Sinikap ni Seojun na ialis sa kaniyang isipan ang mga problemang kailangan niyang alalahanin ngunit hindi niya magawa. Kung tutuusin, mabigat na trabaho ang pagbubuhat at paghila ng banye-banyerang mga isda. Siya na rin ang naglalagay ng yelo sa mga iyon upang manatili itong sariwa at siya na rin ang nagdadala sa puwesto ng mga tindera. Pagdating ng alas-sais ng umaga, magpapahinga na ang mga kagaya niyang kargador ng isda at mag-aalmusal muna sandali. Kapag nabusog na, didiretso siya sa stall ng kaniyang ina upang magtinda. Kung naroon siya, kahit paano, mababawasan ang problema nito. Hindi na kakailanganin pang kumuha ng katulong. Pero ngayon na wala ang kaniyang ina, siya ang kailangan magbantay sa puwestong iyon. Dahil wala siyang kasama, wala rin siyang kapalitan kung sakali man na gusto niyang kumain. Masuwerte pa rin dahil may mga k
Read more