kanilang harapan ang isa sa pinakamayamang bilyonaryo sa Pilipinas at kinukuha siya bilang anak nito. Sino siya para tumanggi sa grasya, ‘di ba? “Bukod sa tatlumpung milyon na makukuha ng mga magulang ko, gusto ko rin na tulungan niyong makatapos ng pag-aaral ang Kuya Tyron ko. Isang taon na lang at makakatapos na siya bilang Civil Engineer. Sayang ang talino at abilidad niya kung magiging foreman lang siya habang buhay.”
“Iyon lang ba? Walang problema. Sasagutin ko ang tuition fee niya at pati na rin ang allowance niya.” Ngumiti si Peterson dahil pumapanig na sa pabor niya ang sitwasyon.
“Gusto ko rin na masigurong may titingin sa mga magulang ko. Gusto kong magbigay kayo ng makakatulong nila rito sa bahay, lalo na sa mga gawaing-bahay. Saka… Gusto ko rin ng bagong bahay para sa mga magulang ko, ‘yong mas malaki kaysa rito. At saka gusto ko rin na magbigay kayo ng negosyo para sa kanila.” Hindi inaalis ni Samantha ang kaniyang tingin kay Peterson. Pinag-aaralan niya ang bawat kibot ng mukha nito. “Bilyonaryo kayo kaya alam kong barya lang sa inyo ang hinihiling ko, hindi ba? Hindi naman siguro masamang magbigay kayo sa mga taong nag-alaga sa ‘kin ng halos tatlong dekada.”
Mula sa ngiti, bahagya pang natawa si Peterson. Doon nito napatunayan na nagmana talaga rito ang anak. “Iyon lang ba? Huwag kang mag-alala. Hindi naman kita aalisan ng karapatan na makausap at makita ang mga nagpalaki sa iyo. Ang gusto ko lang, sumama ka sa ‘kin at gamitin ang iyong bagong pangalan -- ang totoo mong pangalan: Marion Jade Viray.”
“Anak, hindi naman namin kailangan ang lahat ng iyon. Sapat na samin na makita at makasama ka paminsan-minsan.” Muli na namang naluluha si Nora habang hinahawakan ang dulo ng suot na tshirt ni Samantha. Ramdam ng Ginang ang papalapit nilang paghihiwalay kaya naman para itong bata na ayaw mawalay sa minamahal.
“Tama siya, Sam. Hindi namin kailangan ang kahit na ano.” Tumingin saglit si Danny kay Peterson bago muling tumingin kay Samantha. “Gusto lang namin na makita ang libingan ng batang sinasabi ni Peterson kung saan nakalibing ang totoo naming anak.”
“Kung ganoon, pwede ko kayong dalhin doon kung kailan niyo gustong pumunta. Kailan niyo balak --”
“Ngayon na po sana.” Hindi na pinatapos ni Danny ang sinasabi ni Peterson. “Gusto naming malaman kung anong nangyari sa anak namin.”
Hinawakan ni Danny ang balikat ng asawa nito, bahagya namang pinisil ni Samantha ang kamay ng kaniyang ina. “Sasama po ako. Gusto ko rin siyang makilala… Ang totoong Samantha Reyes.” Buo na ang loob ni Samantha na tanggapin nang maluwag sa kaniyang puso ang lahat ng mga pagbabagong nararanasan niya ngayon.
“Kung ganoon, sumama kayo sa ‘kin. Pupunta tayo ngayon sa sementeryo. Huwag kayong mag-alala. Kahit nalaman kong hindi siya ang totoo kong anak, hindi ko pinabayaan ang puntod niya at siniguro kong dinadalaw siya sa kaniyang kaarawan taon-taon.” Iyon lang ang alam ni Peterson na pwedeng magpalubag ng loob sa mga Reyes kaya sinabi niya kaagad iyon.
“Salamat po… Maraming salamat.” Sa unang pagkakataon, ngumiti si Nora sa harapan ni Peterson. “Bakit hindi po muna kayo mag-miryenda? Magpapalit lang po muna ako ng damit.”
Tumango si Peterson bilang pagsang-ayon. Sumama naman si Danny sa asawa para magpalit din ng damit. Kahit paano, gusto nilang maging maayos ang itsura nila kapag pumunta sila sa puntod ng kanilang anak. Pagkakataon na rin iyon para masabi nila sa kanilang anak na si Tyron ang lahat ng mga nangyari, at mga posibleng mangyari sa hinaharap. Samantala, nanatili naman si Samantha sa salas, binabantayan si Peterson habang kumakain ito ng mamon na binili niya kaninang umaga sa panaderya.
“Wala na po rito ang mga magulang ko. Pwede niyo na bang sabihin sa ‘kin ang totoong dahilan kaya gusto niyo kong kunin mula sa mga kinalakhan kong magulang?”
“Anong ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan.”
Ramdam ni Samantha na ka-ugali niya ang ama kaya alam niyang may itatago ito sa kanila. “Hindi ko alam kung anong parte ng mga sinasabi niyo ang hindi totoo. Pero… Hindi nasasagot ng mga iyon ang mga tanong sa utak ko. Una, kung matagal niyo nang alam na nawawala pala ang anak niyo, bakit ngayon lang kayo lumapit sa akin? Hindi ako naniniwalang hindi niyo makukuha ang mga impormasyon na gusto niyo lalo na kung may pera kayo para ipantapat sa kahit kanino. Kung gusto niyo talaga akong mahanap, dapat, noon pa kayo pumunta sa ospital na iyon para malaman ang totoo. Pangalawa, bakit kailangan kong sumama sa inyo? Alam ko kung ano-ano ang posible kong makuha mula rito pero hindi ko makita kung ano bang makukuha niyo mula sa ‘kin. Pangatlo, bakit kailangan kong baguhin ang pangalan ko? Hindi pa ba sapat na nakita niyo ko? Bakit kailangan niyong mag-aksaya ng oras at pera para sa legal na proseso samantalang pwede niyo naman akong pamanahan na lamang at kalimutan pagkatapos?”
“Romeo, kita mo na? Sabi ko naman sa iyo… Carbon copy ko talaga ang batang ito.” Binuntutan ni Peterson ng masiglang halakhak ang kaniyang sinabi.
Sa unang pagkakataon, ngumiti si Romeo sa harapan ni Samantha. “Tama po kayo, Sir.”
Kumunot ang noo ni Samantha. Hindi iyon ang inaasahan niyang reaksyon mula sa mga ito. “Hindi ko maintindihan…”
“Tama lang na itanong ang mga iyon. Pero huwag kang mag-alala, may sagot naman ako sa mga gusto mong malaman.” Itinigil ni Peterson at seryosong tumingin kay Samantha. “Marion, anak, alam kong may hinala ka na rin at gusto mo lang na marinig mula sa bibig ko ang sagot. Bueno… Una, hindi ko kaagad nalaman ang lokasyon mo dahil may ahas na tumutulong pala sa asawa ko para hindi kita mahanap. Hindi ko alam kung ayaw nilang mahanap kita dahil sa sama ng loob o dahil sa katotohanan na ikaw ang nag-iisang tagapagmana ko.”
Napalunok si Samantha. Bago sa kaniyang pandinig ang pangalang iyon ngunit madali lamang para sa kaniya na masanay sa maliliit na pagbabago. “Tama… Wala nga pala kayong anak bukod sa akin. Para sa ibang tao, ako ang nag-iisang sagabal para makuha nila ang pera at kumpaniya niyo.” May kakaibang kamandag ang ngiti niya, nagiging interesante na ang lahat para sa kaniya.
Parehas sila ng uri ng ngiti ni Peterson, para silang mga nilalang na nababasa ang iniisip ng isa’t isa kahit wala pang sinasabi ang isa sa kanila. “Sa pangalawa mong katanungan, personal na kagustuhan ko ito. Hindi ako nagkaroon ng masayang pamilya kahit noong nagkaroon na ko ng asawa. Gusto kong maranasan na mag-alaga ng isang bata, isang masaya at kumpletong pamilya. At ikaw, Marion, ikaw ang nag-iisang pag-asa ko para makuha iyon. Kapag nagkaroon ka ng asawa at anak --”
“Teka, sinong may sabi sa inyo na gusto kong magkaroon ng anak?” putol ni Samantha. “Wala akong balak na mag-asawa, magbuntis, at manganak. Pass ako riyan.”
“Talaga? Kahit bigyan kita ng isandaang bilyong piso kapalit ng pagbibigay sa ‘kin ng hinihiling kong apo?” diretsong tanong ni Peterson.
Tila nanuyo ang lalamunan ni Samantha nang marinig ang sinabi ng kaniyang totoong ama. Isandaang bilyong piso para sa sarili niya... Kapalit lamang ng isang bata. Kumpara sa perang iyon, ano na lang ba ang takot niya sa panganganak? “Papayag ako kung IVF o In Vitro Fertilization ang mangyayari. Wala akong balak na magkaroon ng boyfriend o kahit asawa. Kung gusto niyo ng apo, bibigyan ko kayo, basta pumayag kayo sa mga kondisyon ko.”
“Mukhang mataas ang kumpiyansa mo na gagawin ko ang lahat ng gusto mong hilingin. Paano kung ayoko?” Gustong makipagnegosasyon ni Peterson dahil kinakabahan siya sa mga posibleng hilingin ni Marion sa kaniya. Sa lahat ng mga gustong ibigay nito sa mga magulang na nag-alaga rito, halos naging doble na ang presyo ng mga iyon kumpara sa nauna niyang sinabi na tatlumpung milyon. “Bakit? May pagpipilian pa po ba kayo? Matanda na ko, hindi na ko menor de edad kaya nasa akin na lang iyon kung kikilalanin ko kayong ama, hindi po ba?” naroon ang paggalang ngunit ramdam niya na alam ni Marion kung ano-ano ang mga barahang hawak nito na pwedeng ipanlaban sa kaniya. Marahas na bumuga ng hangin si Peterson. Nag-uumpisa pa lang ang negosasyon pero ramdam na niya kaagad ang pagkabig
Nagulat si Peterson sa sinabi ng kaniyang anak pero imbes na magalit, nakaramdam siya ng kakaibang tuwa. “Mukhang napalagay na kaagad ang loob mo sa ‘kin dahil sinasabi mo na sa akin kung ano ba talagang iniisip mo kahit sandali pa lang tayong magkasama.” Nagpakawala ng buntong-hininga si Marion at tumingin sa labas ng bintana. Ang sigla at saya na ipinapakita niya kanina ay naghalong parang bula. “Alam ko naman na kapag sumama ako sa inyo, siguradong magiging kumplikado lang ang buhay ko. Pero kung iisipin ko rin namang mabuti, maibibigay niyo sa ‘kin nang walang kahirap-hirap ang yaman na hindi ko kayang kitain sa buong buhay ko. Nakakalungkot naman kung hindi ko matitikman iyon, ‘ di ba? At isa pa… Baka ito na ang pagkakataon para magkaroon naman ng excitement sa buhay ko.” Muling ngumiti si Marion.
Tila isang bata na noon lang nakakita ng laruan ang itsura ni Marion. Sa mga pelikula, nobela, at webtoon niya lang nakikita ang mga ganoong klase ng credit card. Daang-libo kasi ang kailangan na maintaining balance sa mga ganoong klase ng card. Isang paalala iyon mula sa kaniyang ama na kahit magkano ang gastusin niya, hindi basta-basta mauubos ang pera nito. Mabilis niyang inilagay sa kaniyang bulsa ang credit card dahil ayaw niyang magbago pa ang isip nito. Ngumiti siya at malambing ang kaniyang tinig, “Ingat po kayo, Dad.” Natawa naman si Peterson sa reaksyon niya at marahan nitong hinaplos ang kaniyang buhok. “Anak, ito ang tatandaan mo. Simula ngayon, ikaw na si Marion Jade Viray, ang nag-iisang tagapagmana ng may-ari ng FD Bank. Know your worth,” makahulugan nitong sabi.
“Teka… Bakit pati ‘yong mga jacket na mukhang hindi ko naman magagamit dahil wala namang winter sa Pilipinas, binili mo?” bulong ni Marion kay Emily. Pero ang totoo, nalulula siya sa presyo ng kabuuang halaga ng mga pinamili niya. Ilang bahay at lupa na ba ang mabibili ng mga iyon? “Miss, mabuti na pong handa ang wardrobe niyo kung sakali mang maisipan ni Sir Peterson na magbakasyon kayo sa ibang bansa. Setyembre na ngayon, malapit na ang mga holidays kaya dapat lang na naka-prepara kayo,” magalang na sagot ng kasambahay. “Ganoon ba ‘yon?” Bahagyang tumango-tango lang si Marion at bahagyang nakaramdam ng excitement dahil sa posibilidad na maranasan niyang magbakasyon sa ibang bansa.
Hindi man aminin ni Peterson ngunit natutuwa siya sa pinapakita ng kaniyang anak. Mabilis itong makaisip ng mga plano nito para maging pabor sa dalaga ang mga bagay-bagay. Naiintindihan naman niya ang anak kung gusto man nito na hindi mag-asawa. Kung hindi lang siguro konserbatibo ang kaniyang ama noon, baka ganoon din ang kaniyang magiging desisyon. Sino nga ba naman ang may kailangan ng asawa lalo na kung para rin lang naman kayong hindi magkakilala kahit sa iisang bubong lang kayo nakatira? “Dad, ang sabi mo sa ‘kin noon, hindi ko kailangan manahin ang kompaniya mo, ‘di ba? Bakit kailangan kong makilala ang mga shareholders at myembro ng board?” Uminom muna ng red wine si Peterson upang mawala ang lasa ng karne sa dila niya bago magsalita.
Martes na ng umaga, alas-nueve y’ medya na pero mukhang wala pang balak na bumangon si Marion mula sa higaan niya. Noon lang niya naranasan na matulog sa napakalambot na water bed na may nakapatong pang malambot na comforter sa ibabaw. Ngunit nang maaninag niya ang sikat ng araw na nakaalpas mula sa maliit na awang ng kurtina, doon unti-unting nagising ang kaniyang diwa. Malamig ang hangin na lumalabas sa air conditioner kaya kahit nag-inat siya ng mga braso, tila hinihila pa rin siya ng kaniyang kama upang matulog pa. Pagkatapos ng tatlong katok mula sa kabilang panig ng pintuan, narinig niya ang pamilyar na tinig na palagi niyang kasama simula kahapon. “Tanghali na po, Miss Marion. Ano po bang gusto niyong almusal?” Doon lang idinilat nang husto ni Mar
Napangiti at napabungisngis si Mr. Sanchez, pati na rin ang mga tauhan nito. Pero nang mapansin nila na hindi tumawa si Marion at hindi man lang kumibo si Emily, tumikhim ang mga ito at nagkunwaring nauubo lang. Tila natakot ang mga ito na mapikon si Marion sa inasal ng mga ito kaya naman humingi kaagad ng paumanhin ang grupo nila Mr. Sanchez. Pero si Marion, bukod sa wala siyang pakialam sa iniisip ng mga ito, wala rin siyang balak na isuot ang kahit na isa sa mga alahas na dinala ng mga ito. Ang ine-expect niya kasing dadalhin ng mga ito ay mga alahas na pwede niyang gamitin sa pang-araw-araw niyang pananatili sa mansyon. Hindi mga alahas na dapat ilagay sa vault ng mga bangko. “Mr. Sanchez, kung tama ang memorya ko, sinabi ko naman sa team niyo sa telepono na simple lang ang mga gusto ni Miss Marion. Hindi niya magugustuhan ang mga dinala niyo.”
Halos abot-tenga ang ngiti ni Peterson habang naglalakad siya papunta sa opisina ng kaniyang anak. Pinasadya niya iyon na may tatlong estante na puno ng mga nobela at may malaking lamesa at swivel chair sa pinakagitna. Binilhan din niya ng mga bagong gadgets si Marion kaya naman pwede itong magsulat sa desktop computer, laptop, o cellphone. Nangako siyang susuportahan niya ang pagiging manunulat ng kaniyang anak sa loob ng isang taon kaya naman binili niya ang mga bagay na alam niyang makakatulong kay Marion. Dahil nasa villa na siya, hindi na nakasunod si Romeo sa kaniya dahil kailangan niyang makausap si Marion nang mag-isa. Naisip niyang mas maganda kung silang dalawa lang ang makakarinig ng mga plano nila. Nang buksan ni Peterson ang pintuan, bahagya siyang nagulat dahil alas-siete na ng gabi ngunit nakapatay pa rin ang ilaw sa buong silid. Tangin
“Pasaway ka talagang bata ka…” Hinawakan ni Marion ang ulo ng kaniyang anak at masuyong ginulo iyon. “Pero seryoso, Mister Abel… Mas magiging maganda para sayo kung susunod ka sa hinihiling ko sayo. Sa ngayon, walang ibang pwedeng makatulong sayo kundi ako. Baka mamaya nga, ang alam ng Boss mo, isa ka sa mga nabaril sa pier ngayon.” “Huwag po kayong mag-alala. Sigurado naman na mas mabait ang Mommy ko kaysa sa kanila…” makahulugang sambit ni EJ. Tumingin siya sa anak at pasimpleng kumindat dito. Ramdam niyang gustong iligtas ng bata ang lalaking tumulong sa kanila kaya ganoon na lamang ang ginagawa niyang pagkumbinsi rito. Kung siya lang ang masusunod, balewala lang sa team nila Francis kung sakali mang mawala ang lalaking iyon. Pero para kay EJ, handa siyang magbigay ng excemption para kay Abel. “Alam mo kasi… Hindi ko masasabing naging perpekto ang security team namin kaya nga nagawang ma-kidnap ng grupo niyo ang anak ko. Pero ngayon, ikaw na lang mag-i
Nawalan na ng lakas si Marion magreklamo nang bigla siyang makatulog. Hindi niya akalain na mararanasan niyang makainom ng tubig na may halong pampatulog kahit bottled water ang ibinigay sa kaniya. Sa pelikula lang kasi niya nakikita ang mga ganoon, ginagamitan ng injection ang takip nito para mapasukan ng gamot nang hindi mapapansin ng biktima. Nang magising siya, nakasakay na siya sa eroplano at may dalawampung minuto na lang bago bumaba ng Macau. Medyo groge pa siya pero pinilit niyang bumangon. Kung hindi dahil sa announcement ng piloto, hindi pa siya magigising. Pumunta siya sa banyo na naroon sa malapit at sinubukang mag-shower para tuluyang mawala ang kaniyang antok. “Ang walang hiyang Romeo na iyon… Isusumbong ko talaga siya sa Daddy ko!” asik ni Marion. Kung tutuusin, dapat siyang magpasalamat sa ginawa nito dahil iyon lang ang paraan para mapakalma niya ang kaniyang sarili noong mga oras na iyon. Dahil kung mauuna ang init ng ulo niya, baka tuluyang m
Katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa hanggang sa bahagyang humagikhik si Romeo mula sa kabilang linya. Masigla ang naging halakhak nito ngunit kaagad din itong tumigil at pilit na pinakalma ang sarili. “Miss Marion, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo ngayon pero… Hindi ko matatanggap kung ngayon ka pa mawawalan ng tiwala sa ‘kin –” “Shut up. Hindi ka magaling magsinungaling. Nahuli na kita…” Marahas na nagbuga ng hangin si Marion. “Iniisip ko noon na samin ng Daddy ko, ako talaga ang may tama sa utak. Pero ngayon… I changed my mind. Siya lang ang kilala ko na kayang sumugal nang ganito para lang makuha ang gusto niya.” “Miss Marion, alam mo –” “Gusto kong magtiwala sa mga plano niyo ni Daddy pero… Hindi niyo naman maiaalis sakin na matakot ako, ‘di ba? You’re practically saying na isugal ko ang buhay naming mag-ina rito.” Namumuo na ang patak ng luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Pinipilit niyang maging malakas. Pero sa bawat segundo na tum
“A-Anong sinasabi mo bata? Wala kong alam diyan.” Naging malikot ang mga mata ni Berto, halatang may itinatago ito. “Huwag mo nang alamin. Gawin mo na lang ang gusto ng boss namin para makuha na namin ang pera. Ayaw mo bang matapos na kaagad ang lahat ng ito para makauwi ka sa inyo?” Lumapit si Abel sa upuan ni EJ at tumayo ito sa likuran. “Berto, bilisan mo na!” “Oo na… Oo na… Ito na nga…” Nagmamadaling lumapit si Berto sa camera at simpleng pinindot ang ilang button. “Ayan! Okay na!” Muling tiningnan ni EJ ang papel bago tumingin sa lente ng camera. “Mom… Dad…” panimula niya. “Nanghihingi sila ng five hundred million pesos kapalit ko…” Kumunot ang noo ni Abel. “Basahin mo na lang kasi –” “Kaso Eomma… May mali ka sa parteng ito. May pangatlong version ang kwento. Mukhang mahihirapan ka sa pagkakataong ito.” “T-teka! Ano bang sinasabi mo? Sundin mo lang ang nakasulat sa papel! Ano ba!” Napakamot si Berto sa ulo nito. “Ang tigas talaga ng ulo m
Nang maramdaman ni EJ na unti-unting bumabagal ang takbo ng bangka, bigla siyang naging alerto. Hindi pa rin siya gumagalaw o nagpumiglas man lang. Alam niyang sasayangin lang niya ang kaniyang lakas dahil nasisiguro niyang nasa kung saan sila at mas malaki ang tsansa niyang mabuhay kung susundin lang niya ang sinasabi ng mga ito. “Buhay pa ba ito? Bakit hindi man lang gumigising?” tanong ng isa sa mga lalaki. Lumapit ang isa pang lalaki sa puwesto ni EJ at itinapat ang daliri nito sa ilong niya. Nang mapansin nito ang kaniyang paghinga, walang kaabog-abog siya nitong binuhat sa balikat nito. “Tara na, kanina pa tayo hinihintay ni Boss.” “Ang weird naman ng batang iyan. Hindi man lang siya sumisigaw o umiiyak. Normal ba iyan?” Napailing-iling pa ang lalaki na payat ang katawan. “Akala ko kasi magwawala siya kaya binusalan ko na rin. Pero mukhang balewala lang sa kaniya ang nangyayari.” Ngumisi ang lalaking kalbo at balbas-sarado na bumubuhat kay EJ mula s
Mabilis na kinuha ni Marion ang bag na iyon. Binasa niya ang nakasulat sa memo pad. Nakasulat doon ang pangalan ng isang private hotel sa isang isla. Unti-unting kumurba ang ngiti mula sa kaniyang mga labi. “Salamat… Salamat dito sa note na iniwan mo sa tablet niya.” Ibinigay niya ang tablet kay Francis. “M-Miss Marion… Isa itong private island malapit sa Palawan.” Ibinaba ni Francis ang baril nito. “Anong balak niyo, Miss?” “Anong pangalan mo?” tanong ni Marion sa lalaking hostage nila noong mga oras na iyon. “Nag-iwan ng mensahe si EJ pero kami lang ang makakabasa no’n dahil sinanay namin siya na matuto ng Hangul (South Korean alphabet). Kaya alam kong ikaw ang nag-iwan ng note sa tablet na nakasulat sa ingles.” Awtomatikong napatingin si Francis sa estranghero. Magaling kasi itong umarte na parang wala sa sarili. Bahagya pa itong nagta-tantrums para magmukhang makatotohanan na hindi talaga ito ganoon katalino. Kinabahan si Francis kaya muli nitong tinutukan
Hindi nakapagsalita ang mga kausap ni Marion dahil sa pagkabigla. Nakatitig lang ang mga ito sa kaniya, halatang hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi. Kahit ituring ng mga ito na isang biro ang mga salitang binitawan niya, hindi iyon nakakatawa. May kapangyarihan pa rin ang mga ito, lalo na sa mga lugar na sinasakupan ng mga ito. “Excuse me… Miss Viray,” si Mayor Enriquez ang unang nakabawi. “Baka nakakalimutan mo na hindi lang ikaw ang anak ng negosyante dito –” “Well, kung napapansin niyo, wala ako sa mood para makipagplastikan at i-filter ang mga sinasabi ko kaya didiretsahin ko na kayo… Maam/Sir.” Pilit na ngumiti si Marion. “Dahil sa hindi niyo pagsunod sa protocol ng security namin, nagkaroon ng isang insidente… Na sisiguruhin ko sa inyong magiging dahilan ng pagbagsak ng karera niyo sa pulitika kung hindi kayo makikipag-cooperate sakin.” “T-teka, Miss Marion. Narinig mo naman na siguro ang mga balita, di ba? Kailangan ko ng bodyguard na palaging kasama
“A-Ano?” Biglang bumalikwas ang mag-asawa nang marinig ang anak. Si Seojun ang unang tumayo at tinulungan si Marion na makabangon pero hindi nito tinanggal ang tingin kay Eclaire. “Paanong wala? Wala ba siya sa kwarto namin?” “Baka naman nasa banyo lang ang kapatid mo, o baka may hihiramin sa mga gamit mo kaya pumasok sa kwarto mo. Wala namang ibang pupuntahan iyon. At lalong hindi lalabas si EJ nang hindi kasama ang isa satin, alam mo naman na ayaw niyang nakikisalamuha sa ibang tao.” Nanginginig ang mga tuhod ni Marion. Hindi niya alam kung dahil iyon sa biglang pagtayo o dahil sa matinding takot na kaniyang nararamdaman. Napakamot si Eclaire sa buhok nito. “Mom! Dad! Hindi naman ako magsisisigaw dito kung nandiyan lang siya sa loob. Natural, tiningnan ko na ang banyo at lahat ng kwarto sa suite na ito pero wala siya. Bukod pa ro’n…” Tila may naalala ang dalaga at nagtatakbo papasok sa loob. Nagmamadaling sumunod sina Seojun at Marion. Dumiretso sila sa kuwar
“Salamat, hon. Mag-ingat kayo ni Ethan sa byahe… Ako na muna ang bahala rito.” Pinasadahan ni Marion ng mabilis na halik sa pisngi ang asawa. Iyon ang pinaka-gusto niya rito. Palagi itong rational mag-isip at tinitingnan ang mga bagay sa mas malawak na perspektibo. Pagkatapos ng mga laboratory tests na ginawa kay Peterson, dinala na ito sa VIP Suite ng ospital. Kailangan na lang nilang malaman ang sanhi ng pagsakit ng tiyan ng Daddy niya. Pero sa mga oras na iyon, nabigyan na ng pain reliever medicine si Peterson kaya kumalma na ito at nagsimulang makaramdam ng antok. “Bakit gising ka pa, Dad? Matulog ka na para bumalik ang lakas mo… Siguradong malalaman din natin ang laboratory results mo mamayang madaling araw,” untag ni Marion sa ama. Halata namang groge na ito sa gamot pero pilit pa rin nitong hinawakan ang manggas ng damit niya. “H-huwag mong hayaan na malaman ito ng iba, anak…” “I know, Dad. Huwag kang mag-alala. Nagpagawa na ko ng Non-Disclosure Agreement sa abogado natin. S