Sinikap ni Seojun na ialis sa kaniyang isipan ang mga problemang kailangan niyang alalahanin ngunit hindi niya magawa. Kung tutuusin, mabigat na trabaho ang pagbubuhat at paghila ng banye-banyerang mga isda. Siya na rin ang naglalagay ng yelo sa mga iyon upang manatili itong sariwa at siya na rin ang nagdadala sa puwesto ng mga tindera.
Pagdating ng alas-sais ng umaga, magpapahinga na ang mga kagaya niyang kargador ng isda at mag-aalmusal muna sandali. Kapag nabusog na, didiretso siya sa stall ng kaniyang ina upang magtinda. Kung naroon siya, kahit paano, mababawasan ang problema nito. Hindi na kakailanganin pang kumuha ng katulong. Pero ngayon na wala ang kaniyang ina, siya ang kailangan magbantay sa puwestong iyon.
Dahil wala siyang kasama, wala rin siyang kapalitan kung sakali man na gusto niyang kumain. Masuwerte pa rin dahil may mga k
Hello! Hindi ko alam kung anong mayroon ngayon sa Globe pero sobrang bagal ng internet. Nahihirapan akong mag-upload ng chapter. Anyway, mag-ingat po ang lahat, lalo na ang magbabakasyon ngayong holy week. God bless po.
Nagsimulang kumuha ng kanin si Marion sa rice cooker at inilagay iyon sa malapad na bandehado. Nauna niyang isinalang ang kanin bago magluto ng ulam pero mainit-init pa rin naman ang kanin. Inilagay niya iyon sa lamesa na kasya sa anim na tao ang puwedeng umupo. “Why? Aren’t you hungry?” “Yes… I am… hungry,” pag-amin ni Seojun. “Great! Then, get up there, and eat with me.” Naglagay din siya ng ulam sa bowl at ng serving spoon. Kumuha na rin siya ng mga baso at kubyertos na gagamitin nila at inayos sa ginawa niyang set ng mga plato at placemats. Nahihiya pa si Seojun at halos hindi ito lumalapit s
Bahagyang nagulat si Seojun sa tanong ni Marion. Base sa mga ngiti nito, sinong mag-aakala na hindi sincere ang mga salitang binitiwan nito? Pero sa sitwasyon niya, hindi niya kailangan intindihin ang magiging resulta ng desisyon niya. Ang importante, maipapagamot na niya ang kaniyang ina at pera panggastos sa gamot nito at iba pang gastusin. “Yes?” tila hindi rin siya sigurado sa sagot niya. “Ano nga pala ang plano mo?” “Well… Kailangan ko munang ihanda ang pera, pati na rin ang kontrata na kailangan mong pirmahan. Pwede ka nang magpa-schedule para sa operasyon ng nanay mo. Teka… May nakalimutan pa ba ko?” “Paano… Paano ang magiging kasal natin?” kakaiba sa pandinig niya ang mga salitang iyon na para bang hindi niya akalain na kasama pala iyon sa bokabularyo niya.
Nang makaalis si Seojun sa unit niya, naghugas muna ng plato at mga ginamit sa pagluluto si Marion. Ayaw niyang hayaan na nakatambak ang mga iyon dahil baka magkaroon ng ipis ang unit niya. Bukod sa takot siya sa lumilipad na ipis, ayaw niya rin sa mga nakakadiring bagay na maaaring mabuo kapag hindi siya naglinis ng condo niya. Nagpupunas siya ng kamay nang maalalang tawagan ang pinaka-importanteng tao sa lahat ng kaniyang plano. Kinuha niya ang cellphone niya na nasa ibabaw ng breakfast nook at nagsimulang mag-dial ng numero. Itinapat niya ang speaker sa tenga niya at hinintay na mag-ring iyon. Hindi naman siya naghintay nang matagal dahil sinagot din iyon ng kabilang linya. “Dad? Hello?” Sa tantiya ni Marion, alas-sais kinse pa lang ng gabi sa Pilipinas. Kung hindi masyadong ma-traffic, nakauwi na dapat ang Dad
Lumaki ang buka ng mga labi ni Eclaire dahil sa narinig nito. “Ano? Seryoso ba kayo?” Tumango-tango si Seojun. “Oo. Sa totoo lang, sa kaniya ako nanggaling bago ako pumunta rito sa ospital. Wala na kong ibang pwedeng malapitan. Alam mo namang marami na tayong utang sa mga kakilala natin at wala na silang maipapahiram sa ‘tin.” “Ano naman ang kapalit? Hindi ako naniniwalang bibigyan niya kayo ng ganoon kalaking halaga dahil lang sa gusto niya –” “Naalala mo ‘yong pinagbubulungan namin noong una tayong pumunta sa unit niya?” Gustong ipaalala ni Seojun sa anak na ito ang rason kung bakit sila nagkaroon ng koneksyon ni Marion. “Ang alam mo siguro… ordinaryong trabaho lang ang kailang
Pagkatapos maglinis ni Marion ng mga pinagkainan niya, pumasok na siya ulit sa kaniyang silid. Kailangan pa niyang tapusin ang dalawang huling kabanata ng kaniyang manuscript, pati na ang epilogue. Balak niyang ipasa iyon sa kaniyang editor sa mismong araw na iyon kaya binuksan na niya ang kaniyang laptop at nagsimulang mag-tipa ng mga letra sa keyboard. Kapag nagsusulat siya, tila napupunta sa ibang dimensyon ang utak niya habang nakatingin sa screen ng laptop. Ang mga dialogue at narasyon ay mabilis na lumalabas sa kaniya na para bang isang makina na naka-automatic ang setting. Gusto na niyang matapos ang paghihirap niya kaya mainam nang mawala na iyon sa paningin niya. Kung tutuusin, sa dami ng nakilala niyang nagsusulat ng romance na genre, may pagkakaparehas ang mga ito na madaling mahala – single ang mga writers na nagsusulat ng romance. Sumpa man iyon o conspiracy ng universe, pero sa walong taon niyang pagsusulat, bilang na bilang sa isang kamay ang nagkaroo
Hindi kaagad nakapagsalita si Seojun sa tanong ni Marion. Nakatingin kasi aiya kay Andrew na halatang hindi kaagad napansin na may ibang tao bukod sa dalaga. Bahagya itong yumukod biglang pagpapakita ng paggalang at nanatili sa kaniya ang atensyon ng lahat – si Marion, Andrew, at Eclaire ay naghihintay ng sagot niya. “O-Oo. Kumuha ako ng lisensya para makapagtrabaho ako noon na delivery rider sa dati kong pinagtatrabahuhan na chicken restaurant.” Lumapad ang ngiti ni Marion. “Great! Ikaw ang magmamaneho ng kotse.” Walang kaabog-abog na ibinato ng dalaga sa gawi niya ang kotse. Base sa logo na nakalagay roon at modelo na nabanggit ni Andrew, isang luxury car iyon na bagong labas lang sa taong iyon. “Hindi pa ko sanay magmaneho saka wala naman akong driver’s license para magamit sa South Korea kaya kailangan ko ng marunong magmaneho.” “Teka… May pupuntahan po ba tayo?” hindi mapigilang itanong ni Eclaire. “Yes. Kailangan nating bumili ng mga gagamit
Dalawang single-size bed, dalawang kabinet, isang partition wall na may disenyong Japanese bamboo at cherry blossom, pati na rin study table at swivel chair para magamit ni Eclaire sa pag-aaral; iyon ang lahat ng nabili ni Marion para sa mag-ama. Halos mahigit isang oras silang naglalakad dahil tinitingnan niya ang lahat ng available na kulay at disenyo na mayroon sa furniture section ng mall. Pero dahil sa matagal niyang pagpili, mukhang doble na ang nararamdamang pagod ng mga kasama niya. Kumain silang tatlo sa isang western-style restaurant na nagsi-serve ng mga steak. Kung tutuusin, hindi pasok sa dress code ng lugar ang suot ng mag-ama pero dahil na rin sa namumutiktik sa diamond niyang pulseras, hindi naging problema ang pagbibigay sa kanila ng lamesa. Ramdam niya ang pagkailang mula sa dalawa. “Sorry… Hindi pa kasi ako sanay sa mga Korean dishes kaya dito ko kayo dinala. Ayos lang ba?” tanong niya kahit alam niyang wala nang magagawa ang mga ito.
Hindi alam ni Seojun kung paano magre-react sa sinabi ng dalaga. Nagulat siya nang bigla itong manampal dahil mukhang hindi naman ito ‘yong tipo na marunong manakit. Mukhang naiirita lang talaga ito kanina kaya nagawa iyon. Pero dahil sa naging reaksyon nito, nabuhayan nang kaunti ang loob niya. At least… Kahit hindi totoo ang relasyon nila, handa siyang ipagtanggol nito. Ngunit nang sambitin nito ang tungkol sa kaniyang itsura, nakaramdam siya ng hiya… Hindi iyon ang unang beses na pinuri nito ang pisikal niyang itsura pero… iba ang dating nito sa kaniya ngayon. “Dad… Bakit bigla kayong tumahimik? Iniisip niyo pa rin ba ‘yong sinabi no’ng lalaking iyon?” may himig ng pag-aalala ang boses ni Eclaire. Umiling-iling siya. “Balewala sa ‘kin iyon. Sinanay ko na lang ang sarili ko sa mga sinasabi niya – kahit noon pa. Alam mo kasi, parehas kaming walang tatay kaya naisip ko noon na magkakasundo kami. Iyon nga lang, sobrang layo kasi ng estado ng mga buhay namin.