“Happy birthday, anak! Kailan ka mag-aasawa?” bungad ng nanay niya kahit kakagising niya lang. “Tumayo ka na riyan. Nagluto ako ng spaghetti para sa ‘yo.”
Iminulat ni Samantha ang mga mata niya habang nagmumura nang sunod-sunod na ipinababawal na mga salita sa kaniyang isipan. Dalawampu’t siyam na taon na siya ngayong araw. Walang asawa, walang boyfriend, walang manliligaw, at wala man lang siyang kalandian sa chat pero tinatanong siya ng nanay niya kung kailan siya mag-aasawa. Mas gusto niyang manood ng cat videos kaysa gumawa ng account sa dating apps, masama ba iyon?
“Talaga ba, ‘Nay? Iyan kaagad ang bungad niyo sa ‘kin?” Kinamot niya ang buhok niya sa likod at tamad na tamad na bumangon.
“Bakit kasi hindi ka pa mag-asawa? Ang tanda mo na kaya! Kita mo nga ‘yong kaklase mo noon na si Anne, buntis na sa pangatlong anak nila. Ikaw, hindi ka man lang maka-isa. Anong balak mo? Gusto mong bulukin ‘yang bahay-bata mo hanggang sa matuyot ka na lang? Mahirap tumanda nang mag-isa. Ikaw rin ang kawawa. Walang mag-aalaga sa iyo,” halos taon-taon, pare-parehas ang speech ng nanay niya kaya alam na ni Samantha kung ano ang sunod nitong sasabihin. “Ikaw na ang bahalang bumili ng ulam natin mamayang tanghali at hapunan. Malaki ka na kaya dapat ikaw na ang gumagastos sa handa mo.”
“Nanay naman, wala naman po kasi akong sinasabi na gusto kong maghanda --”
“Bibili ka ng paborito kong wamport na lechon sa Harry’s o papaluin kita nitong hawak kong tambo?” Ipinakita pa ng nanay niya ang s*****a nito kaya nawalan na siya ng lakas para magreklamo.
“Opo… Aalis na ko. Maliligo lang ako sandali.” Tumayo na si Samantha mula sa higaan niya at sinimulang ayusin ang pinaghigaan niya kung ayaw niyang mapalo ng tsinelas sa mukha kahit birthday niya.
“Bumili ka na rin ng cake saka ice cream para naman may makakain akong matamis mamaya,” request ng tatay niya na abalang naglalagay ng keso sa ibabaw ng spaghetti nito.
“Sus! Matamis? Paano kung tumaas na naman ang sugar niyo? Gusto niyo bang maturukan ng insulin sa tiyan araw-araw?” depensa ni Samantha. Umaandar na naman kasi ang pagiging kuripot niya.
“Minsan lang naman. Isang beses sa isang taon ka lang magbi-birthday at manlilibre. Dapat lang na may request kami ng nanay mo,” pamimilit ng tatay niya.
Lumabas na si Samantha ng kwarto niya para kunin ang tuwalya niya na nakasabit sa sampayan sa kusina. Pero nang ibigay sa kaniya ng tatay niya ang spaghetti na maraming keso sa ibabaw, napilitan siyang umupo sa lamesa para kumain. Bumili ng tinapay ang mga magulang niya na nilagyan ng margarine bilang palaman. Umupo rin ang mga magulang niya para samahan siyang kumain. Alam niyang kanina pa nag-almusal ang mga ito dahil alas-nueve na ng umaga sa orasan sa dingding pero hindi siya hinahayaan ng mga ito na kumain nang mag-isa.
Bunso si Samantha at mayroon siyang nakatatandang kapatid na lalaki na nagtatrabaho sa Maynila bilang foreman ng kakilala nilang engineer. Trenta anyos na ito nang mag-asawa at may tatlong taon na anak na babae na ngayon. Dahil maraming pangangailangan ang bata, maliit lang ang naipapadala nitong pera sa kanila. Ang mga magulang niya na sila Danny at Nora ay parehas nang senior citizen kaya naman may nakukuha na silang pension buwan-buwan. Si Samantha naman ay kumikita bilang manunulat sa isang publishing house. Kakapirma lang niya ng bagong kontrata para mailimbag ang libro niya sa South Korea at mailalathala iyon sa Hangul o alpabetiko ng South Korea.
Pagkatapos niyang kumain, inilagay na ni Samantha ang plato sa lababo. Kailangan na talaga niyang umalis dahil kapag naubusan siya ng tindang lechon, baka tsinelasin siya ng nanay niya sa mukha pagdating niya. Mawi-withdraw na niya ang kita niya mula sa bago niyang kontrata kaya maganda ang gising niya. Mabuti na rin na mabili niya ang pinapabili ng mga ito para hindi na muling buksan bilang topic ang lovelife niya.
Nang pumasok siya sa banyo, halos sumigaw siya ng masasamang mga salita dahil sa sobrang lamig ng tubig. Pero dahil wala siyang choice, kailangan niyang bilisan ang pagbubuhos nang matapos na kaagad ang paghihirap niya. Nagtapis siya ng tuwalya bago nag-sepilyo sa harap ng lababo sa loob pa rin ng banyo. May salamin doon kaya kitang-kita niya na nangingitim na naman ang bandang ilalim ng mga mata niya. Hindi ganoon kalaki ang kinikita niya bilang manunulat sa isang traditional publishing house kaya kailangan niyang magtrabaho bilang ghostwriter ng kung sino-sinong foreign client. Malaki ang bayad sa ganoon kaya wala siyang reklamo kahit hindi niya pangalan ang nakalagay sa mga iyon. Ang importante, bayad ang serbisyo niya.
Nang lumabas siya sa banyo, dumiretso na siya sa kwarto niya para magbihis. Dahil siguro matanda na siya kaya hindi na niya maramdaman ang excitement kapag birthday niya. Nagsuot si Samantha ng maong na short na ilang pulgada ang iksi mula sa tuhod, itim na tshirt na kasya ang isa pang tao dahil sa sobrang luwag, at pares ng tsinelas na medyo mamahalin naman ang tatak para naman hindi siya magmukhang basahan kapag lumabas siya. Cellphone, pera, at ATM card lang ang kailangan niya kaya wallet na kasya ang mga iyon ang gamit niya.
“Tatay, ‘Nay, alis na po ako,” paalam niya sa mga magulang kahit hindi pa siya tapos magsuklay ng kaniyang buhok.
“Bumili ka na rin ng grocery. Paubos na ang kape at mga sabon rito,” pahabol ng nanay niya.
Napabuntong-hininga na lang si Samantha. Siya ang nagwi-withdraw ng pera ng mga magulang kaya nasa kaniya ang ATM card ng mga ito. Iyon din ang rason kaya siya ang dapat bumili ng grocery, maintenance medicine, at pagkain nila para sa ilang araw. Minsan, may mga naglalako ng isda sa lugar nila kaya karne lang ang binibili niya palagi. Maraming ipinagbabawal na pagkain sa mga magulang niya pero matigas ang ulo ng mga ito. Mabuti na raw ang ma-stroke dahil sa lechon, hindi dahil sa gutom.
Umalis na siya ng bahay nila dahil lalo pa siyang tatanghaliin kapag hindi pa siya lumarga. Sumakay na siya ng jeep at sinadya niyang umupo sa tabi ng driver para hindi makipagsiksikan sa mga nasa loob. Payat na babae lang din naman ang katabi niya kaya hindi siya masyadong nasisikipan. Umandar na ang sasakyan at binagtas ang diretsong daan papunta sa bayan. Samantala, napunta naman sa side view mirror ang atensiyon ni Samantha. Kapansin-pansin na hindi niya masyadong kamukha ang mga magulang niya, kahit ang kuya niya. Alon-alon ang buhok niya na hanggang siko pero unat na unat ang buhok ng mga magulang nila. Katamtaman ang laki ng mga mata niya na may maiksing pilikmata na natural ang kurba pataas, kumpara sa kuya niya na mahaba at diretso ang pilikmata. Maliit at hindi masyadong katangusan ang ilong niya na palagi niyang pinipisil sa dulo noon para magaya sa tatay niya. Kahit ang mga labi niya na bahagyang manipis sa ibabaw, ginusto niyang maging makapal iyon kagaya sa nanay niya. Hindi lang niya sinasabi sa pamilya niya pero matagal na niyang insecurity iyon… Gusto niyang itanong kung ampon lang ba siya. Pero dahil malabong mangyari iyon dahil hindi naman siya isang bida sa pelikula o nobela, pilit niyang kinalimutan ang iniisip niya… Na baka ampon siya.
Dalawampung minutong byahe sa jeep ang kinailangan para makapunta siya sa palengke. Pagdating roon, mabilis siyang bumili ng lechon na nire-request ng nanay niya. Pagkatapos, karne ng baka, baboy, at manok naman ang sinunod niya. Bumili na rin siya ng mga sibuyas at kung ano-anong sahog sa mga binili niya. Grocery, bakeshop at ice cream shop -- iyon ang mga pinuntahan ni Samantha kaya naman nang tingnan niya ang oras at makitang alas-diyes y’ medya na ng umaga, hindi na siya nagtaka kung bakit pagod na pagod na siya kakaikot.
“Grabe… Pagod na nga ako, ang laki pa ng ginastos ko.” Sa sobrang mahal ng mga bilihin, nalagas kaagad ang mahigit tatlong libo mula sa sinahod niya samantalang wala pa siyang nabibili para sa sarili niya. Tatlong malalaking plastic bag at kahon ng cake ang bitbit niya kaya halos hindi na siya makahagulapay.
Pumunta na siya sa terminal ng jeep upang makasakay. Halos kalahati pa lang ang mga pasahero na naroon. Pero dahil sa sobrang dami ng dala niya, siningil siya ng dobleng pamasahe. Dahil sa pagod at pagkainip, pumayag na lang siya para tapos na. Makalipas ang limang minuto, napuno na ang sasakyan at umalis na. Karamihan sa mga kasabayan niya ay galing din mula sa pamamalengke kaya sanay na siya sa ganoong eksena. Halos wala kang mapaglagyan ng mga paa at binti mo dahil puro sako at kahon ang nasa gitna.
“Manong, para po!” Bahagyang tinuktok ni Samantha ang kahoy na kisame ng jeep. Biglaan ang naging pagtapak ng drayber sa preno kaya halos magpalitan sila ng pwesto sa loob. Nasa bandang gitna ang upuan niya kaya halos madapa siya habang naglalakad sa gilid.
Sinalubong naman siya ng tatay niya na naghihintay pala sa kanto. Nakalimutan niyang mag-text para magpasundo pero awtomatiko pa rin siyang sinundo ng ama. “Akin na itong kahon ng cake, baka matapon mo pa.” Iyon talaga ang unang kinuha ng tatay niya.
“Salamat po. Kanina pa po ba kayo rito?” Alam naman niya na cake at ice cream talaga ang sinundo ng tatay niya pero nagpatay-malisya na lang siya.
“Hindi. Kakarating ko lang, anak. Bilisan na natin, alas-onse na. Tanghali na. Dapat kasi gumising ka nang maaga para mamalengke,” hindi pa sila nakakauwi sa bahay nila pero pinapagalitan na si Samantha ng tatay niya.
“Sorry na po… Ilalagay ko na kaagad sa freezer itong binili kong ice cream. Binili ko pa naman ang paborito niyong flavor, ube ice cream.”
Tila nagliwanag ang mga mata ng matanda. “Talaga ba, anak? Salamat, ha.” Lalong ginanahan si Danny kaya pinagbuksan pa niya ng gate ang anak.
“Nay, nandito na po ako,” anunsiyo niya.
Kinuha ni Samantha ang ice cream sa plastic at inilagay sa freezer. Mabilis naman na kinalkal ng Nanay Nora niya ang mga pinamili niya para ihiwalay ang mga karne. Nakahain na ang tanghalian nila, pritong manok, kaya inilagay na ni Danny ang cake sa ibabaw ng lamesa. Umupo naman si Samantha sa harap ng lamesa. Nagsalin siya ng tubig sa baso at uminom muna nang biglang may kumatok sa pintuan nila.
“Sino iyon? May bisita ba tayo?” tanong ni Samantha sa mga magulang niya. “Uuwi raw ba ngayon si kuya?”
“Wala naman siyang sinabi. Tingnan mo na lang Sam, baka mamaya magbibigay lang ng electric bill. Hindi pa kasi nadating,” utos ng nanay niya.
Namimintig na ang mga hita at binti ni Samantha pero wala siyang magagawa. Abala sa pagtatanggal ng kahon ng cake ang tatay niya kaya siya na lang ang tumayo. Hindi tumitigil ang bisita nila sa pagkatok kaya naiirita na siya. Nang buksan niya ang pinto, tatarayan niya sana ‘yong taong dumating pero nang mapansin niyang hindi niya kilala ang lalaki sa harapan niya at may kasama pa itong apat na lalaki; nawala ang lahat ng katarayan niya.
“Sino po sila?” tanong niya, baka kasi naliligaw lang ang mga ito sa lugar nila.
“Ikaw ba si Samantha Reyes?” tanong din ang isinagot sa kaniya ng lalaki. “My name is Peterson Viray, your biological father.”
“Po?” Tiningnan ni Sam ang bisita nila mula ulo hanggang paa. Nakasuot ito ng mamahaling suit at may apat na lalaking may malalaking katawan sa likod nito na halatang mga bodyguards nito. Pero ang nakatawag ng pansin sa kaniya ay ang alon-alon at mamula-mulang kulay ng buhok nito kagaya ng sa kaniya. “Sam, sino ba iyan?” tanong ng tatay niya na sumilip na rin sa pinto. “Sino po sila?” “Ako po si Peterson Viray. Ako po ang biological father ng anak niyo.” Kinuha ng lalaking nagngangalang Peterson ang papel mula sa lalaking nasa gawing kanan nito at ipinakita iyon sa kanilang mag-ama. “Nandito po ang paternity test na ipinagawa ko para masigurong nahanap ko na ang anak ko na si Marion, I mean, Sa
Muling nilingon ni Peterson ang kaniyang anak bago siya tuluyang lumabas ng pintuan ng bahay ng mga ito. Katamtaman ang laki ng bahay ng mga Reyes at mukhang hindi naman naghihirap ang mga ito kaya bahagya siyang nakahinga nang maluwag. Mabilis naman ang pagkilos ng mga bodyguards niya para lumapit sa kaniya. “Tara na, babalik na tayo sa opisina,” utos niya sa mga ito. Pinagbuksan siya ng pintuan ng isa sa mga bodyguard niya kaya umakyat na lang si Peterson sa sasakyan. Dahil siya ang CEO ng pinakamalaking bangko sa Pilipinas, nag-iingat rin siya kaya naman palagi siyang may kasamang mga bodyguard. Dahil nasa ma-taong lugar at maraming kabahayan ang pinuntahan nila, kinailangan niyang umalis rin kaagad dahil masyadong malaki ang sasaky
Araw na ng sabado, dalawang araw pagkatapos ng kaarawan ni Samantha, saka lang nakauwi ang kaniyang kapatid mula sa Maynila. Hindi kasi pwedeng basta na lamang umalis ang kaniyang kuya sa trabaho nito dahil inaasahan din ito ng kanilang engineer sa paghawak ng mga trabahador sa construction site. Ngunit dahil sa tanong na hindi pa rin nila masagot, pare-parehas silang hindi mapalagay. Walang gustong magbukas ng topic tungkol sa paternity test kaya naglakas-loob si Samantha na magsalita. “Ang mabuti pa… Ako na lang ang tatawag kay Mr. Viray. Mas maganda kung malalaman natin ang totoo sa lalong madaling panahon, ‘di ba?” “Sigurado ka na ba sa desisyon mo?” tanong ng kaniyang Kuya Tyron. “Oo nga, Sam…
Muling namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Dahil hindi naman ganoon kalaki ang laboratory center, naririnig ng iba sa mga naroon ang pinag-uusapan nila. Nakatingin ang mga ito kay Samantha na para bang nanonood ng pelikula sa totoong buhay. Samantala, ramdam ni Samantha ang mainit na haplos ng kaniyang ina sa kaniyang likod. Inaasahan na niya ang maluha-luhang ekspresyon ng kaniyang mga magulang pero ngayon na hindi na maitago ng mga ito ang kalungkutan, lalo siyang hindi makapag-desisyon. “Bakit hindi tayo mag-usap sa bahay niyo?” suhestiyon ni Peterson. Naririnig nila ang alingasngas mula sa mga nagtsitsismisan sa kanilang tabi kaya naman mabilis na pumayag ang pamilya Reyes sa suhestiyon nito. Naunang sumakay si Peterson sa sasakyan at inimbitahan ang
“Mukhang mataas ang kumpiyansa mo na gagawin ko ang lahat ng gusto mong hilingin. Paano kung ayoko?” Gustong makipagnegosasyon ni Peterson dahil kinakabahan siya sa mga posibleng hilingin ni Marion sa kaniya. Sa lahat ng mga gustong ibigay nito sa mga magulang na nag-alaga rito, halos naging doble na ang presyo ng mga iyon kumpara sa nauna niyang sinabi na tatlumpung milyon. “Bakit? May pagpipilian pa po ba kayo? Matanda na ko, hindi na ko menor de edad kaya nasa akin na lang iyon kung kikilalanin ko kayong ama, hindi po ba?” naroon ang paggalang ngunit ramdam niya na alam ni Marion kung ano-ano ang mga barahang hawak nito na pwedeng ipanlaban sa kaniya. Marahas na bumuga ng hangin si Peterson. Nag-uumpisa pa lang ang negosasyon pero ramdam na niya kaagad ang pagkabig
Nagulat si Peterson sa sinabi ng kaniyang anak pero imbes na magalit, nakaramdam siya ng kakaibang tuwa. “Mukhang napalagay na kaagad ang loob mo sa ‘kin dahil sinasabi mo na sa akin kung ano ba talagang iniisip mo kahit sandali pa lang tayong magkasama.” Nagpakawala ng buntong-hininga si Marion at tumingin sa labas ng bintana. Ang sigla at saya na ipinapakita niya kanina ay naghalong parang bula. “Alam ko naman na kapag sumama ako sa inyo, siguradong magiging kumplikado lang ang buhay ko. Pero kung iisipin ko rin namang mabuti, maibibigay niyo sa ‘kin nang walang kahirap-hirap ang yaman na hindi ko kayang kitain sa buong buhay ko. Nakakalungkot naman kung hindi ko matitikman iyon, ‘ di ba? At isa pa… Baka ito na ang pagkakataon para magkaroon naman ng excitement sa buhay ko.” Muling ngumiti si Marion.
Tila isang bata na noon lang nakakita ng laruan ang itsura ni Marion. Sa mga pelikula, nobela, at webtoon niya lang nakikita ang mga ganoong klase ng credit card. Daang-libo kasi ang kailangan na maintaining balance sa mga ganoong klase ng card. Isang paalala iyon mula sa kaniyang ama na kahit magkano ang gastusin niya, hindi basta-basta mauubos ang pera nito. Mabilis niyang inilagay sa kaniyang bulsa ang credit card dahil ayaw niyang magbago pa ang isip nito. Ngumiti siya at malambing ang kaniyang tinig, “Ingat po kayo, Dad.” Natawa naman si Peterson sa reaksyon niya at marahan nitong hinaplos ang kaniyang buhok. “Anak, ito ang tatandaan mo. Simula ngayon, ikaw na si Marion Jade Viray, ang nag-iisang tagapagmana ng may-ari ng FD Bank. Know your worth,” makahulugan nitong sabi.
“Teka… Bakit pati ‘yong mga jacket na mukhang hindi ko naman magagamit dahil wala namang winter sa Pilipinas, binili mo?” bulong ni Marion kay Emily. Pero ang totoo, nalulula siya sa presyo ng kabuuang halaga ng mga pinamili niya. Ilang bahay at lupa na ba ang mabibili ng mga iyon? “Miss, mabuti na pong handa ang wardrobe niyo kung sakali mang maisipan ni Sir Peterson na magbakasyon kayo sa ibang bansa. Setyembre na ngayon, malapit na ang mga holidays kaya dapat lang na naka-prepara kayo,” magalang na sagot ng kasambahay. “Ganoon ba ‘yon?” Bahagyang tumango-tango lang si Marion at bahagyang nakaramdam ng excitement dahil sa posibilidad na maranasan niyang magbakasyon sa ibang bansa.
Nawalan na ng lakas si Marion magreklamo nang bigla siyang makatulog. Hindi niya akalain na mararanasan niyang makainom ng tubig na may halong pampatulog kahit bottled water ang ibinigay sa kaniya. Sa pelikula lang kasi niya nakikita ang mga ganoon, ginagamitan ng injection ang takip nito para mapasukan ng gamot nang hindi mapapansin ng biktima. Nang magising siya, nakasakay na siya sa eroplano at may dalawampung minuto na lang bago bumaba ng Macau. Medyo groge pa siya pero pinilit niyang bumangon. Kung hindi dahil sa announcement ng piloto, hindi pa siya magigising. Pumunta siya sa banyo na naroon sa malapit at sinubukang mag-shower para tuluyang mawala ang kaniyang antok. “Ang walang hiyang Romeo na iyon… Isusumbong ko talaga siya sa Daddy ko!” asik ni Marion. Kung tutuusin, dapat siyang magpasalamat sa ginawa nito dahil iyon lang ang paraan para mapakalma niya ang kaniyang sarili noong mga oras na iyon. Dahil kung mauuna ang init ng ulo niya, baka tuluyang m
Katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa hanggang sa bahagyang humagikhik si Romeo mula sa kabilang linya. Masigla ang naging halakhak nito ngunit kaagad din itong tumigil at pilit na pinakalma ang sarili. “Miss Marion, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo ngayon pero… Hindi ko matatanggap kung ngayon ka pa mawawalan ng tiwala sa ‘kin –” “Shut up. Hindi ka magaling magsinungaling. Nahuli na kita…” Marahas na nagbuga ng hangin si Marion. “Iniisip ko noon na samin ng Daddy ko, ako talaga ang may tama sa utak. Pero ngayon… I changed my mind. Siya lang ang kilala ko na kayang sumugal nang ganito para lang makuha ang gusto niya.” “Miss Marion, alam mo –” “Gusto kong magtiwala sa mga plano niyo ni Daddy pero… Hindi niyo naman maiaalis sakin na matakot ako, ‘di ba? You’re practically saying na isugal ko ang buhay naming mag-ina rito.” Namumuo na ang patak ng luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Pinipilit niyang maging malakas. Pero sa bawat segundo na tum
“A-Anong sinasabi mo bata? Wala kong alam diyan.” Naging malikot ang mga mata ni Berto, halatang may itinatago ito. “Huwag mo nang alamin. Gawin mo na lang ang gusto ng boss namin para makuha na namin ang pera. Ayaw mo bang matapos na kaagad ang lahat ng ito para makauwi ka sa inyo?” Lumapit si Abel sa upuan ni EJ at tumayo ito sa likuran. “Berto, bilisan mo na!” “Oo na… Oo na… Ito na nga…” Nagmamadaling lumapit si Berto sa camera at simpleng pinindot ang ilang button. “Ayan! Okay na!” Muling tiningnan ni EJ ang papel bago tumingin sa lente ng camera. “Mom… Dad…” panimula niya. “Nanghihingi sila ng five hundred million pesos kapalit ko…” Kumunot ang noo ni Abel. “Basahin mo na lang kasi –” “Kaso Eomma… May mali ka sa parteng ito. May pangatlong version ang kwento. Mukhang mahihirapan ka sa pagkakataong ito.” “T-teka! Ano bang sinasabi mo? Sundin mo lang ang nakasulat sa papel! Ano ba!” Napakamot si Berto sa ulo nito. “Ang tigas talaga ng ulo m
Nang maramdaman ni EJ na unti-unting bumabagal ang takbo ng bangka, bigla siyang naging alerto. Hindi pa rin siya gumagalaw o nagpumiglas man lang. Alam niyang sasayangin lang niya ang kaniyang lakas dahil nasisiguro niyang nasa kung saan sila at mas malaki ang tsansa niyang mabuhay kung susundin lang niya ang sinasabi ng mga ito. “Buhay pa ba ito? Bakit hindi man lang gumigising?” tanong ng isa sa mga lalaki. Lumapit ang isa pang lalaki sa puwesto ni EJ at itinapat ang daliri nito sa ilong niya. Nang mapansin nito ang kaniyang paghinga, walang kaabog-abog siya nitong binuhat sa balikat nito. “Tara na, kanina pa tayo hinihintay ni Boss.” “Ang weird naman ng batang iyan. Hindi man lang siya sumisigaw o umiiyak. Normal ba iyan?” Napailing-iling pa ang lalaki na payat ang katawan. “Akala ko kasi magwawala siya kaya binusalan ko na rin. Pero mukhang balewala lang sa kaniya ang nangyayari.” Ngumisi ang lalaking kalbo at balbas-sarado na bumubuhat kay EJ mula s
Mabilis na kinuha ni Marion ang bag na iyon. Binasa niya ang nakasulat sa memo pad. Nakasulat doon ang pangalan ng isang private hotel sa isang isla. Unti-unting kumurba ang ngiti mula sa kaniyang mga labi. “Salamat… Salamat dito sa note na iniwan mo sa tablet niya.” Ibinigay niya ang tablet kay Francis. “M-Miss Marion… Isa itong private island malapit sa Palawan.” Ibinaba ni Francis ang baril nito. “Anong balak niyo, Miss?” “Anong pangalan mo?” tanong ni Marion sa lalaking hostage nila noong mga oras na iyon. “Nag-iwan ng mensahe si EJ pero kami lang ang makakabasa no’n dahil sinanay namin siya na matuto ng Hangul (South Korean alphabet). Kaya alam kong ikaw ang nag-iwan ng note sa tablet na nakasulat sa ingles.” Awtomatikong napatingin si Francis sa estranghero. Magaling kasi itong umarte na parang wala sa sarili. Bahagya pa itong nagta-tantrums para magmukhang makatotohanan na hindi talaga ito ganoon katalino. Kinabahan si Francis kaya muli nitong tinutukan
Hindi nakapagsalita ang mga kausap ni Marion dahil sa pagkabigla. Nakatitig lang ang mga ito sa kaniya, halatang hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi. Kahit ituring ng mga ito na isang biro ang mga salitang binitawan niya, hindi iyon nakakatawa. May kapangyarihan pa rin ang mga ito, lalo na sa mga lugar na sinasakupan ng mga ito. “Excuse me… Miss Viray,” si Mayor Enriquez ang unang nakabawi. “Baka nakakalimutan mo na hindi lang ikaw ang anak ng negosyante dito –” “Well, kung napapansin niyo, wala ako sa mood para makipagplastikan at i-filter ang mga sinasabi ko kaya didiretsahin ko na kayo… Maam/Sir.” Pilit na ngumiti si Marion. “Dahil sa hindi niyo pagsunod sa protocol ng security namin, nagkaroon ng isang insidente… Na sisiguruhin ko sa inyong magiging dahilan ng pagbagsak ng karera niyo sa pulitika kung hindi kayo makikipag-cooperate sakin.” “T-teka, Miss Marion. Narinig mo naman na siguro ang mga balita, di ba? Kailangan ko ng bodyguard na palaging kasama
“A-Ano?” Biglang bumalikwas ang mag-asawa nang marinig ang anak. Si Seojun ang unang tumayo at tinulungan si Marion na makabangon pero hindi nito tinanggal ang tingin kay Eclaire. “Paanong wala? Wala ba siya sa kwarto namin?” “Baka naman nasa banyo lang ang kapatid mo, o baka may hihiramin sa mga gamit mo kaya pumasok sa kwarto mo. Wala namang ibang pupuntahan iyon. At lalong hindi lalabas si EJ nang hindi kasama ang isa satin, alam mo naman na ayaw niyang nakikisalamuha sa ibang tao.” Nanginginig ang mga tuhod ni Marion. Hindi niya alam kung dahil iyon sa biglang pagtayo o dahil sa matinding takot na kaniyang nararamdaman. Napakamot si Eclaire sa buhok nito. “Mom! Dad! Hindi naman ako magsisisigaw dito kung nandiyan lang siya sa loob. Natural, tiningnan ko na ang banyo at lahat ng kwarto sa suite na ito pero wala siya. Bukod pa ro’n…” Tila may naalala ang dalaga at nagtatakbo papasok sa loob. Nagmamadaling sumunod sina Seojun at Marion. Dumiretso sila sa kuwar
“Salamat, hon. Mag-ingat kayo ni Ethan sa byahe… Ako na muna ang bahala rito.” Pinasadahan ni Marion ng mabilis na halik sa pisngi ang asawa. Iyon ang pinaka-gusto niya rito. Palagi itong rational mag-isip at tinitingnan ang mga bagay sa mas malawak na perspektibo. Pagkatapos ng mga laboratory tests na ginawa kay Peterson, dinala na ito sa VIP Suite ng ospital. Kailangan na lang nilang malaman ang sanhi ng pagsakit ng tiyan ng Daddy niya. Pero sa mga oras na iyon, nabigyan na ng pain reliever medicine si Peterson kaya kumalma na ito at nagsimulang makaramdam ng antok. “Bakit gising ka pa, Dad? Matulog ka na para bumalik ang lakas mo… Siguradong malalaman din natin ang laboratory results mo mamayang madaling araw,” untag ni Marion sa ama. Halata namang groge na ito sa gamot pero pilit pa rin nitong hinawakan ang manggas ng damit niya. “H-huwag mong hayaan na malaman ito ng iba, anak…” “I know, Dad. Huwag kang mag-alala. Nagpagawa na ko ng Non-Disclosure Agreement sa abogado natin. S
Masaya siya… Hindi, mas tamang sabihin na matagal niyang ipinagdasal na muli silang magkita at makasama nang matagal si Kenneth. Sa tuwing nagbabakasyon siya sa South Korea, palagi itong abala sa trabaho at pag-aaral nito. Halos hindi sila nagkikita, maliban na lang kung magpupuyat siya kakahintay sa binata. Night classes ang kinuha nito dahil halos gawin nang full time ni Kenneth ang trabaho nito. Gusto raw kasi nitong makaipon kaagad para sa pamilya nito – lalo na para sa Mama nito. Pagkatapos ng tatlong taon, nangyari ang kagustuhan ng binata na makauwi na sa South Korea ang nanay nito. Sa kabilang banda, ayaw niyang maramdaman na napag-iiwanan siya kaya kung ano-anong online courses para madagdagan ang kaalaman niya. Gusto sana niyang maging businesswoman, iyon ang orihinal niyang pangarap dahil gusto niyang yumaman. Pero noong minsan na mag-isa siya sa kaniyang silid, nakita na lang niya ang kanyang sarili na nagtitipa ng mga letra sa laptop niya. Humahabi ng maikling