Halos abot-tenga ang ngiti ni Peterson habang naglalakad siya papunta sa opisina ng kaniyang anak. Pinasadya niya iyon na may tatlong estante na puno ng mga nobela at may malaking lamesa at swivel chair sa pinakagitna. Binilhan din niya ng mga bagong gadgets si Marion kaya naman pwede itong magsulat sa desktop computer, laptop, o cellphone. Nangako siyang susuportahan niya ang pagiging manunulat ng kaniyang anak sa loob ng isang taon kaya naman binili niya ang mga bagay na alam niyang makakatulong kay Marion.
Dahil nasa villa na siya, hindi na nakasunod si Romeo sa kaniya dahil kailangan niyang makausap si Marion nang mag-isa. Naisip niyang mas maganda kung silang dalawa lang ang makakarinig ng mga plano nila. Nang buksan ni Peterson ang pintuan, bahagya siyang nagulat dahil alas-siete na ng gabi ngunit nakapatay pa rin ang ilaw sa buong silid. Tangin
Sa pinaka-itaas na baitang ng hagdan, nakatayo roon ang babae na nasa animnapu’t dalawang taong gulang na ngunit mukha itong bata ng limang taon kaysa sa tunay nitong edad dahil maalaga ito sa katawan, lalo na sa balat. Ang babae ay nakasuot ng kulay asul na dress na hanggang tuhod, na pinatungan ng itim na blazer dahil may pupuntahan ito kahit linggo. Sa laki ng mga brilyante na nakalagay sa mga tenga nito, pati na rin sa suot na tatlong layer ng mga perlas sa leeg nito, alam na kaagad ni Marion kung sino ang babaeng iyon. “Peterson, nababaliw ka na ba? Sinong may sabi sa iyong pwede mong iuwi rito ang ang bastardo mo --” “Hindi ko hinihingi ang opinyon mo, Diana. Ipinakilala ko lang siya sa iyo para naman makilala mo siya at hindi manggaling sa i
Ngumiti lang si Marion. “Good morning.” Masigla ang tinig niya kaya lalong kumulubot ang noo ng Ginang. “Ang sabi ng Daddy ko, huwag ko raw intindihin ang sinasabi ng kahit sino maliban sa kaniya. At saka kung gusto niyong laitin ang biological mother ko, sige lang. Nakakainis naman talaga ang ginawa niyang pagpatol sa lalaking may asawa na. Pero kung mamaliitin niyo ko dahil hindi sa kung anong ginawa ng mga magulang ko, hindi naman tama iyon. ‘Di ba po?” Napaismid si Diana sa mga sinabi niya pero hindi ito kumibo. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa na para bang sinusukat ang pagkatao niya. Wala naman siyang pakialam kaya nagpapatuloy lang siya sa pag-eehersisyo. Para kay Marion, isang estranghera lamang ang Ginang na walang magagawa sa kaniya. Pero kapag pumunta siya sa ibang bansa o kapag nalaman nito ang binaba
“Pupunta tayo kaagad?” iyon kaagad ang naibulalas ni Marion. Ngayon pa lang niya makikita ang passport na inasikaso niya, pati na rin ang mga government valid IDs na hinintay niya pero aalis na kaagad sila. “Of course. Meron pa ba tayong kailangan hintayin?” tanong din ang isinagot nito. Napailing lang si Marion. Matagal na niyang nasabi sa kaniyang mga kinagisnang magulang ang pagpunta niya ng South Korea kaya maiintindihan ng mga ito kapag tumawag siya bukas ng umaga para ibalita ito. “Wala naman po, Dad. Kakauwi niyo lang ba? Kumain na kayo?” Noong una, masyadong magaspang ang pakikitungo niya sa kaniyang totoong ama dahil hindi pa rin siya naniniwala sa pinagsasasabi nito. Pero nang makita niya na sinusubukan talaga nitong bumawi sa
Dahil may nakasapak na earphones sa tenga niya, hindi na napansin ni Marion na tinatawag siya ng Daddy niya. Nandoon na kasi siya sa magandang parte kung saan pansamantalang maghihiwalay ang mga bidang karakter para hanapin nila ang mga bagay na nawala sa pagkatao nila dahil sa toxic nilang relasyon. Kung hindi siya kinalabit ni Peterson at sinenyasan na mag-ayos na ng gamit, hindi pa siya hihinto. “Dad, nasa South Korea na ba tayo?” tanong niya. Tinanggal niya ang earphones niya para marinig ang isasagot ng Daddy niya. “Magsuot ka na ng seatbelt mo. Malapit na raw tayo mag-landing sabi nung piloto. Bilisan mo na bago ka puntahan ng flight attendant.” “Opo. Ito n
Napangisi naman si Peterson dahil naramdaman nitong napikon si Marion. Nang makarating sila sa harap ng limousine, si Andrew ang nagbukas ng pintuan para kay Marion. Umikot naman si Peterson para sumakay mula sa kabilang pintuan. Nang masiguro na maayos na ang lahat, umupo na si Andrew sa harapan, sa tabi ng chauffeur. Nagsimula nang mag-drive ang chauffeur kaya naging relax na ang mag-ama sa mga upuan nila. “Pahiya ka roon, ‘no? Mga ganiyan ba ang mga tipo mo sa lalaki?” pang-aasar pa ni Peterson. Pilit na ngumiti si Marion kahit nasasaktan ang pride niya noong mga oras na iyon. “HIndi po. Gusto ko, ‘yong gwapo, ‘yong mukhang artista. Tipong sa sobrang gwapo, baka bigla siyang ma-kidnap kapag naglakad siya sa madilim na lugar.”
Ramdam ni Marion ang paghihimutok ng tiyan niya. Kailangan niya nang kumain dahil baka bigla na lang siyang bumulagta sa kalsada. “Gusto kong matikman ang mga pagkain sa convenience store niyo. Mukhang masarap kasi ‘yong mga nakikita ko sa mga mukbang videos.” Iyon ang palusot niya. Pero ang totoo, gutom na gutom na talaga siya at hindi niya kayang maghintay kapag pumili siya ng resturant. “Sige po, Miss Marion. Tara na,” aya nito. Nauuna lang nang kaunti si Marion habang naglalakad sila. Dumiretso sila sa elevator para makababa. Dala-dala ni Marion ang wallet at cellphone niya. Bago umalis ang Daddy niya kaninang umaga, nag-iwan ito ng one million won o mahigit forty thousand pesos sa side table. Kahit wala itong iniwang note, alam niyan
“Sobrang salamat po talaga, Miss Marion. Tama nga ang sinabi ko kanina… Iba ka talaga kumpara sa mga client ko noon. Ngayon lang ako nakakilala ng VIP client na nagbigay ng oras para samahan ang mga empleyado niya. Alam mo kasi… Sobrang nakakabwiset ang mga boss ko. Palagi na lang nilang sinasabi na kailangan ko pang galingan samantalang hindi naman sila ang nakikipagsalamuha sa mga foreign clients. Hindi naman mabait ang iba sa mga iyon.” Namumula na ang mukha ni Andrew at nagiging madaldal na. Ilang baso na rin ng beer ang naiinom nito at mukhang hindi ganoon kataas ang alcohol tolerance nito. Uminom naman ng beer si Marion bago muling kumagat ng fried chicken. Hindi ganoon ka-pait ang beer sa South Korea at hindi rin ganoon kataas ang alcohol content kumpara sa nakasanayan niya kaya naman balewala sa kaniya kahit nakaka-ap
Isang linggo rin ang inilagi ni Peterson sa Seoul. Pero dahil abala ito sa trabaho, halos hindi naman nagkasama ang mag-ama. Ngunit kahit paano, pagkatapos ng nangyari sa unang araw ni Marion sa South Korea, nagpasya ang Daddy niya na sabay silang kakain ng hapunan. Naiintindihan naman ni Marion na maraming obligasyon ang nakaatang sa mga balikat ng kaniyang ama kaya hindi na siya nagtanong pa. Hindi na ulit nakabalik si Marion sa kainan na iyon, pero ang utak niya, tila nakabisado na ang mukha ng lalaking nakita niya lang sa loob ng limang minuto. Love at first sight? Kalandian hormones dahil nakakilala siya ng lalaking pasok sa taste niya? Hindi niya alam kung alin doon ang tama pero sa loob ng isang linggo, mukha ng lalaking iyon ang biglang pumapasok sa utak niya. Para siyang teenager na noon lang nakaramdam ng attraction sa isang lalaki.
“Pasaway ka talagang bata ka…” Hinawakan ni Marion ang ulo ng kaniyang anak at masuyong ginulo iyon. “Pero seryoso, Mister Abel… Mas magiging maganda para sayo kung susunod ka sa hinihiling ko sayo. Sa ngayon, walang ibang pwedeng makatulong sayo kundi ako. Baka mamaya nga, ang alam ng Boss mo, isa ka sa mga nabaril sa pier ngayon.” “Huwag po kayong mag-alala. Sigurado naman na mas mabait ang Mommy ko kaysa sa kanila…” makahulugang sambit ni EJ. Tumingin siya sa anak at pasimpleng kumindat dito. Ramdam niyang gustong iligtas ng bata ang lalaking tumulong sa kanila kaya ganoon na lamang ang ginagawa niyang pagkumbinsi rito. Kung siya lang ang masusunod, balewala lang sa team nila Francis kung sakali mang mawala ang lalaking iyon. Pero para kay EJ, handa siyang magbigay ng excemption para kay Abel. “Alam mo kasi… Hindi ko masasabing naging perpekto ang security team namin kaya nga nagawang ma-kidnap ng grupo niyo ang anak ko. Pero ngayon, ikaw na lang mag-i
Nawalan na ng lakas si Marion magreklamo nang bigla siyang makatulog. Hindi niya akalain na mararanasan niyang makainom ng tubig na may halong pampatulog kahit bottled water ang ibinigay sa kaniya. Sa pelikula lang kasi niya nakikita ang mga ganoon, ginagamitan ng injection ang takip nito para mapasukan ng gamot nang hindi mapapansin ng biktima. Nang magising siya, nakasakay na siya sa eroplano at may dalawampung minuto na lang bago bumaba ng Macau. Medyo groge pa siya pero pinilit niyang bumangon. Kung hindi dahil sa announcement ng piloto, hindi pa siya magigising. Pumunta siya sa banyo na naroon sa malapit at sinubukang mag-shower para tuluyang mawala ang kaniyang antok. “Ang walang hiyang Romeo na iyon… Isusumbong ko talaga siya sa Daddy ko!” asik ni Marion. Kung tutuusin, dapat siyang magpasalamat sa ginawa nito dahil iyon lang ang paraan para mapakalma niya ang kaniyang sarili noong mga oras na iyon. Dahil kung mauuna ang init ng ulo niya, baka tuluyang m
Katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa hanggang sa bahagyang humagikhik si Romeo mula sa kabilang linya. Masigla ang naging halakhak nito ngunit kaagad din itong tumigil at pilit na pinakalma ang sarili. “Miss Marion, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo ngayon pero… Hindi ko matatanggap kung ngayon ka pa mawawalan ng tiwala sa ‘kin –” “Shut up. Hindi ka magaling magsinungaling. Nahuli na kita…” Marahas na nagbuga ng hangin si Marion. “Iniisip ko noon na samin ng Daddy ko, ako talaga ang may tama sa utak. Pero ngayon… I changed my mind. Siya lang ang kilala ko na kayang sumugal nang ganito para lang makuha ang gusto niya.” “Miss Marion, alam mo –” “Gusto kong magtiwala sa mga plano niyo ni Daddy pero… Hindi niyo naman maiaalis sakin na matakot ako, ‘di ba? You’re practically saying na isugal ko ang buhay naming mag-ina rito.” Namumuo na ang patak ng luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Pinipilit niyang maging malakas. Pero sa bawat segundo na tum
“A-Anong sinasabi mo bata? Wala kong alam diyan.” Naging malikot ang mga mata ni Berto, halatang may itinatago ito. “Huwag mo nang alamin. Gawin mo na lang ang gusto ng boss namin para makuha na namin ang pera. Ayaw mo bang matapos na kaagad ang lahat ng ito para makauwi ka sa inyo?” Lumapit si Abel sa upuan ni EJ at tumayo ito sa likuran. “Berto, bilisan mo na!” “Oo na… Oo na… Ito na nga…” Nagmamadaling lumapit si Berto sa camera at simpleng pinindot ang ilang button. “Ayan! Okay na!” Muling tiningnan ni EJ ang papel bago tumingin sa lente ng camera. “Mom… Dad…” panimula niya. “Nanghihingi sila ng five hundred million pesos kapalit ko…” Kumunot ang noo ni Abel. “Basahin mo na lang kasi –” “Kaso Eomma… May mali ka sa parteng ito. May pangatlong version ang kwento. Mukhang mahihirapan ka sa pagkakataong ito.” “T-teka! Ano bang sinasabi mo? Sundin mo lang ang nakasulat sa papel! Ano ba!” Napakamot si Berto sa ulo nito. “Ang tigas talaga ng ulo m
Nang maramdaman ni EJ na unti-unting bumabagal ang takbo ng bangka, bigla siyang naging alerto. Hindi pa rin siya gumagalaw o nagpumiglas man lang. Alam niyang sasayangin lang niya ang kaniyang lakas dahil nasisiguro niyang nasa kung saan sila at mas malaki ang tsansa niyang mabuhay kung susundin lang niya ang sinasabi ng mga ito. “Buhay pa ba ito? Bakit hindi man lang gumigising?” tanong ng isa sa mga lalaki. Lumapit ang isa pang lalaki sa puwesto ni EJ at itinapat ang daliri nito sa ilong niya. Nang mapansin nito ang kaniyang paghinga, walang kaabog-abog siya nitong binuhat sa balikat nito. “Tara na, kanina pa tayo hinihintay ni Boss.” “Ang weird naman ng batang iyan. Hindi man lang siya sumisigaw o umiiyak. Normal ba iyan?” Napailing-iling pa ang lalaki na payat ang katawan. “Akala ko kasi magwawala siya kaya binusalan ko na rin. Pero mukhang balewala lang sa kaniya ang nangyayari.” Ngumisi ang lalaking kalbo at balbas-sarado na bumubuhat kay EJ mula s
Mabilis na kinuha ni Marion ang bag na iyon. Binasa niya ang nakasulat sa memo pad. Nakasulat doon ang pangalan ng isang private hotel sa isang isla. Unti-unting kumurba ang ngiti mula sa kaniyang mga labi. “Salamat… Salamat dito sa note na iniwan mo sa tablet niya.” Ibinigay niya ang tablet kay Francis. “M-Miss Marion… Isa itong private island malapit sa Palawan.” Ibinaba ni Francis ang baril nito. “Anong balak niyo, Miss?” “Anong pangalan mo?” tanong ni Marion sa lalaking hostage nila noong mga oras na iyon. “Nag-iwan ng mensahe si EJ pero kami lang ang makakabasa no’n dahil sinanay namin siya na matuto ng Hangul (South Korean alphabet). Kaya alam kong ikaw ang nag-iwan ng note sa tablet na nakasulat sa ingles.” Awtomatikong napatingin si Francis sa estranghero. Magaling kasi itong umarte na parang wala sa sarili. Bahagya pa itong nagta-tantrums para magmukhang makatotohanan na hindi talaga ito ganoon katalino. Kinabahan si Francis kaya muli nitong tinutukan
Hindi nakapagsalita ang mga kausap ni Marion dahil sa pagkabigla. Nakatitig lang ang mga ito sa kaniya, halatang hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi. Kahit ituring ng mga ito na isang biro ang mga salitang binitawan niya, hindi iyon nakakatawa. May kapangyarihan pa rin ang mga ito, lalo na sa mga lugar na sinasakupan ng mga ito. “Excuse me… Miss Viray,” si Mayor Enriquez ang unang nakabawi. “Baka nakakalimutan mo na hindi lang ikaw ang anak ng negosyante dito –” “Well, kung napapansin niyo, wala ako sa mood para makipagplastikan at i-filter ang mga sinasabi ko kaya didiretsahin ko na kayo… Maam/Sir.” Pilit na ngumiti si Marion. “Dahil sa hindi niyo pagsunod sa protocol ng security namin, nagkaroon ng isang insidente… Na sisiguruhin ko sa inyong magiging dahilan ng pagbagsak ng karera niyo sa pulitika kung hindi kayo makikipag-cooperate sakin.” “T-teka, Miss Marion. Narinig mo naman na siguro ang mga balita, di ba? Kailangan ko ng bodyguard na palaging kasama
“A-Ano?” Biglang bumalikwas ang mag-asawa nang marinig ang anak. Si Seojun ang unang tumayo at tinulungan si Marion na makabangon pero hindi nito tinanggal ang tingin kay Eclaire. “Paanong wala? Wala ba siya sa kwarto namin?” “Baka naman nasa banyo lang ang kapatid mo, o baka may hihiramin sa mga gamit mo kaya pumasok sa kwarto mo. Wala namang ibang pupuntahan iyon. At lalong hindi lalabas si EJ nang hindi kasama ang isa satin, alam mo naman na ayaw niyang nakikisalamuha sa ibang tao.” Nanginginig ang mga tuhod ni Marion. Hindi niya alam kung dahil iyon sa biglang pagtayo o dahil sa matinding takot na kaniyang nararamdaman. Napakamot si Eclaire sa buhok nito. “Mom! Dad! Hindi naman ako magsisisigaw dito kung nandiyan lang siya sa loob. Natural, tiningnan ko na ang banyo at lahat ng kwarto sa suite na ito pero wala siya. Bukod pa ro’n…” Tila may naalala ang dalaga at nagtatakbo papasok sa loob. Nagmamadaling sumunod sina Seojun at Marion. Dumiretso sila sa kuwar
“Salamat, hon. Mag-ingat kayo ni Ethan sa byahe… Ako na muna ang bahala rito.” Pinasadahan ni Marion ng mabilis na halik sa pisngi ang asawa. Iyon ang pinaka-gusto niya rito. Palagi itong rational mag-isip at tinitingnan ang mga bagay sa mas malawak na perspektibo. Pagkatapos ng mga laboratory tests na ginawa kay Peterson, dinala na ito sa VIP Suite ng ospital. Kailangan na lang nilang malaman ang sanhi ng pagsakit ng tiyan ng Daddy niya. Pero sa mga oras na iyon, nabigyan na ng pain reliever medicine si Peterson kaya kumalma na ito at nagsimulang makaramdam ng antok. “Bakit gising ka pa, Dad? Matulog ka na para bumalik ang lakas mo… Siguradong malalaman din natin ang laboratory results mo mamayang madaling araw,” untag ni Marion sa ama. Halata namang groge na ito sa gamot pero pilit pa rin nitong hinawakan ang manggas ng damit niya. “H-huwag mong hayaan na malaman ito ng iba, anak…” “I know, Dad. Huwag kang mag-alala. Nagpagawa na ko ng Non-Disclosure Agreement sa abogado natin. S