Share

Chapter 34

Dalawang single-size bed, dalawang kabinet, isang partition wall na may disenyong Japanese bamboo at cherry blossom, pati na rin study table at swivel chair para magamit ni Eclaire sa pag-aaral; iyon ang lahat ng nabili ni Marion para sa mag-ama. Halos mahigit isang oras silang naglalakad dahil tinitingnan niya ang lahat ng available na kulay at disenyo na mayroon sa furniture section ng mall. Pero dahil sa matagal niyang pagpili, mukhang doble na ang nararamdamang pagod ng mga kasama niya.

Kumain silang tatlo sa isang western-style restaurant na nagsi-serve ng mga steak. Kung tutuusin, hindi pasok sa dress code ng lugar ang suot ng mag-ama pero dahil na rin sa namumutiktik sa diamond niyang pulseras, hindi naging problema ang pagbibigay sa kanila ng lamesa. Ramdam niya ang pagkailang mula sa dalawa.

“Sorry… Hindi pa kasi ako sanay sa mga Korean dishes kaya dito ko kayo dinala. Ayos lang ba?” tanong niya kahit alam niyang wala nang magagawa ang mga ito.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status